VAMPIRE'S POV
"Master bumangon ka na!" Bwisit naman oh, ang aga-aga nambubulahaw, ang sarap pa ng tulog ko e! I want to sleep!
"Master" tawag nitong muli, naramdaman kong hinila nang marahas ni Alli ang comforter ko, naka-boxers nalang tuloy ako, ganyan kasi ako matulog, naka boxers lang.
"Hmmm, Alli matutulog pa ako!" Sabi ko habang nakapikit parin, binawi ko ang comforter ko na hawak ni Alli at nagtalukbong akong muli, wala kaya akong klase ngayon, tanda niyo pa? Wala na akong school, I'm not a student anymore. Ayoko ng mag-aral.
"Master, mag-iisang oras na ako rito kakagising sa ‘yo, kung ayaw mo paring bumangon d'yan, huwaag mo akong sisisihin kung may gagawin akong hindi mo magugustuhan!" Pagbabanta ni Alli sa akin, grabe nanginig ako. Insert sarcasm.
Tss, as if naman matatakot ako.
"F*CK! TANGNA ANG LAMIG!" sigaw ko nang bigla akong buhusan ni Alli ng tubig dahilan upang mapatalon ako mula sa kama. Ang lamig!
"O edi bumangon ka rin, maligo ka na master, nakahanda na ang agahan mo" sabi ni Alli bago mabilis na nawala sa paningin ko.
"Gago, pinaliguan mo na ako! Ugh. Bwisit naman oh, badtrip" bulalas ko habang naglalakad patungong banyo upang ipagpatuloy ang pagligo.
Paano na ang kama ko? Nabasa na. Tss, bibili nalang ako ng bago mamaya.
Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin nang naka tuwalya lang. Tss, sayang ang six packed abs ko kung hindi ito makikita ng mga tao, pati na ang matangos kong ilong, kulay kapeng mga mata, maputi at makinis na mukha at ang aking mapupulang detalyadong mga labi.
"Hay, sayang. Bakit kasi kailangan ko pang maging isang pangit na nerd eh" nakangusong sabi ko habang nagsusuot ng oversized polo shirt, boxers at malaking pantalon. Pagkatapos ay humarap ulit ako sa salamin upang ilagay ang mga prosthetics upang maitago ang tunay kong mukha. Hindi na ako nagsuklay at nagpabango, sino ba naman ang papansin sa katulad kong daig pa ang anak ng maligno.
"Tss, here we go again. Ang pangit ko na naman" huling sabi ko bago ako lumabas ng kwarto.
Gamit ang aking pambihirang bilis ay tinungo ko ang kusina.
"Oh master, bakit nakabusangot 'yang pagmumukha mo?" Tanong ni Alli habang inilalapag ang mga niluto niya. Tss nagtanong pa siya!
"Wala, hindi mo naman kilala kung sino ang walang hiyang sumira ng araw ko sa pamamagitan ng pagbuhos sa akin ng malamig na tubig na naging dahilan ng pagkaputol ng masarap kong tulog" sagot ko na ikinatawa niya.
Tss. Hindi ko nalang siya pinansin. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang mga nakahain sa lamesa, masarap pa naman itong sinangag na luto niya.
Ngayon nagtataka kayo kung bakit ako kumakain? Malamang gutom ako. Pero seryoso, mali naman talaga ang pagkakaunawa ng mga tao sa aming mga bampira, hindi naman dugo ang bumubuhay sa amin, hindi dugo ang nagsisilbing pagkain namin. Normal na mga nilalang lang din naman kami, kumakain ng pagkain ng tao, nasasaktan, at nakakaramdam. Tuwing kabilugan ng buwan lang kami umiinom ng dugo upang mapanatili ang aming buhay, ang aming pagiging immortal.
Mali rin ang mga tao sa akala nilang kaming mga bampira ay nasasaktan sa sinag ng araw, ang O.A lang talaga ng pagkakaintindi nila sa amin. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman ang mga ganoong impormasyon e.
Kung may tama man sa mga akala ng mga tao tungkol sa aming mga bampira, iyon ay ang pagkakaroon namin ng mga kapangyarihan at kakayahang gumalaw ng mabilis at pagkakaroon ng pambihirang lakas, at dahil sa immortal kami, madaling naghihilom ang aming mga sugat, at hindi kami namamatay dahil sa isang simpleng sakit lang.
Ang kahinaan lang talaga namin aside sa tanso, ay ang makaamoy ng dugo ng tao, masyado kaming natatakam dahilan upang mawala kami sa aming matinong pag-iisip. Nagiging mabangis kaming hayop.
"Master tandaan mo ha, may lakad ka ngayong araw" paalala ni Alli na parang tatay ko na.
Aish. Oo nga pala, damn. Pupunta pala ako sa St. Therese University upang mag-enroll ngayon. Nakakatamad naman.
"Ikaw nalang Alli" nakangusong sabi ko, tinatamad talaga ako eh.
"Master! Ano ka ba, wag mo nga akong utusan, al---"
"Ano pang silbi ng pagiging amo ko kung hindi mo ako susundin" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Master alam mo namang ginagawa ko lang ito upang masanay kana na tumayo sa sarili mong mga paa" seryosong turan nito.
"Kaninong paa ba ang ginagamit ko para tumayo?" Pamimilosopo ko na ikinakunot ng noo niya.
"Master!" Saway nito sa akin kaya napangisi ako. Masyadong seryoso ang matandang ito.
"Biro lang, oo na. Sige na ‘wag mo na akong daldalin upang mas mapadali ang mga kilos ko" sabi ko at itinuloy ang pagkain.
"Okay, pero mas---" tumigil ako sa pagsubo at hinarap siya.
"Pero dapat mag-ingat ako, dapat hindi ako magpadalos-dalos, dapat maging alerto ako dahil baka nasa paligid lang ang mga kalaban" pagpapatuloy ko.
"Oo na! Ikaw na ang magaling magmemorya"
"Hindi ah, ilang libong beses mo ng sinasabi sa akin 'yan"
"Ugh. Para kang bata master, isusumbong talaga kita sa mga kamag-anak mo, sakit ka sa ulo ko"
Tss. Sinong mukhang bata ngayon?
"Oo na sige na, umalis kana shuu!" Pagtataboy ko rito.
"Itinataboy mo na ako master? Sige paalam" at nagdrama pa talaga. Napailing nalang ako bago tumayo at tumungo sa kwarto upang kunin ang wallet ko. Lumabas na ako ng kwarto upang magpahatid kay Alli.
"Let's go" sabi ko bago pumasok sa likod ng kotse.
"Tss, pinagmukha talaga akong driver!"
"Anong gusto mo? Sa tabi mo ako uupo? Para tayong mag jowa kung gano’n. Nakakadiri Alli"
"Haha, oo nga master. Diyan kana sa likuran, baka mapagkamalan ka pang bakla"
"Bakla mo mukha mo, sige na paandarin mo na."
"Okay"
"Dito nalang" utos ko dahilan upang bigla siyang huminto.
"Tangna Alli! Kamuntik na akong masubsob, hinay-hinay lang!" Inis kong sabi nang kamuntik nang tumama ang mukha ko sa upuan.
"Sabi mo dito nalang eh" nakita ko siya sa rearview mirror na ngumuso.
"Ugh! Bahala ka nga, sige alis na ako" sabi ko bago binuksan ang pinto at lumabas.
"Mag-iingat ka master basta tandaan mo n---"
"Oo na, alam ko na" pagputol ko sa sasabihin niya, malamang pagsasabihan na naman ako ng mga blah blah blah niya.
"Bahala kana nga dyan, paalam!" nakangusong sabi ni Alli bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Letche, pinausukan pa ako.
Humanda ka talaga mamaya, babalian kita ng buto Alli!
Humarap na ako sa malaking gate ng St. Therese Academy , huminga ako nang malalim, this is it. New school, new life!
"San ka pupunta?" Hinarangan ako ng guard nilang ungas.
"Sa loob, alangan naman sa labas" bored kong sagot.
"Anong gagawin mo sa loob?"
"Siguro kakain, school kasi ito" sarkastikong sabi. Ang bobo naman kasi, kailangan pang itanong?
"Aba't pilosopo kang pangit ka ah! Umayos ka!"
"Sabi mo eh, papasok na ako" nilagpasan ko na si manong guard at pumasok na, rinig ko pa ang sinabi niyang
"Malamang papasok ka, alangan namang lalabas ka diba?"
Napailing nalang ako sa tinuran ni manong guard. Iginala ko ang paningin ko sa buong paaralan.
Hmm, maganda naman. Pero mas maganda talaga ang dati kong paaralan. Pero no choice eh, bakit ba kasi nasugatan 'yung classmate ko, inatake ko tuloy, ang tanga niya lang!
Habang naglalakad ako sa corridor na may puting tiles ay napatingin ako sa kumpulan ng mga tao sa parang canteen nila, hindi ko makita kung ano ang nangyayari.
Unti-unting nahawi ang mga tao at nakita ko ang isang babaeng galit na galit habang may kinakaladkad na nerd.
"Tabi!" Napaawang ang bibig ko nang banggain niya ako. Seryoso, alam kong malakas ako pero nabigla ako nang banggain niya ako kaya't natumba ako.
I felt something, it was like a sudden pain, a searing pain in my heart pero nawala din agad. I shook my head and composed myself again.
"Hey!" Tawag ko rito pero hindi man lang ito lumingon sa akin. Aba't ang kapal ng mukha niya ah siya na nga 'tong ano.
"Hey!" Tawag kong muli rito.
"Don't Hey Hey me you stupid nerd! May pangalan ako gago!”
Napaawang ang bibig ko sa tinuran niya, seriously? Kababaeng tao ang lakas magmura?
Pagkatapos tinawag pa niya akong stupid at gago? Damn, hindi ko alam kung bakit nabubwisit ako nang husto sa babaeng 'yon. Time will come na makakabawi ako sa kaniya!