Chapter 5
12 YEARS AGO...
"Hala Wave! Bakit ka nakapangsuot ng pambabae?" tanong ko sabay punas ng luha.
Sumimangot sa akin si Wave. Nakakunot na naman ang noo niya at nakapamewang pa habang nakasuot ng pambabaeng damit. Costume ko na snow white pa talaga ang naisipan na isuot. Ang nakakatawa ay bagay na baga sa kanya dahil kahit wig ni snow white ay nakuha pa niya suotin. Pero ang mas nakapagpatawa sa akin ay iyong lipstick niya sa labi na lampas-lampas.
"Isn't it obvious? Pinapatawa kita," seryosong saad niya sa akin. Inabot niya ang mukha ko at pinunasan ang natuyong luha sa aking pisngi. Umupo siya sa tabi ko bago nito nakuhang tumingin sa akin.
"Inaaway ka ng mga batang 'yon. You need to learn how to protect yourself, Reene," sermon niya. Palagi niyang sinasabi na wala siya sa tabi ko palagi para protektahan ako. Aakalain mong matanda na siya dahil sa kung paano siya magsalita. Samantalang mas matanda lang naman siya sa akin ng dalawang taon.
"Nandyan ka naman para protektahan ako," nakangiting biro ko sa kanya. Ginulo niya ang aking buhok at doon na naman ako nagsimula na umiyak. Kakalibing lang namin sa alaga kong si Potchi. Apat na taon ko rin inalagaan si Potchi. Bigay sa akin iyon ni Tita Yna bilang regalo niya sa kaarawan ko. Sabi niya kami raw ni Wave ang parents ni Potchi kaya inalagaan namin siya nang mabuti.
Palagi kaming naglalaro. Si Wave palagi ang kasama ko dahil malapit ako sa pamilya niya. Gano'n din siya kela mommy. May pagkamasungit itong si Wave, kahit nga sa akin ay nagsusungit siya kaya minsan napapagalitan siya ni tita. But he's always there for me. Kahit sobrang sungit niya, walang araw na hindi niya sinusubukan akong pangitiin tuwing malungkot ako.
Nagkasakit ng malubha si Potchi. Iyak ako ng iyak kasi wala na siya... Tapos palagi pa akong inaasar sa school. Palagi akong nabubully dahil wala daw akong totoong magulang. Wala raw akong totoong nanay at tatay dahil ampon ako...
Hindi ko naman na 'yon pinapansin kasi kahit alam kong ampon ako, mahal naman ako ng mga umampon sa akin. Inaasar din nila ako kay potchi. Iniiyakan ko raw kasi samantalang aso lang naman daw 'yon.
Hindi naman kasi simpleng aso lang iyong si Potchi. Para sa akin, anak ko siya. Anak namin ni Wave. At ngayon, inaasar na naman ako kanina ng mga batang 'yon kesyo iniiyakan ko na naman si Potchi. Eh ano ba ang pakialam nila kung umiyak ako ng umiyak dahil kay Potchi? Sila nga, ang dudungis pero hindi ko pinapakialaman.
Tumakbo sila dahil biglang dumating si Wave. Alam kasi nila na hindi magdadalawang isip si Wave na makipagsakitan sa kanila para lang ipagtanggol ako. One time nga, pinuntahan kami noong magulang ng bata na inaway ako dahil sa panununtok ni Wave. Mabuti na lang at nandoon si Tita Yna para ipagtanggol kami.
"Don't cry anymore, Potchi will be sad. He's watching you,"
"Talaga?"
He's really my knight and shining armour.
Tumango sa akin si Wave, "Sabi ni Mommy, kahit wala na si Potchi, he's still going to look after us dahil anghel na raw si Potchi. Masaya niya tayong sa langit kaya kapag malulungkot tayo, malulungkot din siya and you didn't want that right?" Mabilis akong tumango sa kanyang tanong sa akin. Muli niyang pinunasan ang luha ko at inayos ang aking buhok.
"Thank you Wave."
NAKATITIG LANG AKO KAY SIR WAVE. Hinihintay na iproseso ang pinagsasabi niya.
"Ako?" gulat kong tanong sa kanya. Muling kong itinuro ang sarili ko para makasigurado na tama nga ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Mabilisan naman siyang tumango na nagpatawa sa akin.
"Sir, hindi nga tayo talo." Tinignan niya ako na may kunot sa kanyang noo.
"I'm doing this to stop the rumor you've made Ms. Sabramonte. Sa tingin mo ba ay matitigil na lang basta-basta ang pagkalat na bading ako kung susuwayin mo ang mga bawat empleyado rito sa kumpanya? They will ask for some proof, Ms. Sabramonte."
"The images that you have uploaded using Drew's account that night is now uploaded to other sites as well and cannot be deleted unless we will pay for them. You created a large problem to our company Ms. Sabramonte, and you are expecting that the rumor will stop just because we already delete those pictures?"
Sa totoo lang ay may punto si Sir Wave sa sinasabi niya ngayon sa akin pero bakit ako ang kailangan magpanggap? Hindi naman porket ako ang nagpakalat, eh ako na iyong gagawin na girlfriend diba?
"S-Sir, pupwede naman tayo maghanap ng iba diba? Hehe." suhestisyon na sabi ko sa kanya pero tinitigan lang ulit ako ni Sir Wave.
"I don't trust anyone, you know that."
Hindi ako nakaimik.
"Don't worry. This is not permanent, Reene. We're done once the rumor is gone. Think this as your punishment to your stupid actions."
Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil nga naisip ko na kasalanan ko nga naman talaga. Hindi ko naman kasi naisip na prank lang pala ang lahat nang 'yon. Na isusurprise nila iyong fiancee ni Sir Drew for a wedding proposal. Hindi ko rin mapigilan ang hindi maaawa kay Sir Wave dahil sa sitwasyon niya ngayon. Sigurado naman ako na minahal ni Sir Wave si Sir Drew ng buong puso kahit na prank lang pala ang lahat.
Broken hearted tuloy siya.
Naagaw ang atensyon ko at mabilisang bumalik sa reyalidad dahil umupo na si Sir Wave sa mahabang sofa.
"Do you have a boyfriend?" seryosong wika niya. Mabilis na naman akong umiling. Sakit lang sa ulo para sa akin ang mga lalaki lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga babae. Una, mamahalin nila ang isa't isa hanggang sa maglolokohan na kapag nagsawa na at nakakapagod ang ganoon.
Mas gusto ko iyong love story na mga nababasa ko sa fan-fictions na parehong lalake ang nagmamahalan o kaya naman love story nila mommy. Atleast 'yon, matatawag ko na totoong pagmamahal talaga dahil kahit may mga humuhusga sa kanila pagdating sa kasarian, hindi pa rin sila nagpatinag. I wanted to experience that kind of love.
The love that has no boundaries.
Nakita ko ang pagkunot ng noo sa akin ni Sir Wave, na para bang hindi kapani-paniwala ang sagot ko sa kanya.
"Sir, alam ko sa sarili ko na maganda ako kaso sakit lang talaga sa ulo ang mga lalake kaya hindi ako pumapasok sa mga ganyan," mahabang paliwanag ko sa kanya. Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagdududa sa sinagot ko sa kanya. What? May mali ba sa sinabi ko? O baka hindi lang niya matanggap na maganda ako dahil mas maganda siya sa akin? Hihi.
"I'm just making sure that you are single. Baka mamaya may sumugod dito at suntukin ako. I don't want another complication, Ms. Sabramonte."
Umiling ako at pinigilan ang pagrolyo ng mata. Wala siyang dapat ipag-alala dahil sigurado ako na kahit magkunwarian kaming magjowa nito eh, hindi tatalab 'yon. Mas mukha pa kaya siyang babae kesa sa akin.
"Sir. Wala nga, itanong mo pa kay Carla," giit ko.
"Well. That's good to hear." Nagkibit-balikat si Sir Wave at saka bumalik na sa kanyang swivel chair.
"Sige Sir Wave, alis na ako," Hahakbang pa lang ako palayo sa kanya nang muling niya akong tawagin.
"Come with me later." Kumunot ang noo ko ng bahagya. Saan na naman kaya kami pupunta? May ka-date siguro si sir at balak pa ata ako gawing third wheel? Pero meron ba talaga kaagad? Samantalang kakabreak lang nila ni Sir Drew ah?
"Sir, kung may kadate ka, huwag mo naman akong gawin third wheel," naghihimutok kong saad sa kanya. Alam niya naman na wala akong love life tapos isasama pa niya ako at gagawing third wheel? Anong gagawin ko roon? Taga-cheer? Taga-sanaol?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Wave na ngayon ay nakakunot na ang noo sa sinabi ko. Sus. Itong si sir, tatanggi pa. Hindi na lang magsabi na samahan ko siya mamaya sa date niya. Hindi naman ako magagalit kung magpapasama siya.
"What the hell are you talking about?" inis na tanong niya sa akin. Pinili ko na lamang na hindi magsalita at manahimik na lang dahil sigurado akong kapag nagsalita pa ako ay hindi na siya magdadalawang-isip na sisantehin ako.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito bago ako muling titigan, "You are coming with me to meet my parents," pormal na sabi niya na lalong nagpakunot sa noo ko.
"Sir, ki— "hindi pa ako natatapos magsalita ng putulin niya ang sinasabi ko. Bastos talaga itong si Sir Wave kahit kailan.
"As my girlfriend." Kumurap-kurap ang mata ko sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita nang mapagtanto ko ang gusto niyang sabihin. It feels weird though, kasi diba? Bading siya tapos ako ang magpapanggap na girlfriend? Parang ang labas no'n eh, magsisters lang kami.
"Sabi ko nga." Ngumiti na lang ako sa kanya at saka lumabas na ng opisina. Medyo masagwa pa nga iyong pagkakangiti ko dahil halatang pilit. Hindi naman niya kasi agad nilinaw iyong gusto niya sabihin.
"Hindi ka ba sasabay sa akin pauwi mamaya, Reene?" Si Carla.
"Hindi na dahil kasama ko si Sir Wave mamaya," Naningkit na naman ang mata ni Carla dahil sa sinabi ko. Tinignan ko siya at sigurado ako kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
"Bakit? May date ba kayo?" tanong niya. Gusto ko sana sabihin na yinaya ako ni Sir Wave na magpanggap bilang girlfriend niya kaso napagkasunduan namin kanina na walang makakaalam tungkol sa pinag-usapan namin.
Sumimangot ako sa kanya, "May pupuntahan lang kami. Huwag kang isyu."
"Oh sige. Basta ba ay mag-iingat ka," sagot niya sa akin na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Tumango na lamang ako habang siya naman ay bumalik na sa kanyang desk para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na si Sir Wave sa opisina niya. Mabilis naman akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko bago sumabay sa paglalakad papunta sa parking lot Habang naglalakad kami ay nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap sa akin na parang naiinis.
Napataas ang aking kilay dahil bigla na lamang itong tumigil sa paglalakad habang nakatingin sa akin dahilan para mapahinto rin ako. Inis tuloy siyang pumunta sa akin at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay saka naglakad ng sabay.
Nahuhuli kasi ako maglakad kanina. Hindi ko naman kasalanan na mahuli sa paglalakad dahil dalawang hakbang ko ay katumbas ng isa niyang hakbang. At isa pa, ang bilis-bilis niya maglakad! Kahit anong takbo-lakad ang gawin ko ay hindi ko pa rin siya maaabutan. Ang haba kaya ng legs niya!
Nauna na akong pumasok sa loob pagkakita ko sa Black Montero niya. Nakita ko pa ang pag-iling niya sa akin pero pumasok na rin siya.
"Reene. I'm not a driver," malamig na sabi niya. Mabilis tuloy akong napalipat sa shotgun seat at inilagay ang seatbelt nang maayos. Mahirap na at baka maisipan na lang ni Sir Wave na ibangga ang sasakyan sa inis niya sa akin.
"Sir Wave— "Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya na naman.
"Call me Wave kapag tayong dalawa lang,"
"Wave, kanino 'to?" Itinuro ko ang hawak kong teddy bear na blue na nasa shotgun seat. Mukhang couple stuff toy kasi may imprint na kalahating heart doon sa teeshirt ng bear.
Mabilis niyang kinuha iyon sa akin at tinapon sa backseat, "Don't touch my things without my permission," malamig niyang wika sa akin. Hindi na ulit siya nag-abala na kausapin ako. Hindi ko mapigilan ang hindi mapanguso roon. Ang sungit talaga nito kahit kailan. Sanay naman ako na masungit siya kasi kahit noon pa ay masungit na talaga siya. Kahit nga noong mga bata pa kami eh palagi na niya akong iniirapan pero iba ngayon iyong kasungitan niya. Parang may pinaghuhugutan na malalim.
Ano kayang nangyari sa kanya sa loob ng twelve years naming paghihiwalay?
"Wave, may regla ka ba?" inosenteng tanong ko sa kanya. Nagkasalubong na naman tuloy ang kilay niya at pagkatapos ay nakarinig ako ng mahihinang mura mula sa kanya. Imbes na paandarin iyong makina ay inis itong bumaling sa akin.
"Hehehe. Nagbibiro lang ako. Drive ka na Wave."
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot iyon hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Sinalubong kami ng mga katulong nila habang si Wave naman ay ibinigay ang susi sa guard para iparada nang mas maayos ang sasakyan.
"Oh Wave, kasama mo pala si Reene. Sana man lang ay sinabihan mo ako ng maaga," masiglang sabi ni Tita Yna. Nakasuot ito ng pink na apron at halatang kakatapos lang magluto nang salubungin kami nito sa pintuan. Mahilig na talaga si tita na magluto kahit noong mga bata pa lang kami ni Wave. Palagi niya kaming pinagbi-bake ng cookies o kaya cake na paborito naming dalawa.
"Okay lang po 'yon Ta. Biglaan din naman po kasi," paliwanag ko. Humalik ako sa pisngi ni tita habang si Wave naman ay dumeretso na sa kanyang kwarto pagkatapos ilapag ang gamit upang magpalit ng damit.
Nakahain na ang inihandang pagkain nang dumating kami ni Wave habang si tito naman ay kadarating lang galing sa isang meeting. Kahit hindi na si Tito Amir ang tumatayong president ng Cortez ay siya pa rin ang tumatayong chairman of the board ng Cortez Empire kaya kung minsan ay makikita pa rin siya sa opisina. Minsan ay sa kanya madalas galing ang mga desisyon na hindi madesisyunan ni Wave as the new president of Cortez Empire.
"Ano ba ang sasabihin mo sa amin ng daddy mo anak?" tanong ni tita nang nasa hapag kainan na kaming lahat.
"Oo nga anak. Ano ba 'yon?" Si Tito Amir. Nakatingin sila pareho kay Wave at hinihintay ito magsalita, "I want you to meet Reene. My secretary," seryosong pakilala niya sa akin.
Mahinang napatawa ang dalawa sa sinabi ni Wave. Eh kasi naman, ipapakilala pa ako eh kilala na naman nila ako, "We know that son."
Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas iyon dahilan para makita nilang dalawa. "And my girlfriend."