DRAKE ASTHON
"Tay, may problema ho ba?" nagtataka kong usisa sa itinuring kong magulang.
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ni Tatay dahil pinagtakhan ko ang sinabi niya.
"Ah, wala anak baka kapareho lang ng pangalan. May gano'n kasi ako kasamahan dati sa trabaho na kapareho sa pangalan ng amo mo,"
"Akala ko po kung ano na," sagot ko sa kaniya.
Mahina siyang tumawa. "Basta anak kung hindi mo magustuhan ang trabaho d'yan, 'wag mong pilitin ang sarili mo. Kahit paano naman kumikita ako sa pamamasada sa tricycle ni mang Leroy,"
"Tatay. Alam ko po pero para sa pag-aaral ni Darkshin. Alam ko po problema n'yo ang tuition fee ng kapatid ko kaya nga hindi ko po tinanggihan ang alok ni Mr. Dela Cruz, dahil kailangan malaking kita dahil college na si bunso,"
"Pero hindi mo naman obligasyon iyon anak–"
Mabilis kong pinutol kung ano man ang sasabihin ni Tatay.
"Oo na lang po. Kayo talaga ni Nanay masyado ma-drama,"
"Hindi naman sa gano'n anak alam n'yo naman pagdating sa inyong magkapatid. Kapakan n'yo ang uunahin namin. Basta anak ipangako mo lang na alagaan ang sarili mo ha?" ani pa ni Tatay sa akin.
"Yes Tay. Paano ho, Tay, Nay. Matulog na ako. Maaga pumapasok ang hatid sundo kong amo,"
"Sige anak. Miss ka na namin,"
Mahina akong tumawa. "Si Nanay talaga. Kahapon lang ako pumarito,"
"Hindi mo ako masisisi, dahil hindi sanay si Nanay na malayo kayong magkapatid sa amin. Siya patayin mo na ang tawag at makapahinga ka na din. Bye anak mahal ka namin,"
"Mahal ko rin po kayo," sagot ko sa kanila dalawa na walang pagsidlan ng saya.
"Good morning ma'am," nakangisi kong bati kay Princess Aliana pagdating niya sa tapat ko kung saan naro'n ang nakaparadang kotse na gagamitin na gamit ko paghatid sundo sa eskwelahan niya.
Yumukod pa ako upang magbigay galang sa dalaga subalit sadyang suplada talaga at Imbis batiin din ako pabalik ay irap sa mata ang ganti niya sa akin.
Naiiling na lamang ako at pinasadahan siya ng tingin, ngunit napasipol ako ng tila naman tigre na mananakmal kung sitain ako sa ginawa kong paninitig sa kaniya.
"Could you please quit looking at me? Para kang temang," pabalang na sagot niya sa akin.
Napakamot ako sa noo at lalo ko siya inasar.
"Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" tudyo ko sa kaniya.
"Pervert," saad niya sa akin.
"Ano? Grabe ka sa akin baby, hindi ko pa nga nakukuha ang halik na inaasam galing sa'yo–"
"Argh! Tigil-tigilan mo ako abnoy ka ha?! Baka patalsikin kita sa trabaho,"
"What? Baby, naman wala pa naman ako ginagawa hahatulan mo agad,"
"Baliw! Buksan mo na nga ang pinto sira-ulo,"
"Sure...basta Ikaw nangingining pa–"
"Stop na Drake Ashton, nasisira ang beauty ko sa kahangalan mo,"
"Ayos lang kahit pa anong hitsura mo crush pa rin kita–"
"Drake Ashton...!"
"Yes baby– ouch," napahalakhak ako dahil malakas niya akong pinalo sa braso.
"Mabuti nga sa'yo," galit niyang saad nang umarte akong nasaktan.
Pinanindigan ko na lang dahil wala lang naman talaga sa akin ang hampas ng kaniyang kamay.
"Sarap sa ears kapag Ikaw ang sumasambit sa name ko," kindat ko pa sa kaniya. "Baby naman masyado mo ako pinakilig. Binuo mo pa talaga na bigkasin ang pangalan ko–"
Hindi ko nadugtungan ang sasabihin ko dahil masama na talaga ang tingin niya sa akin.
"Ops...ito na ma'am. Sakay na." Binuksan ko ang pinto para makapasok siya. Pabiro ko pa sana siyang aalalayan sumakay pero inunahan niya ako ng nagbabaga niyang tingin sa akin.
'Pikon' naibulong ko. Kahit patuloy niya akong sungitan sobrang saya ko dahil napansin ako ng babaeng iniibig ko. Kahit kasungitan pa niya ang nakukuha ko galing dito.
Binilisan ko ang paghakbang patungo sa driver side. Sinadya kong maaga gumising at inilabas ko sa garahe ang gamit namin na kotse. Damn! Hindi ko mapigilang mangiti ng lingunin ko siya sa passenger seat.
Lalo itong gumaganda sa aking paningin. Mahina pa ako tumawa ng nakatulis ang nguso niya ng titigan ko. 'Cute' talaga ng baby ko.
"Pakibilisan mo nga ang pagmaneho kung saan-saan tumitingin. Kapag mahuli ako sa unang subject kakalbuhin talaga kita." Paangil na sabi niya sa akin.
I chuckled.
"What's so funny?" Humalukipkip na saad niya sa akin.
"Ang ganda mo kasi kahit lumalaki ang magkabilang butas ng ilong dahil galit na galit sa akin,"
Hindi ko mapigilan ang pagalpas ng malakas na tawa dahil bigla n'yang kinapa ang ilong niya.
Tinigilan ko lang talaga siya sa pang-aasar ko dahil malapit ng ma-late at alam ko malapit na siyang mapikon dahil biglang nanahimik. Sa labas ng kotse lang nakatingin.
Kanina pa dapat kami umalis ng bahay upang makaiwas ng traffic ngunit talaga sinusubok ng dalaga ang pasensya ko, malapit ng mag alas- siyete bumangon.
Alam ko ang oras ng first subject nito. Alas-otso y medya pero kung ganito nanadya bagalan ang kilos malamang hindi aabot sa first subject niya.
Alam kong sinusubukan lang ako ng dalaga upang tuluyangag magbitaw sa trabaho.
Pero kung inaakala ng dalaga na mapapasuko niya ako. P'wes nagkakamali ito. Hindi ako pinalaki ng mahina ng kinilala kong magulang para lang sukuan ang pagmamaldita niya sa akin.
Mga sanggano nga sa lugar namin hindi ko tinatakbuhan siya pa kaya na alam ko siya lang ang tanging alam ko nakalaan para sa akin.
Kapag may tiyaga may aanihin kaya kailangan pagtrabahuan ko mapaibig ang supladitang amo.
Tumingin ako sa suot kong mumurahing relo na nasa kaliwang braso. Isang oras na lang first subject ni Princess Aliana. Gusto siguro masabon ako na Papa niya kaya sinadya tagalan lumabas.
Mabuti na lang mabilis kami nakarating sa St. Mary University, may 15 minutes pa bago ang first subject niya.
Pagdating doon gusto kong pasalamat ang mga babaeng tahasang nagpapakita ng pagkagusto sa akin dahil nayayamot si Princess Aliana.
Sabihan man ako na mataas ang panagarap upang isipin ko na nagseselos ang dalaga wala akong pakialam doon, sa gusto ko mag-assume, hindi naman siguro bawal. At lahat naman kaniya-kaniya ng trip sa buhay.
Napailing ako sa aking sariling kahangalan. 'Ganiyan nga Drake Ashton, fighting spirit,'