Chapter 3

2517 Words
Chapter 3 "WHAT'S MY SCHEDULE FOR TODAY?" tanong ni Sir Wave na as always ay nakabusangot na naman ang mukha. Tinitigan ko siya saglit. Bakit parang may kakaiba ata sa kanya ngayon? Blooming? Ala oo nga! Blooming si sir! Hindi kaya nagkabalikan na sila? Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil doon. Hindi ko naman kasi alam na may pagkamarupok pala itong si Sir Wave pagdating kay Sir Drew. Iba talaga kapag inlove. Pero bukod doon ay may kakaiba pa talaga ngayon kay sir. Ayaw niya magpapasok ng basta-basta ngayon sa office niya. Kinakailangan ko muna tumawag sa kanya gamit ang telepono sa desk ko bago magpapasok ng bisita o ng mga taong gustong kumausap sa kanya samantalang noong una ay kahit katok lang sa pintuan ay ayos na. "Ms. Sabramonte?" ulit niya sa pangalan ko. Umarko ang kanyang kilay sa akin. Doon ko lang na-realize na may tinatanong pala siya sa akin. "I said, what's my schedule for today?" ulit niya sa tanong. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at binasa ng mabilis ang schedule. Karamihan nga sa schedule niya ngayong araw ay mga meetings lang. Sa huling buwan pa iyong presentation ng Accounting Department para sa mga nagastos sa loob ng apat na buwan. Ang Cortez Empire ay kilala sa paggawa ng mga iba't ibang online games na talaga naman naging kilala sa kahit saan man sulok ng mundo. Karamihan ng mga inilabas na laro ng Cortez Empire ay nalaro ko na rin noon bago pa ako mag-apply dito bilang secretary ni Sir Wave. At masasabi ko na sobrang worth it ng mga game na nilalabas nila kada-taon. Isa ang Seven Deadly Sins sa nalaro kong laro na ni-release nila last year. Pumatok ito sa kabataan at hanggang ngayon ay marami pa rin ang naglalaro. Balita ko nga ay isasagawa na ang part two ng laro ngayong taon. Excited na nga ako roon eh. Minsan na rin sumali ang Cortez Empire sa parang game festival dito sa Metropolis. Sa katunayan nga ay nasungkit ng Cortez Empire ang best game of the year dahil sa Seven Deadly Sins. Tanda ko pa nga na nagpapicture pa ako sa mascots sa sobrang tuwa ko. "May iuutos pa po ba kayo?" tanong ko muli sa kanya. Kumunot pa nga ng bahagya ang noo ko at saka muling napangiti dahil nakita kong nakaflick ang isang daliri ni Sir Wave habang pumipirma. Mukhang wala na talagang makakapigil kay sir na magladlad dahil sa inaakto niya. "Sir? May ipag-uutos pa po ba kayo?" ulit ko dahil mukhang hindi niya narinig ang pagtatanong ko sa kanya. Masyado siyang focus sa pagbabasa at pagpirma ng mga proposal ng game department. Kapag naaprobahan ang proposal na ginawa ng game department, ipapasa nila iyon sa graphic designers team dahil sila iyong magdedesign ng mga character na ia-approve ulit ni Sir Wave. Pero bago iyon makarating kay Sir Wave ay susuriin munang mabuti ng team leader sa bawat team. Palagi rin silang nagko-consult kay Sir Wave para hindi sayang sa oras. "None. Please tell them that I won't entertain visitors for now," "Okay, sir." Hahakbang pa lang sana ako palayo sa kanya nang tawagin muli ni Sir Wave ang pangalan ko kaya naman mabilis akong lumingon sa kanya at nakita ang pag-aalangan nito sa mukha sa sasabihin. Halata naman kasi siya! Hello! Ang tagal ko na rin kayang secretary ni Sir Wave! Lumabas na ako ng office ni Sir Wave. Nakita ko naman si Carla na nakatambay sa desk ko. Buti na lang at may kurtina iyong malaking bintana ni Sir Wave sa opisina niya kaya hindi niya malalaman na may nagtsi-tsismisan na mga empleyado during office hours. "Sayang-saya ah? Hindi mainit ang ulo ni boss?" tanong ni Carla sa akin. Tumango naman ako. Sa nakikita ko ngayon, good mood na ulit si Sir Wave. Mukhang nagkaayos na talaga sila ng boyfriend niya. "Bumalik ka na sa desk. Baka mamaya makita ka pa ni Sir Wave eh," "Naloloka na ako sa pagsi-shift ng mood ni Sir Wave. Hindi ko matantsa," reklamong saad ni Carla sa akin. "Tama na nga. Bumalik ka na roon sa desk mo. At saka may pinapaasikaso pa sa'yo si sir diba?" sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Si Carla kasi ang nag-aasikaso ng isa pang event ng Cortez Empire sa Metro West which is pupuntahan namin ni Sir Wave next week para tignan ang venue. Gagawin na kasi ang event na iyon apat na buwan mula ngayon. Tungkol ang event na 'yon sa mga batang nasa bahay ampunan at tatlong orphanage ang kukunin nila para sa event na ito. Parang naging advocacy na ng Cortez ang magdonate at gumawa ng event para sa mga batang nasa bahay ampunan kada-taon. Malapit kasi sa mga bata ang pamilyang Cortez lalo na ang mommy ni Sir Wave. "Hay naku! Nandyan naman si Sir Ryan para magpasa at magpaliwanag no'n kaya hayaan mo na," natatawang sabi ni Carla sa akin. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paggawa ng letter na kailangan ko i-send through email. Para naman ang letter na 'yon sa Del Marcel's Mobile Game Corporation. Balita ko ay nagbabalak si Sir Wave na makipag-collab sa DMMGC ngayong taon para sa susunod na bagong proyekto. Kaya lang nahihirapan akong kumuha ng appointment sa kanila sa sobrang dami rin ng kumpanya na sinusubukan silang kunin para sa collaboration. "May gagawin ka ba bukas? Yinayaya ko ang buong team para mag-bar." Pinaningkitan ko siya ng mata. Suki kasi ng bar itong si Carla pero hindi naman siya laman ng bar na linggo-linggo ang pag-inom ng alak kundi kada buwan. "Makakapag-bar ba ako na ganito ang itsura? Ang dami ko kayang bayarin," nanghihinang saad ko kay Carla. Kulang na kulang pa rin iyong sinasahod ko dahil sa sobrang dami kong bayarin. Nagpapadala ako ng dalawang beses sa isang buwan sa pamilya ko para may gastusin sila lalo na at may sakit ang daddy ko ngayon. Iyong natira naman eh ipinagkakasya ko pa sa araw-araw kong pagkain, tubig at kuryente plus iyong renta kay Aling Belinda na grabe kung makareklamo kapag hindi nakabayad ng renta. "Hindi ka pa ba nakakapagbayad? Akala ko nakapagbayad ka na kay Aling Belinda?" "Nagbayad ako pero iyong natira ay binayad ko naman sa tuition fee ng kapatid ko at sa iba pang gastusin nila sa bahay." Sumandal ako sa aking swivel chair matapos ko mai-send iyong email sa DMMGC. Sana lang ay maisingit kami kahit saglit lang. "Sabi ko naman kasi sa'yo, hayaan mo na sila tita sa amin eh. Aalagaan naman sila roon ni Mommy." Ilang beses na ako kinukulit nitong si Carla na payagan sila mommy na doon tumira sa bahay ng magulang niya para may mag-alaga kung sakaling wala ako. At ilang beses na rin akong tumatanggi sa paanyaya niya dahil bukod sa nakakahiya eh dagdag alagain lang para sa kanila. Nilingon ko siya at dahan-dahan na umiling. "Nakakahiya kela tita." May sasabihin pa dapat si Carla nang biglang dumating si Sir Drew sa opisina. Pareho tuloy kaming napatayo sa sobrang taranta. "Si Wallace?" "Nasa loob po. Kaso hindi po siya nagpapasok ngayon," Ngumiti sa akin si Sir Drew habang pasimple naman akong yinugyog ni Carla dahil sa hindi mapigilang kilig. Itong si Carla kasi ay may crush kay Sir Drew pero sorry na lang siya dahil itong si Sir Drew ay may Sir Wave ng kapartner. In short, taken. "Ako na bahala. Papapasukin ako niyan," confident na sabi ni Sir Drew. Inabisuhan ko na lang si Sir Wave na nandito na ang jowa niya, este si Sir Drew sa labas sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya sa telepono. Hindi na rin ako nagulat nang pumayag si Wave na papasukin nga si Sir Drew sa opisina nito. "Ang gwapo talaga ni Sir Drew no?" kinikilig na sabi ni Carla. Hindi pa siya nakuntento dahil may kasama pa itong paghampas sa aking balikat. Buti na nga lang ay walang sumisita sa amin dahil sa pagtsitsikahan sa gitna ng office hours. "Gwapo ka dyan? Baka ganda kamo," natatawang sambit ko na agad naman inirapan ni Carla. "Ayan ka na naman sa pantasya mo eh. Hindi nga kasi bading si Sir Drew. May fiancee kaya yan!" giit ni Carla. Muli akong tumingin sa office ni Sir Wave kahit na wala naman akong makikita na bintana nito dahil sa itim na kurtinang nakaharang. Teka, fiancee? Ibig sabihin may papakasalan na si Sir Drew? "Kilala mo ba kung sino?" "Hindi niya dinala kahit kailan ang fiancee niya sa opisina pero balita ko ay maganda raw at nakilala niya iyon noong high school pa lamang sila. Nakakatuwa nga ang love story nila kung iisipin eh. " Hindi kaya... OMG. Si Sir Wave ang fiancee ni Sir Drew?! Ibig sabihin, plano na rin nila magpakasal? Hindi ko akalain na magiging sobrang platonic na ng mga plano nila sa buhay pagdating sa relasyon. Bumalik na si Carla sa desk dahil pinuntahan siya ni Sir Ryan para kumpirmahin ang mga bagay na kailangan para sa event habang si Sir Drew naman ay lumabas sa office na may malaking ngiti sa labi. Mukhang masaya si sir ah? Ano kayang meron? Hindi kaya nagpaplano na sila para doon sa pag-aanunsyo ng kasal? "Sir Drew, ang saya niyo ata?" Ngumiti sa akin si Sir Drew. Nangingislap pa ang mga mata niya habang halatang abot sa langit ang ngiti. "Syempre naman, sino bang hindi sasaya kapag nakita mo na ang love of your life mo diba?" Tama nga hinala ko! Sasabihin na nga nila ang totoo sa mismong birthday niya! "Ay, inlove pala si sir. Kaya naman pala. " Tumawa siya sa sinabi ko at saka umiling-iling bago tuluyang umalis. May mga importante pa raw kasi siyang aasikasuhin at mga bagay na dapat gawin. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos dahil nagmamadali ito. Hay. Iba nga talaga ang mga tao kapag inlove ano? Palaging nakangiti at panay rin ang tawa tapos nangingislap pa ang mga mata nila. Sana lang, kapag alam na ng lahat ang totoo, hindi sila magkaroon ng problema at magtibay pa lalo ang pagmamahalan nilang dalawa. Hidalgo's Party... "Hija, si Wave? Hindi mo ba kasama?" tanong ni Tita Yna sa akin. Ang mommy ni Wave. Kadarating lang namin ni Sir Wave dito sa bahay ni Sir Drew dahil dito raw ang venue. Sabay kaming pumunta ni Sir Wave rito. Kaya lang noong makita niya si Sir Drew, eh bigla na lamang ito umakyat sa ikalawang palapag nitong bahay. Syempre sinundan ko! Pero nang makita ko sila na pumasok sa kwarto ay bumaba na lang ulit ako. Malay ko ba kung ano ang gagawin nila roon? "Hindi po. Pero umakyat po siya sa itaas kasama ni Sir Drew kanina," kinakabahang paliwanag ko. "Umakyat? Ahh. Sige, baka may kukunin lang." Kukunin? Hindi ako naniniwala. Sa kwarto kasi ni Sir Drew sila dumeretso. Baka mamaya, may makita na kayong kakaiba. Tinanggal ko sa aking isipan ang maaaring gawin noong dalawa sa iisang kwarto. Nakipagkwentuhan na lang tuloy ako sa mga ibang bisita, hanggang sa lumapit na naman sa akin si Mrs. Hidalgo, ang mommy ni Sir Drew. Halos magkasing-edad lang si Mrs. Hidalgo saka si Tita Yna kaya hindi na rin nakakapagtaka na sobrang close noong dalawa dahil literal na sabay silang lumaki. Bukod pa roon ay halos magkasing-edad din ang dalawa at palagi pang nagkakasundo sa lahat ng bagay. Ganoon talaga siguro kapag soulmate ang isa't isa. "Hija, nakita mo ba si Drew?" "Kasama po ni Sir Wave sa itaas." "Ano? Hindi pa sila bumababa?" "Padating na si Stella, pwede mo ba sila tawagin? Tapos ibigay mo na rin itong phone sa kanya." Ibinigay na niya sa akin ang telepono bago pa man ako makapagsalita. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang tumango at puntahan sila Sir Drew sa itaas. Bakit kasi ang tagal nila sa loob? Ano? Hindi makahintay mag-honeymoon kaya nauna pa sa engagement? Hindi ko maiwasan na mapailing sa mga naiisip ko pero hindi rin naman nila ako masisisi. Lalo na at hindi ko pa rin nakakalimutan ang eksenang nakita ko sa office noong araw na 'yon. Umakyat ako sa itaas. Pupuntahan ko na sila dapat sa kwarto nang maalala ko na pinahawak nga pala sa akin ni Mrs. Hidalo ang cellphone ni Sir Drew. Hindi naman sigurong masama na magtingin ng gallery diba? Nagmadali akong pumunta muna sa restroom para i-check ang phone ni Sir Drew sa gallery. Hindi na ako nagulat nang makita ang nilalaman ng gallery ni Sir Drew. Puro letrato lang naman nila Sir Wave na nakaakbay, holding hands, at nakayakap sa isa't isa. Pero ang mas nakapagpagulat sa akin ay ang picture ni Sir Wave na nakasuot ng dress na kinuha niya noong nagpunta kami sa mall at nakalipstick pa! Siguro ito ang araw na nagpunta si Sir Drew sa office! Hindi ako pwede magkamali! Lalo na at pang-office ang background noong nasa picture! Sa sobrang kilig, hindi ko na napigilan i-upload ang mga pictures sa f******k kaso huli na nang maalala ko na account nga pala ni Sir Drew ang gamit ko dahil cellphone niya nga pala itong hawak ko! Hindi ko na ma-delete dahil bigla na lamang ito namatay ng kusa! Masisisante na ata ako! Lumabas ako sa restroom na namomoroblema dahil sa namatay na telepono ni Sir Drew. Sumakto rin na may nakita akong babae at tatangkain ata na pumasok sa loob ng kwarto kung saan ko nakita sila Sir Wave na pumasok kanina. No! "Huwag! Sino ka?" Kumunot ang noo noong babae sa akin, "I'm Stella. I'm Drew's fiancé." Fiancee ni Sir Drew? Ibig sabihin second woman si Sir Wave? "H-Huwag kang papasok! A-Ako lang ang pwede." "Baki--"Ano Stella? Nakita mo na ba ang fiancee mo?" Lagot! Si Mrs. Hidalgo! Tumingin sa akin si Mrs. Hidalgo kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti. "Ayaw ako papasukin," "Bakit ayaw mo siya papasukin, Reene? Stella needs to see her fiancée," Humarang ako sa pintuan at mag-iisip na ng dahilan nang makita ko naman sila Tita Yna paakyat kasama si Tito Amir. "Anong ginagawa niyo dyan?" "Ayaw kami papasukin ni Reene." Sinubukan ko naman na magpaliwanag sa kanila at pigilan ang pagbukas ng pinto dahil sigurado ako sa makikita ko sa loob. Pero ayaw naman nila magpapigil. Narinig ko pa nga ang sinabi ni Stella na baka raw may babae itong si Sir Drew at ako ang kasabwat. Actually, hindi babae kundi lalaki. Magandang lalaki. Binuksan na ni tito ang pinto ng kwarto. Bakit ba kasi hindi sila nagla-lock? Lahat kami ay napanganga sa nakita nang buksan ni tito ang pintuan. Well... Sila lang pala... dahil ine-expect ko na ganito ang makikita ko kaso hindi naman ganito kalala. "Wave?!" "Drew?!" Para silang namutla sa mga nakita namin. Pero mas namutla iyong dalawa dahil huling-huli sila na gumagawa ng malagim na karanasan sa kama! Paano ba naman kasi, nakahiga si Sir Wave na nakasuot ng pulang dress habang nakalipstick at nakasuot ng pambabaeng wig habang si Sir Drew naman ay nasa ibabaw niya at gulo-gulo ang suit na suot. Actually, ganito rin posisyon ang nakita ko sa office nila noong una. Ang pinagkaiba nga lang eh nasa lamesa sila noong una ko silang nakita. At mas lalong hindi ko masisisi ang babaeng sinasabi nilang fiancée ni Sir Drew kung sakaling maisipan nito makipaghiwalay ngayon. Dahil kung titignan mo nga naman ng mabuti, mukha talagang babae si Sir Wave kapag nakasuot nang damit pambabae. "M-Mali kayo ng iniisip!" sabay nilang sabi bago pa man kami makapagsalita pero huli na ang lahat dahil nagwalk-out na si Stella na agad rin hinabol ni Sir Drew. Sabi ko na e! Hihi. DrewxWave for the win! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD