"Isasabay natin si Monique," saad ko kay Drake Ashton at nagpatiuna nang lumakad patungo sa nakaparadang kotse. Hinayaan ko silang dalawa ni Monique mag palitan ng biro at baka istorbo pa ako sa kwento-han nila. Mukhang pa naman hindi ako nakikita ni Drake Ashton, dahil sa labis na pagka-amaze sa kaibigan ko. Kay Monique lang ang atensyon ng loko at tuwang-tuwa naman ang kaibigan ko. Diba? Sarap nila pagbuhulin. Kung hindi ko lang bestfriend 'yang si Monique hindi ko talaga isasabay pag-uwi at mukhang walang gagawin matino sa buong biyahe kung hindi ang magpapansin sa driver ko. "Hoy!" tapik ni Monique sa balikat ko na siya kong ikinagulat at dahilan nang malakas niyang tawa. Naro'n na kasi ako sa tabi ng kotse nakatayo at boring na inaantay ang mabagal nilang paglakad para makarating