CHAPTER THREE

1355 Words
"Dad! Papasok na po ako," nagmamadaling lumapit si Princess Aliana sa ama na si Ronaldo Dela Cruz dahil mahuhuli na siya sa first subject niya ng araw 'yon. Sukat ba naman inabot sila ng hating-gabi sa pag bar hoping ng mga barkada mabuti na lamang tulog na ang ama pag-uwi niya ng bahay, kung hindi panigurado na sermon ang aabutin niya rito. "May bago kang driver at siya rin ang tatayo mong bodyguard," kalmadong sabi ng ama at sandali siyang tiningnan. Kaya naman naudlot ang akma niyang paghalik dito at tinitigan kung gaano ka totoo ang binalita sa kanya ng ama. "Is that joke, Dad?" ani niyang nagtataka. Ito ang pinakaayaw niya may buntot kung saan siya magpunta gusto niyang walang makikialam sa bawat kilos. "Mukha ba akong nagbibiro, Hija!? walang ka kangiti ngiti na sagot nito sa kanya. "Akala mo siguro hindi ko malalaman ang muntikang pagkidnap sa 'yo or worst mapagsamantalahan dahil sa katigasan ng 'yong ulo!" "My God Princess Aliana. Nasa college ka pa lang pero ma mumuti na ang buhok ko sa padalos dalos mong ugali. Hala! Pumasok ka na at mahuhuli ka na sa klase," nakahilot sa noo na wika ng kan'yang ama. Wait paano nito nalaman? Nilihim niya ang nangyari noong isang gabi. "Don't look at me like that Princess Aliana! You know me, I have many resources!" Magpoprotesta pa sana siya ngunit tiningnan siya nito ng serious look na kahit sino matatakot pag tinitigan nito. Kung hindi nito kilala ang kaharap. "Masyado kang lapitin sa disgrasya Hija! It's better sundin mo ang kagustuhan ko. We don't know who they enemy is. Nag-a-antay lang ng tiyempo," pagtatapos nito nang sasabihin sa kanya. Kumunot ang noo ni Princess Aliana sa tinuran ng ama. "Why Dad? Wala naman siguro tayong kalaban?" naguguluhan niyang usisa rito. "Maganda ang ganitong wala kang alam para na rin sa safety mo," at hindi na muling tumingin sa kanya. Itinuloy nito ang pagbabasa ng news paper nakaugaliang tuwing umaga. Minsan nagtataka siya sa ama. Hindi naman ito politiko pero sangdamakmak ang bodyguard at take note mga de baril at palibot pa sa buo nilang bakuran. Palagi nitong sinasabi proteksyon nila dahil Isa sa sikat na negosyante ang ama. Ang hotel casino nila ay may apat na sangay dalawa rito sa Maynila, isa sa Visayas at Isa sa Mindanao. Nang hindi na siya pinansin ng ama ay umalis na si Princess Aliana sa harapan nito at lumabas ng bahay. Tinungo ang malaki nilang garahe kung saan nakaparada ang paborito niyang kotse. Malayo pa lamang may nakita na siyang malaking bulto ng isang lalaki. Nakatalikod ito sa gawi niya at nagpupunas sa side mirror ng sasakyan kaya hindi niya agad nakilala "M-manong kayo ho ang sinasabi ni Dad na bagong driver?" tanong niya rito. Parang slow-motion itong lumingon sa kanya na siyang niyang kinagulat. "Y-you!?" Gulat niyang tanong. Nakakaloko naman ito na ngumisi sa kanya. "Yes baby! Ako nga wala ng iba," pilyo nitong sagot sa kan'ya. "Mabuti pa sumakay ka na at ihahatid na kita mahal na Prinsesa," Muli nitong sabi. "No way! Asan ba si Mang Kanor doon ako magpapahatid kaya mabuti pa ngayon pa lang mag- resigned ka na sa trabaho. Hindi ko kailangan ng bodyguard s***h driver," nakahalukipkip niyang tingin dito. "Tsk! Masyado kang choosy baby. Kung hindi lang kita crush no'n pa, hindi ko pagtitiyagaan ang kaartehan mo! Kaya kung ayaw mong buhatin kita papasok sa sasakyan sumakay ka na! Gusto ko pa naman na kinakarga ang mga babae at ibabalibag kung ito ay maarte, pero dahil especial ka sa puso ko gusto ko ibabalibag lang kita kung sa kama," wika nito at binuksan ang pinto ng kotse. Nanlaki ang mata niya sa pinagsasabi nito. "Manyak! Hindi bale na lang," lalakad na sana siya upang hanapin si Mang Kanor ng mariing magsalita ito sa likod niya. "Baby! Sakay na!" Nagtatagis ang bangang na sabi nito. Akmang lalapit ito sa kanya na madilim ang mukha. Hindi niya Inantay na makalapit ito sa kanya. "Ito na sasakay na!" Nagpupuyos n'yang sambit. "Sasakay rin pala, dami pang arte! Sa ama mo Ikaw magreklamo dahil siya ang may idea nito. Malay ko na ipapatawag ako para lang sabihan na gagawin akong driver sa maldita n'yang anak!" Masamang tingin sa kanya at pabalibag na isinarado ang pinto ng kotse. "Ang bastos," Hindi niya alam na nakasakay na pala ito sa driver seat. "Hindi pa nga kita nahahalikan bastos na agad?" Walang emosyon ang mata na lumingon sa kanya. Walang nagawa si Princess Aliana kung hindi ang manahimik sa kinauupuan at panay ang irap kung susulyap ito sa kanya. Mabilis silang nakarating sa University Colloge at mabilis ang kilos nito na lumabas ng sasakyan pagkahanap ng pag-parkingan. Nakasimangot siyang bumaba ng sasakyan. At walang lingon na lumakad. "Ingat baby," narinig niyang pahabol na salita nito at hindi pinagtuunan ng pansin ang sinabi at naglakad patungo sa first subject niya. Sa gulang na dalawampu at nasa third year college si Princess Aliana sa kursong business administration biniyayaan ng taas na 5'6 na lalong nagpatingkad sa morena niyang balat, balingkinitan ang katawan at lalong nakadagdag sa asset niya ay ang almond shape na mata na kahit sinong lalaki ay naakit dito. Mabilis na lumipas ang oras uwian ni Princess Aliana at pinuntahan kung saan nag-aantay si Drake Ashton. Napasimngot siya ng malayo pa lang ay maraming ng nag pa-cute na babae rito. Tumaas ang kilay niya ng bawat isa ay nginingitian nito at may payakap pa ang mga haliparot na babae. 'Feeling naman napaka guwapo hmm!' irap niya sa hindi kalayuan. Well, magandang lalaki talaga ito. Sa tantiya niya ay nasa 6'2 ang hieght nito at macho, makapal ang laging nito salubong na kilay at lalong nakadagdag sa seryoso nitong awra. Matangos ang ilong at makalaglag panty ang brown nitong mata. 'Sh*t bakit niya na describe ang hitsura nito,' napatampal siya sa noo. Tumikhim siya ng hindi nito napansin na nasa harapan na siya. "Bye girls next time na lang," kindat nito sa mga babae. Aba't may paganito pa ang mokong na 'to,' simangot niya rito at kaagad pumasok sa loob ng sasakyan ng buksan nito ang pinto. Tumakbo naman ito sa driver seat at mabilis na umupo at salubong ang kilay na lumingon sa kanya. Ngunit hindi na nagsalita at binuhay agad ang makina at pinatakbo ang sasakyan. Nasa highway ang kinaroroonan ng school campus na pinapasukan niya kaya mabilis itong magpatakbo ng sasakyan. "Idaan mo sa mall may bibilhin ako," at sa labas ng sasakyan tumingin. Alam niyang tumingin ito sa review mirror at hindi pinansin ang sinasabi niya. "Narinig mo ba ang sinabi ko-?" Hindi niya natapos ang salita dahil mabilis nitong kinabig ang manibela. "F*ck! Baby yumuko ka! Damn!" Malutong na mura nito. Nanlaki ang mata niya dahil pinauulanan sila ng bala. Paekis ekis nitong minamaneho ang sasakyan siya naman ay tili nang tili dahil sa takot na matamaan ng bala. "God parang awa muna, ayaw ko pang mamatay na virgin. Please 'wag n'yong pahintulutan na mapahamak ako!" bubulong bulong niya habang nakayuko. "Ayy---!" Mahaba niyang sambit ng sunod-sunod silang ratratin sa likuran. "Bakit ba hinahabol tayo siguro may mga atraso ka sa mga taong 'yon!?" Sigaw niya kay Drake Asthon. Tiim-bagang ito na tumingin sa gawi niya at madilim ang mukha. "Puwede ba itikom mo 'yang bunganga mo kung ayaw mong patahimikin ko nang torrid kiss!" Banta nito sa kanya. Natahimik siya sa sinabi nito. Ngunit nasa isip niya lintik lang ang walang ganti rito sino ba ito para utos-utusan siya. "Kiss lang pala ang katapat ng maingay mong bunganga," bulong nito. Nanlaki ang mata niya ng may hinugot itong baril sa baywang ng pantalon. "Good bye mga ulupong dagdag kayo sa sakit ng ulo," pagkasabi nito ay inilabas ang isang kamay at pinaputukan ang nakasunod sa kanila na sasakyan habang ang isang kamay ay nasa manibela. Maya-maya ay nagtaka siya ng wala ng nagpapaulan sa kanila ng bala. Lumingon siya sa kanilang likuran nakatagilid ang kotse at umaagos ang gasolina may nakita siyang isang lalaki sa bukas na pintuan na siguradong patay na ito. Napaisip siya sino ba talaga ito bakit ang galing nitong makipagbarilan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD