CHAPTER Six

2008 Words
"Ehemm...!" tikhim ko ng hindi pa binubuksan ni Drake Ashton ang pintuan ng kotse. Paano ba naman mayroon humarot na babae, iyon ulit noong nakaraan na hatid niya sa akin. "Sorry ma'am," sagot niya agad sa akin pero hindi ko pinansin. Nakita ko na may gusto pa siyang sabihin pero hindi itinuloy at walang salita na bumaba siya ng kotse at mabilis n'yang tinakbo ang passenger seat na kinaroroonan ko. Lihim akong napairap dahil sa inis dito. Nakalimutan niya agad ako nakakita lang ng mga babae. 'Nasaan na ang tawag niyang baby? Nakakita lang ng mga talipandas na babae biglang naglaho ang endearment niya sa akin?' "Mahal na Prinsesa," nagulat pa ako ng bumukas ang pinto sa tagiliran ko at hindi sinasadya nagtama ang tingin namin dalawa. Ako ang nag-iwas ng tingin at hindi ko matagalan ang mapungay niyang mata habang pinapasadahan niya ako ng tingin sa mukha. Taas noo naman akong bumaba at balak pa niya akong alalayan pero hindi ko tinanggap ang kaniya kamay. Dahil sa ginawa ko nakita kong tumiim ang mukha niya. Kahit ang mata niya ay walang emosyon tumingin sa akin. Ano naman ang arte ng driver ko? "Aliana..." narinig kong tawag niya sa 'kin subalit hindi ko na iyon pinansin at binilisan na lamang ang lakad. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. 'Napaka landi nakita lang na mayroon mga babaeng humahanga feeling guwapo na,' 'Hindi nga ba Aliana? Aminin mo guwapo naman talaga,' kontra agad ng isip ko. 's**t' ano bang iniisip ko. Napahawak pa ako sa aking mukha. Nakakahiya kung maymakakaalam,' 'Baka mayroon nga Aliana, kung makikita mo ang iyong sarili, tila ka batang naagawan ng laruan. Nagmamakatol pagka-upo sa iyong silya,' 'No way! Hindi pa sira ang ulo ko para magustuhan ang mokong na iyon,' 's**t Aliana, anong magustuhan? Don't tell me na nagseselos ka roon sa mga nagpapansin na babae?' 'Of course not! Paano ako magseselos doon wala ako gusto sa mayabang na iyon. Tsaka ako?! Hello, Bodyguard at driver ko lang 'yon hindi kami bagay.' "Hoy! Kanina ka pa parang shunga, nakatulis ang nguso pero tulala," sita ng kaibigan kong si Monique na katabi ko sa upuan. "Huh! Pinagsasabi mo riyan Monique," irap ko sa kaniya. "Kung makikita mo ang iyong sarili sa salamin para kang girlfriend na inagawan ng jowa," wika niya ulit sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin upang kunwari hindi ko alam ang pinagsasabi niya. "Sino 'yong yummy kasama mo sa kotse mahal na Prinsesa?" sabat ng dalawa kong kaibigan na nasa likuran ng upuan ko. Walang iba kung hindi sila Jennifer De Guzman at si Maria Lhiza Modrigo. Since first year college ka-klase ko ang dalawa sa kanila si Monique at Jennifer. Lhiza has only been a classmate of ours this year. Dati kasi siyang Engineering, naging boring para sa kaibigan kaya nag palit ng kurso ito nga ang business add. Nakasanayan nilang tawagin ako na Prinsesa dahil una kong isang buwan sa University ay sandamakmak ang bodyguards. Para daw akong anak ng hari at tama daw na princess ang pangalan ko kasi sa mga bodyguards na kasama. Umpisa noon Prinsesa na ang nickname nila sa akin. Nakulitan lang si Daddy sa akin. Araw-araw ko ba naman sinasabihan na alisin ang bodyguards at naiilang na ang mga classmates ko. Mabuti nagsawa pagsaktong Isang buwan inalis din ang palaging nakabuntot na mga bodyguards ko. "Omg! Princess Aliana, may jowa ka na din?!" kulit ulit ng tatlo, aba't nagsabay-sabay pa akong ginisa. "Sino ba ang tinutukoy niyo? Yung naghatid ba sa akin?" maang-maangan ko pang tanong sa tatlo. "Sino pa nga ba, ung poging tinitilian sa parking area kanina," I heard Jennifer say. Kitam itong mga 'to. Alam na pala gusto lang talaga maki usyoso. Tinitigan ko sila ng may pagbabanta kaya ngumiti si Jennifer. "Naandoon pala kayo, bakit hindi n'yo ako nilapitan?" taas kilay kong sabi sa mga kaibigan. "Si Jen, lang. 'yon agad ang balita sa amin pagpasok dito at may kasama pang picture," wika pa ni Monique. "Kasama ko si jowa, kaya hindi na kita nilapitan," sagot ni Jennifer sa akin. Oo nga pala sa aming tatlo siya ang may BF na. Sa ibang department nga lang. "Ah iyon bang kanina nilalandi ni Kaye?" na school mate namin at halos lahat ng pogi gustong jowain ng babaeng 'yon. "Bakit mayroon pa bang mas yummy roon. Sa pagkakaalam ko si Mang Kanor lang ang minsan naghahatid sa'yo," wika pa ni Jennifer na talaga marites umusog sa pagkakaupo kaya halos kadikit ko na. "At talagang lalapit pa, bingi lang Inday?" "Mahirap nang may ma-miss akong chismis," ikinangisi lang niya sa tanong ko. Gumaya rin ang dalawa at pinalibutan ako. Mabuti wala pa kaming professor ng oras na iyon. "Dali kwento na Prinsesa, 'wag kang magkakamali mag-skip dahil kalaunan makakarating din sa amin," ani ulit ni Monique. "Mamaya na sa lunchtime, kita mo mga classmates natin nasa likuran kanina pa masama ang tingin sa atin," "Bakit, Inaano ba natin sila? Mamaya makalimutan pa niyan ni Prinsesa," si Jennifer na umirap. Sa kanilang magkakaibigan ito talaga ang mataray. Akala ko nga noong una hindi ko makakasundo at palaging nakataas ang kilay. Kung hindi mo mahuhuli ang ugali tiyak masasabi mong maldita si Jennifer. "Sige na Princess Aliana magkwento ka na ayaw ko mamaya at istorbo sa pagkain," reklamo ni Lhiza. "Dumali ulit ang matakaw," biro namin sa kaniya. "At least sexy kahit matakaw," pagyayabang pa ni Lhiza sa amin kaya inismiran ni Jennifer at Monique. "Paanong hindi ka magiging sexy panay ka exercise. 'Wag mong itatangi Lhiza dahil sinabi ng kasambahay n'yo nang magawi kami roon," laban pa ng dalawa kay Lhiza. "Stop na nga kayo. Bumalik na sa upuan baka abutan pa tayo ni Sir, na ganitong ayos," pananaway ko sa kanila. "Ayaw namin," sabay-sabay pa na bigkas at may kasama pang iling. "Hoy! Mga chismosa kayo. Driver ko 'yon si Drake Ashton," saad ko. Nagtaka ako sa reaction ng mga ito. Nakanganga akala mo mayroon nakaka gulat sa balita ko. Oo nga pala noong unang ihatid ako ni Drake Asthon, hindi nila nalaman at hindi ko rin sinabi at alam kong tatadtarin ako ng katanungan. Hindi rin nabalitaan ang muntikan nang pang-ambush sa amin kahit nga pahapayaw na balita sa television walang nabanggit. Hindi ko rin naman pinagtuunan na iyon ng pansin at baka inareglo agad ni Daddy. "Driver lang para ba kayong nanuno d'yan," saad ko sa kanila. Halos malaglag ang aking panga dahil sabay na nag tilian ang tatlo kong kaibigan. Hindi pa sila nahusto aba'y pabiro pang hinila ang buhok ko. "Grabe kang babae ka!" wika pa nilang tatlo kaya kumunot ang noo ko at nagtanong kung bakit ako naging grabe. "Anong nangyare sa inyo?" tanong ko sa kanila, pero Ang mga pasaway kong kaibigan nagsabay ng iisang tanong sa akin. "Aliana, are you sure? Hindi mo naman kami binibiro. I guess," wika ng tatlo. "Mukha ba ako nagjo-joke sa inyo?" laban ko. I even pointed to my face upang ipakita sa kanila na seryoso talaga ako sa aking sinasabi. "Ang pogi noon driver mo lang?" giit ulit nilang tanong. "Driver bodyguard. Eh, anong kakaiba roon?" "Akala pa naman namin may jowa ka ng afam at mukhang Turkeys sa ka-guwapuhan. Baka mayroon 'yon kapatid naghahanap din ako ng driver bodyguard," wika ni Monique. Pero umangal ang dalawa kaya hindi ko maiwasan bumungisngis. "Aba't Ikaw lang, kami rin Aliana. Malaki rin ang sweldo, araw gabi may libre pang masahe," saad ni Jennifer at Lhiza. "Parang solong anak–" "Hoy paano mo nalaman?" mabilis na tanong nila sa akin. "Shunga, syempre sa bio-data niya. May kapatid pero babae nakababatang kapatid," kwento ko sa kanila. ------ Nasa malayo pa lang kita ko na ang bulto ni Drake Ashton, nakasandal sa kotse, nakahawak sa panga at hinahaplos niyon ng kanan n'yang kamay. Ganoon pa rin kahit siya ay walang pakialam sa paligid pero nakakukuha pa rin nang pansin sa bawat dumaraan sa harapan niya. Lalo na ang mga babae hindi maiwasan na hindi lilingon dito. Nakakatawag pansin naman talaga ang tindig at ganda lalake niya. Kahit seryoso lang at hindi ko alam kung anong iniisip walang tulak kabigin napaka guwapo talaga ng driver ko. "Bye Princess Rapunzel," magkasabay pa na bigkas ni Jennifer at Lhiza pagtapat namin sa kotse ng dalawa. Nauna kasi silang dumating kanina kaysa sa amin ni Drake Ashton. Kaya sa unahan naka-park ang gamit nilang kotse bago makarating sa pinagparadahan namin ng sasakyan. "Paano ingat kayo," mahigpit kong bilin sa kanilang dalawa at tinapik pang pareho sa balikat. "Next time, introduce us to your hot driver," panguso nila sa kinaroroonan ni Drake. Ewan kung anong naguutos sa akin na sundan nang tingin ang tinutukoy nilang si Drake Ashton para lang manginig ang tuhod ko dahil seryoso siyang nakatingin sa kinatatayuan namin. Nakakailang n'yang tumingin lalo na sa 'kin na tila tumatagos sa kaloob-looban ko. Tumikhim ako upang alisin ang pagkailang sa tingin niya sa akin at dinaan sa biro ang pagsagot sa mga kaibigan ko. "Bakit sa susunod pa kayo magpapakilala e, p'wede naman ngayon," ani ko na sa dalawa na dinaan sa biro. "Kung hindi nga kami nagmamadali baka nag-unahan pa kami lumapit sa future jojowain mo. Kaya lang ayaw namin nang mabilisan. Alam mo naman kami hindi puwede na maiksing balitaktakan," "Oo na mga Inday, ba bye na baka ako pa ang dahilan ng pagka late niyo sa pupuntahan," taboy ko sa kanila. Pagkatapos namin magbeso sa isa't-isa pumasok agad sila sa kani-kanilang kotse. Walang sundo si Monique kaya isasabay ko. "Look oh, Aliana. Omg makalaglag pantay kung tumitig," wika ni Monique ng kaming dalawa ang maiwan. Nag-umpisa na rin kami lumakad patungo sa kotse ko. Napaiwas ako ng tingin dahil nagkatitigan kami ni Drake Ashton. Peste talaga pilyo pa akong kinindatan kaya ang naka abresete sa braso ko na si Monique tila kinikiliti sa kilig. "Bruha ka napaka palad mo talaga. Grabe kung ganiyan ang driver at bodyguard ko araw-araw ako gaganahan pumasok sa escuela," "Mali ka, baka kamo araw-araw masira ang araw mo," laban ko sa kanya. "Talaga ba? Sige lang magkunwari ka pa Princess Aliana," sagot sa akin ni Monique. Napa bungisngis pa nang sumama ang tingin ko sa kaniya. "Shutahh.... Aliana Dela Cruz, my gosh look at his muscle. Omg! Princess Aliana, ang sarap pisil-pisilin," exaggerated na reaction ni Monique. May kasama pa talaga pag alog sa braso ko. Napanganga pa ang kaibigan ko ng lumakad si Drake Ashton pasalubong sa amin. 'Damn! Masasakal ko talaga ang driver ko sa pagbabalandra ng kagwapuhan sa mga estudyante rito,'ngunit ng maisip ko iyon napasapo ako sa noo.'My God Princess Aliana, umayos ka.' "Ako si Monique, Fafa Drake, matalik na kaibigan ni Rapunzel, este ni Princess Aliana. Kung gusto mo ng sideline Fafa Drake, nakahanda ang wallet ko–" wika agad ni Monique pagdating sa tapat namin ni Drake Ashton. Kukuhanin lang pala ang dala-dala kong shoulder bag. Hindi ko napaghandaan nang kuhain niya sa kamay ko dahil natuon ang pansin ko sa sinabi rito ni Monique, kaya nakuha niya ito sa aking braso. "Bruha ka, anong wallet ka r'yan?" pinaningkitan ko siya ng mata. "Tsk! Ang dumi ng iyong iniisip Prinsesa! Hindi ko pa nga tapos sabihin kay Fafa Drake, sumabat ka kaagad," sagot sa akin at mayroon pang paikot sa kaniya mata. Narinig kong mahinang tumawa si Drake Ashton pero tumikhim din ng tapunan ko siya ng may babalang tingin. "Bakit maganda binibini ano dapat ang iyong itatanong sa akin," ani niya kay Monique. Humalukipkip ako nakatingin sa kanilang dalawa pero hindi nagpaawat ang kaibigan ko. "Kung maibigan mo mag sideline Fafa Drake, nakahanda ang wallet ko sa iyong presyo. Name it nakahanda akong magwaldas ng allowance matikman lang lang ang service mo," "Hahaha. I like you na –" Napasapo ako sa noo ng tumili si Monique. "Oh my Godness. Really?" sagot agad ng kaibigan ko kaya lalong lumakas ang tawa ni Drake Asthon. Ngunit pareho kaming nalaglag ang panga ni Monique nang sumagot siya sa amin. "Sorry maganda binibini pero may crush na ako at pangarap kong i-crush back kung papalarin,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD