Episode 2

1116 Words
VAMPIRE'S POV "You should leave now! Hurry.. I'll protect you my son... Aaahck!" Hanggang ngayon sariwa parin ang huling pag-uusap namin ng aking Ina, na pinatay ng mga halang ang kaluluwang mga nilalang, mga walang alam kundi ang pumaslang. Naikuyom ko ang kamao ko. It's been 50 years, nung nasa mundo ng mga bampira pa kami. We were a perfect family before, yeah before we were being attacked by vampires. Mga bampirang nagrerebelde sa aming pamamahala. Kasalukuyang sinusugod ang aming kaharian ng mga rebeldeng bampira, mga bampirang nasa ilalim ng aming pamumuno ngunit piniling tumiwalag upang magtatag ng sariling kaharian. "MOM! DAD!" sigaw ko habang pilit na tinatawag ang aking ina sa gitna ng makapal na usok, kasalukuyang tinutupok ng apoy ang aming kastilyo, mga sigawan at mga tunog ng mga nagbabanggaang bakal lang ang tanging mariring sa buong paligid. Hindi ko sila masyadong makita dahil sa usok na pumapasok sa aking mga mata. "Son, RUUUUN!" sigaw ni Ama na kasalukuyang nilalabanan ang mga umatake sa aming bampira. Napatingin ako sa kaniya. Hes wounded. "No! I won't ... I won't leave you!" Pagmamatigas ko. Tumakbo ako nang pagkabilis-bilis at sinuntok ang bampirang susugod sana kay Ama at mabilis kong pinaghiwalay ang mga kamay nito sa kaniyang katawan at sinunod ko ang kaniyang ulo. "Thanks son" "For you my King, I'll do everything" magalang kong sagot. I bowed before turning my back at him. Naramdaman ko ang isang bampirang papasugod mula sa likuran ko kaya tumalon ako nang pagkataas-taas upang maiwasan ito. Sinuntok niya ako ngunit napigilan ko ito sa paghawak sa kaniyang kamao, pinilipit ko ito at narinig ko pa ang tunog ng mga nababaling buto nito. "Ahhh!" Napadaing na sa sakit ang bampira kaya upang mawakasan ko na ang kaniyang buhay ay pinugutan ko na siya ng ulo kasabay ng paghila ko sa kaniyang mga braso. Merciless? No I'm not. They deserved it. His body turned into ashes. Pinuntahan ko sina ama at ina na ngayoy may hawak ng sandata, si ina ay may hawak na espada habang si ama ay may hawak na double-bladed axe. They are really eager to defeat the rebels, so am I. Napakabilis ng mga pangyayari, akala ko natalo na namin ang mga kalaban ngunit hindi pala, marami pa ang dumating at doon... Doon nangyari ang pinaka-masamang bangungot ko. My mom was killed, so as my father. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng isang luha ko sa aking kaliwang mata, sa tuwing naaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko, kung sana naging malakas ako, naprotektahan ko sana ang aking mga magulang. Kung sana nagawa kong gamitin ang kapangyarihan ko, hindi 'yun mangyayari. Ika nga nila ang pagkawala ng mga mahal mo sa buhay ay katumbas ng pagkawala ng kalahati ng iyong pagkatao. At sa estado ko ngayon, oo, kulang na kulang ako. Ramdam ko. Sa pagkawala nila ama't ina, kasabay no'n ang pagkawala ng aking tapang at kakayahang magmahal. Kung hindi man nawala, sigurado akong naibaon ko na ang mga salitang iyon sa aking madilim na nakaraan. At upang maprotektahan ang susunod na tagapag-mana ng trono which is me, ay dinala ako ni Alli rito sa Pilipinas 50 years ago. Si Alli ang kanang kamay ni Ama, he's the most loyal servant dad ever had. Kung ilalarawan ko si Alli ay matangkad ito nasa 5'8 ang taas, katamtaman ang katawan, may kulay-abong mata, matangos na ilong at maputlang kutis (as usual) at kung nagtatanong kayo kung ilang taon na siya well he's 147 years old, pero ang mukha niya nasa 20-21 pa lang. Well me, I'm 70 years old but my body stopped aging at the age of 20. I had a sister, nasa pangangalaga siya ni Aunt Melissa, Mom's sister. They are currently the one incharge in running our kingdom. And to hide my identity and for me to have a simple and normal life, I disguised as a mysterious senior high school nerd being avoided by the people due to my physical appearance. Big teeth with braces, big nose, thick eyebrows and old-fashioned clothes. But those are just fake, I remove them every night and everytime I go to malls and in any public places. Why? Really, are you asking me why? Tell me, who would love to wear those crazy stuffs while being humiliated, disgusted and avoided by judgemental people? I felt Alli's presence behind my back, I heaved a deep sigh. I know why he's here. "Master, ano na naman ang inyong nagawa?!" Medyo iritang tanong ni Alli pero nando'n parin ang respeto. "What? Wala naman" pa-inosente kong sagot at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga bituin sa kalangitan. "Wala?! You almost killed someone, hindi mo na naman napigilan ang sarili mo!" Yeah that's the reason. "I didn't mean it, natukso lang ako" pagdedepensa ko. Tumabi siya sa akin. "How come?" Tiningnan niya ako sapat na upang iparating sa akin ang nais niya. He wants me to explain. Ugh! Kainis. "We were doing our project on arts which is sculpting, we're using cutter and other pointed materials, suddenly, one of my classmate accidentally cut his finger and blood started to come out from his wound, his blood teased me that's why.. I attacked him" "Ang tanga mo, what if napatay mo 'yon?! Mabuti nalang at napakiusapan ko ang principal at mga magulang ng classmate mo na huwag nang ipagsabi ang nangyari" "How come?" Naitanong ko. "Siyempre para 'di sumingaw ang hangin mula sa gulong, tinapalan ko ito" makahulugang sabi niya. Napatango nalang ako. He paid the school and the family of my classmate. It is indeed that money can do anything.. Everything. But the only thing money can't give us all, is A REAL HAPPINESS. "So okay na?" Tanong ko ulit. "Nope" nagbago ang ekspresyon ni Alli, kung kaya't alam ko na ang ibig sabihin no'n. Again?! "So you want me to transfer?" "Yes" maikling sagot nito bago yumuko ng bahagya at umalis. Haaay, here we go again, ilang beses na ba akong nag-transfer ng school? Ilang beses narin ba akong nagpabalik-balik ng High School? Well hindi ko na matandaan. Marami na akong pinagdaanan, mula sa masakit kong nakaraan hanggang sa mahirap at komplikado kong kasalukuyan. Kung nagtatanong kayo kung naranasan ko na ang magmahal, well HINDI PA at HINDI NA. Naniniwala kasi ako na 'Love only brings pain' at ayokong magmahal dahil natatakot akong masaktang muli gaya sa kung paano ako nasaktan nang mawala ang mga magulang ko. Going back to the issue, saan ba mainam na mag-transfer? Hmmm. Aside sa school ko ngayon, may isang school pa ang kompleto sa mga facilities at ito ay ang St. Therese Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD