ERL'S POV
"Ano ba naman Erl, lagi nalang bang ganito? Kailan ka ba magbabago ha?!" bulyaw sa akin ni papa pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay, alangan namang sa labas kami papasok 'diba? Kita mo talaga ang galit sa ekspresyon niya, para siyang isang galit na toro. Well I can't blame him.
Eh paano ba naman kasi, pinatawag na naman ang papa ko dahil sa ginawa kong katarantaduhan sa school. Kung nagtatanong kayo kung anong ginawa ko, hayaan niyong e-kwento ko sa inyo ang walang kakwenta-kwentang nangyari kanina.
Habang naglalakad ako papunta sa canteen upang kumain, alangan namang magbawas 'di ba? Napansin kong may sumusunod sa akin, nung una hindi ko lang pinansin baka nagkataon lang na pareho ang daang tinatahak namin. Ayoko kasing magpadalos-dalos.
Pero nang matapos na akong kumain sa canteen at nasa garden na ako kung saan walang masyadong taong napupunta at ang lugar na nagsisilbing pahingahan ko ay sinundan parin ako nito kaya nainis na ako.
"Bakit mo ako sinusundan?!" May halong pagbabanta sa tanong ko, hindi ko siya nilingon dahil hindi ko 'yon trabaho. Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil uminit na naman ang ulo ko.
"Wala lang" sagot ng isang malalim na boses, well kung hindi kayo tanga siguradong alam niyo na kung lalaki ba siya o babae.
"Anong wala lang? Ulol ka ba? Kanina pa ako nagtitimpi sayo ha!" Halata na sa boses ko ang pagkairita. Ang ayaw ko kasi ay iyong pinagtritripan ako, pag-tripan mo na lahat ng tao sa mundo huwag lang ako, siguradong dadalhin kita sa impyerno.
"Hindi ako ulol, may gusto lang akong gawin" sagot nito na nagpataas ng kilay ko.
"At ano naman iyon?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap na sa pangahas na nang-aasar sa akin. Humanda talaga ang taong 'to.
Napataas ang kilay ko nang makita si Glenn, ang pesteng ugok na lider ng RNB Gang ng campus. Hindi ko alam ang meaning ng RNB, kaya huwag na kayong magtanong kundi baka basagin ko 'yang nguso niyo. Kaya you better shup your filthy mouths or else, I'll split that into two.
"Matagal ko nang pinipigilan ang sarili ko Erli---"
"Huwag mo nang balaking sabihin ang buo kong pangalan kung gusto mo pang mabuhay!” Banta ko rito, how dare he!
"Woah, palaban ka ah, well ang gusto ko lang naman, ay.." Sabi nito at unti-unting naglalakad palapit sa akin saka ngumiti, ngiti na tanging mga pangit lamang ang nakakagawa.
Napataas ang kilay ko at hindi ako nagpatinag at tiningnan ko lang siya. Naiinis na ako sa pagmumukha niyang mukhang paa. Kapag inasar pa niya ako siguradong sasapakin ko na 'to. Papatikim ko sa kaniya ang sarap ng kamao ko.
Hanggang sa makalapit na siya ay bigla niyang,
"Gago ka!"
Sinuntok ko ang mukha ng gagong si Glenn nang hawakan niya ang hinaharap ko, peste! Anong karapatan niyang gawin 'yon?! Ang daming babaeng maaari niyang galawin, bakit ako pa?
"Ang O.A mo naman, alam kong gusto mo naman ang ginagawa ko e. Hayaan mo na ako!" Naging marahas na si Glenn at pilit akong niyayakap kaya nagpumiglas ako. Ang baho ng hininga niya, pisti.
Wala akong mahingan ng saklolo, pero kung meron man hindi ko parin 'yon gagawin. N.E.V.E.R- never!
Nagpumiglas ako ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at puta! Kinikiskis pa niya ang alaga niya sa katawan ko kaya tinapakan ko nang buong pwersa ang paa niya kaya napabitaw siya at mabilis pa sa alas-dos na sinipa ko ang kaniyang p*********i.
Nagtata-talon siya sa sakit habang hawak-hawak iyon.
"Argh! Bwisit, ang sakit, ugh! Magbabayad ka!" Pagbabanta nito sa akin habang namimilipit sa sakit. Nakakatakot, insert sarcasm.
Asa naman siyang matatakot ako. Si Erl? Matatakot? Never!
At dahil sobra akong nainis sa ginawa niya ay sinipa ko ang tiyan niya at sinundan ito ng kombinasyon ng kaliwa't kanan na uppercut na nagpatulog sa kanya.
He deserved it. He messed up the wrong girl. He messed up with a gangster girl!
"Pa, ganito na ako, hindi na kailanman magbabago" mahinahon kong sabi bago sumandal sa sofa at niyakap ang unan na may mukha ng mga minions. Oh how I love minions!
Eh sa hindi na talaga ako magbabago eh, simula nang mawala ang isa sa mga kayamanang pinaka-iniingatan ko, naging ganito na ako, ganito na ako makitungo sa lahat maliban kay papa, I'm cold, mainitin ang ulo, at mahilig makipag-bugbugan.
"Erl kung nandirito pa sana ang mama mo, siguradong magagalit 'yon!" Sabi ni papa. Ang dating galit niyang ekspresyon ay napalitan ng lungkot.
And here we go again.
"Pa, tama na. 'Wag na nating isipin si mama, kung nasaan man siya ngayon, sigurado akong masaya na siya" sabi ko at pinahid ang namuo kong luha.
Bwisit! Ang ayoko talaga ay ang umiiyak. Mahihina lang ang umiiyak! At ayokong umiyak dahil sigurado akong kaaawaan lamang ako ng ibang tao na siyang hindi ko naman gustong mangyari.
"Tama ka anak, pero teka lang, balik tayo sa issue, bakit mo sinapak si Glenn?" Mariing tanong ni papa habang nakakunot ang noo. Naalala ko na naman ang ginawa ng lalaking 'yon sa akin.
"Eh ang gagong 'yon, hipuan ba naman ako? Dapat lang sa kanya 'yon!" Nanggigigil kong saad at di napigilang ikuyom ang kamao ko, nanggigigil ako, ang sarap manapak!
"Eh tama lang pala sa batang 'yon ang ginawa mo eh!" Nanggigigil ring saad ni papa at bahagya pang kinuyom ang kaniyang kamao. That's my dad.
"Yan ang papa ko, suportado ako!" Nakangiti kong sabi at nagtawanan na lamang kami ni Papa.
Ganyan kami ni Papa, sa tuwing pinapagalitan niya ako dahil sa katarantaduhan ko, nauuwi sa pagkakasundo. Hindi naman kasi ako 'yong tipo ng taong tarantado talaga, ang sa akin lang naman, kapag ayoko ng ginagawa mo, nasisigurado kong hahalik ka talaga sa kamao ko.
Pansin ko lang kanina pa ako dada nang dada dito ni hindi ko pa nga naipapakilala ang sarili ko. Ako si Erl Madrigal, Grade 12 sa isang pribadong paaralan- Ang St. Therese Academy taking the HUMSS Strand under the Academic Track. Balak ko kasing kumuha ng kursong Education.
Pakialam niyo ba? E sa gusto kong magturo eh, huwag na nga kayong umangal baka masapak ko pa kayo! At para sabihin ko sa inyo, wala akong bagsak! 75 ang average ko kaya pasado ako, partida wala pa akong study niyan!
Oh ngayon, natatawa ka? Pigilan mo 'yan dahil sa oras na tatawa ka, sinisigurado kong ubos 'yang ngipin mo!
Heto ang tandaan mo, hindi basehan ang grado upang malaman ang galing at kakayahan ng isang tao, take note of that.
"O sige matulog kana aking prinsesa" malambing na sabi ni papa bago tumuloy sa kaniyang kwarto. Gano'n din ang ginawa ko.
Patalon akong humiga sa aking malambot na kama at niyakap ang human sized minion na bigay sa akin ni papa nung 18th birthday ko at natulog na.