Chapter 2
Sapp's POV
"Sorry kung dito lang kita maihahatid." Ngumiti siya. Tumigil siya sa pag-akay sa bike ko. "I'm Kairo Clive Hirano. You can call me Kai." Inilahad niya ang palad niya.
"Sapphira..." Napakagat-labi ako habang nakatingin sa palad niya.
Tatanggapin ko ba?
Ngumiti lang siya sabay bawi ng kamay niya. "It's fine."
"Ma-issue ang mga tao rito... Pansin ko..."
Natawa siya nang mahina. "I guess."
"Akin na 'yan." Binawi ko ang bike ko. "Salamat..."
"Welcome... Parking areas will be closed at exactly one pm in the afternoon. So..." Sumulyap siya sa bike ko.
"Alam ko. Thank you ulit!" Mabilis kong inakay 'tong bike ko palayo sa kaniya.
Ang luwang ng school para pagdamutan kami ng parking area. Ano 'yon? May time limit? Wala sa sariling napalingon ako kay Kairo. Agad din akong humarap nang makita kong nandoon pa rin siya at matamang nakatingin sa akin.
Mamaya ay orientation na. Kailangan kong makahanap ng parking area dahil siguradong aabutin hanggang hapon ang orientation.
"Alam ko na!"
Dinala ako ng mga paa ko rito sa Sakura's Paradise. 'Yon ang tawag ni Lolo sa house and lot niya rito. Mabuti na lang dahil malapit lang 'to sa Academy.
"Dito na lang ako magpa-park lagi," nakangiting bulong ko sa sarili.
Two hectares ang sukat ng Sakura's Paradise. Sobrang luwang na nito kung tutuusin. Hindi pa ako nakapapasok sa loob dahil ang bilin ni Lolo, sa pasukan na lang. So, this is the day!
Napalilibutan ito ng sementong bakod. Sa hindi kalayuan mula sa gate ay isang bahay. Simple lang na bahay na gawa sa brown bricks at kahoy. Mayroon itong dalawang palapag. Napaka-cute. Ang kaso lang, nawala ang kulay nito dahil halos lahat ng mga halaman ay namatay na. Ang ilan ay wala nang sigla dahil hindi na nadidiligan. Ang ibang parte ay tinubuan na ng mga ligaw na damo.
Sa wakas ay nakarating na ako. Tumingala ako sa napakataas na gate rito.
End of Sapp's POV
Ylan's POV
"Your throne is too complicated, grandma. It's fine on my part if you'll give me nothing," nakasimangot kong balik habang hinihilot ko 'tong braso ko.
"Will your Dad allows that?" She smirked. "You know him. Pahihirapan ka niya hanggang sa pumayag ka. Saki group of company is your fate as the only son of this family. Legacy is legacy," pinal niyang pahayag.
"Then let me enjoy my life first!" mabilis kong sabi. "Hindi ko na magagawa lahat ng gusto ko kapag dumating ang araw na 'yan."
"I can help you with that." Ngumiti siya.
"What do you mean?"
"I can convince your Dad."
She has the power to change my Dad's mind. The only person who can flip the pyramid I was served to step to.
"In one condition." She's looking at me intently. "Bawiin mo ang Sakura's Paradise."
Ang pinakamamahal na gubat ni tanda.
Gubat dahil sobrang daming puno roon saka isang simpleng bahay. Isinasama na niya ako roon noong bata pa ako. Hindi ko alam kung bakit hindi niya mabitiwan ang lupang 'yon. Mayaman naman siya at madaming ari-arian.
"When?"
"Starting today."
"First day of school ngayon, grandma. Baka lang nakalilimutan mo."
"May two hours break ka pa bago ang orientation, right?"
Tumango lang ako.
"Perfect! Dumaan ka roon ngayon. Check the rest house. Puwede kang tumira doon habang wala pa ang ate mo at Miracle."
"I told you before that I have no interest about your house and lot there! Babawiin ko lang, okay?"
"Wala kang magagawa! Titira ka roon sa ayaw at sa gusto mo or else, I will not help you and I'll cut all your allowances too. Now go!" Itinuro niya 'yong pintuan
Namumuro ka na talaga, tanda!
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at humakbang paalis ng office.
Inis ko nang tinatahak ang daan papunta sa Paradise. Matagal nang sinasabi sa akin ni Tanda ang sacred place na 'yon, bata pa lang ako. First time kong makapupunta muli roon ngayon. Gusto ko lang pagbigyan si tanda para matapos na. Malapit lang naman 'yon. Isang kanto lang mula sa school kaya puwedeng-puwedeng lakarin.
Nakapamulsa akong naglalakad nang mahagilap ng mga mata ko ang pamilyar na babae sa hindi kalayuan. Nasa tapat siya ng gate at may akay-akay na bike. Binilisan kong maglakad palapit dito.
"Hoy! Trespassing ka!" sita ko sa kaniya.
Gulat siyang napatingin sa gawi ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino siya.
"Ikaw na naman!" sabay naming sabi.
Napangisi ako.
Humanda ka sa akin ngayon!
End of Ylan's POV
Sapp's POV
"Hoy! Trespassing ka!"
Napatingin ako sa sumigaw.
"Ikaw na naman!" sabay naming ani.
Ano ang ginagawa niya rito?
Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Ngumisi siya habang nakapamulsa. Iba ang klase ng ngiti niya. Ngiting may binabalak! Naaalarma tuloy ako.
"What are you doing here?"
"Why do you care?" Inirapan ko siya.
"Hoy pusang nagtatapang-tapangan, baka gusto mo ang balatan kitang buhay." Lumaki ang mga mata niya. "You're unbelievable! It's obvious that you're f*cking crazy. How come you don't know me?" Nagseryoso ang mukha niya. "I'll give you chance but first, step back. Pagbilang ko ng tatlo, dapat wala ka na rito. One..."
Nakatitig lang ako sa mukha niya. I don't know why. I just can't stop this urge!
Gising, Sappy!
"Two..."
Napalunok ako. Ano ba ang mayroon sa taong 'to? Parang kukulo na 'tong dugo ko sa kaniya. Na-realized kong hindi ko talaga siya makakasundo.
Never.
"Three..." Pumitik siya sa ere. "Since it's obvious that you're new here, I gave you chance to escape but you wasted it. Now, you don't have any excuse."
"Ano ka ba? Narito ako para mag-park ng bike ko. Why do you care? Eh, pagmamay-ari naman 'to ng Lolo ko!" Tumaas na ang tono ng boses ko. "It's not your territory anymore so please, leave me alone!"
Tumawa siya nang napakalakas. 'Yong tawang parang nasisiraan na ng bait. Agad ding nagseryoso ang awra niya.
"Well, the owner of this land is me." Itinuro niya ang mukha niya.
Natigilan ako. Napapaisip tuloy ako. "Vuvu!" Naiiyak na ako sa katatawa.
Nag-uumpisa na naman ang sakit ko. May ugali akong bigla na lang nagiging retarted. 'Yong tipong normal naman ako pero biglang mag-iisip tanga. Ilang beses na akong ipinatingin sa mga psychologists and psychiatric doctors para makita kung ano ang klaseng disorder mayroon ako pero walang makita. Ang sabi nila, bipolar daw ako.
I can't believe I had survived High School having this kind of mental disorder.
Ako 'yong taong minsan matalino at minsan bobo. Minsan matapang at minsan duwag. Napakagulo talaga! Katulad na lang ng nangyari kanina, sobrang tapang ko tapos ngayon parang naduduwag ako at parang mamimilosopo na naman.
Hindi ko kayang pigilin ang utak ko. Wala akong ideya kung bakit ako ganito.
"Isa lang ang nagmamay-ari ng lupang 'to." Ngumuso ako. "Hindi ikaw at hindi rin ako. Isa lang ang nagmamay-ari." Tumingala ako sa langit. "Si Papa God... Amen."
"Huh?" Humagalapak siya sa tawa. "Amen ang puts!"
Tinitigan ko sa siya nang masama. "Bakit mo ginagawang katatawanan ang Diyos?"
Panay pa rin siya sa katatawa. "Ako ba? Ikaw kaya!" Napahawak na siya sa tapat ng tiyan niya. "Ayos ka, ah! Hindi dahil napatawa mo ako ay bayad ka na sa ginawa mo sa akin kanina." Muling nagseryoso ang mukha niya.
"Wala akong pambayad. Wala akong pera." Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagka-graduate ko na lang."
"Ibang bayad ang tinitukoy ko." Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
Habang palapit siya nang palapit ay siya namang paglakas ng kabog ng puso ko. Mas lalo kong napag-aaralan ang mukha niya. Kasalanan ba'ng salungatin ang sigaw ng utak, puso at ng katotohanan? Talagang guwapo siya, lalo sa malapitan!
Umiling-iling ako para maiwaksi ang naiisip ko. Pumikit ako nang mariin. Pagbukas ng aking mga mata'y muntik na akong malagutan ng hininga. Nasa tapat na ng mukha ko ang mukha niya! Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.
Nahimasmasan ako nang may bigla siyang idikit sa noo ko. Papel na kulay itim 'to at may sulat-sulat pa. Agad ko itong tinanggal at idinikit sa noo niya pabalik. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa galit.
"Ano sa tingin mo 'tong ginawa mo?" bulyaw niya sa 'kin.
"Dinikit ko sa noo mo," inosente ko namang sagot. "Naduduling ako, eh! Sa rami ng puwede mong pagdikitan, sa noo ko pa. Para maranasan mo ring maduling..."
Ngumisi lang siya sabay tanggal ng nakadikit sa noo niya. "I don't want to waste my time on you. Whatever you said will be paid sooner or later. Including what you did to me an hours ago. Welcome to Riverdale Aquinox Academy!" ang nakalolokong bati niya sa akin.
Tinalikuran na niya ako. Naglalakad na siya paalis.
"Thank you! Welcome too!" ang pahabol ko. Napasimangot ko dahil 'di na siya lumingon
End of Sapp's POV
Kairo's POV
"We're just beside Sakura's Building. Sa may kanto," sabi ko.
"Okay!" maikling sagot lang ni Ylan sa kabilang linya.
Ibinaba ko na ang cell phone ko. Mayamaya pa'y naaaninag na namin si Ylan na paparating. Nang makarating siya'y marahas niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Padabog siyang sumalampak sa upuan sa tabi ni Calix.
"Nangangamoy galit!" biro sa kaniya ni Calv.
Natawa kaming tatlo.
"Mantakin mo 'yon! Pagkatapos niya akong kalabanin, sasabihin niya na sa Lolo niya 'yong gubat ni tanda!" Tumatawa siya pero halatang naiinis din siya.
"Gubat? You mean, forest?"
"Whatever, Calix!" umay niyang sagot.
Napaiisip tuloy ako. Nagtagpo na naman siguro ang mga landas nila ng babae kanina. Siya lang naman ang nakabangga niya.
"Nagkita kayo ulit kanina?" mahinahon kong tanong.
"Oo. Stalker yata 'yon, eh."
"Hindi ba kasama mo siya kanina, Kai?" singit na tanong ni Cali.
Napatingin silang lahat sa gawi ko.
"Oo," maikli kong sagot.
"And?" halos sabay-sabay nilang tanong. Tinaasan pa nila ako ng mga kilay.
"Hinatid ko lang siya sa bandang Sakura's Building. Hindi naman kami nakapag-usap masyado."
Nakaramdam ako ng guilt. Dapat ay sinamahan ko na lang siyang maghanap ng parking area para sa bike niya kanina. Sa mukha pa lang ni Ylan, alam ko nang may nangyaring hindi maganda.
"That's right, Kai! 'Wag kang nakikisama sa stranger." Humalukipkip siya sabay ngisi. "Good thing you're not there. Baka mamaya ay naging superhero ka na naman bigla."
"Ylan! Kung minsan naman kasi ay padalos-dalos ka. Just like a while ago. You gave the poor girl a black card." Umiling-iling si Calvin.
"Why not? Kilala n'yo ako at wala kayong magagawa," masungit naman niyang balik.
"Hindi ba may usapan na tayo? Bawal magbigay ng black card sa first day of school. Just to make our day a lucky and peaceful one!" bulalas ni Calix.
"That's a deal! Pero kita ninyo naman, ang kamahalan ang unang lumabag," wika ni Calix.
Natuon ulit ang atensiyon namin kay Ylan. Napangiti na lang ako sabay iling. Nakabusangot lang ang mukha ni Ylan.
"This is our last year in college. Hindi pa rin uso ang salitang kalma kay Ylan," dagdag pa ni Calvin na siyang nagpatawa sa aming lahat.
"Bull's eye ka riyan, bro!" pagsang-ayon ni Cali.
"Will you please stop! Mga gunggong," singhal lang ni Ylan sa aming lahat.
"What we are trying to convey is for us to enjoy our last year here in Riverdale. Nagsawa na tayo sa ganitong scenario sa loob ng limang taon."
"Calix is right." Ngumiti ako kay Ylan. "Deserved mong maging masaya at mag-enjoy. Deserved mong i-relax 'yang isip mo."
"You really think that I'm not enjoying? I am!"
"Kumalma ka nga, Ylan, kahit ngayon lang," biro sa kaniya ni Calix
"Sorry, but I can't!" Napabuntong-hininga siya. "Mahirap gawin ang ipinapagawa ninyo at imposible!"
"You have one victim again in just one day," dismayadong sabi ni Calvin.
"Actually, there are two," pagtatama naman ni Ylan.
Naguguluhan kaming tumitig sa kaniya. Kinutuban tuloy ako kung sino pa ang isa.
"The other one is bubwit!" Sumingkit ang mga mata niya. "Siya ang mas pahihirapan ko sa kanilang dalawa."
Napamasid na lang ako sa labas ng bintana. Ylan is unstoppable. Kung ano ang naisip niya, 'yon na. Period. Nasanay na kami sa ugali niya. Tanggap namin ang pagkatao ng bawat isa. Iyon naman ang role ng tunay na kaibigan.
'Yong babae kanina ang gumugulo sa utak ko. Halatang bagong student lang siya rito sa Academy. Hindi niya deserved magkaroon ng black card dahil hindi pa niya alam kung ano ang klaseng school ang pinasukan niya. Posibleng alam din niya pero sadyang matapang lang siguro talaga siya.
Bukod kay Yna, wala nang ibang bumangga kay Ylan. Siya lang ulit. Siya na nagkataong may hawig kay Yna, ang dating member ng 6K at nag-iisang babae sa grupo namin.
"Now you're on fire again, Mr. Saki! I believe hindi niya sinasadya ang ginawa niya kanina. About the gubat, ipaubaya mo na lang sa kaniya 'yon. Kakarampot lang 'yon sa inyo kung tutuusin."
Calix is right.
"Kung ibang tao lang, puwede ko pang ibigay na lang. Unfortunately, she's bubwit. Kilala n'yo ako. Hindi ako basta-basta. Lalo pa't kinalaban niya 'ko!"
Umiiling na lang kami habang nakatitig sa kaniya.
"She's too innocent. Nakita ninyo naman kanina. Mukha lang siyang nasa lower grade. Bata pa siya." I tried to sounds like I'm not defending her.
"I noticed too. Ylan, may kapatid ka ring babae. Isipin mo na lang na siya si Miracle."
"Come on, Calix! 'Wag mo ngang isinasali si Miracle," sagot naman sa kaniya ni Ylan.
Hindi namin alam kung bakit pa kami nag-aaksaya ng oras sa pagkukumbinsi sa kaniya. Ang ending, wala rin kaming magagawa.
"Para akong magkakasakit kapag wala akong napag-trip-an." Napahawak siya sa noo niya.
"Napansin mo ba? Kamukha niya si Yna." Tinitigan ko siya nang taimtim. Umaasang mababago ng sinabi ko ang balak niya.
"Ano ngayon?" Nag-iwas ako ng tingin dahil sa talim ng titig niya. "Puwede ba, Kai, tumigil ka... Yna was a big disgrace to 6K. I almost cursed her to the deepest core, four years ago."
"You just can't accept the truth..."
"Kai!" putol ni Calvin sa iba ko pang sasabihin. "Hindi na dapat natin 'yan binabalikan. Let's just moved on and face the present."
"Let him! After all, this is the first time that he will be going to speak about her. Nang dahil sa babaeng 'yon, you've been bringing up about Yn..." Umiiling-iling siya. "I don't even want to mention her name."
Napayuko ako. "I'm sorry. Kalimutan ninyo na lang ang sinabi ko."
Ipinilig ko ang ulo ko sa shield ng bintana ng sasakyan. Naaawa ako sa dalawang babae kanina. Mas naaawa lang ako sa kamukha ni Yna dahil siguradong pahihirapan siya ni Ylan. Ito ang unang pagkakataong sinubukan kong makialam.
"Ano ba 'yan, mga bro? Chill lang tayo, okay? We should go now! There's a lot of chicks in the campus for sure!" Pumalakpak si Calvin sabay buhay ng makina. "Let's do this!"
"Calv is right. Inaabangan ko rin si Athena." Calix said while grinning.
"Abang-abang na naman ng mga fresh sa Academy!" Calvin winked at us.
Napailing na lang ako. After or maybe before orientation ay magtatambay na naman kami sa Winter's Building. Ang dahilan ay para mag-abang ng mga bagong students at syempre mga magaganda. 'Yon ang first day of school ritual nila. Both Calix and Calvin benefits this much.
"Puwede ba? Hindi 'yan ang pakay ko. Hindi sila ang aabangan ko mamaya... " Kumislap ang mga mata ni Ylan. "Nae-excite tuloy ako!"
Napabuga na lang ako ng hangin. Kami talaga 'yong tipong may kaniya-kaniyang mundo.
End of Kairo's POV
Sapp's POV
Naglalakad ako papunta sa classroom namin. Napasulyap ako sa bike ko. Hindi ko na alam kung saan ko 'to iiwan muna. Pinagsisisihan kong hindi ko inungkat kay Lolo ang tungkol sa Sakura's Paradise. Pinili kong itikom na lang ang bibig ko. Ayaw ko kasing masaktan siya. Dumepende na lang ako sa kuwento ni Mama.
Nagka-idea ako nang mapadaan ako rito sa likod ng Saki's building. Nakasarado ang mga bintana at pinto. Hindi pa siguro 'to gagamitin.
"Dito na lang ako magpa-park!" masayang sambit ko. "Mayroon naman pala rito!"
Mabilis kong ipinark ang bike ko saka ako naglakad nang mabilis patungo sa room namin. Napakamot ako dahil hindi ko pa pala kabisado ang daan papunta roon.
Dadaan na lang ako sa Winter's Building paikot para madaan ko lahat ng mga buildings. Sa Cherry's Building ang first class ko. Kailangan pa ring pumasok maliban na lang kung orientation na. Excuse kami sa oras na gugugulin sa orientation.
Kailangan kong mahanap ang room ko bago mag-8:30 am. Binilisan kong pang maglakad.
Nang makarating ako rito sa papasok ng Winter's Building ay bigla akong natisod. Nagtataka ako dahil naglalakad naman ako nang mabuti. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil siguradong tatama ang mukha ko sa semento. Na-out balanced ako!
Napamulat ako ng mga mata dahil para akong nakalutang sa ere. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghila sa akin patayo.
"Are you alright, Miss?" ang tanong ng hindi ko pa nakikilala. "Nasaktan ka ba? Tell me kung saan banda. Sumayad ba ang face mo sa semento?" naramdaman ko ang matinding pag-aalala sa tono ng boses niya.
Limingon ako sa likuran ko. Ang ganda niya. Nahiya tuloy ako sa sarili ko at sa kaniya.
End of Sapp's POV