Chapter 6
Sapp's POV
Nanginginig kong binitawan ang mga sticks na hawak ko. Litong-lito ako nakatitig sa mga palad ko.
Sapphira, you hate drums because you easily get irritated by noise... Parang echo na paulit-ulit umaalingawngaw sa mga tainga ko ang boses ni Mama.
"Ngayon ko lang nalaman na tumutugtog ako ng drum..." Agad kong pinalis ang mga luhang gumapang pababa sa aking mga pisngi.
"Huh?" Napakunot-noo siya.
Yumuko ako at tumitig sa mga sticks sa semento.
Nag-angat muli ako ng mukha. Hindi ko mapigilan ang muling pag-init ng mga sulok ng aking mga mata. Muli kong iniangat ang mga palad ko para mapagmasdan. Nanginginig pa rin ang mga ito.
Hindi ako 'to... Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa 'kin...
Kaninang pumasok ako rito sa harmony building at makita ang drum na ito'y tila may magnet na humila sa 'kin palapit dito...
Nakaramdam ako ng saya nang masilayan ko ito sa malapitan. Sumiklab ang nag-uumapaw na kaligayahan nang mahawakan ng mga kamay ko ang mga sticks at nang marinig ko ang tunog nito sa una kong paghampas. It feels home...
While playing, I felt like I'm in the other world... A world I can call my own, where my heart is allowed to be free...
"So, sinaniban ka ng impakto kaya ka nakapagtugtog ng drum?" Nagpakita ang mga mapuputi niyang ngipin dahil sa abot tainga niyang ngiting mapang-asar.
"Marunong ka ring tumugtog ng drum?"
"Medyo. Bakit?" Maangas niyang tanong.
"So, ikaw pala ang sumanib sa 'kin kanina..."
"Bakit sana ako?"
"E ikaw lang naman ang impakto rito..." Napatutop ako sa bibig ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko.
"Aba't!" Inis niyang sambit. Pigil-pigil niya ang sarili pero halatang naiinis siya. "Magpasalamat ka dahil may sakit ka!" Ang matalim niyang bitaw.
"Salamat... Dahil may sakit ako... Salamat, Sangoku..."
Hindi na maipinta ang mukha niya. Ano bang masama ro'n sa sinabi ko? Sinunod ko lang naman ang sinabi niya.
Kahit mukhang galit na siya ay naglakad pa rin siya palapit sa 'kin. Nagulat ako nang bigla niyang ihagis sa sahig ang isang maliit na paper bag.
"Gamot mo!" Nag-iwas siya ng tingin. "Huwag ka na lang pumasok. Umuwi ka na lang! Baka mamaya ay mag-anyong aswang ka pa."
"Parang nakaka-excite maging aswang... Parang 'yong mga napapanood ko sa mga horror movies! Gusto ko rin nang gano'n!" Namilog ang dati'y luhaan kong mga mata kanina.
"Gano'n?" Kumunot-noo siya. Halatang nawiwirduhan na siya sa 'kin. "Lumabas ka tapos maghintay ka hanggang maghating-gabi tapos hintayin mong maging manananggal ka! Wala ka talagang sense kausap. Nakakabobo ka!"
"Kung magiging manananggal man ako, ikaw ang una kong tatangayin kasi napakapangit ng ugali mo... Tapos ikaw ang ipapalit ko sa kalahating katawan ko..." I murmured to myself while looking at him.
"Talking to yourself again? You really have that strange habit, huh..." Umiling lang siya sabay talikod.
"Saglit!" Mabilis kong pinulot 'yong paper bag sa sahig.
Nagtatakang lumingon naman siya.
"Thank you rito!" Itinaas ko 'tong paper bag at nakangiting iwinagayway 'to.
Tiningnan niya lang ako. Tumalikod siya muli at nagdire-diretso na palabas ng building.
Nagdesisyon akong 'wag nang pumasok ng klase dahil sa sinabi ni Sangoku. Natatakot din ako na baka lumala lang ang allergy ko.
Sumakay na lang ako ng bangka pauwi sa isla. Dahil gusto kong mapag-isa, pinili kong tumambay muna rito sa puno sa tuktok ng burol malapit sa bahay. Natatanaw ko ang napakagandang tanawin mula rito. Ang alon sa karagatan ay sinasabayan ng pagsayaw ng mga damong nakapalibot sa burol.
Muli kong naalala ang nangyari kanina sa Harmony building. Ang daming nangyayari sa 'kin na taliwas sa mga sinasabi ni Mama noon...
Alas-sais na nang makarating ako rito sa bahay. Agad akong dumiretso rito sa kwarto ko para magpalit ng damit at mag-ayos ng mga iba ko pang gamit.
Binuksan ko ang maliit kong maleta. May mga gamit pa akong hindi pa naiaayos dito. Halos ang ilan dito ay mga personal kong gamit. Mabuti na lang dahil pinayagan nila akong dalhin ang mga 'to rito sa Rimacorea.
Naagaw ng atensiyon ko ang isang maliit na notebook. May cover itong kulay pink na mga glitters. Pakiramdam ko ay matagal na 'to.
Binuklat ko 'to agad. Sa unang pahina'y walang nakasulat. Sa sumunod ay may nakasulat na, Road to my dream guy, Signs. Napangiti ako dahil hindi ko akalaing may mga ipinagsusulat pala akong mga ganito noon.
Ang sumunod ay listahan ng mga signs.
"Number one, the first man you see standing under a cherry blossom tree."
Bakit naman kaya 'to ang number one sa list ko? Napaisip tuloy ako bigla. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumitaw ang mukha ni Sangoku at ang alaala ko kanina.
Sa hilera ng gate ng Sakura's Paradise ay cherry blossoms ang mga nakatanim. Doon nga kami nakatayo kanina!
Hindi lang isa o dalawa ang cherry blossoms ang nadaanan niya kung 'di marami!
Nagkataon lang ba o sign na ito? Nakakainis dahil naisali ko 'yon sa mga signs sa dream guy ko. Lalaking nakatayo sa ilalim ng cherry blossoms tree. Minsan talaga ayaw ko nang maniwala sa mga pinapahiwatig ng paligid ko.
"Hindi. Hindi 'to totoo. Walang ganoon! Diyos lang ang nakakaalam. Hindi 'yon nakadikta sa mga signs! Tama!" Itiniklop ko ang notebook. "Kaya wala na ring silbi 'to. Gawa lang 'to ng batang wala pang alam sa pag-ibig. High school lang ako noong isinulat ko 'to."
Mabilis ko 'tong ibinalik sa maleta. Naagaw ang atensiyon ko nang biglang tumunog ang tablet ko. Tumatawag si Mama. Agad kong sinagot ang video call.
"Kumusta na, anak?" Ang bungad ni Mama. "Miss na miss na kita! Ang balita ko, first day of school mo no'ng isang araw..."
"I miss you too, Ate!" Humagikgik ako. "Maayos naman ang unang araw ko sa Academy..." Pagsisinungaling ko.
Naalala ko tuloy noong huling beses kaming magkausap...
Flashback
Kumurap ako nang biglang sumulpot si Mama sa harapan ko. Nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos niya nitong nagdaang araw. Tuwing pinagmamasdan ko siya ay tila may bumabagabag sa kaniya. Parang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sa kaniya.
"Sapphira..." nakatulalang ani niya.
Kinakabahan ako sa tono ng boses niya. Last week lang ay ipinagdiwang namin ang graduation ko. Graduate na ako sa Senior High. Magco-college na ako sa darating na June. Ang saya-saya pa niya noon. Sobrang proud na proud sila ni Lolo sa akin kaya nakakapagtaka na ganito siya ngayon.
"Ate... Kumalma ka nga." Kahit kinakabahan ako, hindi ko ipinapahalata. "Huwag ka kasing praning diyan. Siguro, 'di ka pa rin makapaniwalang magco-college na ang Kapatid mo, 'no?" Tumatawa kong ani.
Ate ang tawag ko sa kaniya kapag gusto kong makipagbiro sa kaniya. Siya talaga ang Ina ko pero hindi ako nakasunod sa apelyido ng Papa ko. Bata pa si Mama noong ipagbuntis niya ako kaya nagpagdesisyonan nila Lolo na isunod ako sa apelyido nila. Ang labas, magkapatid kami ni Mama. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa 'yon. Siguro gusto lang nilang makaiwas sa kahihiyan.
Ang weird sa tuwing tatawagin ko siyang Mama. Hindi ko maiwasang ma-awkward. Sa totoo lang, mas confident ako kapag ate ang tawag ko sa kaniya. Mas nasasabi ko kasi lahat ng gusto kong sabihin.
Halatang hindi pa rin siya kumalma. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Huminga siya nang malalim saka niya hinila ang upuan sa harapan ko. Umupo siya roon saka tahimik na tumitig sa akin. Ramdam kong handa na siyang magsalita.
"Naihanda ko na lahat ng mga gamit mo." mahinang anas niya. Halos hindi ko na marinig sa sobrang hina. Mabuti na lang malakas ang pandinig ko.
Gulat na gulat akong tumingala sa kaniya. "Mga gamit ko?" Naguguluhan ako. "Bakit 'yong mga gamit ko? Para saan? May pupuntahan tayo?" Magkakasunod kong tanong.
"Ihahatid na kita sa Jeju." Sagot lang niya.
"Ate. Nag-usap na tayo noon. Ayaw kong mag-aral sa Rimacorea. Gusto kong mag-aral dito sa atin. Akala ko ba may deal na tayo?"
Gusto kong magalit sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nabubuo sa loob ko. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng dala ko.
"Sappy, dumating na ang resulta ng exam mo sa Riverdale Aquinox Academy. Nakapasa ka. Ang gandang balita 'di ba? This is your chance to be with your Lolo sa side ng Papa mo. Pangarap mo 'yon 'di ba?" Nag-iwas siya ng tingin sa mga mata ko. Tila ayaw niyang makita ang sugat na nabubuo sa loob ko.
"So, dumating na pala. Ngayon mo lang sinabi." Ngumiti ako nang mapait. "Tapos gugulatin mo ako ngayon?"
Matagal ko nang kinalimutan ang pangarap kong tumira sa Jeju Island at mag-aral sa Riverdale. Three years ago, nalaman kong matagal na palang hiwalay sina Mama at Papa. Nasaktan ako dahil akala ko ay buo kami kahit nasa malayo pa si Papa pero hindi. Para saan pa ang pagpunta ko roon?
"I know you're mad. Sorry... Anak, alam ko nasaktan ka namin ng Papa mo. Humihiling ako para sa Lolo mo. Matanda na siya. Ang tangi niyang hiling ay makasama ka. Please, pagbigyan mo na ang Lolo mo. Four years old ka noong huli kayong magkita."
Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng bintana. "Kumusta siya?"
Mahal ko ang Lolo Jung ko. Sa mga mumunting alaala ko sa isla, wala akong ibang matandaan bukod sa kabaitan niya at ang kagandahan ng isla.
Madalas kaming sumakay ng bangka papunta sa Isla. Ang kulay asul na dagat na siyang nakapalibot dito ay talaga namang nakadagdag sa mala-paraiso nitong ganda. Dumagdag pa ang mga bulaklak at mga damong kusang tumutubo roon.
Dahan-dahan siyang lumapit saka niya marahang hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na lang ang bagay na inilagay niya sa palad ko. Ang cellphone niya. Wala sa sariling napatingin ako rito.
Ang picture ni Lolo Jung ang bumungad sa akin. Nakangiti siya at halatang tumanda pa lalo. Ibang-iba na siya ngayon kung ikukumpara noong huli kaming magkita. Nakaramdam ako ng lungkot at awa.
"Noong birthday ng Papa mo 'yan. Binisita siya ng Papa mo. Umaasa akong baka gusto mo siyang makita. Malakas pa naman ang Lolo Jung mo. Ang kaso lang ay madalas na siyang magkasakit."
"Ayaw kong pumunta roon nang dahil lang naaawa ako sa kaniya. Ate, please lang walang ganyanan. I'm sure may mga nagbabantay naman kay Lolo roon." Yumuko ako sabay buga ng hangin. "May plano na ako sa susunod na pasukan."
"I'm sorry, anak. I understand but... The main reason is about your Lolo Jung. May bagay kasing bumabagabag sa kaniya kaya siya nagkakasakit."
"Ano?"
Huminga siya bago nagsalita. "Ang rest house niya sa Soul. Malapit lang 'yon sa Academy."
"Rest house?" Pagtatama ko.
"Yes."
"May rest house si Lolo sa Soul?"
"Yes, Sapp. Tama ang narinig mo. Ipapamana sa 'yo 'yon ng Lolo mo dahil ikaw ang unang Apo. Kailangan mo itong mailakad dahil may ibang nagkakainteres na. If possible, you need to live there. That is two hectares and a very special place sa Soul. And of course, very precious sa Lolo." mahabang paliwanag niya.
"Puwede naman niyang ibenta na lang, Ate. Hindi ko naman mapapakinabangan 'yon dahil sobrang layo. House and lot for sale na lang niya. Malay mo, malaki ang kikitain niya. He can use it while getting old."
"That's not gonna happen." Malungkot na sambit niya.
Napansin ko ang tila namumuong luha sa mga mata niya. Kumurap-kurap siya para siguro mapigilan ang emosyon niya. Tumikhim siya saka ulit siya nagsalita
"When your Papa called me, he's crying like a kid. I never heard him crying like that. Begging me to convince you. It's fine sana kung sa kaniya na lang ipamana but your Lolo stood so firm na sa 'yo 'yon. Sa 'yo lang..."
Nakaramdam ako ng awa kay Papa. Ngayon ko lang nalaman na tumawag pala siya kay Mama. Madalang ko lang din siyang makausap dahil napaka-busy niyang tao.
"If you'll only see the rest house, you'll surely love it. Doon matatagpuan ang mga kauna-unahan and rarest cherry blossom trees in the land of Rimacorea." Nagniningning ang mga matang sabi niya.
I love cherry blossoms. Big time obsessed with those flowers that made me tattooed it at my back, just at the level of my right scapula. Marka na 'yon ng pagkatao ko. One of the reasons why I dreamed to study in South Rimacorea or visit. Thinking that witnessing them while they're blooming is the most lovely idea on earth.
"So, because of that sakura he wished to keep the rest house?" kunot-noo kong tanong.
"No, what made it more special to him is because of your Lolo's ex. His first love, na ngayon ay kaagaw niya sa lupang 'yon... She's Donya Esmeralda." Sumilay ang kanyang ngiti ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Paanong magkaagaw na sila ngayon?"
Sobrang interesting ang bagay na 'to sa akin. Ngayon ko lang ito nalaman.
"Investment nila 'yon noong magkasintahan pa lang sila. Akala nila sila ang magkakatuluyan. Sad to say, something happened that ended up breaking up their relationship."
"Ngayon nag-aaway na sila? Why not paghatian na lang nila? That would be the best solution." Suhestiyon ko.
"Parehong ayaw bumitaw. They are both fighting for their rights. The latest news is Donya Esmeralda was trying to buy half of it from your Lolo but he disagreed."
"Why? Anong mayroon sa rest house?" Still can't believe my Lolo is suffering because of it.
"I don't know." Naguguluhang ani niya. "Only your Lolo can answer that..."
There must be a bigger reason than his ex-lover. 'Yon lang ang tumatatak sa utak ko. Ano nga kaya?
"Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang kaso. Nauubos na rin ang pera ng Lolo mo. Every hearing cost 5,000. The last time they met, muntik nang mag-breakdown ang Lolo mo. Nagkasagutan sila ni Donya Esmeralda. Every painful word was said. Nagkataon na Lolo mo lang ang pumupunta every hearing. The next hearing will be on June. Hindi ko alam kung mapapaluwas ako para samahan siya... Naaawa kasi ako. Kaya ko namang i-sacrifice ang isang linggo. Magpapaalam muna ako sa office."
"You don't have to. Sayang din ang kikitain mo, Mama. Ako na lang ang pupunta..."
Napatutop sa bibig si Mama. "Is that a yes?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes." Tipid kong sagot pagkatapos ay ngumiti.
End of Flashback
"Sapp! Nakikinig ka ba sa 'kin?"
Nagising ako sa malakas na pagtawag niya sa akin.
"Opo, Mama..."
"Ang lalim ata ng iniisip mo?"
"Wala 'to, Mama... Mababaw lang... Hehe!" Kumakamot kong sagot.
Napansin kong parang 'di niya nagustuhan ang ikinilos ko. "Anak, you have to act maturely... 'Di ba lagi kong ipinapaalala sa 'yo 'yan?"
Yumuko ako. "Opo..." Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko.
"And stop doing that! How many times do I have to tell you?" Tumaas na tono ng boses niya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. "Because I can't stop myself from doing this most of the time..."
"So, you still doing that? I trained you already how to behave your hands!"
"Ate, kamay lang 'tong mga 'to na 'di mapakali... Ano bang masama?"
"I'm sorry..." Parang nahimasmasan siya. Lumambot bigla ang mukha niya. "Wala pa bang pumupunta riyan?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Wala naman, Mama... Kami lang naman ni Lolo rito e... Bakit po? may inaasahan po ba kayong pupunta rito?"
"Naaalala mo pa ba lahat ng mga itinuro ko sa 'yo?" She asked out of nowhere.
"Mama, balisa ka ata? May problema ka ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Wala..." Pilit siyang ngumiti sa 'kin. "Natatandaan mo pa ba 'yong mga itinuro ko noon sa 'yo?" Ulit niya.
"Ma... Hindi niyo naman dapat ituro kung anong dapat kong maramdam, kung anong gusto ko at kung paano ako kumilos... 'Di ba ako lang dapat ang nakakaalam ng mga 'yon? Dahil katawan ko 'to... Dahil buhay ko 'to e..." Lakas-loob kong wika.
"Dahil iyon ka! Lahat ng mga itinuro ko ay 'yon ka! Iyon ang pagkatao mo Sapphira!"
"Ma, ano ba talagang nangyayari? Dahil sa totoo lang, litong-lito na ako sa kung sino ba talaga ako..."
"Ako ang Ina mo, 'di ba dapat mas maniwala ka sa 'kin?" Nakita ko na lang ang pagtulo ng butil ng mga luha sa kanyang mga mata.
End of Sapp's POV
Ylan's POV
Pagkapasok ko ng mansion ay naabutan ko ang mga maleta sa sala. Sobrang dami namang dadalhin ni Dad. Nagtaka ako dahil hindi naman siya nagdadala nang ganito karami noon.
"Paki-check Manang kung tama 'yong bilang ng mga meleta. Dapat sampu 'yan lahat." Ang narinig kong utos niya.
"Sige po, Sir..."
Nagtama ang aming mga mata pero hindi lang siya umimik. Naglakad siya papunta sa sofa. Umupo siya at binuklat ang newspaper na dala niya.
"Good evening, Dad..." Mahinang bati ko sa kanya para 'di naman ako magmukhang bastos. "Anong oras ang flight niyo?" Lakas-loob kong tanong.
"Midnight." Sagot niya habang abala pa rin sa pagbabasa.
"Have a safe trip..."
"Thanks..."
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Tinatantiya kung papaano ko siya kakausapin tungkol kay Miracle.
"Do you still have something to say?" Tumingala ang mga mata niya sa 'kin.
"I just want to know where's Miracle. Bakit 'di niyo siya kasamang umuwi?"
"How I wish lalaki na lang si Miracle..." Ibinaba niya ang newspaper na binabasa niya at seryosong tumitig sa 'kin. "Para habang bata pa siya ay maitatak na sa utak niya ang magiging kapalaran niya paglaki niya... Na hindi mo ginawa. So that she'll know how to behave." Pagpapatuloy niya.
"Napakabata pa ng Kapatid ko... Dad, 'wag mo siyang idamay..."
"I have no choice, Ylan... If you keep on being rough... Miracle will save you from your responsibility in the next generation... I am preparing her away from you..."
"She's just three-year-old Dad! Very innocent for that kind of commitment!" Ang inis kong bulalas.
"Kaya ko pa siyang i-control... Ikaw, hindi na... Only you can save her..."
Tumalikod ako. Gusto ko siyang iwan na lang dito pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang kapakanan ng kapatid ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Para akong dahan-dahang iniipit ng dalawang bato.
"Minahal ko si Yna at handa ko siyang pakasalan noon... Inihanda ko ang sarili ko para sa Saki Group dahil inihanda ko na rin ang sarili ko para sa kinabukasan namin ni Yna... Kaya wala sa 'kin ang mali Dad, Na kay Yna 'yon..." Unti-unti akong humarap sa kanya. "At ngayon gagawin mong panakot sa 'kin ang Kapatid ko para lang sa babaeng hindi naman sigurado sa 'kin!" May halong hinanakit kong sabi.
"Hindi kita tinatakot... Tinutulungan kitang makapag-isip. Magkaiba 'yon..." mahinahon lang niyang balik.
"Nasaan si Miracle?"
"Mag-aaral siya sa New Zealand. I'll bring her to the United States after primary... Mas magandang habang bata pa siya ay malayo na siya sa 'yo... So that she'll not follow the path you're now standing." Tiningnan niya ang kinatatayuan ko pataas sa aking mukha.
Humugot ako nang napakalalim na hinga. "Send Miracle home... I'll do everything you want..."
"Good... I don't know what took you so long to decide? Si Yna pa 'rin naman ang ipapakasal sa 'yo. Siya lang din ang gusto ko para sa 'yo at wala ng iba... She's perfectly fit to become a Saki. She's smart, talented, kind and most especially she's from Yang empire... What a powerful family we have if you both combined!" Ngumiti siya habang iniisip ang mangyayari sa hinaharap.
"Do whatever you want, Dad... Just don't let me look like 'I'm the one who is begging for this stupidity. Whether the marriage will proceed or not, this time, I don't care anymore." Ang madiin kong bigkas bago ko siya tinalikuran.
End of Ylan's POV