Chapter 3
Sapp's POV
Mahaba ang buhok niya at kulay blonde. She has beautiful curly hair. Maliit ang mukha niya at sobrang ganda ng mga mata niya. Ang hahaba kasi ng mga pilik-mata niya. May maliit pero napakatangos na ilong siya. Katamtaman lang din ang tangkad. Ang perfect!
"I'm Athena..." Ngumiti siya sabay abot ng palad.
"I'm Kuyana!" abot-tainga kong pakilala sa sarili. Napayuko ako. "Sabi mo kasi ikaw si Athena. Kaya ako naman si Kuyana!" Alanganin akong napangiti sa biglang pagsampa ng kabaliwan sa aking sistema. "Sorry, ang corny ko. Ako si Sapphira... Sappy na lang." Nahihiyang tinanggap ko ang kamay niya. "Pasensiya ka na, 'di na ako nakapag-alcohol."
"It's fine... Nice meeting you, Sappy..." Lumipat ang tingin niya sa ibaba. "Nakapagtataka dahil bigla ka na lang natisod. Mukhang alam ko na kung bakit..."
"Huh? Manghuhula ka, Athena? 'Yong may pabolang kristal pa?" manghang tanong ko.
Tumingin ulit siya sa akin at tumawa nang mahina. "Hindi... Mabuti na lang dahil magkasunod lang tayong naglalakad. May manipis na nylon na nakatali sa magkabilang poste ng hallway dahilan para matisod ka." Nagseryoso ang mukha niya. "May nakaaway ka ba?"
"Hindi ko naman sinasadya... Bigla na lang akong naging matapang kanina... Si..." Napasimangot ako. "Iyong lalaking mukhang si Sangoku..."
"Sangoku? Don't tell me it's Ylan? Siya lang naman ang nakataas ang buhok dito sa Academy. Siya lang din ang alam kong mahilig sa mga ganitong laro." Muli siyang tumingin sa nylon na nakatali. "The beast doesn't try to behave." Ngumisi siya habang umiiling. "Wanna come with me? I know a way so that your paths won't cross."
"Ano ba ang mangyayari kapag nagkrus ang landas namin ulit?"
"Pahihirapan ka niya... I don't think so... Wala ka namang natanggap na black card, 'di ba?"
"May idinikit siya sa mukha ko pero dinikit ko lang pabalik sa noo niya..."
"What? O,M,G!" Bumungisngis siya. "Another toy to play with. Hindi mo dapat ginawa 'yon. Okay na rin para may bago." Kinindatan niya ako. "At least nagalit mo siya. My only advice to you is to remain firm kahit ano ang gawin niya sa 'yo, okay?"
Wala sa sariling napatango ako. "Okay... Thank you, Athena."
"Let's go?"
Natigilan kami nang may biglang lumabas na mga taong nakatago sa mga halaman dito. Tumatawa sila habang abala sa pag-alis.
"Now those are the 6K's soldiers." Napailing siya, may guhit ng pagkairita sa mga mata.
"Huh?" Kumunot-noo ako saka sinundan sila ng tingin habang papaalis.
Totoo nga, halata naman sa mga mukha nilang may alam sila sa nangyari sa akin.
"Sila ang inutasan nila para gawin 'yan sa 'yo." Lumapit siya sa nylon saka pinigtas 'yon gamit ang nail cutter. "Good thing I brought this... Dadaan na lang tayo sa cafeteria. Saan ba banda ang first class mo?"
"Sa Cherry building..."
"Sakto, puwede tayo sa Cafeteria. Malapit lang 'yon doon." Sinimulan na niyang maglakad. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya.
"May itatanong sana ako, eh," kahit nag-aalangan ay lakas-loob kong sinabi.
"Go," nakangiti naman niyang tugon.
Mukhang okay lang naman sa kaniya...
Huminga muna ako nang malalim para bumuwelo. "Sino ba ang 6K?"
"Nagmamadali rin ako dahil may klase pa ako. Don't worry, I'll give you a short background... 6K is the most famous, powerful and badass boy group here in the Academy. 6K means 6 kings, with one queen but they considered her as king... Originally, they are six members but now there's only four left. They are all from an elite family. Hindi lang sila mayaman kung hindi mayamang-mayaman! The richest among them is Ylan. Ylan Achlys Alaric Saki, the only heir of Saki Group of Company. His grandmother owns this Academy. That made him the head of the group," mahaba niyang pahayag. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"So..." Napapikit ako nang mariin. "Patay na ako ngayon."
"As I said, remain firm. Kung matapang kang tao, 'yon ang magsasalba sa 'yo... 'Wag kang matakot." Ramdam ko ang seguridad sa boses niya. "Tutulungan kita sa paraang alam ko. For now, I'll go now... That's the cafeteria." Itinuro niya 'to. "Paglabas mo sa side, Cherry's Building na. Good luck sa first class mo!" Nag-alay ng ngiti at tinapik ako sa balikat. "Magkikita pa naman tayo..."
"Thank you, Athena..."
"Welcome. See you around! Itutuloy ko na lang ang kuwento kapag nagtagpo ulit ang mga landas natin. Iyon ay kung may tanong ka pa... Bye!"
Kumakaway ako sa kaniya habang papaalis siya. Kumaripas ako ng takbo papasok sa Cherry's Building nang makita ko kung anong oras na.
Tumingala ako sa itaas ng pintuan ng room. Sinisigurado kung tama ba ang papasukan ko. CE-1 ang nakasulat. Tama nga. Napabuga ako ng hangin bago ako humakbang papasok.
Tumahimik ang mga tao sa loob nang makita nila ako. Kahit alangan ay pinilit kong ngumiti. Dahan-dahan akong naglakad sa may bakanteng upuan. Nagbubulung-bulungan sila sabay tingin sa mga cell phones nila.
Hanggang dito ba naman?
"Hindi ba siya 'yong nakabangga ng 6K kanina?"
"Siya nga!"
"O, M, G! Kaklase natin siya!"
"Dapat malaman nila 'to!"
Ang sari-saring bulungan sa paligid ko. Hiyang-hiya akong napayuko. Kung 'di lang sana nila mamasamain ay kanina pa ako nagtakip ng mga tainga ko.
Tumahimik sila nang dumating na ang Professor namin. Dali-dali silang nagsiupuan sa kani-kanilang upuan. Nararamdaman kong napapasulyap pa rin sila sa gawi ko.
Ito pala ang napapala ng padalos-dalos.
"Good morning, students!" bati sa amin ni Professor.
"Good morning, Sir!" sabay-sabay naming bati pabalik.
"I'm Professor Warner Waknang. Your trigonometry Professor! Well, wala namang gaanong interesting tungkol sa akin. I'm just, me."
Tumalikod siya para isulat ang pangalan niya sa white board. Matanda na siya. Mahahalata mo 'yon sa mga buhok niyang halos puti na. Nakasuot siya ng makapal na salamin, mas makapal pa sa salamin ko.
"Since hindi pa bukas ang Dean's office, ako ang napag-utusang mag-review ng mga files ninyo. Some of you are not able to pass all the requirements needed. Half of this block are from the different countries that passed the entrance examination... So, kung sino man kayo, congratulations! And I warmly welcome you here in Riverdale Aquinox Academy!"
Nagsipalakpakan silang lahat. Lahat sila ay nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa mga katabi nila. Ako lang yata ang hindi.
Pasimple akong sumulyap sa katabi kong babae. Tumaas ang kilay ko nang makita kong tahimik lang siyang nakatingin sa akin. I smiled awkwardly. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang ngumiti siya pabalik sa 'kin.
"Gail!" Inilahad niya ang palad niya.
"Sapphira! Sappy na lang," masigla kong pagpapakilala.
Nakangiti kaming nagkamayan. "Ang ganda naman ng pangalan mo, Sapphira!" Manghang-mangha ang itsura niya.
Panay pa rin kami sa pag-shake ng mga kamay namin. Wala na yatang balak bumitiw ang mga kamay namin.
"Alam mo, may saltik ka rin, 'no?" Tawa siya nang tawa.
Bigla akong natigilan. Napaisip ako. "Paano mo nalaman?" Napabungisngis na rin ako.
"Hindi ka ba updated? Ang may saltik, naka-de-detect din ng may saltik!" Muli siyang humalagapak sa tawa.
"Nakapagtataka dahil 'di kita na-detect!"
"Malamang napundi 'yang detector mo!" Minsan nag-de-deteriorate din tayo! Amazing, 'di ba?"
Mabilis akong tumango-tungo. 'Tama! Tama!"
"Nasobrahan nga lang pagkasaltik mo dahil pati si Ylan binangga mo!"
Napalis ang ngiti ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. "Hindi ko naman alam kasi..."
"Hindi ka nag-research about sa Riverdale?"
Umiling ako. "Hindi."
"Kita mo! May saltik ako pero naisip ko 'yon." Umiling-iling siya. "I'm so proud of myself!"
"Okay, quiet class," si Mr. Waknang.
Doon lang naghiwalay ang mga kamay namin.
"Mamaya na kayo mag-ingay dahil idi-dismiss ko rin naman kayo agad para sa orientation ninyo."
Tumahimik kaming lahat.
"I'll call your name, one by one. I'll just tell you what lacks in you. Mabilis lang naman dahil kaunti lang naman ang kailangan ko inyo. As I'm working here, please be quiet. Is that clear?"
"Yes, Sir!"
"As I call your name, kindly go here in front. Let's start with Miss Sapphira Snow S. Serafina."
Kung minamalas nga naman!
Ako pa talaga ang nauna. Tumayo ako nang mabilis nang matawag ang pangalan ko.
"So, Sapphira Snow pala and pangalan niya!"
"Lagot siya ngayon!"
"Mas mabilis ka na nilang mahahanap ngayon!"
"Kailangan malaman ng 6K 'to!"
Ang naririnig kong bulungan nila. Bulong pa ba 'yon kung naririnig ko naman?
"Class! Kasasabi ko lang, 'wag maingay."
Kung 'di pa nagsalita si Professor, 'di na sila tatahimik.
"Hello po, Sir."
"So, ikaw pala si Miss Serafina."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Actually, hanggang talampakan na yata ng sapatos ko. Matagal kasi siyang nakatitig sa mga 'to. 'Di ko tuloy maiwasang igalaw-galaw ang mga daliri ng mga paa ko sa loob.
"Ako nga po... Ako po 'yon talaga at hindi po 'yong sapatos..." Pahina nang pahina ang boses ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa mga sapatos ko.
Napapikit ako nang ma-realized ang sinabi ko. Hindi ko na naman napigilan ang utak ko. Minsan talaga ay nagtataka na ako sa mga ginagawa at pati sa mga lumalabas sa bibig ko. May mga times na nabobobo talaga ako. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili!
Napakunot-noo siya. "Ano?"
"Huwag n'yo na lang pong intindihin ang sinabi ko..."
"Anyway, pinag-isipan mo ba talaga 'tong kinuha mong course?"
"Opo..." Bigla akong natulala.
Gusto kong maging Civil Engineer. Maging sina Mama at Lolo ay sang-ayon sa naging desisyon ko. Matagal na nilang sinasabi kung ano ang dapat kong kunin.
Pero bakit parang may mali?
Ipinilig ko na lang ang ulo.
"Do you know, Miss Serafina, that it doesn't mean you want a certain course is the Academy will let you learn it?"
"Hindi ko po alam, Prof. Biglaan lang kasi ang pagpunta ko rito... Akala ko kasi ay hindi na ako matutuloy mag-aral dito..."
"Okay... That's private so keep it. Let's go back. Why? Bakit nga ba may policy na ganoon ang Academy?"
Umiling ako bilang tugon.
"To avoid shifters. To maintain the standard of the Academy. To mould students graduate on time. To avoid waste of time, money and energy. Almost all of the students here are from elite families. Perhaps, you're one of them..."
Talagang pandayan ng ginto ang Academy na 'to. Bakit nga ba ako nag-aral dito? I learned to love this Academy because Mama used to tell the best things about Riverdale that made me fell in love. Curiously, she never talk about all of these. Ang natatandaan ko lang na lagi niyang sinasabi ay dapat matalino ako. Iyon siguro ang dahilan kaya nag-hired siya ng personal tutor ko noon.
I'm not from an elite family too. Simple lang ang buhay namin. Si Mama ay isang public teacher at si Papa naman ay owner ng bike store. Na-realized ko na ang kukomplikado pala ng mga buhay ng mga students dito. Nakapagtataka, pinilit nila akong pag-aralin dito kahit sobrang mahal ng tuition.
"One of the reasons why parents wanted their children to graduate immediately because they wanted their heirs to take over with their businesses. As long as possible, we choose a course according to the intelligence of a student not skills, ability and talent," seryosong paliwanag niya.
"So, hindi po ako worth it sa course na kinuha ko, Prof? Magpapalit po ba ako ng course?"
"Base on your school records, mabababa ang mga grado mo. When you were in elementary, you really proved it until grade nine, high school. Shockingly, from grade ten until grade twelve, you bloomed. Ang tataas ng grades mo, considering the fact that you graduated from a high standard and famous University in the Philippines. To cut it short, you're in the middle. Ang tanong, kakayanin mo ba'ng maka-survived?"
"Opo... Kakayanin ko po!" Taas-noo kong sagot.
"Good," tumatangong sambit niya.
"Ako na ang bahala rito sa records mo. 'Yon lang. Makauupo ka na."
"Thank you, Prof..." Tumalikod na ako. "Kahit naman bumagsak ako, wala naman kong business na mamanahin, eh!" Yumuko ako para itago ang paghagikgik ko. "Ang galing ko talaga!
End of Sapp's POV
Ylan's POV
"Ano na, Ylan? Kanina pa tayo rito, ah. Namuti na yata lahat ng mga mata natin. See? She's not coming!"
Inis akong tumingin kay Calix. "Nagmamadali ka ba? Umuwi ka na nga!"
"Pumasok na lahat ng mga estudyante sa mga classrooms nila," sambit ni Kai habang nakatingin sa malayo.
Nakatayo ako rito sa hagdanan papasok ng Winter's building. Nakaupo naman 'tong mga kasama ko. Kalahating oras na kaming naghihintay rito pero walang bubwit o girl cookie ang dumaan.
Lokong bubwit 'yon, ah! Hindi na talaga siya nagpakita. Siya pa naman ang pinakainaabangan ko. Natawa ako sa isip. Malamang ay natatakot na 'yon sa akin.
"Mabuti naman!" sambit ko.
"Sino'ng kausap mo, bro?"
Nakatingin silang tatlo sa 'kin habang nakakunot-noo.
"Si bubwit sabi ko! I'm sure, nag-dropped na 'yon." Ngumisi ako.
"Iyong isa pa kaya? Si cookie girl," pagpapaalala ni Calvin.
"Malamang, isa rin 'yon." Tumawa ako nang nakaloloko.
"Ylan, I'm sorry to interrupt you but as Calix said, we have a deal." Muli akong natigilan nang magsalita si Kai. "Every time you executes your word, you'll fulfil it in no time. Why today?"
"Kai!" Napapikit ako nang mariin. "You're slowly draining me. Right?"
Hindi siya natinag sa masamang titig ko. "No. She's not Yna... I'm just reminding you. 'Wag mo siyang pahirapan just because you remember her in her."
Hindi ko na napigilang ikuyom ang mga kamao ko. Alam kong nararamdaman niyang galit na ako pero bakas sa mukha niyang wala siyang pinagsisisihan sa mga sinabi niya. Tahimik lang siyang nakamasid sa 'kin.
Sanay na ako sa ugali niya pero parang ngayon lang ako napikon!
"Enough, bros!" Pumagitna sa amin si Calix.
"Kumalma ka, bro..." Hinawakan ni Calvin ang braso ko.
"You really believe that it's all about Yna again?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yna ka nang Yna! Parang ikaw naman ang iniwan at 'di maka-move on! You know me! Bata pa lang tayo, ganito na ako! And not because of Yna! The hell I care kahit magkamukha pa sila!"
"Just please don't touch her," walang emosyong utos niya na mas lalong nagpainis sa 'kin.
"Who are you to command me?" pasinghal kong tanong.
"It's not a command, it's a request," mahinahon niyang pagtuwid sa maling akala ko.
"Why Kai? Give me one f*cking valid reason!"
"Because I like her," seryosong sagot niya, diretso sa aking mga mata.
Natigagal ako. Parang 'di ma-digest ng utak ko ang sinabi niya. Katulad ko ay natulala rin sina Calix at Calvin.
"Not that fast, bro! Kanina mo lang siya nakita," bulalas ni Calix.
"She's your type? You must be kidding, right?" dagdag naman ni Calvin.
"Remember, he noticed her a while back!" Ngumisi si Calix.
"Yeah, the first girl he approached today!" Naningkit naman ang mga mata ni Calvin dahil pinipigilan niyang tumawa.
"He must be serious!" sabay nilang ani. Napatingin silang dalawa sa 'kin.
"Ylan, how's that?" si Calix.
"Now that's real f*cking one!" bulalas ko. Tumitig ako kay Kai. "But that doesn't change my mind. She's my victim now. Labas ang feelings mo rito," ang madiin kong bitaw habang nakatitig sa mga mata niya.
"Ylan! May sasabihin kaming mahalaga sa 'yo!" Tumatakbo ang grupo ng babae patungo sa 'kin.
"6K! Wait!" ang sabay-sabay nilang hiyaw.
"Iyong hinahanap ninyo, kaklase lang namin!"
"Sapphira Snow S. Serafina ang pangalan niya!" singit ng isa.
"Wait! Bakit mo sinabi? 'Di ba dapat ako ang magsasabi? Papansin ka talaga!" Ngumiti siya sa 'kin at nagpa-cute. "Ako talaga ang unang nakaalam, Ylan."
"Ako kaya!"
Mukhang mag-aaway pa sila.
"So, Sapphira Snow pala." Ngumisi ako sabay tingin kay Kairo. "Snow, ang taong niyebe."
"At 'yong bike niya, naka-park sa likod ng Saki's building!"
Kumislap lalo ang mga mata ko. Doon pa talaga sa main office ni tanda siya nag-parked. Humanda siya sa 'kin!
End of Ylan's POV
Sapp's POV
"That's all. Class dismiss!"
Nagsitayuan na lahat ng mga classmates ko. Bago sila umalis ay napapasulyap pa rin sila sa 'kin. Panay pa rin ang bulungan nila na tila bubuyog.
"Ano? Tara?" Kinindatan ako ni Gail. "May 30 minutes pa tayo bago ang orientation. Do you wanna build a snow man? Sino nga ba ang 6K? Are you willing to find out? Tara sa likod ng oval. Walang masyadong tao roon."
Aaminin kong interesado rin akong malaman kaya sasama ako. Bukod doon, siya lang naman ang naglakas-loob para kausapin ako. Nakarating kami agad dahil malapit lang naman dito mula sa building. Umupo kami sa ilalim ng malaking puno rito. Tama si Gail, tahimik dito at parang liblib na sulok ng campus.
"Okay!" Inilabas niya ang maliit niyang laptop. "Game na?"
"Game!"
"Dahil apat na lang ang 6K ngayon, sa kanila tayo magfo-focus! Uunahin natin sila."
"Apat? Dapat 4K."
"Tama ang computation mo pero ang 6K ay 6K!"
"6 Kings," wala sa loob kong sambit.
"Bakit alam mo?" Ngumisi siya. "Ikaw, ah! Pasimple ka pang walang alam diyan!"
"Kaonti lang ang mga nalalaman ko."
"Alam ko! Start na tayo. Calvin Americ Theron..."
Nag-flashed ang picture niya pati ang mga informations tungkol sa kaniya. Para tuloy siyang reporter dahil naka-power point pa talaga ang setup.
Ganito ba talaga kahalaga ang 6K?
"Siya si Calvin. Ang tagapagmana ng Theron company. Yes, producer ng mga branded cars sa US. Since siya ang panganay sa kanilang dalawang lalaking magkapatid, siya ang heir nila."
End of Sapp's POV