Chapter 5
Ylan's POV
Tahimik akong nakatitig sa kisame habang nakabulagta ako rito sa kama ko. Tumingin ako sa alarm clock ko. Hinihintay ko ang pagtunog nito. Naunahan ko pa 'tong gumising sa sobrang aga ko. Muli kong itinuon ang atensiyon ko sa kisame.
Muling naglaro ang mga alaala ko kagabi. Dapat masaya ako dahil itutuloy nila ang kasal namin ni Yna pero hindi. Hindi ako masaya... Ang weird!
"Is this means... I finally moved on?" Kumunot-noo ako.
Huminga ako nang malalim bago bumangon. Mabilis akong gumayak para maagang makapasok sa school. Parang gusto ko lang pumasok nang maaga ngayon.
Gusto mo lang umalis para 'di mo maabutan ang Daddy mo! Ang sigaw ng utak ko.
"Totoo naman..." Napailing ako.
Binilisan kong maglakad patungo sa garahe. Sumalampak ako agad paupo sa driver's seat ng sasakyan ko at mabilis na pinaharurot 'to paalis.
Pagka-parked ko rito sa rest house ay dumiretso ako agad sa tapat ng Academy para bumili ng yosi. May store kasi rito. Napapayosi lang naman ako kapag stress. Pagkaubos ko ng isang stick ay napagdesisyonan kong bumalik na sa Academy.
Wala sa sariling naglalakad ako papasok ng main gate. Nakapamulsa ako habang paulit-paulit na napapabuntong-hininga. Nakayuko ako at nasa mga sapatos ang atensiyon.
"Why Dad did not bring Miracle?"
Ang katanungang 'yon ay tila dasal na nagpaulit-ulit sa utak ko. Kung 'di lang sa naging bunga ng pag-uusap namin ni Dad kagabi, baka naglakas-loob akong itanong sa kanya ang tungkol sa bunso kong kapatid.
Ang sabi niya noon ay ipapasyal lang niya sa New Zealand. Pagbalik niya ay walang Miracle ang sumalubong sa 'kin. Na-miss ko tuloy siya... I tried to call Mom but she's not answering.
Nang mag-angat ako ng mukha ay nahuli agad ng atensiyon ko si Snow, ang taong niyebe. Naglalakad siya patungo sa 'kin. Katulad ko ay tulala rin siya. 'Di niya ako napansin sa rami ng iniisip niya siguro.
"Hoy!" Ang nakangisi kong tawag sa kanya. "Hoy!" Ulit ko pero hindi pa rin ako pinansin.
Naglakad ako nang mabilis palapit sa kanya.
"Hoy!" Binatukan ko siya sa noo.
Gulat siyang nag-angat ng ulo. "Sapphira Snow ang pangalan ko. Hindi hoy..."
Anong nangyari sa mukha niya at sa ibang parte ng leeg niya? Namumula kasi ang mga 'yon.
"Hahaha! Hahaha!" Itinuro ko ang mukha niya. "Anong nangyari sa 'yo? Para kang napritong hipon!" tumatawa kong pikon sa kanya.
"Talaga? Ikaw naman, mukhang pusit..." Matamlay niyang balik.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya nang tuluyan na niya akong lagpasan. Baka masama ang pakiramdam niya...
Buti nga sa kanya!
Hindi pa naman ako tapos sa kanya kaya umiwas man siya o hindi, magtatagpo at magtatagpo ang mga landas namin!
End of Ylan's POV
Sapp's POV
"Hindi kita pwedeng bigyan na lang ng gamot kapag wala kang dalang reseta mula sa Doctor." Ang ani ng saleslady.
"Gano'n po ba?"
Nagpunta ako rito sa store para bumili sana ng gamot. Bigla na lang kasing namula ang mukha ko pati ang ilang parte ng katawan ko. Ang masaklap ay sobrang nangangati pa. Tinitiis ko lang na 'wag kamutin.
Lumabas ako ng store na nakabusangot. Ngayon lang ako nagkaganito. Nagtataka tuloy ako kung saan ko 'to nakuha.
Bumalik na lang ako agad sa classroom. As usual, all eyes are on me. Parang masaya pa sila sa nangyari sa 'kin.
"Look, parang ginayuma ang itsura niya."
"Baka pinuro na siya ng 6K... Grabe talaga!"
"Nakakatakot siya! Mamaya may nakakahawa na siyang sakit!"
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga naririnig ko.
"Sappy, anong nangyari sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong ni Gail. "May allergy ka?"
"Hindi ko rin alam e... Bigla na lang akong nagkaganito."
Tumahimik ang paligid nang dumating si Professor Waknang.
"Mamaya ka na lang magkwento..." Ang narinig ko bulong niya sa hangin.
"Good morning, class!"
"Good morning, Sir!"
"Before proceeding to my lecture for today, I would like to ask Miss Serafina and Miss Capriso to stand up."
Nagkatinginan muna kami ni Gail bago kami sabay na tumayo.
"Bakit hindi kayo um-attend ng orientation kahapon?"
"Sasabihin ko ba?" Sumulyap ako kay Gail habang nakayuko.
"Huwag na... K-kasi... Si Ylan... Baka mapahamak siya..."
Napakamot na lang ako sa naging tugon niya. "Paano 'yan? Hindi ko alam ang sasabihin ko..."
"It's a must to attend the orientation especially to you, first-year college students." Pagpapatuloy ni Prof.
"Kasi si Sapphira, Sir! Inatake siya ng allergy. Hanggang ngayon may allergy pa rin siya. Tingnan niyo..." Itinuro ni Gail ang mukha ko.
"Ano bang pinagsasabi mo, Gail? Kanina lang ako nagka-allergy." Hininaan ko ang boses ko para siya lang ang makarinig.
"Basta sumakay ka na lang!"
"What happened to you, Miss Serafina? What are those red spots? Nagpa-checkup ka na ba?"
"Hindi pa po, Sir..."
"Go to the clinic. Check if Dra. Grace is on duty..." Bigla siyang nagseryoso. "Class, I have an important thing to discuss about your health issues. I don't know if you heard this yesterday during your orientation. Your health is very important to us... Once na may isinugod sa clinic, the clinic will be going to forward it immediately to the President who is also the owner of the Academy. She is Madam Esmeralda... Hindi niya pinapalagpas ang mga ganitong insidente..."
"Bakit po?" Ang biglang tanong ng isa naming kaklase.
"Because of his Grandson, Ylan Achlys Alaric Saki." Inilibot niya ang mga mata niya sa amin. "Lahat naman siguro kayo ay kilala na siya..."
"Hahaha! Nagkakamali ka, Sir! Mayroong isa rito na hindi siya kilala."
Napalunok ako ng laway ko nang lahat sila ay tumingin sa 'kin. Pati tuloy si Sir ay napatingin na rin sa 'kin.
"Si Sapphira!" Sabay turo sa 'kin. "Binangga niya ang kaisa-isang tagapagmana ng Saki group of company!"
"Talaga?" Seryosong sambit ni Sir. "Kailan?"
"Noong first day of school Sir."
"Dapat pala nag-aral ka na lang maging reporter at hindi civil engineering! Napakatabil ng bunganga mo!" Ang inis na ani ni Gail sa kanya. Magkalapit lang kasi sila ng upuan.
Pinaikot lang niya ang mga mata niya kay Gail.
"Gawin kong bola ng roll on 'yang mga mata mo riyan e!" Ang nanggagalaiting balik ni Gail.
"Dahil diyan ay kailangan mo talaga pumunta ng clinic... Tatawag ako kay Dra. Grace ngayon para ipaalam na pupunta ka roon. You're excuse. Now go..."
"Thank you po, Sir..." Tumayo na ako.
"Pst! Sabay tayo magbe-break mamaya! Hihintayin kita." Ang pahabol ni Gail.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige... Babalik ako agad."
End of Sapp's POV
Ylan's POV
Dumiretso na lang ako agad sa first class ko. Naabutan ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan. Sabay-sabay silang tumingin sa gawi ko. Naglakad ako patungo sa upuan ko at padabog na umupo.
Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa 'kin. Lahat ng mga babae rito ay nagkakagusto sa 'kin. Hindi na bago ang makita ko silang nakatitig o nakanganga sa tuwing nandito ako.
"Umagang-umaga Ylan bad trip ka na naman! Anong nangyari?" Salubong ni Calvin.
"Hindi naman siya bad trip. Ganyan na talaga siya! Lagi namang galit 'yan e." Ang natatawang sabi ni Calix.
"Dahil kay Bubwit na naman ba?" Si Calvin.
Yumuko si Kairo sa desk niya. Nakita kong ipinikit niya ang kanyang mga mata. Matutulog na naman siguro. 'Yan ang madalas niyang ginagawa kapag wala pang Professor.
"She's the only one who doesn't care whatever s**t I do. Hindi siya natitinag kahit anong gawin kong pangbu-bully sa kanya. Ako pa 'yong napipikon dahil sa nagiging reaksiyon niya." Ang wala sa sariling ani ko.
"It's a sign! You're deteriorating! I highly advise you to make some research. Hindi ka na umuubra, Bro! Pa-retire ka na! Pa-graduate ka na rin kasi!"
Sinabi ko 'yon sa sarili ko pero 'di ko alam na narinig pala nila.
Inis akong tumingin kay Calix. "Pinagsasabi mo?"
"Siya ang dahilan para itigil mo na ang pangbu-bully mo, Bro. Kita mo naman, wala siyang pake. Sinasabayan ka pa nga e... I saw how chill she is every time you're around and doing stuff on her." Nagdekwatro si Calix sabay lagay ng mga kamay niya sa likod ng ulo niya.
"Speaking of research!" Calvin winked at me as if telling me there's something delicious to eat. "I did some research about her."
"Woah! Naunahan mo ako do'n a!" Ang nakatawang saad ni Calix.
"Really?" Natawa ako nang mahina. "Ano?" Iniharap ko ang upuan ko kay Calvin.
"Her name is Sapphira Snow S. Serafina... Originally, she's from the Philippines but currently living in Jeju Island with her Grandfather. A first-year college student taking up civil engineering here in Riverdale. She belongs to CE-1 Block. The only Filipina from the Philippines who passed the entrance examination..."
Napatingin ako sa gawi ni Kairo dahil bigla siyang nag-angat ng mukha. Umupo siya nang maayos saka humikab.
"Isang future inhenyera pala ang nadali mo, Bro!" Napapitik sa hangin si Calix. "Wow! Just wow! Yna's dream course too." Ang manghang sambit pa niya. "Tama ang hula ni Kai, bata pa siya."
"Good morning, class... I'm sorry for being late... I just had a very important meeting." Biglang sumulpot ang Professor namin.
Nasa harapan na siya ngayon at natatarantang nag-aayos ng mga libro at modules niya.
Humalukipkip ako. "Lagi ka na lang late panot!" Ang malakas kong sigaw.
Professor ko na siya noong third-year college. Kahit noon pa man ay lagi na siyang nale-late.
Bigla na lang siyang napatalon nang magsalita ako. Nagsitawanan ang mga kaklase sa reaksiyon niya. Natatawa tuloy ako sa itsura niya. Pinagpapawisan pati 'yong tuktok niyang kalbo. Pwede naman kasi siyang mag-wig na lang.
"Pasensiya na... M-may... Naki-meeting kasi ako..." Ang mahinang paumanhin niya.
Napailing na lang ako. "Ituloy mo na Calvin." Tumalikod ako at muling hinarap si Calvin.
"Good day, Mr. Pete!" Ang pamilyar na boses na bati nito kay panot.
"Good day rin, Sir... Ano po 'yon?" Si Sir Pete.
Muli akong humarap para makita kung sino 'yong kausap niya. Nalukot ang noo ko nang masilayan ko ang kanang-kamay ni Tanda sa bungad ng pintuan.
"Would you please excuse Mr Saki for a while?"
Alanganin na napatingin si panot sa 'kin.
"Don't worry, order to ni Madam Esmeralda..." Tumingin siya sa 'kin. "Gusto po kayong makausap ng Lola niyo, Señorito..."
"Pakisabi, ayaw ko siyang makausap." Ang inis kong balik.
"Nagpasama siya ng dalawang bouncers para maging escorts niyo kapag ayaw niyo raw pong pumunta."
Biglang lumapit sa kanya ang dalawang naglalakihang tao. Nasa magkabilang tagiliran niya ang mga 'to.
Napilitan tuloy akong tumayo. "Fine!"
Nauna na akong naglakad paalis. Hindi ko na sila hinintay pa.
Ano na naman ba ang concern ni Tanda?
Pumasok ako agad sa office ni Tanda. Natigilan ako sa paghakbang nang maabutan ko si Bubwit na nakaupo sa upuan malapit sa table ni Tanda. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinaglalaruan niya ang mga daliri niya.
"What are you doing here?"
Gulat naman siyang nag-angat ng mukha.
"Nagsumbong ka?" Hindi ko maitago ang inis ko.
"Ylan!" Parehas kaming napalingon kay Tanda na nakatayo lang sa malapit. "Okay, I'll call you tommorrow." Aniya sa kausap niya sa telepono.
Ibinaba na niya ang telephone sa table bago siya naglakad papunta sa swivel chair niya.
"Ylan, tell me honestly, may kinalaman ka na naman ba sa nangyari kay Miss Serafina?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala." Walang gana kong sagot.
Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. "Are you sure?"
"Yes."
"I know what you did to her! I just preferred to hear those from your own mouth." This time, she's angry.
"Okay lang naman po ako." singit ni Bubwit.
"No! You're not fine, look at you!" Bulalas niya habang ang mga mata niya'y sinusuri siya mula ulo hanggang paa.
Muli siyang tumingin sa 'kin. "Alam ko ang ginawa mong kalokohan sa gym Ylan, stupido!"
"Fine! Yes, I admit. So, anong connect ng ginawa ko sa nangyayari sa kanya?"
"Ang tanong, anong inilagay mo sa maliit na timbang tumilapon sa kanya? Jack told me everything! About that and what you did to her shoes and bike!" Humawak siya sa ulo niya at napapikit. "I'm asking you!"
"I don't know! I just asked someone to mixed it!"
"Madam President, okay lang po talaga ako... Wala naman po ata talagang connect 'yon kasi 'di naman 'yon saksakan, Bluetooth o wifi..." Si Bubwit.
"Huh?" Naguguluhang sambit na lang ni Tanda.
"Pft! Haha!" Napatakip ako sa bibig ko. "Tanga talaga..." Bulong ko na lang sa sarili.
"Whatever... Jack told me it is something related to henna. I know someone who has an allergic reaction to henna. Yours is the same to his." Tumingin siya sa 'kin. "You have to accompany her to the clinic. I'll keep my eyes on you! Understand?"
I just nodded para matapos na.
"Hindi mo na siya pwedeng lapitan ulit pagkatapos nito. Kapag nalaman kong may ginawa ka na naman, malalaman na ng Dad mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Fine!" Labas sa ilong kong pagpayag.
Nauna na akong naglakad palabas ng office. Humalukipkip ako sabay patong ng likod ko sa pader dito sa tabi lang pintuan. Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Napamulat ako nang marinig kong bumukas ang pinto.
"Bakit ang tagal mo?"
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Mabilis na akong naglakad patungo sa clinic. Sinalubong kami ng nurse nang makarating kami.
"Good morning po..." Bati niya sa 'kin sabay pa-cute. "Initial assessment lang po rito bago kay Dra. Grace..."
"Hindi ako, Miss." Lumingon ako kay Bubwit. "Hoy Bubwit! Ano pang hinihintay mo?"
Natauhan naman siya. Mabilis siyang lumapit.
Pinanood ko lang siya habang kinukuhanan siya ng blood pressure, body temperature, respiratory rate at pulse rate.
"Everything is normal, Ma'am..." Ang narinig kong sabi sa kanya ng nurse. "Pasok na po kayo. Naghihintay na po si Dra."
Agad naman siyang pumasok. Humakbang na rin ako para sundan siya. Nagulat siya pagkapasok ko. Ngayon ay nakaupo na siya hospital bed. Sumandal ako rito sa pader habang nakahalukipkip.
"May damit ka pa ba sa loob?" Ang tanong ni Dra. sa kanya.
"Mayroon pa po..."
"Hubarin mo 'yang jacket mo..."
Tumingin muna siya sa 'kin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Sa pangit mong 'yan ay nag-aalangan ka pa!" Nag-iwas siya ng tingin. "Remove your jacket in front of us to prove whether your faking it or not. Baka mamaya ay may inilagay ka lang riyan para magmukha kang kaawa-awa."
"Bakit ko gagawin'yon?" Sumimangot siya. "E di sana grasa 'yong inilagay ko para magmukha akong pulubi. Para mas magmukha akong kawawa."
"E bakit ayaw mo pang tanggalin?"
"E lalaki ka..." Nag-iwas ulit siya ng tingin.
"FYI! You're not worth fantasizing!" Ngumisi ako sabay tawa.
"Alam ko!" Inis niyang sambit habang napapakagat-labi. "Bwisit 'tong Sangoku na 'to! 'Di ba niya alam na mukha siyang manyak kapag ngumingisi?"
"Ako maniac tapos ikaw mamanyakin ko? Pati ata utak mo ay nakargahan ng henna..."
"Pwede bang lagyan ng tattoo ang utak? Weird talaga 'tong Sangoku na 'to!"
Maya-maya pa'y maingat na niyang tinanggal ang eyeglasses saka maingat na ipinatong sa mesa sa tabi niya. Napalunok ako nang matuon ang mga mata niya sa 'kin. Malaya ko nang napagmamasdan ang mukha niya.
Totoo nga, kamukha niya talaga si Yna...
May maliit siyang mukha. Sa likod ng mga makakapal na eyeglasses ay mga matang buhay na buhay dahil sa mga pilik-mata niyang makakapal at mahahaba. Her black irises are incredibly captivating too. Maliit man pero napaka-perfect nang pagkatangos ng ilong niya. Naningkit ang mga mata ko nang bumaba pa sa kanyang mga mapupulang labi ang mga mata ko. Madalas ko siyang napapansin na napapakagat-labi, lalo kapag naiinis. Wala akong napapansin na nasasamang lipstick o kahit ano sa ngipin niya. It means it's all natural...
Hindi naman pala siya gano'n kapangit! Baduy lang!
Napamulat ako ng mga mata nang mapagtanto ko ang mga naiisip ko. I shook my head to stop these thoughts!
Napalunok ako nang lumantad ang makinis niyang likod. Nakasuot lang siya ng puting sando sa loob. Napako ang mga mata ko sa bandang baba ng kaliwang balikat niya. She has a tattoo... Naningkit ang mga mata ko dahil pilit kong sinusuri ang mga nakaukit. Those are flowers... Coloured with pink. Tumingin ako sa mukha niya.
Sinong mag-aakalang sa pangit niya ay rurumihan pa niya lalo ang katawan niya?
Para akong naestatwa nang makita ko ang balat niya sa upper body niya. Totoo nga... Halos namumula nga ang mga 'yon...
"Wala ka bang ibang nakain kahapon o kanina?"
"Susie lang po kahapon...Gatas at tinapay lang po kaninang agahan, Doktora..."
"Dati ka na bang kumakain ng mga 'yan?"
"Opo... Mula pagkabata pa po..."
"You have been experiencing chemical burn... Caused by henna..."
"So, henna po ang dahilan Dra.?"
"Yes..."
"Delikado po ba 'to?" Napatakip siya sa bibig niya. "Napakabata ko pa po, Doktora... I just turned seventeen last March twenty one..." Mukha na siyang naiiyak. "Huwag niyo pong sabihin last birthday ko na 'yon..."
Pareho kaming natawa ni Dra. Grace dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Henna has a very low allergenic potential. In most cases, allergic reactions are not caused by henna, but by the chemical coloring additives that added to henna mixtures. Some of these are agents daiminotoleunes and dominobenzenes... Hindi naman 'to delikado... Sundin mo na lang 'yong ibibigay kong reseta para gumaling ka agad..."
Yumuko si Dra. para isulat ang mga gamot.
"Here..."
Mabilis akong lumapit para abutin 'yon. "Ako na. Hintayin mo na lang ako rito. Ako na ang bibili."
Tumakbo ako papunta sa botika. Bumalik din ako kaagad sa clinic pagkatapos kong bumili. Pagkarating ko ay wala na siya. Naabutan ko na lang si Dra. Grace na nag-aayos ng mga gamit.
"Nasaan siya, Dra.?"
"Umalis naman na siya... Ang sabi niya ay hihintayin ka niya sa labas. Wala ba siya do'n?"
"Gano'n ba?" Napakunot-noo ako. "Sige, tingnan ko na lang ulit."
Saan naman kaya nagpunta 'yon?
Bumalik ako sa labas at nagpalinga-linga pero hindi ko talaga siya mahagilap. Umuwi na siguro...
Natigilan ako nang may marinig akong tumutugtog ng drum. Dahan-dahan kong inaalam ang pinanggagalingan nito. Natuon ang atensiyon ko sa harmony building sa 'di kalayuan mula rito sa clinic.
Bahagyang nakabukas ang pintuan. Maingat ko 'tong binuksan at pumasok sa loob.
Napamaang ako nang makita ko siyang tumutugtog ng drum. Naka-play ang music sa cellphone niya habang sinasabayan niya ng pagtugtog ng drum. The song was entitled speechless by Naomi Scott. Every drop of her stick on the drum is so intense... Napapapikit siya sa tuwing tumataas ang beat.
She's like a wounded lion wailing her pain... I see miseries in her eyes... The way she expresses her emotion through drumming made me want to watch her more...
I decided to stand here silently while she's playing. Nang matapos na siyang tumugtog ay unti-unti siyang napayuko.
Do'n ko napagdesisyonang medyo lumapit. "So, tumutugtog ka pala ng drum?" Ngumisi ako.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Hindi ko inasahan ang sumunod kong nakita. Kitang-kita ko ang luhaan niyang mga mata...
End of Ylan's POV