Sapol na pinaulanan ng bala ni Drake Ashton ang mga pangahas na lalaki sa loob ng sasakyan. Pagkalabas pa lamang ng gate sa school na pinapasukan ni Princess Aliana ay may napansin na siyang kakaiba kaya sinilip niya ito sa review mirror at tila sila ang sinusundan. Naging alerto siya sa kilos at sigurado na sila ang target ng kotseng sumusunod sa kanila.
Hindi niya mawari sa sarili kung bakit ingat na ingat siya na hu'wag masaktan ang dalaga kahit na nga trabaho niya ito pero pakiramdam niya handa niyang ibuwis ang sarili sa kaligtasan nito.
Napangiti siya ng maalala ang nangyaring pagharang ng mga lalaki sa dalaga, malaking pasalamat niya dahil ito ang naging dahilan kaya araw-araw niya ito masisilayan. Nagtaka siya at pinatawag kaagad ng ama nito pagpasok niya sa trabaho kinabukasan.
"Pasok!" Malamig na boses ng ama nito na si Mr. Dela Cruz. Dahan- dahan na pumasok sa loob ng opisina si Drake Ashton at lihim na inilibot ang mata sa paligid.
"Pangalan?" Matipid nitong sabi. Hindi nakangiti at hindi rin nakasimangot na nagtanong sa kanya.
"Drake Ashton Sarmiento po," wika niya rito.
Tumango tango ito at nakangiti na ngayon sa kanya.
"Gusto kitang pasalamatan bata sa pagsagip kay Princess Aliana! Mga katulad mo ang kailangan para sa anak kong sutil. Mula ngayon hindi ka na isang janitor kun'di isang driver at bodyguard na rin sa anak ko.
Nagtataka siya, paano nito nalaman? Nasagot agad nito ang gusto niyang itanong nang magsalita ito.
"Walang imposible sa 'kin," seryosong nakatingin sa kanya.
"Pero Sir! Hindi magugustuhan ng anak mo ang biglaan mong pag-hire sa 'kin," tinapik siya nito sa balikat.
"Kilala ko ang anak ko sa umpisa lang 'yon tutol pero sa katagalan wala na 'yon magagawa, alam ko kaya mong protektahan ang anak ko," 'tsaka umayos ito sa kinauupuan.
Walang nagawa si Drake Ashton kun'di ang pumayag sa bagong alok na trabaho. Bukod sa malaki ang sweldo palagi pa niyang makakasama ang lihim na minamahal na dalaga kahit palagi siyang sinusungitan nito.
Nahirapan pa siya magpaalam sa kinilalang magulang lalo na sa ama-amahan na labis ang pag-a-alala ngunit sa kalaunan ay pumayag na rin ang mga ito. Pero bago siya umalis katakot takot na bilin na palagi raw siyang mag-iingat.
Napapitlag siya ng kalabitin siya ni Princess Aliana dahil hindi raw niya pinapansin ang ring ng phone sa bulsa ng pantalon.
"Mabuti na lang at hindi naaksidente kung hindi mamatay siyang walang lovelife, kung saan-saan kasi nakakarating ang imagination hmmp," irap sa kanya.
"Bakit selos ka?" Gusto n'yang matawa sa reaksyon nito nanlaki ang butas ng ilong at nanlaki ang mata.
"Kapal!"
"Nang- crush ko sa'yo," pigil ang ngisi na wika niya rito at sinagot na ang tawag.
"Yes boss, masusunod boss," wika niya sa kabilang linya. Ang boss niya ang tumawag. Nangumusta kung ayos lang silang dalawa at kung ayos lang ba ang unica hija nito.
Nagtaka siya bakit mabilis nito nabalitaan ang nangyari sa kanila. At ito na raw ang bahala sa napatay niyang humahabol sa kanila. Basta itikom na lamang daw niya ang bibig kung sakali may makalabas sa media.
Kahit may pagtataka sa desisyon ay binaliwala na lamang ni Drake Ashton at nagtiwala na lamang sa sinabi nito.
Napalingon siya sa passenger seat ng tumikhim ang dalaga. "Saan ka nag-aral bumaril? At bakit mukha kang bihasa? Kaya siguro tayo tinambangan kanina dahil isa kang sindikato at marami kang atraso umamin ka!" Ani ng dalaga sa kanya.
Sinilip niya ito sa rear view mirror na walang kangiti ngiti sa mukha. Gano'n ba kaliit ang tingin nito sa kanya para masabi ang gano'n. Humugot siya ng hangin sa dibdib bago sumagot. "Wala, bigla lang sumagi sa isip ko na gano'n ang gawin ko. At isa pa kailangan kitang iligtas dahil mamahalin pa kita!" Salubong ang kilay na sumagot sa dalaga.
"Matinong tanong pero walang kwentang sumagot," bulong nito at sinamaan siya nito ng tingin at hindi na muling nag-usisa.
Lingid sa kaalaman ng lahat na mula pagkabata ay sinanay siya ng kinilalang magulang kung paano matuto sa self defense kasama na ro'n ang paghawak ng baril ngunit pag-u-usisain niya ang mga ito kung bakit kailangan niyang matuto ng gano'n, ang simple ng sagot nito. 'Magagamit daw niya ito pagdating ng araw dahil sa lugar nila na maraming halang ang bituka," kinalakhan niya ang gano'n paliwanag ng kinilalang ama.
"Bakit hindi sa mall ang tungo nito!?" wika ni Princess Aliana ng dere-deretso niyang pinatakbo ang kotse. Tamad niyang tiningnan ito.
"Pambihira ka baby, pinaulanan na nga tayo ng bala gusto mo pa maglakwatsa!" pailing niyang sagot at muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Nanliit ang mata na tumitig sa kanya. "Ang sakit sa tainga kanina kapa baby nang baby!" Nakasimangot nitong reklamo.
"Oh, ano ang gusto mo? Babe, honey, sweetheart?" Agad niyang sagot.
"Urg! Malapit na ako ma puno sa 'yo!
"Basta iliko mo at may bibilhin ako na importante!" Giit nito sa kan'ya.
Napahilot siya sa batok dahil sa kakulitan nito. "Hindi Ikaw ang magpapasahod sa 'kin kaya sa ama mo ako susunod!" Mariin niyang sagot dito.
"Kung gusto mo pumunta dapat kasama ako pero kung Ikaw lang ang papasok sa mall. Better forget it Aliana dahil hindi ko susundin,"
"What!?" Masamang nitong tingin sa kan'ya.
"Don't what, what me! Baka patikimin na kita ng inaasam kong halik. English na iyan. Baka hindi pa malinaw sa 'yo,"
"I hate you pakialamero!"
"I love you too," pilyo niyang sagot sa tantrums nito. Pagkatapos ay kinindatan at pasipol sipol na itinuloy ang pagmamaneho. Hindi nagtagal nakarating sila sa subdivision kung saan nakatayo ang mansyon ng mga ito.
Pagkapasok ng kotse sa malaking bakal na gate hindi nito Inantay na pagbuksan niya ng pinto pagkaparada pa lamang ng sasakyan. Napailing naman siya at inayos sa garahe ang sasakyan.
Usapan nila ni Mr. Dela Cruz ay stay-in siya sa mansyon. Noong una tutol siya ngunit ng sabihin nito na day-off niya sabado at lingo ay pumayag na rin siya.
Naituro na kaninang maaga ang kwarto na gagamitin niya. Nakahiwalay ito sa likod bahay pero maayos ang barracks. Ayon sa kawaksi na naghatid sa kanya ay dalawa sila rito ang hardenero ng mansyon subalit hindi pa niya ito nakilala dahil umaga na siya pumarito kanina.
Ipinasya ni Drake Ashton na sandaling magpahinga total naman malalaman niya kung aalis ang dalaga dahil sa binigay ng ama nito na tracking device na konektado sa bracelet nito.
Kung tutuusin ang dami naman nakapaligid na puwede nito maging bodyguard. 'Pagka mayaman nga naman kahit ang dami ng bodyguards nakulangan pa din,'
Pagkapasok sa loob ng kanyang kwarto kaagad n'yang hinugot sa baywang ang baril na ginamit kanina. Ang totoo pagamit ito ng amo niya.
Naisipan niyang tawagan ang magulang upang kumustahin ang kalagayan ng mga ito.
"Hello Nay! Kumusta po kayo d'yan? Na-miss ko kayo agad," magiliw niyang bati sa mga ito sobrang mahal na mahal niya ang mga ito lalo na ang Ina na akala mo hindi siya 26 years old kung alagaan.
"Ayos lang naman 'nak. Ikaw ang mag-iingat d'yan at," malambing na boses ng kan'yang itinuturing na Ina. Bumaling ang tingin niya sa ama-amahan bakit pakiramdam niya ay may gusto itong sabihin sa kanya o, baka paningin lang niya.
"Anak ano nga pala pangalan ng boss mo at nabanggit mo lang dati ay si Mr. Dela Cruz?" paiwas na tingin nito sa kanya.
Saglit niyang tiningnan ang ama-amahan at pinag-aralan ang biglaan pag-usisa sa amo niya.
"Rolando Dela Cruz Tay," sandali itong napakurap. Siya naman ay nagtataka sa reaction nito or nagkakamali lang siya. Marami naman magkaka pareho ng pangalan. Subalit may problema ba sa pangalan na nabanggit?