Chapter 1
"KAHIT KAILAN talaga, Reene! Hindi ka na natuto!" galit na sermon ni Carla sa akin.
Umirap ako.
"Eh hindi ko naman alam na nasa likuran na natin ang bakla na 'yon!" Agad na nanlaki ang mata niya at nagmamadaling aman tinakpan ang bibig ko na mabilis ko rin inalis! Galit tuloy akong tumingin sa kanya.
"Bakit mo tinakpan? Hindi ako makahinga!"
"Yang bunganga mo! Gusto mo ba talaga mawalan nang trabaho? Tandaan mo na lubog pa kayo sa utang!" gigil na sabi sa akin ni Carla. Lalo tuloy lumaki ang butas ng ilong niya.
"Hindi ko nakakalimutan 'yon! Ikaw kaya ang paalalahanan ni Aling Belinda?"
Papasakan ko talaga minsan si Aling Belinda ng medyas para manahimik eh. Si Aling Belinda lang naman ang may-ari ng apartment na inuupahan ko ngayon. Palagi niya akong kinakatok tuwing umaga sa apartment nitong mga nakaraang araw dahil hindi pa ako nakakabayad sa renta nitong huling dalawang buwan.
"Reene naman!"
"Ano?"
"Seryosohin mo nga ang sinasabi ko! Kapag si Sir Cortez, nagdilim ang paningin sa'yo, bahala ka na!" naiinis na saad niya sa akin. Bakit naman magdidilim ang paningin no'n? Baka rainbow kamo.
Feeling ko nga may lumalabas na love beam kay Sir Wave kapag nakikita niya si Sir Drew na pumupunta rito sa office eh. Alam niyo 'yon? Iyong love beams na binibigay ng isang tao kapag inlove siya. Iyong titig na nakakatunaw at nakakabilis ng t***k ng puso.
"At saka tigil-tigilan mo na nga ang panonood nang Yaoi! Kaya palagi mo na lang iniisip na may relasyon si Sir Wave at si Sir Drew eh!" sermon niya sa akin. Para sa kanila, walang malisya iyong pag-akbay ni Sir Drew kay Sir Wave pero I can read between the lines.
Love is in the air!
Naku! Kung alam lang ni Carla kung ano ang nakita ko sa office ni sir kahapon! Hindi naman kasi ako magkakaganito kung hindi naman totoo! Nakakakilig kaya!
Buong akala ko nga si Sir Wave talaga ang bottom kasi parang whipped na whipped siya kay Sir Drew pero sinong mag-aakala na top pala talaga siya at shy lang na possessive? Nakita ko kasi si Sir Wave na nasa ibabaw ni Sir Drew kahapon. Ayoko na idetalye ng buo dahil wala pa naman akong nakitang kahabag-habag.
Bumalik na si Carla sa pwesto niya at ganoon din ako. Katabi lang nitong main office ni sir ang desk ko kung saan ako nakapwesto para madali niya akong matawag.
"Hi Reene, nandyan ba si Wallace?" tanong ni Sir Drew na ngayon ay kadarating lang. Iba talaga ang awra ni Sir Drew ngayon. Palagi itong nakangiti at parang blooming na blooming.
"Yes po. Pasok na lang po kayo sa loob," pormal na sagot ko sa kanya. Tumango naman sa akin si Sir Drew at dire-deretso na pumunta sa office. Omg! Kakadalaw niya lang kay Sir Wave kahapon ah? Hindi kaya itutuloy na nila iyong kahapon? Iyong naudlot na pangyayari sa office? Omg! Kaya siguro badtrip sa akin si Sir Wave kahapon kasi hindi natuloy ang dapat matuloy!
Hindi ko na sila pinansin matapos ko makita si Sir Drew na pumasok na sa loob nang office at nag-concentrate na lang muna sa aking ginagawa dahil mukhang matagal pa sila sa loob.
Aayusin ko na sana ang schedule ni Sir Wave ngayong linggong ito kaso naagaw muli ang atensyon ko dahil lumabas na si Sir Drew sa office. Sabay pa nga sila ni Sir Wave na lumabas ng opisina! Ayoko na nga mag-isip ng kahit na ano kaso nagsisimula na naman ako kiligin! Dahil iyong leeg lang naman ni Sir Drew ay namumula at pinagpapawisan pa! Ang gulo rin ng buhok saka ng necktie! Omg! Quickie lang? Tapos nakita ko rin si Sir Wave na nakangiti. Iyong ngiting panalo!
Oh my god! Positive na talaga ako sa mga naiisip ko!
Umalis na si Sir Drew pero si Sir Wave ay nakatulala pa rin sa daan kung saan dumaan ito.
Whipped talaga.
"Sir Wave?" mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin habang ang mga ngiti na kanina ko pa nakikita ay unti-unti na rin naglaho.
"Okay na po ang schedule niyo para sa Saubea," nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Sir Wave sa akin dahil blanko pa rin ito at hindi katulad ng kanina na nakangiti.
Naku! Halata talaga si sir kahit kailan!
Tumango lang ito sa akin bago bumalik sa kanyang office. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya para sabihin ang schedule niya ngayong araw at sa mga susunod pa.
"Sir?" tawag ko nang matapos ko sabihin sa kanya lahat ng schedule sa loob ng isang linggo. Malungkot siguro itong si sir dahil hindi niya makikita si Sir Drew ng buong linggo. Balita ko ay pupunta raw ito sa ibang bansa para may ayusin. Hindi ko alam kung anong buong detalye roon. Basta ang alam ko ay magtatagal doon si Sir Drew at bukas na ang flight nito.
Nilingon ako ni Sir Wave kaya sinuklian ko naman ito ng pagkatamis-tamis na ngiti bago tuluyang umalis sa kanyang harapan.
"Okay lang yan sir. Huwag ka na malungkot, mahal ka no'n."