Episode 5

1078 Words
VAMPIRE'S POV Kahit na nasira na ang araw ko ay tumuloy parin ako sa pag-eenroll pagkatapos ay pumunta ako sa isang cr upang tanggalin ang prosthetics ko at magpalit ng damit pagkatapos ay dumiretso ako sa isang mall upang kumain ng chocolate ice cream para at least malamigan ang ulo ko. "Mmm!" Ang sarap talaga nito, Subukan niyo rin masarap talaga, promise! I was enjoying the moment nang biglang may babaeng lumapit sa akin. "Uhm excuse me?" "Bakit dadaan ka?" pamimilosopo ko sa babaeng nasa harapan ko, maganda ito, balingkinitan ang katawan at may porselanang kutis. "Pilosopo ka, I like you" she said then flashed a flirty smile. "Well I don't like you" sagot ko at tinuloy ang pagkain. Ang kaninang nakangiting mukha ng babae ay nalukot matapos ko 'yung sabihin. Baka na-offend? Tss, the hell I care. "What did you say?!" May halong inis sa tono ng pananalita niya. "Bingi ka?" "Of course not. Gusto ko lang klaruhin ang sinabi mo" "Then ano bang sinabi ko?" "You don't like me" "Oh klaro naman pala sayo eh, kaya umalis kana" "Ugh! Nakakainis ka, bakla ka siguro" "Blah, blah, blah. Nakakainis talaga ako miss. Tsaka hindi porket hindi kana pinatulan ng isang lalaki, bakla na agad, siguro pangit kalang talaga" "What me? Ugly? Magiging model ba ako kung pangit ako?" "Modelo ng milagro kamo" "What do you mean?" "Just leave me alone will you? Nakakairita kana. Feeling close ka masyado, kung ayaw mong umalis then fine, umupo ka" napangiti ito sa sinabi ko. "Dahil ako nalang ang aalis" dagdag ko at iniwan siyang nakatanga. Nakakainis naman, ilang beses ko na itong ginagawa. I really don't like to get close nor attached to girls, I'm afraid, takot ako na baka mahulog ako ng hindi ko namamalayan, at ayokong mahulog, dahil alam kong walang sasalo sa akin at alam ko rin na masasaktan lamang ako, because I'm different. At ang pagiging iba kong ito ang magiging dahilan upang layuan ako ng mga tao. Naglakad-lakad nalang ako palabas ng mall, trip ko eh. Gusto kong mag explore sa mundo, kasi hindi ko pa ito nagagawa simula ng ako'y ipinanganak, oo nga't prinsipe ako, at 'yon ang dahilan kung bakit hindi ko magawa ang mga bagay na nais ko. Palaging may limitasyon, palaging may bawal at palaging may hindi pwede dahil delikado. "Kuya..." Napatingin ako sa batang gusgusin na hinihila ang aking itim na damit gamit ang kanang kamay niya, habang ang kaliwa naman ay hila-hila ang itim kong pantalon. "Bakit?" "Pahinging pagkain, gutom na ako" "Wag kang humingi sa akin, hindi ako restaurant" "Kuyaaaa..." napatingin akong muli sa kanya. Nanunubig na ang kaniyang mga mata. "Bakit ba?!" "Kuya maawa ka, gutom na ako tsaka gutom narin ang mga magulang ko, may sakit si mama at may sakit rin si papa, hindi naman ako makapag trabaho dahil sobrang bata ko pa, kaya tumigil nalang ako sa pag-aaral upang manlimos para matustusan ko man lang ang pangangailangan nila mama" Hindi ko alam kung bakit biglang parang may kumurot sa puso ko, naaawa ako sa bata. Naaalala ko ang sarili ko sa kaniya, naalala ko kung paano ko kagustong huwag mawala ang mga magulang ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mata. "Boy nasan ba ang mga magulang mo?" "Nasa bahay po" "Tara sama ako" "Bakit po? Magulo po sa lugar namin" paalala nito. "Basta" ginulo ko ng bahagya ang buhok niyang kulot. "Okay po" sabi nito at lumakad na, sinundan ko siya. Habang naglalakad kami ay pansin kong unti-unting gumugulo ang paligid, mausok, maraming basura at nagkalat ang tambay sa kalye. Hanggang sa makarating kami sa isang bahay na gawa sa mga pinagtagpi-tagping yero, malapit ito sa isang sapa– sapa ng basura, nangingitim na ang tubig rito at amoy mo rin ang naghalo-halong putik at basura. "Tuloy ka kuya" sabi ng bata at nagbigay daan sa akin upang makapasok ako sa mumunting bahay nila. Pagkapasok ko ay bumungad ang isang malaking kama kung saan nakahiga ang kaniyang mga magulang, mapaghahalataang may sakit na ang mga ito dahil sa payat nitong pangangatawan. "’Nay, ‘tay, may bisita po tayo" sabi ng bata dahilan upang bumangon ang mga magulang niya kahit nahihirapan ang mga ito. "C'mon I'll take you to the hospital, boy tumawag ka ng sasakyan sa labas, ipapagamot natin ang mga magulang mo" "Po? Seryoso po kayo? Wala po kaming pambayad sa inyo kuya" "Asus! Okay lang. Mayaman naman ako, hindi niyo na ako kailangang bayaran" "Seryoso ka ba hijo?" Napalingon ako sa ina ng bata, napaka putla nito. "Opo, tutulungan ko kayo... isipin niyo nalang na ako ang superhero ninyo" matapos ko yung sabihin ay nginitian ko siya. "Kuya nandyan na po sa labas ang tricycle, teka lang po kukuha lang ako ng damit nila mama" sabi nito at nagtungo sa isang karton sa gilid ng kama nilang yari sa kahoy. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay nila. Sino ang hindi magkakasakit sa ganitong klaseng lugar? Maraming lamok, marumi ang tubig at hangin. Nakakadismaya talaga ang mga tao, lalong-lalo na ang gobyerno. Kung hindi mangungurakot, nagnanakaw sa kaban ng bayan na nagreresulta ng kahirapan. "Kuya tara na?" Sabi ni boy kulot na may dalang isang pulang supot na naglalaman ng mga damit ng kaniyang mga magulang. Nakita niyo na? Isa sila sa prowebang hindi umuunlad ang bansa, bagkos ay mas lalong nalulugmok ito sa kahirapan. Dahil imbis na tinututukan ng mga lider ng bansa ang mga pangunahing suliranin ng bansa ay inuubos nila ang oras nila sa mga bagay na mas lalong naglulugmok sa atin sa kahirapan. "Tara na boy" Lumabas na kami, ang mga magulang niya ay nasa harap ng tricycle, inalalayan sila ng driver kanina. Nang makasakay na kami ay pinaandar na ng driver ang tricycle niya. Palabas na sana kami ng kalye nila nang biglang may mga grupo ng kabataan a siguro nasa edad eighteen pataas ang humarang sa daan dahilan upang hindi kami makadaan. "Manong bababa ako" sabi ko bago bumaba ng tricycle at pinuntahan ang kumpol ng mga tao. Nang makarating ako ay nakita ko ang mga dala nila– may dala silang kutsilyo! May mga dala silang patalim! Mga gang ito na siguradong magrarayot. Pero ang mas bumigla sa akin ay nang makita ko ang lider ng isang gang, isang babae. At 'yun ay ang babaeng bumangga sa akin kanina sa STA. Again, I felt a burning sensation in my heart pero sandali lang ito. What did just happened?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD