"Para ho sa tabi lang!" ani ni Drake Asthon sa driver ng tumapat ang sinasakyang jeep sa lugar nila. Kalalabas lamang niya galing trabaho. Inabot siya ng alas dose ng gabi dahil ang kahalili niya ay lumiban sa trabaho kaya naman ang nangyari ay naging twelve hours ang naging duty niya ng araw na 'yon.
Malapit lamang ang trabaho niya sa kaniyang tinitirahan sa Pasay City isang sakay ng jeep naroon na siya sa lugar nila.
Pagkababa ng sinasakyang jeep ay pumasok si Drake Asthon sa looban nila. Bago makarating sa kanilang bahay ay isang eskinita pa at madilim ang daanan. Hindi niya malaman kung bakit palaging nawawalan ng ilaw sa nasabing eskinita na alam niyang pinapalitan naman ito ng kanilang barangay Captain.
Hindi naman siya takot sa lugar nila kahit maraming tambay na lasinggero. Ang iba pa nga ay mga snatcher at doon ang takbuhan dahil mahirap mahanap ng mga humahabol na mga pulis dahil sa magulong lugar, mas tamang tawag isang squatter area.
Pakanta-kanta pa si Drake Asthon habang naglalakad ng may maulingan siyang tila humihingi ng tulong.
"Tulong! May tao ba r'yan? Tulungan n'yo ako!"
"Bitiwan n'yo nga ako! Tulong--!" Mahabang sigaw ng tinig ng isang babae.
Ayaw sana ni Drake Asthon pansinin at wala siya sa mood makipagrambulan ng araw na 'yon dahil napagod siya sa trabaho ngunit may kung anong nag-udyok sa kan'ya na puntahan ang pinagmulan ng tinig. At isa pa, palagi siyang napapangaralan ng itinuturing na Ina kapag maybangas ang kanyang ka-guwapuhang mukha pag u-uwi ng kanilang bahay. Dapat raw umiiwas siya sa gulo dahil walang magandang maidudulot ito.
Hindi rin kasi matiis ni Drake Ashton pagmayroon inaapi na kawawang tao kaya ang ending napapaaway siya lalo pa at mabilis mag-init ang ulo niya sa mga mapagsamantala sa mahihina tao.
"Parang awa n'yo na Mamang ano," Mabilis ang hakbang na tinungo ni Drake Ashton ang alam niyang pinagmulan ng tinig.
Dahil medyo madilim ang bahagi ng kinaroroonan ng babae ay hindi niya agad ito nakilala. Hawak ito sa kamay ng dalawang lalaki at panay ang piglas subalit panay ang tawanan ng dalawang lalaki. Napailing siya ng may-isa pang lalaki na galing kung saan at lumapit sa harapan ng babae.
"Bossing mukhang jackpot tayo rito bukod sa maganda ay yayamanin pa ang amoy!" wika ng isang lalaki sa kanan na nakahawak sa kamay ng babae.
"At ang kinis, bawing bawi!" tawanan pa ng mga ito.
"Ang babastos n'yo! Kahit kayo na lang ang huling lalaki sa mundo at kahit patayin n'yo pa ako hindi ako papayag na sumayad ang marumi n'yong kamay sa balat ko! Bitiwan n'yo nga ako! Magkano ba ang kailangan n'yo ha?!" Pagtataray nito at masamang tingin sa mga lalaking nagtatawanan.
"Wow gusto namin 'yan. Pero bago ka namin pagkaperahan kailangan ka muna syempre tikman," nag apir pa ito sa kasama.
"Kaya bossing umpisahan na natin atat na ako rito," sabi naman agad ng isa sa harap ng tumatayong lider sa tatlo.
Nakita at narinig lahat ni Drake Ashton ang pinagsasabi ng mga lalaki. "Tss! Mga gago ang mga ito," iling niya sa mga narinig sa lalaki.
"Hoy! Kayo! Pakawalan n'yo 'yang babae!" Walang emosyon ang mata na utos niya sa mga ito.
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga loko kaya ngali-ngali gusto na niyang sapakin agad ang mga mayayabang na ito.
"Wow bossing may bayani!" nakakalokong halakhak ng mga ito na tumingin sa pinaka lider.
Ngunit napakunot noo siya ng umangat ang tingin sa kanya ng babae.
"Ikaw!" Magkasabay na bigkas nilang dalawa.
Pagkakataon nga naman ang high and mighty pala na anak ng kanilang boss ang nag-iisang tagapagmaana ng Solera Hotel and Casino. Ang mataray at supladang anak na si Princess Aliana.
"Tasked! Hindi naman pala importante ang tutulungan ko. Sige mga pards kayo na ang bahala kung anong gagawin sa babaeng 'yan," Nakangisi kunwari niyang paalam.
Pahakbang na sana si Drake Ashton ng magsalita si Princess Aliana.
"Hoy! Duwag walang bayag na lalaki! Kapag ako nakawala rito sisiguraduhin ko na hindi lang trabaho mo ang mawawala kun'di pagbabayaran mo ito!" Sigaw nito sa kanya.
Kaya naman kaagad siyang pumihit paharap sa kinaroroonan ni Princess Aliana na seryoso ang mukha.
"Wooh, grabe ka nanaman Ma'am!" Pinagdiinan niya ang salitang Ma'am. "Matayog ka pa rin at mapagmataas kahit sa sitwasyon mong 'yan!" Naningkit ang mata na titig niya kay Princess Aliana at sabay na tumalikod.
Nagtawanan ang mayakis na mga lalaki habang ang amo niyang babae ay panay ang talak gusto niyang matawa kahit nayayamot siya rito.
"Bakla! Pangit! Hambog!" sigaw nito sa kanya kaya napapailing na lamang siya.
"Ano ba pakawalan n'yo ako sabi ang babaho n'yo!"
Akala ng mga lalaki ay tuluyan siyang aalis ngunit kumukuha lang siya ng bwelo. Aba hindi niya papayagan na maunahan siya ng mga ito sa sinisinta niya. Magkamatayan na pero hindi niya pasasayarin ang nguso ng mga ito sa balat ni Princess Aliana. Siya lang ang nababagay rito.
"Drake A-ashton-- T-tulungan mo ako." So kilala pala siya nito kahit gano'n pa man natuwa ang baliw n'yang puso.
Bumalik siya sa harapan ng mga ito at nakaisip ng kalokohan. "Mag please ka muna," wika niya na pinipigilan ang ngiti.
Sinamaan siya nito ng tingin at hindi nagtagal ng akmang hahalikan nito ng lalaki ay sumigaw ito.
"Please. Please tulungan mo ako," kahit alam niyang galing sa ilong ang pasalamat nito ay ngumiti pa rin siya.
"Sure baby, hindi ko papayagan na dumapo sa balat mo ang mga maitim na nguso ng mga 'yan."
Napikon ang mga lalaki at malakas binitawan patulak si Princess Aliana muntik na itong masobsob sa sahig kung hindi niya naagapan sa baywang nito.
"Ako ang bahala sa'yo baby, stay there," paos niyang bulong at pinatayo malayo sa mga ugok na lalaki.
"Wala bang pam pagana d'yan baby Aliana," pilyo niyang kindat dito.
"In your dreams mister," naaka amba ang kamao na wika nito sa kanya.
"Ang sweet mo talaga baby," wika niya rito.
"Hoy! Tama na 'yang diga mo bata! Pagsisihan mo ang pangingialam dito!"
Mabilis siyang sinugod ng dalawa ngunit hindi alam ng mga ito na pinaglalaruan lamang sila ni Drake Ashton.
"Magsabay pa kayong lahat," He said.
Sunod-sunod siyang pinaulanan ng suntok ngunit naiilagan niya ang mga ito. At bawat ataki ng mga ito ay nginisihan lamang niya. Gusto muna niyang paglaruan ang mga kapangahasan ng mga ito.
Nang mainip sa pagataki ng mga lalaki na hindi naman makatama sa kanya ay palitan niyang pinaulanan ng suntok sa panga sa tiyan paulit-ulit hanggang sa matumba ang mga ito sa harapan niya.
"Tss! Weak!"
"Drake!" Sigaw ni Aliana ng tangka siyang sasaksakin ng pinaka lider ng tatlo. Para silang nagpapatintero dahil sa pag-ilag niya sa bawat atake nito.
Nang makakuha siya ng bwelo isang ikot sa ire ay pinatikim niya ito nang malakas na sipa sa panga na siyang dahilan ng pagkahagis ng patalim nito.
"Mga wala pala kayong binatbat puro yabang lang," kinuha niya ang kutsilyo at nakakalokong tumitig sa tatlo.
"Sino kaya ang bagay na unahin ko?" Nakakatakot niyang ngisi sa mga ito. Nangingining naman sa takot ang tatlo.
"B-bossing...P-parang awa muna nagbibiro lang kami kanina," hinawakan niya sa panga ang itinuring na lider.
"Sa susunod pipiliin n'yo ang papatusin n'yo maliwanag!" Tiim-bagang na wika niya sa mga ito.
"Dito pa talaga kayo sa territory ko mga hangal!"
"O-opo b-bossing hindi na mauulit," nangingining sa takot na wika ng mga ito. Mabilis na tumayo ang tatlong lalaki at dali-dali kumaripas ng takbo.
"Mahihinang klase pala kayo," sabay tapon sa kung saan ang kutsilyo galing sa mga lalaki at tumitig siya kay Princess Aliana, ngunit Inirapan siya nito at lumakad paalis sa lugar na 'yon.
Pambihira ang babaeng 'yon napakataray.
"Babagsak ka rin sa kamay ko baby, tandaan mo 'yan!" Sigaw niya sa dalaga.