ERL'S POV
Nandito kami ngayon sa pinaka paborito naming lugar, ang tagpuan ng mga gang, ang aming ring. Ang lugar kung saan nagaganap ang mga rayot na kinakasangkutan ko at ng mga ka-grupo ko.
"Nagkita na naman tayo Erl--"
"Shut up Glenn kung gusto mo pang mabuhay! Don't you ever call me by my whole name!" Pagbabanta ko rito habang matalim ko siyang tinitingnan.
"Wow, natatakot ako, hu-hu-hu" pang-aasar ng lider ng RNB gang, 'yong sinipa ko ang p*********i dahil hinipuan ako, sila ang makakalaban namin. Nabalitaan kasi ng mga ka-grupo ko ang ginawa ni Glenn sa akin.
"Well dapat ka talagang matakot gago ka, dahil ngayon babasagin ko yang matigas mong mukha!"
"Puro ka satsat, sugod na!" Huling sabi nito bago sumugod papunta sa mga ka-grupo ko, sumugod narin ako at hawak hawak ko sa dalawang kamay ko ang kutsilyong bigay pa sa akin ng mama kong gangster din.
Habang papaugod ako ay may nakita akong lalaking nakatingin sa akin pero kaagad ding pumasok sa loob ng tricycle. Sino siya?
"Sinong tinitingnan mo?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Glenn sa harapan ko kung kaya't hindi ako nakaiwas nang bigla niya akong sipain sa tiyan. Bwisit, pumapatol pala talaga sa babae ang mokong na 'to.
"Ugh. Bwisit ka!" Sabi ko nang makabawi ako sa pagkakasipa niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa dalawang kutsilyong hawak ko, nanggigigil ako. I wanna see blood coming out from someone's neck right now!
Mabilis akong sumugod kay Glenn na ngayon ay hawak na ang kaniyang icepick, tss ang cheap naman.
"Magbabayad kang gago ka!" Sigaw ko bago tumalon sa ere at siniko ang ulo niya, pagkatapos ay sinipa ko ang tiyan niya na sinundan pa ng sipa sa binti niya, dahilan upang mapaluhod ito.
Pagkatapos no'n ay mabilis kong pinagalaw ang mga kamay ko at pinadaanan ng patalim ang kaliwang braso ni Glenn dahilan upang masugatan ito.
"Ugh, tangna mong babae ka!" Galit na saad nito bago sumugod sa akin, sinipa niya ang kanang kamay ko kaya't nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo.
Gumanti naman ako sa pamamagitan ng pagsipa sa tiyan niya sabay suntok sa kaniyang mabatong mukha. Ang sakit ah! Ang tigas ng mukha grabe.
"Ugh. Bwisit ka!" Gigil nitong saad bago itinapon sa direksyon ko ang isang kutsilyo. Masyado itong mabilis.
"f**k!" Tanging nabulalas ko nang madaplisan ang pisngi ko. Damn hindi ko 'yon napansin a, damn him!
"Liked it?" Mapang asar nito tanong bago ngumiti, ngiting pang ungas. Pinahid ko ang dugong tumulo mula sa pisngi ko.
"Yeah, you've just motivated me to destroy your ugly ass I mean face!" sabi ko at ginantihan siya ng ngiti, ngiting pang diyosa.
"Kung kaya m--- Ah!"
Pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagahagis ng kutsilyo na tumama sa braso niya. Bumaon ito at tumulo ang dugo mula rito.
Ugh, I really love blood!
"Now it's time to destroy that ugly filthy asslike face of yours!" Sabi ko bago siya bigyan ng malakas na suntok sa mukha, pagkatapos ay sinipa ko pa ito nang sobrang lakas dahilan upang mawalan siya ng balanse at matumba.
Pagkahandusay niya sa kalsada ay mabilis ko siyang sinakyan at pinaulanan ng malulutong sa sampal at suntok sa mukha.
"Yeah! f**k you gago, ang sarap gawing punching bag ng mukha mo! Hoooo!" nasisiyahan kong sabi habang pinagsusuntok ang mabatong mukha ng ungas na gangster na ito. Sisirain ko ito!
Nagsimula nang mamaga at dumugo ang mukha niya kaya tumigil na ako, hindi ko naman siya papatayin. May bait pa naman akong tinatago, gusto ko pa kasing makita ang sira niyang mukha bukas sa school. Isang malakas na suntok pa ang pinakawalan ko na tumama sa panga niya dahilan upang mawalan ito ng malay. I looked around, mukhang nadedehado kami ah!
Agad akong tumayo upang tulungan ang mga kasmahan pero pagkatayo ko palang ay may sumugod na agad sa akin na alagad ni ungas, bwisit! Bakit lahat ng ka-grupo niya ay sing-ungas niya? Tss.
"Hetong sayo!" Sigaw ko bago suntukin ang mukha ng ugok na sumugod sa akin dahilan upang mapaatras ito pagkatapos ay sinipa ko ang p*********i niya at siniko ang panga niya dahilan upang mawalan ito ng malay. Tss, weak!
"Lider, sa likod mo!" Narinig kong sigaw ni Bob.
Nilingon ko ang likuran ko ngunit sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na naiwasan ang paghampas ng isang miyembro ng RNB Gang sa akin gamit ang isang kahoy. Natamaan ako sa may likod dahilan upang umikot ang paningin ko, nahihirapan akong huminga at nanginginig ang tuhod ko.
Tss, bakit ganito? Tangna naman oh, sa isang hampasan lang napatumba na ako? Ang hina ko talaga.
Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sementadong kalsada, wala na akong nararamdamang sakit, namamanhid ang buong katawan ko at unti-unti naring humihina ang pandinig ko. Ang bilis naman yata ng katapusan ko, ambilis naman yatang bumigay ng katawan ko.
Kahit malabo ang paningin ko ay kitang-kita ko kung paano labanan ng mga kasamahan ko ang kalaban naming grupo, kitang kita ko kung paano nila ako ipagtanggol.
Napakawalang kwenta ko pala bwisit, ako itong naturingan lider ng grupo, ako pa itong pabigat, saklap men!
Sobrang labo na talaga ng paningin ko, unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko, pero nakita ko ang isang bulto ng taong may hawak na mahabang kahoy na naglalakad papunta sa akin.
Tila bumagal ang takbo ng oras, kitang-kita ko ang pagtaas niya ng hawak niyang kahoy at ang pagbwelo niya.
Hahampasin na niya ako kung kaya't ipinikit ko nalang ang mga mata ko, Hinihintay na baliin nito ang mga buto ko.
Ilang segundo pa ang lumipas ngunit hindi ko man lang naramdaman ang paghampas nito, bagkos ay isang tunog ng parang may bumagsak sa harapan ko.
Pilit kong idinilat ang mata ko at nakita ang lalaking hahampas sana sa akin— nakahandusay.
Naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko, may kumarga sa akin, tiningnan ko kung sino
.
.
.
.
Of all people siya pa talaga?
Nagising ako sa isang silid na puro puti ang makikita, kahit saan ka tumingin ay puti ang makikita mo, kakaiba rin ang amoy ng kwarto.
Nasaan ako?
Akala niyo 'yan ang sasabihin ko? Ulol hindi ako bobo para hindi malaman na nasa isang ospital ako, hindi ako kagaya ng mga kilala niyo nao-ospital na pagkagising ay magtatanong ng 'nasaan ako?' Gasgas na ang linyang 'yon mga bes.
"Gising kana pala.” Napalingon ako sa taong nagsalita, nanlaki ang mga mata ko, damn bakit siya pa?!
Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa isang white mono block chair katabi ng kama ko kung kaya't malinaw kong nakikita ang kaniyang gwapong mukha.
Matangos na ilong, mapupungay na mata't mahahabang pilik mata, mapulang labi, at ang kaniyang detalyadong panga. Damn, mas lalo siyang gumwapo. I missed this guy so damn hard!
"T-thanks" hindi ko magawang makatingin sa kaniya, I can't. Mas lalo akong nalulunod sa mga titig niya. Hanggang ngayon iba parin ang dating niya sa akin.
"For what?" Ugh. That husky baritone voice, I love it so much. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin, hindi talaga siya pumapalya na guluhin ang buong sistema ko.
"F-for s-saving me" damn nauutal ako, hindi ako si Erl the gangster ngayon, isa na lamang akong hamak na babaeng malandi ay este babaeng humahanga.
"Nah, wala 'yon, alam mo naman na ako ang savior mo. I can be your hero, baby"
Ang huling salitang binitiwan niya ang naging dahilan upang magwala ang mga dragon ko sa tiyan, nakakakiliti. Parang naiihi na natatae ako na ewan. Ugh anong pakiramdam ito? s**t.
"Lol, huwag mo akong daanin sa kanta Louie" suway ko rito para tumigil na siya. Baka ano pang magawa ko eh.
"Hindi mo man lang ba ako namiss Erl?" May halong lambing sa tono niya. Nag-iwas ako ng tingin.
"Namiss? Utot mo. Kung hindi mo lang ako sinagip minura na kitang gago ka" nakangusong sabi ko.
"Hindi ka pa ba nagmumura sa lagay na yan?"
"Hindi pa"
"Malala kana Erl" nilingon ko siya then raised my middle finger at him sabay sabing,
"Shut up"
"Bakit ba galit na galit ka sa akin? Akala ko ba magkaibigan na tayong dalawa?"
I rolled my eyes, feeling close rin siya 'no? Diba? Sumang-ayon ka kundi babasagin ko yang pagmumukha mo.
"Magkaibigan? Sure ka? Siguro ganun nga tayo, pero let me remind you, ikaw ang pinakaunang bumitaw sa pagkakaibigan natin Lou, ikaw ang nang iwan, ikaw ang tumalikod" muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya, ang sakit na kasi, ang sakit na ng leeg ko kakatingin sa kaniya. Akala niyo anong klaseng sakit na 'no?
"Kaya nga ako nandito eh, nandito ako para bumawi sayo. Nagbago na ako Erl, at kasama sa binago ko ay ang buhay ko, iniwan ko na ang gang, nag-aaral na akong mabuti at higit sa lahat nagbago na ako upang masiguro kong karapat-dapat ako sayo. That's the reason kung bakit bigla akong nawala, I readied myself just... Just for you"
Ugh! Please don't break the wall I made Louie Amberluke, ayoko nang masaktang muli. Oo tama kayo, ang gangster na maangas ay minsang nagmahal at minsan naring nasaktan. Anong magagawa ko? Tao lang ako.
At si Louie ang pinakaunang lalaking minahal ko- nang palihim, hindi ko magawang aminin sa kaniya ang nararamdaman ko, pero alam ko namang nararamdaman niya 'yun, natatakot akong aminin sa kaniya na mahal ko siya, I'm afraid to be rejected, at dahil sa takot kong iyon... Dahil sa takot kong umamin, inagaw ng impaktang si Andrea si Louie.
Unti-unti naring lumayo ang loob ni Louie sa akin dahil sinisiraan ako ni Andrea, she kept on telling Lou na sinasaktan ko siya. Hanggang sa dumating ang panahon na bigla nalang umalis si Louie ng St. Therese Academy at hindi ko na siya nakita pa.
"Hey tulala kana naman Linds" he touced my face. I stiffened.
"f**k you! Don't call me Linds, nakakadiri kang ungas ka. Masyado kang feeling close" saway ko sa kaniya kasabay ng paghawi ko sa kaniyang kamay.
"Haha, hindi ka parin nagbabago Li--"
"Shut up o babasagin ko yang puwet ay este mukha mo!"
"Aba't nanlalait kana ngayon ha?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Pake mo? Sino ka ba? Papa ba kitang ugok ka?"
"Nope, pero alam kong crush mo ako" sabi nito bago ako nginitian, exposing his perfectly shaped white teeth.
"A-ang kapal"
"Asus tama ako no? No? No?" Sabi nito habang sinusundot ang tagiliran ko.
"f**k! Wag mo nga akong sundutin. Ang kapal ng kalyo mo sa mukha ano, masyado kang feeling"
Bumangon ako sa kama pero it was a wrong move, biglang nawalan ako ng balanse dahilan upang matumba ako sa kinauupuan ni Louie, nadaganan ko tuloy ang katawan niya. Ugh! Curse this weak knees!
Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko, I smelled it, ang bango, so minty! Napadako ang tingin ko sa nangungusap na mga mata niya tinitigan niya rin ako pabalik, gusto kong iwasan ang mga titig niya, pero parang naparalisa ang buong katawan ko.
My heart is thumping and after it, the whole place went slow.
I was enjoying the scenario when I heard a gasp, napatingin ako sa isang nurse na nanlalaki ang mata habang itinuturo kaming dalawa. I blushed in shame.
"It's no---"
"S-sorry ma'am, sir, hindi ko po sinasadyang maistorbo kayo sa ginagawa niyo"
"But w---"
"Sorry po talaga, E checheck ko lang sana kung okay na kayo"
"Wil--"
"Sor--"
"Shut the f**k up! Kapag ako nainis sayo tatanggalan kita ng dila" pagbabanta ko bago tumayo leaving Lou dumbfounded. Pesteng nurse na 'to, hindi man lang ako pinatapos magsalita.
"O-okay p-po" nauutal nitong sagot.
"Lalabas na ako, see that guy? He will pay the bill, siya na ang bahala sa lahat, and by the way, wpe are not making out. I know what you think miss, hindi ako pumapatol sa supot for your information" I tapped her shoulder bago lumabas at naglakad na sa mahabang corridor ng ospital.
Nakakainis talaga kapag nahuli kayong ganun, kahit wala kayong ginagawa ay pinagdududahan kayo. People's mind nowadays were also affected by the thing called 'pollution'.
Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa frustration pero,
"Ahhh" daing ko nang sumakit ito, damn nagkabukol pala ako. Argh bwisit talaga, magbabayad talaga ang RNB Gang sa ginawa nila sa akin, I will surely destroy their asslike faces.
"f**k!" Daing ko nang mabangga ako ng kung sino.
"Sorry" the voice seemed familiar, inangat ko ang tingin ko to confirmed kung kilala ko talaga ang lalaki, pero napakunot ang noo ko nang hindi ko siya ma-recognize.
"Ulitin mo ang sinabi mong bwisit ka, hindi ko narinig" pag-uutos ko.
Nakita kong nanlaki ang mga kulay kape niyang mata.
"Ayoko nga" aba't nagtataray, bakla siguro.
"Hoy bakla sabihin mo ulit!"
"What did you just called me? Bakla? Halikan kita d'yan eh" pagbabanta nito, tss. As if naman matatakot ako, lumang style na 'yan ng mga kalalakihan para maka-score.
"Well... Then kiss me" paghahamon ko dahilan upang manlaki ang mga mata niya. Shocked? Hindi niya ba inaasahan na iyon ang sasabihin ko.
"Fine!" Halata ang inis sa tono ng boses nito.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. I smirked.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sorry po" he said with full of sincerity.
Napangiti ako, confirmed mga bes!
"Bakla ka nga talagang ugok ka, hahaha" natatawang sabi ko bago naglakad palayo sa kaniya, pero narinig ko siyang nagsalita na nagpangiti sa akin sa hindi malamang dahilan.
"Ugok is not my name ganstagirl, it's Vlademier Redwine"
Paano niya nalamang gangster ako? Stalker ko ba siya?