ERL'S POV
"Ugh!" Inis kong bulalas kasabay ng paghagis ko sa aking alarm clock. Istorbo! Magwawala na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito ang aking gwapong papa.
"Good morning aking munting prinsesa" nakangiting bati ni papa habang may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang platong naglalaman ng paborito kong hotdogs and fried eggs paired with a glass of orange juice.
Bumangon agad ako at kinuha ang dala niya. Inamoy ko ito at ugh! The aroma, yum!
"Good morning rin sa pinakagwapong papa sa buong mundo!" Nakangiting sagot ko bago sinimulang isubo ang pagkaing dala ni papa.
"Sus bolera ka talaga anak, manang-mana ka sa mama mo!" Ang kaninang masayang mukha ni papa ay unti-unting lumungkot. And here we go again, kaya ayokong pag-usapan si mama eh.
"Namimiss ko na siya pa" nakangusong sabi ko, nawalan tuloy ako ng gana kahit paborito ko pa ang mga nakahain.
"Ako rin anak. Oh, nag-eemote na naman tayo! Kumain ka na nga at pagkatapos maligo ka na, may klase ka pa" paalala nito bago lumabas ng kwarto ko, siguro maghahanda na yun para pumasok sa opisina.
Nawalan na talaga ako ng gana. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakapagmove-on sa pagkamatay ni mama, ang hirap talagang kalimutan ng mga taong may malaking parte sa puso mo.
Tangna!
Pinahid ko na ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko, ayoko nang umiyak. Mahihina lang ang umiiyak.
Hindi ko na inubos ang dalang pagkain ni papa, tinungo ko nalang ang banyo. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang banyo naming saksi sa lahat ng mga magagandang pangyayari sa buhay ko.
Ang naka tiles na sahig kung saan palagi kaming nagbabangayan ni mama dahil ayokong maligo, ang malaking bathtub kung saan halos lunurin ako ni mama dahil sa ayaw kong ilublub ang katawan ko sa tubig, at minsan sa bathtub nayun, dun kami naglalaro ni mama kung saan gumagawa kami ng mga bula, paramihan kami, tapos ang malaking salamin namin kung saan sinusuklay ni mama ang aking mahabang buhok, at ang huli, ang shower room kung saan kaming tatlo ay masayang naliligo, magkasama....
Tangna again!
Umiiyak na naman ako, bakit ba kasi ganito? Pinipilit kong maging matapang, matatag, pero nakakainis dahil ang daling mabalewala ng mga ‘yon dahil, dahil hindi parin nawawala ang sakit, ang sakit na dulot ng pagkawala ni mama.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagdradrama, pinatay lang naman ang mama ko, pinatay ng walang awang putang inang nilalang na halang ang kaluluwa!
At sinusumpa ko, kapag nakita ko ang taong yun, sigurado akong mapapatay ko siya!
Nang matapos akong maligo ay nagsuot ako ng white v-neck shirt, na pinatungan ko ng black leather jacket, itim na pantalon at puting rubber shoes and for the final touch, tinalian ko ang noo ko ng itim na panyo. Perfect!
Maaga akong nakarating sa St. Therese Academy, habang naglalakad ako ay todo iwas ang mga studyante sa akin, mapa lalaki man o babae. Wala akong nakakahawang sakit, it's just I'm currently wearing my oh so fierce and scary tiger look. Bad mood ako ngayon!
At lahat nang madadaanan ko ay tinitingnan ko lang gamit ang sikat na sikat kong 'humarang ka sa daan at nang masuntok ko yang pagmumukha mo' kaya walang sino man ang nangahas na harangan ako sa daan. Very good.
Nang malapit na ako sa classroom ko ay napahinto ako sa paglalakad.
"ERL!" Napalingon ako sa likod at nakita ko si May na habol-habol ang kaniyang hininga, tabingi ang suot niyang salamin sa mata, gulong-gulo ang buhok niya at sobrang gusot ng suot niyang puting loose shirt at itim na pantalon na pinarisan ng itim na rubber shoes.
Hingal na hingal ito habang yakap-yakap ang kaniyang mga nobyo— ang mga libro. Si May ay isang tipikal na nerd pero ang naiiba lang sa kaniya ay maganda siya.
"Anong problema May?" Maangas kong tanong habang nakakunot ang noo.
"Si ano kasi," alanganing sabi nito at bahagya pang nagkamot sa batok.
"Ano? Sabihin mo!" medyo irita kong sabi, eh bad mood eh. Nakita ko namang nanigas siya, takot rin 'to sa akin eh.
"Si Andrea, binully na naman ako" sumbong nito.
Tangna! Si Andrea na naman?! Isa pa 'yong babaeng 'yon. Matagal na talaga akong nagtitimpi sa kaniya. Marami ng atraso sa akin 'yon, una pinahiya niya ako sa harapan ng mga estudyante ng STA, binuhusan lang naman ako ng juice at paliguan ng harina? Mabuti nalang talaga at nakapagtimpi ako! Kung hindi nako binalian ko na ng leeg ang bruhang 'yon.
Pangalawa, inagaw niya ang kaisa-isang lalaking hinangaan ko, hindi naman siya popular pero nang malaman ni Andrea na crush ko ‘yong lalaki, aba't nilandi agad niya. Ang ang lalaking ‘yon naman ayon nagpadala! Nagpa-akit! Ang sarap bayagan.
At ngayon, Si May naman ang ginago niya, hindi ko na talaga siya mapapatawad. Si May lang kasi ang tanging naglakas-loob na kausapin ako noong mga panahong lugmok ako, siya rin ang tumutulong sa akin sa mga projects at assignments ko. Siya lang ang tanging kaibigan ko sa school na ‘to kaya hinding-hindi ko na talaga mapapalagpas ang ginawa ng bruhang ‘yon!
"May nasaan siya?" Gigil kong tanong kay May, iniwas lang niya ang mata niya sa akin.
Hindi ito sumagot, mukhang ayaw niyang sabihin.
"May.." There's a hint of warning in my tone.
"Erl, wag mo nalang pansinin 'yun, alam mo namang siya ang queenbee rito e. Kapag pinatulan mo siya baka ikaw pa ang mapasama. At ayokong mangyari 'yon, ayokong magkaroon ka na naman ng bad record sa school"
Haay nakakainis rin itong babaeng ito e! Sa sobrang bait 'yan tuloy inaabuso, bwisit. Kung normal na estudyante lang ako, madadala ako ng mga salita ni May, pero iba ako. Ibahin niyo ako!
Ako si Erl Madrigal! Ang pinakasikat na gangster sa STA maging sa labas ng school nato. At hinding-hindi ko mapapalagpas ang ginawang 'yon ni Andrea sa kaibigan ko.
"Sabihin mo sa akin May, dahil kung hindi mo sasabihin ikaw ang bubugbugin ko" pagbabanta ko rito at ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko.
Mukhang gumana naman ang pananakot ko kay May, nanigas siya ng konti bago nagpakawal ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Fine, nasa cafeteria siya kasama ang apat pa niyang kaibigan.” Nakayukong sabi nito.
"Ah gano’n? Dali samahan mo ako at nang maturuan ko ng leksyon ang mga gagang 'yon. Peste sila, ikaw pa talaga ang pinagdiskitahan nila, ngayon matitikman nila ang resbak ng inaping nerd!"
Gigil kong saad bago nagmarcha papuntang cafeteria. Humanda ka talaga sa akin Andrea, babalian kita!
Pagkarating namin sa cafeteria ay napatingin agad sa amin ang mga tao. Paano ba naman agaw eksena kami ni May, sinipa ko lang naman ang mga upuang humaharang sa daan ko dahilan upang lumikha ito ng ingay, grand entrance ‘di ba?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at nakita ko sila Andrea sa gitna, busy sa pag-aayos ng mga panget nilang mukha gamit ang mga mumurahin nilang pampaayos, oo pampaayos lang ng mukha hindi pampaganda dahil wala naman silang papagandahin. Tss, hindi man lang sila lumingon sa amin, ang kapal ng mga puw-- mukha!
Agad akong naglakad papunta sa kanila habang hila-hila ko si May, ramdam ko ang mga tingin ng tao sa paligid, lahat sila ay hinihintay kung ano ang gagawin ko.
Tumigil ako sa harap mismo ng grupo nila Andrea, napuno ng bullngan ang buong cafeteria, tss mga chismosa talaga.
"Hala, bakit ang grupo pa ng queen bee? Mali siya ng kinalaban?"
"Siguro naman magtatanda na 'yang Erl na 'yan"
Ilan lang 'yan sa mga narinig ko, wala naman akong pakialam sa kanila, ang gusto ko lang ngayon ay ang gulpihin ang mga tempurang nasa harap ko.
Maarte kaming tiningnan nila Andrea.
"Oh! The nerd and the dirty gangster!" Maarteng sabi nito at nagtawanan ang mga kasama niyang hipon.
Peste, gano’n ba ang tingin niya sa amin, sa akin? Gaga pala siya eh. Makapanglait akala mo kegaganda! Eh mga mukha namang paa. Mga tapon ulo!
"Oh! Yes, kami nga, ang nerd at ang dirty gangster." Sarkastiko kong sabi na bahagyang nakataas ang kilay.
"Then what brought you here junks?" Mataray na tanong nito. Ngayon naman basura? Eh ano nalang sila?
"Andito lang kami upang ipamukha sa inyong mga hipon kayo na hindi porket kayo ang sikat sa school na ‘to ay maaari niyo ng gawin lahat ng gusto ninyo!" Gigil kong saad habang isa-isa kong silang tinitingnan. Humigpit ang hawak ni May sa braso ko, she's trying to calm me dahil nanggigigil na ako, ang sarap saksakin sa noo ng mga babaeng 'to!
"Excuse me? Kami ba ang tinawag mong hipon? Eww. Look at you, dapat siguro sa ‘yo mo 'yan sinasabi... Pati narin sa kasama mong nerd na manang na nga, weirdo pa!" She said then rolled her eyes heavenwards kasabay ng pagtawa ng mga kasama niya.
"Ehem, excuse me Miss Andrea? Manalamin ika mo?" Pagkaklaro ko kasabay ng aking pagtalikod upang iharap ko ang pwet ko sa kaniya.
"Now what can you see?" Nakangising tanong ko.
"Your filthy ass.” Sagot nito at pinaikot ang eyeballs niya. I smirked.
"No it's not my filthy ass you b***h, it's your reflection" pang-aasar ko at narinig kong nagtawanan ang mga tao sa paligid.
Hinawakan naman ni May ang balikat ko, pilit niya akong pinipigilan pero hindi ako titigil. Not until mapahiya ko ang bruhang 'to.
Nakita kong pulang-pula na ang mukha ng hipong mukhang pwet na si Andrea.
"SHUT UP!" sigaw nito at nagsitigil sa pagtawa ang mga tao sa paligid, she looked at us.
"Ikaw!" Duro niya sa akin. "Magbabayad kang basura ka!" Dagdad nito. As if matatakot ako.
"Hindi ako basura Andrea, wanna know why? Dahil 'yon sayo. Kapag tumatabi ka sakin nagmumukha kalang yaya, nagmumukha kang basura habang ako naman mas lumilitaw ang pagka-diyosa!" Confident kong sabi at nag-flip hair.
"Ugh! You four, hold them both!" inis na utos nito sa apat niyang mga alipores. Kaagad itong nagsitayuan.
I smiled. Umaayon ang lahat sa plano. Humanda ka Andrea, saktan mo lang kami at nasisigurado kong magkakaroon ng violet na make-up yang mga mata niyo.
Hinayaan kong hawakan nila kami.
"Erl! My god. Baka anong gawin nila sa atin!" Natatarantang wika ni May.
"Hayaan mo sila kung anong gusto nilang gawin sa atin, siguraduhin lang nilang itotodo nila, dahil kung hindi patay sila sa akin.” bulong ko kay May.
"Now bitches, matitikman niyo ang hagupit ng tinatawag niyong hipon" mataray na turan ni Andrea bago naglakad papunta sa aming dalawa ni May.
Fuck!
Nasabi ko sa isip ko nang sampalin niya si May, kinagat ko ang ibabang labi ko, tangna. Nanggigigil ako, isa pa at bibigwasan na talaga kita Andrea.
Damn!
Daing ko nang ako naman ang sampalin niya, ramdam ko ang init sa mukha ko, parang naiwan ang kamay niya do’n, grabe ang tigas ng palad niya, parang palad ng construction worker!
Shit!
Halos mamanhid ang mukha ko dahil sa mga sampal niya, ang hapdi men! Pero tama na 'yon, puno na ako.
"That's it" sabi ko bago mabilis na binawi ang mga braso kong hawak ng dalawa niyang alipores, hinawakan ko ang buhok nung dalawa saka pinag-umpog ko.
Napadaing sila sa sakit.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid, pero mas nangingibabaw ang sinasabi nilang,
"Slap them Erl!" Tss, mga balimbing!
Hindi ko namalayang nakabawi na pala ang dalawang pinag-untog ko, sasampalin na sana ako ng isa pero mabilis kong hinila ang kasama niya kaya ito ang nasampal.
Hinawakan ko ang braso ng isa at ginamit iyon upang sampalin yung mananampal sana sa akin.
"Damn you Ann!" Galit na sigaw ng isa bago sila magsabunutan, see? Effortless!
"Ahh!" Daing ko nang sabunutan ako ni Andrea. Grabe parang kakalbuhin ako ng babaeng 'to.
Mabilis kong hinawakan ang dalawang kamay niya bago ko ito pilipitin nang pagkahigpit-higpit. f**k this b***h!
"AHH!" daing niya sa sakit habang pilit na kumakawala
Pinaharap ko siya sa akin at bumwelo ako. Sinampal ko siyang nang pagkalakas-lakas dahilan upang mapasinghap ang mga tao sa paligid.
"Para yan sa pagpapahiya mo sa akin!" Sigaw ko sa mukha niya at sinampal ko ulit ito nang mas malakas pa.
"Para yan sa pang-aagaw mo sa crush ko!" Sigaw ko, sa tingin ko lumalabas na ang mga ugat ko sa leeg. Sinampal ko siya ulit.
"At 'yan naman ay para sa pambubully mo kay May!" Binitiwan ko ang mga kamay niya at mahigpit na hinawakan ang buhok niya saka siya sinampal.
"Yan para sa nakakabwisit mong mukha!"
Isa pang sampal.
"Para yan sa nakakainis mong kaartehan at kayabangan!" Napalakas yata ang sampal ko dahil napaluhod sa sakit ang hipon habang hawak hawak ang mukha niya.
"Magpasalamat ka sa akin dahil binigyan kita ng libreng blush on!" Utos ko rito
Tiningnan lang ako nito sa mata, at mukhang ayaw pa niya ah.
"Ayaw mo?!" Akmang sasampalin ko na sana siya ulit pero mabilis itong tumayo at,
"S-salamat s-sa l-li-libreng b-blush on E-erl" nakayukong sabi nito at kuyom-kuyom pa ang mga kamao.
"Welcome" malambing kong sagot dahilan upang mas mapikon ito pero hindi na nanlaban pa dahil alam naman niya ang kahihinatnan niya pati na ng mga kapwa niya hipon.
Lumingon ako sa likuran ko kung saan hawak-hawak parin ng dalawang alipores ni Andrea si May, matalim ko silang tiningnan.
"Bitawan niyo siya!" Utos ko rito at mabilis naman nilang pinakawalan si May. Nakita ko ang nag-aalalang tingin nito, kanino naman siya nag-aalala? Sa akin o kina Andrea?
"Now come here." Utos ko sa dalawa. Nanginginig silang pumunta sa harapan ko. Bumwelo ulit ako at sinampal ko ang isa sa humawak kay May, napahawak ito sa namulang pisngi nito.
"Ang sakit ah! Ang kapal siguro ng mukha mo!” Mapang-asar kong sabi pagkatapos ay binalingan ko ang isa pa niyang kasama, hinawakan ko ito.
"Now May, sampalin mo siya" utos ko, nakita kong nag-aalangan pa si May.
"Ayoko Erl, hayaan mo na siya." Pisti! Ang bait niya kasi kaya naaabuso.
"Gaga ka! Hindi ka nila titigilan kung magbabait-baitan ka parin sa kanila!" Bulyaw ko rito.
"Ayoko talaga Erl" naiinis na ako ah!
"Sasampalin mo o ikaw ang sasampalin ko?" Pagbabanta ko rito at mukhang tinablan naman siya ng takot.
"Oo na! Wait." Nakita kong bumwelo ito, tss. Gagawin naman pala e.
"AHH!" daing ng hinahawakan ko nang malakas siyang sampalin ni May. Wow, ang galing niya. Not bad for a first timer.
"Good.” Puri ko rito.
"Wow! Ang sakit sa kamay pero ang sarap sa pakiramdam!" Manghang sabi nito.
"Sabi ko sayo eh! Tara na." Hinila ko na si May palabas ng cafeteria. Pero bago ako tuluyang umalis ay tumingin muna ako kina Andrea na masama ang tingin sa amin pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko sa mga tao sa paligid.
"Sinong naunang manakit? Ako o sila Andrea?" Tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid.
Walang sumagot. Mga pipi ba sila?
"Sagot!" Maotoridad kong utos.
"Si Andrea" sabay na sabi nila na ikinangisi ko.
"Good" sabi ko bago tuluyang lumabas habang hila-hila si May. Ugh, how I love this day!