ALIANA "Paano fafa Drake, ingatan mo ang BFF ko ha?" saad ni Monique pagdating namin sa tapat ng bungalow nilang bahay. "Iingatan ko, binibini," maikli niyang tugon sa kaibigan ko. "Good magkakasundo tayo r'yan. So, paano tutuloy na ako," wika niya ulit kay Drake Ashton. Sumama ang tingin ko sa kanilang dalawa. 'Pambihira naman ang babaeng 'to. Ngayon lang nakilala si Drake Ashton, pero inuna pagpaalaman kaysa akin na kaibigan niya. "Gusto ko pa nga sana makipagkulitan sa'yo. I like you na, fafa Drake, kaya lang–" pabitin niyang sabi sa binata. "Kaya lang?" tanong ni Drake Ashton sa kaniya. "Kaya lang ayaw ko ma-friendzone. Hindi pa nga ako nagkaka BF tapos ma basted mo lang," "He laughed loudly. "I like you too kaya lang tulad ng sinabi ko may sinisinta na ako. Magandang binibini