Chapter 4
Sapp's POV
"Huwag kang masyadong lumapit sa 'kin Gail. Hanggang dito ka lang sa pintuan."
"Oo. Basta narito lang ako. Hihintayin kita..."
Parang nanginig bigla ang mga labi ko. "Baka hindi na ako makalabas na buhay..." Napanguso ako.
"May oras ka pang tumakbo!" Ang mahinang bulong niya sa hangin. Sapat lang para marinig ko.
"Pero 'yong bike ko..."
"Ano ka ba? Hayaan mo na! Sira naman na e! Itataya mo ba ang buhay mo sa bike lang?" Ang litanya niya habang nagpapapadyak siya sa sahig.
"Ibebenta ko 'yon e..." Napakamot ako. "Magkano na ba ang isang kilo ng bakal ngayon? Mahal ang alam ko..." Nakahawak ako sa baba ko habang napapaisip.
"Ano? May nagbabakal at bote sa inyo?"
"Oo. Uso 'yon Jeju. Kaya kukunin ko 'yong bike ko. Dito ka lang..."
"Sappy! Nababaliw ka na! Bumalik ka nga rito!"
Hindi ko na siya pinansin. Nagsimula na akong maglakad palapit sa bike ko.
Nang malapit na ako sa bike ko ay natigilan ako. Bigla ko na lang 'di maigalaw ang mga paa ko. Muli kong sinubukang igalaw ang mga 'to pero wala talaga. Huli na nang mapagtanto kong may pandikit pala na nakalagay sa sahig na kinatatayuan ko.
Inis akong tumitig kay Ylan. Nakita kong pinipigilan niyang tumawa.
"Sangoku!" Ang inis kong bulong sa sarili.
Hindi pa lumilipas ang dalawang minutos ay may naririnig na akong tunog ng isang pulley papunta sa kinaroroonan ko. Tumingala ako sa taas. Huli na nang bumaliktad ang timbang nakasabit sa tali at tumilapon sa 'kin ang laman nitong 'di mawari kung ano.
"Hahaha! Hahaha!" Doon ay tuluyan nang humagalapak sa tawa si Sangoku. Halos mangiyak-ngiyak na siya sa kakatawa.
Tahimik lang na nakatingin sa 'kin si Kairo habang napapailing na lang sina Calvin at Calix.
Nagmistula akong taong tumilapon sa kanal dahil sa kulay itim at malapot na bagay na bumalot sa 'kin.
Humakbang siya palapit sa 'kin. "Introduction pa lang 'yan..." Ang nang-iinis niyang bulong sa tapat ng mukha ko.
Nakakainis dahil imbis na mainis ay 'yong mabangong hininga pa niya ang una kong napansin!
"So, magsusulat tayo ng essay?" Kunot-noo kong tanong.
"Pangit ka na nga, bobo pa!"
"Introduction sabi mo!" Tumingin ako sa gilid ko. "Ikaw 'tong bobo sa 'tin e. Paano ka nakagawa ng introduction kung wala ka namang papel at ballpen? Ni hindi ka nga nag-introduction speech!" Pabulong kong ani.
"Anong sabi mo?" Pasinghal niyang tanong.
"Ang tulis ng nguso mo sabi ko." Ginaya ko 'yong pagkakanguso niya.
Napamaang siya habang hindi makapaniwala sa inakto ko. Parang nag-uumpisa na naman siyang mag-alburuto.
"Seriously?"
"Tama ang narinig mo. Matulis 'yang nguso mo." Nag-pout pa ako lalo. "Ano na naman ba 'tong mga pinagsasabi ko?" Ang naguguluhan kong tanong sa sarili.
Mabuti na lang naka-eyeglasses ako. Hindi nalagyan ang mga mata ko. Maingat kong tinanggal ang eyeglasses ko.
"Panda lang? Hahaha!" Asar niya habang nakaturo sa mukha ko. "Hahaha! This is the first time I saw a nerd panda bear!" Nakahawak siya sa tiyan niya habang mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa.
Nababaliw na 'tong Sangoku na 'to!
"Hoy, kalma!" Binatukan ko siya sa ulo niya. "Ikaw lang ang tumatawa sa atin!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Tanga lang?"
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang apat. Nakita kong napayuko ang tatlong lalaki sa likod niya habang pigil-pigil nila ang tawa nila.
"Sinong nagsabing pwede mo akong hawakan? Binatukan mo pa talaga ako! Kai, 'yong alcohol! Hurry! Mamaya may virus pa 'tong babaeng 'to!"
Humakbang si Kai para iabot ang alcohol sa kanya. Naaasiwa tuloy ako dahil nakatingin siya sa mga mata ko. 'Yan 'yong klase ng tingin na mahirap basahin. Bakit kaya ganyan siya makatingin? Iwinaksi ko na lang ang mga gumugulo sa isip ko.
Muli akong napatingin kay Sangoku. Natawa ako sa isip ko dahil sa sumunod na ginawa niya. Halos ipangligo na niya 'yong alcohol habang nandidiri ang itsura.
"Sabi niya Bobo ako pero siya 'tong halos ipangligo ang alcohol. The fact na ulo lang niya 'yong nahawakan ko..." Tumaas ang sulok ng labi ko. "Dapat nagpa-autoclave na lang siya para sure na walang ni isang bacteria o virus ang dumapo sa kanya."
"Will you stop murmuring? Para kang tanga riyan!"
"Baka ikaw!"
Kumunot-noo siya. Halos magdikit na ang kanyang mga kilay dahil sa sobrang pagkasuklam sa 'kin.
"What did you said? Ako?" Itinuro niya ang mukha niya. "Tanga? Sinabi mo bang tanga ako?"
"Oo. Totoo naman. Saka..." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nakayuko.
"Saka?"
"Bingi..."
"Bingi?" 'Di makapaniwalang tanong ulit niya.
"Bingi ka nga talaga." Napakamot ako sa batok ko.
"Aba! Hindi ako bingi! Pipi ka lang kasi. Para kang isda kapag nagsasalita. Hindi naririnig!"
Natangay na ata lahat ng white heads ko dahil sa lakas ng bunganga niya. Nagtakip ako ng ilong.
"Ang baho ng hininga mo."
"Ikaw naman, mabaho lahat sa 'yo!"
"Let's go Ylan! Granny is coming!" Ang malakas na anunsiyo ni Calvin. "Tara na sa oval bago pa niya malaman ang nangyayari rito."
"Mag-uumpisa na ang orientation!" Ang ani ni Calix habang nakatingin sa relo niya.
"Huwag kang makampante, there's more... More intense than these." Ngumisi siya sa 'kin. "Let's go!"
"Wait!" Itinaas ko ang kamay ko.
Natigilan silang apat. Sabay-sabay silang lumingon sa 'kin.
"Correction, hindi nagsasalita ang isda... Impossible 'yon, Ylan! Kahit maghapon mong kausapin 'yong isda, hindi 'yon magsasalita. Baliw ka talaga Sangoku!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
Hinarap niya ako at akmang susugurin nang hawakan siya ni Calvin sa braso.
"Easy lang, Bro! Tara na! Baka-" Pigil-pigil niya ang tawa niya. "Hahaha! Baka maabutan ka na naman ni Granny!"
"Marami pang pagkakataon, Bro." Dagdag pa ni Calix habang nagpipigil ng tawa.
Napilitan siyang kumalma. "Whatever!" Inirapan lang niya ako. "Sige, tawa pa!" Ang asar niyang bulalas sa dalawa.
Tumalikod na sila at naglakad paalis pero nagulat ako nang nanatili si Kairo sa kinatatayuan niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa 'kin. Ngayon ay narito na siya sa harapan ko. Dahan-dahan niyang iniaabot ang panyo niya sa 'kin.
"I apologize... Take this." Iniabot pa niya lalo ang panyo niya.
Alangan man pero tinanggap ko 'to. "Salamat..."
Ngumiti lang siya. "Huwag ka na lang dumaan sa back stage."
"Huh?"
"Just don't." Ang seryoso niyang ani. Sumunod din siya agad sa mga kaibigan niya.
Tumakbo agad si Gail papunta sa 'kin nang makaalis sila. "Okay ka lang Sappy?"
"Oo, Gail... Tulungan mo na lang ako..." Sumulyap ako sa mga sapatos ko.
"Sige!"
Pinilit niyang hilain ang mga sapatos ko pataas pero nabigo siya.
"Wala na talagang remedyo 'tong sapatos mo. Masyadong madikit 'tong ginamit nila." Tumitig siya sa mga sapatos ko. "Kailangan mong iwan na lang ang mga sapatos mo rito..."
"Pero-"
"Iyon na lang ang paraan Sappy..."
Napilitan akong umupo para tanggalin ang mga sintas ng mga sapatos ko. Tinulungan niya ako kaya napabilis.
"Grabe, ang guwapo pala talaga ni Ylan!" Ang kinikilig niyang ani habang naglalakad kami.
"Crush mo siya?"
Tumango siya. "Oo!"
Ang tamis ng ngiti niya. Napangiwi na lang ako.
Dumiretso na ako rito sa women's room para maglinis ng katawan. Pakiramdam ko ay ang kati-kati ng buong katawan ko. Inilapat ko ang mga palad ko sa tiles sa tabi ng lababo sabay tingin sa malaking salamin dito sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang itsura ko.
Napatakip ako sa bibig ko. "Hahaha!" Ang malakas kong tawa.
"Sappy! Sappy! Anong nangyayari sa 'yo? Hoy! Buksan mo nga 'tong pintuan!" Ang sigaw ni Gail sa labas habang malakas niyang pinagkakalabog ang pintuan.
"Hahaha!"
"Halla! Nabuang na!"
Ang buong mukha ko ay nabalot ng itim maliban sa hugis bilog na nakapalibot sa mga mata ko gawa ng eyeglasses ko kanina.
"Tama nga siya! Mukha akong panda! Hahaha!"
Agad din akong lumabas nang makapagpalit ako ng damit. Naabutan ko Gail na nakaupo sa bench. Tumakbo siya palapit sa 'kin nang mapansin niya ako.
"Hindi na tayo naka-attend ng orientation." Ang malungkot niyang sabi. "Nag-changed pala ng venue pero wala tayong text notification na natanggap. Feeling ko, planado lahat 'to ng 6K!"
"Oo nga... Pasensiya ka na, nadamay ka pa..."
"Hindi naman ako nadamay e. Wala 'yon."
"Mabuti na lang hindi ka nila inano Gail..."
"Safe ako dahil wala naman akong natanggap na black card... Kung sino lang ang binigyan nila ng black card ay siya lang ang papahirapan nila...."
"Gano'n ba?"
"Oo... Saan tayo ngayon? Hindi na tayo papapasukin sa oval dahil hindi tayo pumunta on time..."
"Uuwi na lang ako..."
"Hindi magbubukas ang gate hangga't 'di natatapos ang orientation."
"Mag-aabang na lang ako sa guard house malapit sa gate..."
"Sige... Ihahatid na kita. Pupunta na lang ako sa library."
"Huwag na, Gail..."
"Sure ka? Bakit?"
"Basta..."
"Mag-iingat ka... Kita na lang tayo bukas."
"Sige..." Ngumiti ako sa kanya bago kami maghiwalay.
Alas-kuwatro na nang buksan ni Manong guard ang gate. Akay-akay ko ang bike ko. Napapasulyap na lang ako rito paminsan-minsan. Binalikan ko 'to kaninang 3 pm sa gymnasium.
"Sapphira!"
Nagulat ako nang makita ko si Lolo. Kumakaway siya habang tumatakbo palapit sa 'kin. Nagmano ako sa kanya nang makalapit siya sa akin.
"Hindi niyo na dapat ako sinundo, Lolo... May bangka naman akong sasakyan..."
"Bangka? May bike ka naman a..." Natigilan siya nang masilayan niya ang itsura ng bike ko. "Anong nangyari riyan, Apo? Bakit nagkaganyan 'yang bike mo?"
"Nabangga lang po ng sasakyan..." Pagsisinungaling ko.
"Ano? Saan? Sino? Nasaktan ka ba?" Pinaikot niya ako para suriin.
"Hindi po ako nasaktan, Lolo. 'Yong bike ko lang naman ang nadisgrasya. Aksidente po ang lahat... Kasalanan ko dahil kung saan-saan ako nagpa-park... Kaya kumalma po kayo."
"Ganoon ba? Salamat dahil hindi ka napaano... Hayaan mo at sasabihin ko sa Papa mo na bigyan ka ng bagong bike. Sige na, sumakay ka na."
Binuhat niya ng bike ko at ikinarga sa multicab. Inalalayan niya akong makaupo sa front seat, sa mismong tabi niya.Sumulyap muna siya sa gawi ko bago pinaandar ang multicab.
Itinuon ko ang atensiyon sa labas ng bintana. Maya-maya pa'y bigla na lang pumatak ang ulan. Niyakap ko ang bag ko habang pinapanood ang iyak ng langit sa labas.
"Bakit ganito, Lolo? I have been feeling so empty... So lonely... I feel like my soul and my whole life is lost..." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Bakit parang... Parang hindi ako 'to?"
"Sapphira... 'Wag kang masyadong nag-iisip. Baka nabibigla ka lang sa bagong buhay mo rito..."
"Baka nga, Lo... Ito po siguro 'yong dati kong mental disorder... 'Yong parang may dalawa akong personalities... Minsan matalino at minsan bobo..."
"Saan ka ba mas komportable, Apo?"
"Hindi ko rin po sigurado... Pero sa tuwing gusto kong maging maayos ang takbo ng utak ko ay pilit na may sumisingit para guluhin 'to... Hindi kaya, mas matimbang 'yong gumugulo sa 'kin Lolo?" Yumuko ako habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. "Parang mas magaan ang pakiramdam kapag parang bobo ako..."
"Bakit ba tinatawag mong bobo ang sarili mo, Sapphira? Hindi ka bobo..."
"Dahil 'yon ang nararamdaman ko, Lolo!" Bigla na lang tumaas ang boses ko. "Sorry, nasigawan ko kayo... Kagaya nito, 'di ko na naman napigilan ang sarili ko..."
"I'm so thankful to you..."
"Huh?"
"Sa pagpunta mo rito... 'Wag kang mag-alala, maikli na lang ang buhay ko... Balang araw, giginhawa rin ang buhay mo at hindi mo na kailangang tumira rito... Kapag namatay na ako, umuwi ka na agad sa Pilipinas ha? 'Wag kang makikinig sa kanila. Umuwi ka lang at gawin mo ang mga makakapagpasaya sa 'yo."
Nagtatakang nakatulala ako sa kanya. Ang atensiyon niya ay nasa pagmamaneho at sa daan. Naguluhan ako sa mga sinabi niya. Ni isa ay wala akong maintindihan.
Napansin niya siguro akong kanina pa nakatingin sa kanya kaya sinalubong na niya ang mga mata ko. Ngumiti siya kalaunan.
"Patawarin mo ako, Apo... Kung sana lang ay natuto akong ipaglaban ang nararapat, 'di sana hindi ka nahihirapan ngayon... Pero masaya na rin ako dahil kung 'di nangyari 'yon, 'di sana hindi kita kasama ngayon. Masaya akong naging Apo kita."
"Lolo, inuulyanin ka na ata talaga. Out of topic na mga sinasabi mo e."
Natawa lang siya sa sinabi ko.
"Pero thank you, Lolo. Masaya rin ako na ikaw ang Lolo ko." Kinindatan ko siya sabay tawa.
End of Sapp's POV
Ylan's POV
"Baka kakaasar mo kay Bubwit ay baka ikaw ang mahulog sa hukay na ginawa mo." Ang nakangising asar sa 'kin ni Calix
Naglalakad kami papunta sa parking area rito sa rest house.
"Hindi ko ma-imagine! Mafo-fall ang isang Ylan Achlys sa katulad ni Bubwit! Very far from his taste!" Sulsol pa lalo ni Calvin.
"That would be exciting!" Ang sabay pa nilang tili.
"You're crazy!" I exclaimed in disgust. "She's not even my type! Tingnan inyo naman ang itsura niya. Like, hindi ba kayo nasusuka? Napaka..." Nalipat ang atensiyon ko sa basurahan sa malapit. "Napakabaduy!" Umasim ang mukha ko.
Sino namang magkakainteres sa babaeng katulad niya? She looks like a low-class nerd. This is the first time I saw a girl who dressed up as an idiot. Kung isa-isahin mo ang mga estudyante rito sa Academy, mapapatingin ka talaga sa kanya. Mukhang siyang manang!
Kamukha niya si Charlotte Lola sa One piece! Mabuti na lang dahil payat siya!
Ang kapal-kapal ng eyeglasses niya. Naka-tshirt pa ng sobrang luwang. 'Yong pantalon niya ay kinalkal pa ata sa baul ng lola niya. 90's pants pa ang gusto! 'Yong napakaluwang sa dulo. Nakatatawa dahil ipinares pa niya sa rubber shoes! Anong klaseng Riverdalerian 'yon?
Ang matindi, hindi ka niya kilala! Ang sigaw ng utak ko.
Napabuga ako ng hangin. Nakakainsultong hindi niya ako kilala. Taga-saang planeta ba ang babaeng 'yon? Lahat ng mga estudyante rito ay kilala ako, bago man o hindi! Mas lalo tuloy akong naganahang gawing miserable ang pananatili niya rito!
"Ahem! Ahem! May nasasaktan na riyan! Slow down, boys!" Ang nangingiting ani ni Calix habang nakatuon ang pansin kay Kairo.
"Aw! Sorry!" Natatawang paumanhin ni Calvin. "Hindi ko naman kasi alam na nagbago na pala ang taste ni Kai!"
Seryoso lang siyang nakikinig. Napailing na lang siya sabay tawa nang mahina.
"Honestly, I don't really believe in him. It's a ridiculous thing to like someone you just met!" Tinitigan ko siya habang nakangisi. "Stop fooling around, Kai! Kung laro lang 'to, game over ka na!"
"Maybe you are right... But one thing is for sure, I don't wanna make some fun with someone who looks like Yna. Who looks like one of the members of 6K, ex-member man o hindi." Relax niyang paliwanag.
"So, what would be your stand here?"
"I will not tolerate your childishness towards her."
"This is not childishness, this is accustomed."
"Accustomed out of childishness."
"Fine Kai! Bahala ka kung anong gusto mo. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo ako mapipigilan. If you really treasure Yna's memories, well I'm not!"
Lumapit ako agad sa kotse ko nang makarating kami rito sa parking area. Kusang bumakas ang pintuan nang ma-processed ang automatic sensor nito. Sumakay ako agad. I turned on the windshield button to move downward.
Inilabas ko ang ulo ko. "Mauna na ako sa inyo... See you tomorrow!"
They just nodded. "Sige, ingat!" Paalam nila.
Kalahating oras ang lumipas bago 'ko makarating ng mansion. Agad akong bumaba. Sumalubong sa 'kin si Manong Gary, ang Driver ko. Siya ang para garahe ng mga sasakyan ko.
"Good evening po, Señorito!"
I just nodded. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok ng mansion.
"Good evening, Señorito!" Ang salubong ni Manang Celia. Siya ang Mayordoma namin dito sa mansion. "Handa na po ang hapag-kainan. Sumabay na raw po kayo sa Daddy ninyo..."
"Umuwi si Dad?"
"Opo, Señorito... Kanina lang po. Babalik din po siya bukas sa New Zealand..."
Bigla akong pinagpawisan nang malapot.
Naglakad ako patungo sa dining room. Naabutan ko sina Daddy at Tanda na kumakain. Natigilan sila nang mapansin nila ang presensiya ko.
"Finally, you're home!" Nakangiting anunsiyo ni Tanda. "Come, join us!"
Nagpatuloy pa rin sa pagkain si Dad. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Seryoso lang siyang ngumunguya habang nakatingin nang diretso.
Tahimik akong naglakad patungo sa upuan malapit kay Dad. I wished I sat down at the end of this table but Dad would just misunderstood it because we have a very long table. Pwedeng magsalo-salo ang benteng katao.
"How's your trip Dad?"
"I'm still trying to contact Yna's parents..." Out of topic niyang sagot. "They promised to have dinner with us one of these days... Well, to talk about the marriage..."
"Bakit niyo pa ba ipinipilit 'yang walang kwentang arranged marriage na 'yan, Dad?" I blurted out.
Takot ako kay Dad. Siya ang pinakakinatatakutan ko sa lahat. He is like a king trying to rule his kingdom. I hate the way he perpetrates his power on us, very cruel.
I'm afraid of him but not this time, not when it comes to Yna.
"We need that union to gain possession with Saki group of a company..." Pormal niyang ani. "We are part of the dynasty that made us part of legacy... Yin and yang dynasties are our privilege to achieve more power in the world of our rivals... Saki group will be your fate Ylan and that would be the soonest..."
Muli niyang itinuon ang atensiyon sa paghahati sa beefsteak niya sa plato.
"The moment Yna steps out of the church during our wedding day was the moment I realized that this whole thing is absurd!" Ang galit kong bulalas.
'Di ko mapigilang ikuyom ang mga kamay ko na nakapatong pa man din sa lamesa. Pati tuloy sila ay napapasulyap sa mga 'to.
"You love Yna that's why you're going to marry her and not because of this arranged marriage..."
Nakakapagtaka ang pagiging kalmado ni Dad. Hindi 'to ang inaasahan kong magiging reaksiyon niya.
"But she left! She chose to end everything between us four years ago!" Binigyan ko nang diin ang bawat salitang binitawan ko para malaman nilang seryoso ko.
"Gano'n ka kadaling bumitaw sa taong mahal mo? That's the problem in you Ylan, you don't know how to fight fairly."
"Me, not fighting fairly?" Natawa ako. "I'm the one who got dumped in the middle of our wedding! You don't have any idea what I invested just to get through what happened! Yes, I can finally proclaimed that I had moved on from the past, from her and everything that involved her!"
"That's not true... I can see it in your eyes... You still love her..."
Nag-iwas ako ng tingin upang ikubli ang paglamlam ng aking mga mata.
"Don't bring back the same pain again, Dad! The past is too much. I'm fine now..."
"The union will proceed. That's final!" Ang ma-owtoridad nitong pahayag. "Prepare yourself any day this week. I'll do everything to make everything stay on track."
"I would love to do everything for you Dad but not this one... At least you're informed earlier before that day. Good night." Mabilis akong tumayo.
I "Ylan, you have to eat your dinner... Have some bites, Hijo..." Si Tanda. Nakarehistro sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"I just lost my appetite."
"Don't try me Ylan. Hindi mo magugustuhan..." Kalmado ngunit nakakabahalang ani ni Dad."
Hindi ko lang siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko.
End of Ylan's POV