Chapter 4
ILANG ARAW simula noong kumalat ang mga pictures ni Sir Wave at Sir Drew sa social medias. Ilang araw na rin ako tinatanong ng mga tao rito sa opisina kung totoo ang kumakalat na tsismis na bading nga siya. Kahit nga sa news ay iyon din ang pinag-uusapan at ako? Ilang araw ko na rin iniisip kung paano sosolusyonan ang katangahang ginawa ko sa party na hindi natatanggal sa trabaho.
Hindi nagsalita si Sir Wave tungkol doon nang umamin ako sa kanya na ako ang nagpakalat no'n. Aksidente pa nga ang sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko nga ay papatayin na ako ni Sir Wave dahil sa tinagal-tagal ko siyang kasama, ngayon ko lang talaga naramdaman iyong bumabalot na parang itim na awra sa kanya habang walang emosyon ang mukha.
Sinabi ko pa nga ang mga 'yon kela Tita Yna para tigilan na rin nila ang kanilang anak sa kakatanong kung bading ba talaga ito. Hay! Dapat talaga ay sa kanya mismo manggagaling talaga ang salitang 'I'm a gay mom. Please forgive me.' pero sadyang matigas talaga siya at hindi pa rin nakuhang umamin kahit na nasa harap na ang ebidensya.
Iyong kay Sir Drew naman, talaga palang fiancee niya iyong si Stella na nakita ko sa tapat ng kwarto na nagwalk-out matapos makita ang unwanted scene noong dalawa. Buti na nga lang ay nagkaayos sila matapos ko ipaliwanag doon sa Stella ang sitwasyon na kunwari lang daw ang lahat.
Si Sir Drew ang may plano na iprank ang girlfriend niya bago ito magpropose at nakisakay lang si Sir Wave dahil wala na siyang magawa. Pinatawad na naman ako ni Sir Drew dahil nagkaayos na rin naman sila matapos ang mahabang paliwanagan.
Sayang nga eh, kasi prank lang pala ang lahat. Akala ko talaga, sila na ni Sir Wave ang magkakatuluyan. Magiging masaya na sana ako para sa kanila. Kasi diba? True love wins. Sinabihan na nga rin ni Sir Drew itong si Sir Wave na palagpasin na lang ang ginawa kong kamalian sa party tutal nilinaw ko na ang lahat. Pero nanatiling walang imik ang boss ko habang nakatingin ng masama sa fiancée ni Sir Drew na si Ma'am Stella.
Heartbroken siguro si Sir Wave ngayon dahil sa nangyari. Gawin ba naman siyang mistress? Ewan ko na lang kung hindi siya mabadtrip.
Comfort ko na lang ulit siya mamaya.
Pero hindi ko talaga dapat muna iniisip kung paano ko iko-comfort si Sir Wave mamaya. Dapat ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko papatigilin iyong hindi naman talaga rumor na bading si Sir Wave para hindi na ako matanggal sa trabaho.
Sasabunutan talaga ako nila mommy kapag nalaman nila kung ano ang ginawa ko sa paborito nilang boss ko/ Hindi rin ako pupwede maging pabigat o mawalan ng trabaho lalo na ngayon na nag-aaral si Kiel. May sakit pa si daddy at ang daming bayarin sa ospital na nakakaloka.
"Nandito na pala ang pabibo. Sana matanggal na siya rito, dahil kung tutuusin ako dapat ang sekretarya ni Sir Wave ngayon at hindi siya," nanggagalaiting pahayag ni Dianne. Isa lang naman siya sa mga empleyado rito na ayaw na ayaw sa akin.
Sa totoo lang, ayoko rin naman talaga sa kanya. Dahil bukod sa parang binagsakan ng langka ang mukha niya, pangit pa ang ugali. Hindi ko rin alam at wala akong balak alamin kung ano ang ikinagagalit niya sa akin. Ang tanging alam ko lang ay dapat siya ang magiging secretary ni Sir Wave bago ako nag-apply dito pero nagbago ang lahat dahil ako ang napili at doon nagmula ang pagiging insecure niya sa akin.
Siya ang nagkakalat ng balita na ginamit ko raw ang koneksyon ko bilang kaibigan ni Wave para maging secretary niya ako na hindi naman totoo.
Hindi ko na lamang pinansin ang pangungutya sa akin ni Dianne at nagpatuloy lang sa pagkain. Pasalamat din siya dahil wala si Carla ngayon dahil sigurado akong hindi lang pag-irap ang mararanasan ni Dianne. Nagday-off pala ang bruha dahil anniversary ng magulang niya ngayon at kasalukuyang nasa probinsya ito sa norte para magcelebrate.
Hindi pa rin natatapos si Dianne sa paglabas ng galit niya sa ibang empleyado na nandito sa cafeteria nang matapos ako kumain. Halata naman pinariringgan niya ako at sinusubukan na kunin ang atensyon ko. Gusto niya na patulan ko siya kaya kung anu-anong kadesperadahan ang ginagawa niya sa buhay para lang ma-report ako at tuluyang matanggal sa trabaho. Hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay bigla na lang siya matanggal sa trabaho dahil sa mga ginagawa niya.
Iniwan ko na lang sila roon at nagmamadaling pinuntahan si Sir Wave sa kanyang opisina. Sigurado akong kadarating lang niya dahil naghalf-day ito ngayon. Sobra akong kinakabahan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip na solusyon para matigil ang pag-iisip ng mga tao na bading si Sir Wave.
Iisa na nga lang ang naiisip ko na solusyon at iyon ang umamin siya pero sigurado akong tatarayan niya lang ako. Ito kasi ang kondisyon niya sa akin kapalit ng hindi pagkakatanggal sa trabaho. Ang mag-isip ng solusyon para sa kalokohang ginawa ko na pawang katotohanan lang naman.
Kumatok ako. Tatlong beses para sigurado. Dahan-dahan akong pumasok sa office ni Sir Wave. Sinalubong kaagad ako ng malalamig na mata at seryoso niyang mukha. Iba talaga ito sa mga nai-imagine ko. Akala ko ay patuloy siyang maglaladlad at magiging happily ever after na sila ni Sir Drew kaso hindi naman ganoon ang nangyari.
Nakasuot si sir ng kulay asul na long sleeve polo. Mas nagmukha siyang manly dahil sa ayos nito ngayon na nakabrushed-up ang buhok at hindi katulad noong mga unang ayos niyang nakababa palagi.
"Nakaisip ka na ba ng paraan kung paano maiaayos ang issue na ginawa mo Ms. Sabramonte?"
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at sumandal ng bahagya sa lamesa. Hindi siya nag-abalang alisin ang pagkakatingin sa akin. Niluwagan niya rin ng kaonti ang kanyang necktie dahilan para makita ko ang mga naglalabasang ugat nito sa kamay.
"Paano kaya sir kung umamin na lang kayo?" dire-deretso kong sabi na nagpagulat sa akin.
Bakit mo 'yon sinabi self? Gusto mo na ba talagang matanggal sa trabaho?
Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan. Mabibigat ang paghakbang na ginawa niya papunta sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay saka naman niya inilapit ang mukha niya, iyong tipong isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Talagang iniisip mo na bading ako?"
"Naku sir! Hindi ah!" mabilis na tanggi ko pero deep inside ay halos tumango na ako sa kanyang tanong. Ibinaba ko nang tuluyan ang kamay na kanina pang nakatakip sa aking bibig nang marealize ko kung ano ba talaga ang sinusubukan niyang gawin simula kanina pa. Nagcross-arms ako sa kanya bago tuluyang sumimangot.
I can read between the lines, sir! Hindi mo ako mauuto.
Sabi nila, nakakaakit daw ang mga mata ni Sir Wave lalo na sa mga babae? Pero bakit tila parang wala naman para sa akin? O baka talagang si Sir Drew lang ang nakakaappreciate no'n?
"Sir, hindi tayo talo," naiinis na sabi ko. Hindi ko na nga nagawang pigilan ang sarili ko na mapairap sa kanya. Subukan ba naman ako akitin?
"Gusto mo bang sisantehin na lang kita?" malamig na saad nito sa akin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling sa kanya. Kinabahan na naman ako dahil wala man lang akong nakitang pag-aalinlangan sa mukha niya nang sabihin niya iyon sa akin.
"Syempre sir, hindi! Ito naman si sir, hindi na naman mabiro," sabi ko sabay tawa ng peke. Nanatiling seryoso pa rin ang mukha niya kaya tumigil na ako sa pagtawa at muling nagsalita. Masyado talagang seryoso itong si Sir Wave. Hindi ba talaga uso sa kanya ang tumawa? Kung sabagay, wala na nga pala sila ni Sir Drew. Wala na siyang happy pill.
"Pero sir, hindi talaga tayo talo. At saka wala na akong maisip na ibang paraan sir," ulit kong sabi sa kanya. Totoo naman kasi 'yon. Wala na talaga akong maisip na ibang paraan bukod sa umamin itong si sir na alam kong hinding-hindi niya gagawin.
"Gagawin mo ba lahat ng gusto ko Ms. Sabramonte?"
"Opo naman sir! Basta huwag lang ako matanggal sa pagiging sekretarya ko sa inyo."
Tinitigan niya lang ulit ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kaming nakatitig sa isa't isa hanggang sa siya na mismo ang nagsalita at binasag ang katahimikan namumuo sa pagitan namin dalawa.
"Be my girlfriend Ms. Sabramonte."