Chapter 2

1717 Words
Chapter 2 "SIR, KAKATAWAG LANG PO NI SIR DREW. Para sabihin na sa susunod na pong linggo ang party. Nakahanda na rin po ang suit na susuotin niyo for the said occasion," mahabang litanya ko sa boss ko. Hindi na naman umimik sa akin si Sir Wave at isang tipid na tango ang isinagot sa akin. Kahit kailan talaga si sir, walang emosyon kapag ako ang kausap o kaya ibang tao. Pero kapag nandyan naman si Sir Drew, kulang na lang lumuwa nang rainbows ang bibig niya. Muli kong tinignan si Sir Wave. Bothered pa rin ba siya? Hindi naman manlalaki si Sir Drew habang nasa ibang bansa diba? Nasa ibang bansa pa rin kasi ito ngayon dahil sa meetings. Si Sir Drew kasi ang numero unong representative ni Sir Wave kapag may mga meeting ito na hindi niya pupwede puntahan kagaya na lang ng mga meeting sa ibang bansa. Kaya mukhang matatagalan din bago ito umuwi. "Free your schedule on that day because Mom wanted to see you," malamig na turan niya sa akin. "Pero sir, wala po akong susuotin," giit ko at saka siya saglit na sinulyapan bago ilipat ang tingin sa ibang direksyon. Alangan naman na magoffice attire ako sa birthday ni Sir Drew diba? Napahinga nang malalim ang magaling kong boss. At katulad ng dati ay hindi pa rin ito nag-abala na tignan ako. Itong si sir, insecure ata sa kagandahan ko eh kaya ayaw akong tignan. Charot! Maya-maya ay tumayo ito at saka kinuha ang suit na nakasabit sa kanyang swivel chair. "Fix yourself. Pupunta tayo sa mall." Nagtataka akong tumingin sa kanya, "We'll get you a proper dress because Mom is looking forward to see you," seryosong wika nito sa akin. Pagkasabing-pagkasabi no'n ni Sir Wave ay lumabas na kaagad ako ng office ni sir at tinapos ang natitirang gawain. Inayos ko na rin ang sarili ko bago pa siya lumabas ng office. Ayaw kasi ni sir na mabagal kumilos, baka sabunutan ako bigla. Takot ko na lang! "Carla, hindi ako makakasabay sa'yo mamaya," sabi ko sa kaibigan ko na ngayon ay nagsisimula na rin mag-ayos ng gamit dahil malapit na matapos ang office hours. Nakaugalian na naming dalawa ang umuwi ng sabay pagkatapos ng trabaho dahil ayaw niya na umuuwi ako mag-isa sa apartment ko. Delikado raw kasi. "Saan ka naman pupunta?" "Sasamahan ko lang si sir sa mall," mabilis na sagot ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata na parang may mali sa sinabi ko. "May date kayo ni sir? Naku! ipinapaalala ko lang sa'yo Reene ah? Ibang-iba si S--"Kumunot nang tuluyan ang noo ko at pinutol ang sinasabi niya. "Tumigil ka nga Carla. Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip mo." Ano ba ang pinagsasabi nitong si Carla? Bakit tila ata kulang ang gamot na iniinom niya at kung ano-ano na naman ang pinag-iisip? Paano kami magdi-date ng mas babae pa sa'kin? Tsk. At saka malabong type ako ni Sir Wave dahil si Sir Drew naman talaga ang type niya. Kulang na nga lang maging hugis puso ang mga mata ni sir kapag nakikita niya na lumalapit si Sir Drew sa kanya eh. May sasabihin pa dapat si Carla pero bigla iyon naputol dahil tuluyan ng lumabas si Sir Wave sa office niya. "Let's go." nagmamadaling sabi ni Sir Wave. Kinuha ko agad ang bag ko at mabilis na sumunod sa kanya. Grand Metropolis Mall... "Sir! Daan muna tayo roon oh!" Mabilis kong itinuro ang isang cosmetics shop na nakita ko. Tinignan lang ako ni sir na parang bored na bored parin sa buhay niya. Nauna na nga lang ako na pumasok sa kanya sa loob ng shop at naghanap nang babagay na lipstick para sa akin. Paubos na kasi iyong ginagamit ko. "Sir?" tawag ko nang mapansin ko na nakatingin siya sa lipstick na hawak-hawak ko. Teka... Bakit niya tinitignan? Kumunot ang noo ko ng bahagya at sa huli ay lihim na napatawa sa aking isipan. Si sir talaga! Siguro nahihiya siyang kumuha ng lipstick kasi nga naman nasa public place siya! Di bale! Ako na lang! "Sir, halika nga." Hinila ko si Sir Wave papunta sa akin at saka naghanap ng lipstick na babagay sa medyo makapal niyang labi. "Try mo nga 'to." Kumunot ang noo nito sa akin. Ang kanyang bilugang mata ay hindi maitatanggi na hindi nito gusto ang sinusubukan kong gawin. "Sige na, sir! Titignan ko lang naman kung bagay sa'kin. Pero ikaw muna ang unang mag-try!" Noong una, umayaw-ayaw pa siya sa akin. Natatakot na nga ako sa mga tingin na ibinibigay niya dahil parang sasaksakin niya na ako nang kung anong matulis na bagay kapag tumalikod ako eh. Buti na lang ay hindi ako nagpatinag. Hindi ko pinansin ang nakakakilabot niyang tingin. Tumingkayad pa nga ako para lang maabot iyong labi ni sir at para na rin malagyan ng lipstick. Ang tangkad kaya ni Sir Wave. Mas matangkad pa nga siya kay Sir Drew! Matipuno rin ang pangangatawan niya at may pagkamaputi ang balat. Parang modelo kung tutuusin. Sa katunayan nga ay gwapo naman talaga itong si Sir Wave kaso sobrang masungit kaya nakakabawas ng kagwapuhan. Tapos ang tipid pa magsalita! Marami rin takot sa kanya. Lalo na kapag seryoso siyang nakatingin! Pero sa kabila no'n ay maraming magazines ang sinusubukan siyang kumbinsihin na magkaroon ng solo photoshoot pero ni-isa roon ay wala siyang tinanggap. Pinakikiusapan na nga ako ng manager na kausapin si Sir Wave at kumbinsihin itong ma-feature sa mga magazines nila. Pero syempre balewala rin iyong pakiusap ko. "Ayan sir! Ang ganda niyo na!" natutuwa kong saad sa kanya. Sumimangot siya sa akin. Nakakunot ang noo. Mas lalo pang kumunot ang noo niya nang makita niya ang sariling itsura sa salamin. Mabilis naman itong tumalikod sa akin at saka pinanood ang ginawang pagpunas sa labi niya. Nakakailang kiskis na nga siya sa labi niya pero ayaw pa rin matanggal noong lipstick. "Bakit ayaw matanggal?" "Ha? Anong bakit ayaw matanggal? Natatanggal kaya 'yan Sir!" Halatang nagdadahilan na lang itong si sir na ayaw matanggal para kunwari hindi halata. Obvious din naman kasing gusto niya. "Ayaw nga matanggal." Lumapit sa amin ang sales lady at sinabi na kiss proof at waterproof ang lipstick na nilagay ko sa kanya. Ibig sabihin ay hindi ito basta-basta matatanggal unless may make-up remover kang nilagay. Bakas na nga rin sa mukha niya ang pagkainis. "Sir Wave! Kiss proof pala eh! Try natin!" nang-aasar na saad ko. Nakuha ko pa ngang kumindat habang siya ay nakatitig ng mariin sa akin bago tuluyang umirap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mapailing sa ginawa niya. Kapag siya nabuko, hindi ko na kasalanan ah? Nakakita ako ng magandang eye shadow. Mabilis ko 'yon kinuha at pinakita ulit sa kanya. "Sir, eye shadow? Gusto mo?" "Titigilan mo o papalayasin kita sa kumpanya?" kalmado niyang tanong sa akin. "Itat--"Reene!" "Oo na sir! Ito naman, hindi na mabiro." Naglakad na ako palabas ng shop. Muli akong tumingin sa likuran ko para tignan si sir. Hihi. Ang pula-pula ng labi niya ngayon. Talagang bumagay pa iyong lipstick na pinili ko para sa kanya. "Pero Sir Wave! Ang ganda niyo dyan!" natatawang sabi ko at muling nag-peace sign sa kanya. Mabilis akong tumakbo at pumasok sa department store nitong Grand Metropolis Mall. Pumunta kami sa women's section at nagsimula na pumili ng susuotin ko. Nagtataka nga ako dahil ako lang naman ang pipili pero pumipili rin siya. Hindi kaya lalantad na talaga si sir sa mismong birthday party ni Sir Drew? Pumili si sir ng dress na kulay pula na hanggang above the knees ang haba. Infairness naman kay sir ah? May taste siya pagdating sa mga damit. Hihi. Naiimagine ko tuloy si sir na nakasuot ng dress na pinili niya. Hihi. Ang ganda-ganda niya kahit puno ng muscle ang matitipunong braso. Hindi ko na siya pinansin dahil abala rin ako sa pagpili ng damit. Buti na nga lang ay nakahanap agad ako. Simpleng white floral dress na off shoulder na hanggang tuhod ang haba ang aking pinili. Pagkatapos namin bumili ng mga damit, hinatid na ako ni sir sa may kanto papasok roon sa apartment na tinitirhan ko. Hindi na nga ako nakapagpasalamat o nakapagpaalam man lang dahil basta na lang humarurot ang sasakyan pagkababa ko sa kanto. "SIR WAVE, good morning! Ngayon po ang balik ni Sir Drew galing ibang bansa," masiglang sabi ko pagkapasok ko sa kanyang opisina. Hindi na naman ako tinignan ni sir at diretso lang ang tingin sa mga dokumentong binabasa niya sa desk. Pabibo talaga 'tong si Sir Wave. Alam ko naman na tuwang-tuwa siya ngayon dahil makikita na niya ulit ang the love of his life. Sikreto lang ah? Alam ko na may picture si Sir Drew kay Sir Wave sa phone niya. May sasabihin pa dapat ako nang tuluyang tumunog ang phone ni sir at lumitaw ang pangalan ni Sir Drew sa screen. Nagtataka nga ako dahil walang heart na emoticon ang pangalan ni Sir Drew sa phonebook ni Sir Wave. O baka naman natatakot lang itong si sir na mabuking kaya hindi niya na nilagyan? Kung sabagay, ang hirap kaya maging nag-iisang anak ng Cortez tapos may sikreto ka pang malupit na ayaw mo ipaalam sa mga magulang mo. "What the hell Drew? Ayoko!" rinig kong malakas na sigaw ni Sir Wave sa telepono. Hala! Nag-aaway ba sila over the phone? Pero kadarating lang ni Sir Drew sa Metropolis ah? "Ayoko! Bahala ka sa buhay mo!" Napangiwi ako nang marinig ko ang ginawang pagbagsak nito sa telepono sa office niya. Maya-maya ay tumunog na naman ang cellphone niya. Sa inis niya ay dali-dali niyang tinanggal ang battery ng cellphone niya. Siguro, nambabae itong si Sir Drew doon? Kaya badtrip si sir tapos nakikipagbreak na sa kanya si Sir Drew pero ayaw niya kasi mahal nila ang isa't isa. Kawawa naman pala si Sir Wave kung ganoon. Comfort ko siya mamaya. Noong binaba na niya ang tawag ay saka ito tumingin sa akin na walang bahid ni isang emosyon. Pinili ko na ngumiti sa kanya, umaasang gagaan kahit paano ang pakiramdam. "LQ kayo sir?" Hindi ito umimik bagkus ay kinunotan lamang ako nito ng noo bago tuluyang inilipat ang tingin muli sa mga dokumentong nakalatag sa kanyang lamesa. Kung ganoon ay tama pala talaga ang hinala ko na nag-away nga sila. Ayaw lang nito magkwento. Kung sabagay, hindi naman talaga dapat ikinukwento ang pinag-aawayan ng magkarelasyon para mas maayos ang takbo nito. "Huwag kang mag-alala Sir Wave, makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka ng buong-buo. He's not worth it anyway," nakangiting wika ko bago magthumbs-up sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD