Episode 6-Tagged team

1331 Words
Inaayos ni Amara ang tactical vest combat armor na suot meron silang black operation ngayon kaya nag hahanda sila bilang alpha team na s'yang ipapadala para sa black operation. Meron nakapag tip sa kanila na meron black market smuggled gun na dadating sa isang abandonadong warehouse along Quezon City. Inayos na rin n'ya ang suot na full face tactical headgear helmet na meron night vision. Nalaman kasi nila na meron mga tiwaling pulis na kasama sa transaction kaya kailangan nilang itago ang identity nilang mga underground agent bilang alpha team walang nakakakilala sa kanila kundi ang buong underground. “Okay team listen up. Line up!” sigaw ng chief nilang si Benjamin Torres, tumiim ang bagang ni Amara ng makita si Zian na katabi nito na tulad rin nila ang suot. 'Di na n'ya kailangan mang hula iba talaga kapag malakas sa taas isa na marahil ito sa Alpha team na 'di man lang dumaan sa butas ng karayom bago naging top agent habang silang pinag paguran nila ang posisyon nilang iyon. Hindi birong training ang pinag daanan nilang lahat bago n'ya narating ang posisyon na iniwan ni Amethyst. “Agent X22 will be your captain in this mission and no one is allowed to die understood Agent.” sigaw pa ni Benjamin gustong tumaas ng kilay ni Amara sa narinig Agent X22 ibig sabihin 1st batch ito sa mga naging agent ng underground kasama ni Chlodette Santillian na maagang nag file ng retirement noon bago palang s'ya sa service. Ibig sabihin lang matagal ng underground agent si Zian bago pa man ito maging Us Army. “Sir yes sir.” malakas na sagot nilang sabay sabay after ng konting briefing agad na silang nag alisan. Sakay ng kanya kanyang sasakyan Diego and her naka motor lang sila na mga super bike na usually nilang ginagamit. Habang sina Rodney, Daniel at Zian isang black wrangler jeep. Ang mga back up naman nila ay nagkalat na sa paligid in case na mag kagulo. Tulad ng tip na tanggap nila totoong meron mga pulis na kasama sa transaction at 'di lang basta mga pulis kundi mga pulis na may mga matataas na posisyon na government. Hindi lang pala basta smuggle gun ang transaction ngayon gabi maging human trafficking. Nakita nila ang maraming babae na ibinababa ng isang truck puro naka piring nakatali ang kamay sa likod habang may busal sa mga bibig. Kung tama ang hinala n'ya mukhang mga dalagita pa ang iba na pawang mga babae lang ang sakay ng isang truck na inililipat sa isang cargo container. “In your position.” narinig n'ya ang boses ni Zian mula sa earpiece na nasa tenga. Labag man sa kalooban n'yang sundin ito pero kailangan sa ikatatagupay ng mission nila. “Amara. 11 o'clock, can you shoot na crane.” tiningnan n'ya tinutukoy ni Zian meron doon isang malaking wrecking ball na nakasabit kung mapuputol n'ya ang heavy metal nylon na pinag kakabitan ng naturang malaking bolang bakal. Babagsak iyon at na dudurog niyon ang isang lamborghini sports car. Napangisi si Amara oras na mapabagsak n'ya ang wrecking ball na iyon tiyak na mag kakagulogulo ang lahat at mawawala sa plano ang mga ito. Mula sa likod ni Diego kinuha n'ya ang long range sniper gun ni Diego saka parang pusang mabilis na naka akyat sa pinakamataas na mga container saka s'ya dumapa roon sa puwestong walang makakapuna sa kanya habang mabilis na inaayos ang hawak n'ya sa naturang baril saka inasinta ang target. Tatlong magkakasunod na putok lang nag ginawa n'ya tuluyan nalagot ang pag kakasabit ng malaking wrecking ball at bumagsak na nga iyon sa isang napakagarang Lamborghini. Gaya ng inaasahan malakas na sigawan at nag kagulo ang mga tao sa lugar dahil sa nangyari. Agad na na infiltrate nila ang buong lugar kasama ang ilan pang magagaling na agent na kasama ng team nila 'di na iwasan mag karoon ng kaguluhan at barilan. “X113 they are getting away.” sigaw ni Zian sa kabilang radio nakita ni Amara ang isang hi Ace na palayo sa lugar. “Sakay.” isang motor ang huminto sa harapan n'ya agad s'yang sumakay bago pinasibat iyon ni Zian. The mission is kill Diosdado Paraz and Alfred Geronimo. Na ngayon ay patakas na sakay ng Hi Ace the underground society ay binuo para pumatay ng malalaking tao na 'di makulong kulong dahil sa malalakas na kapit sa gobyerno. Sila ang humahatol ng kamataya para sa mga taong mapepera na asal demonyo sa mundo. Walang kulungan para sa mga ito kaya sa sementeryo na ang deretso at uud nalang makikinabang sa mga katawan ng mga ito. Tanging si Diamond Da Silva lang ang naka lusot sa batas ng underground. Nagawa nitong makalusot kay kamatayan dahil sa kapatid nitong si Amethyst pero kahit papano Diamond deserve a second chance 'di tulad ng ibang animal na nilalang na tumanda ng animal sa Pilipinas na kailangan ng mamaalam. Naramdaman ni Amara na may nakasunod sa kanila kaya ng lumingon s'ya bahagyang gumewang ang motor nila sinasakyan dahil pina uulanan sila ng bala ng dalawang naka motor. “X107, X101 we need immediate back up.” ani Zian sa radio tinapik ni Amara sa balikat si Zian saka balewalang tumayo sa likuran ng motor at umikot ng Puwesto paharap sa likuran ang upo n'ya. “We don’t need back.” ani Amara sabay kasa ng dalawang baril na hawak n'ya saka sabay n'yang pinaputok iyon sa dereksyon ng kalaban at bago naman naubos ang bala n'ya natumba na ang dalawang motor na naka sunod sa kanila. Muli s'yang umupo ng paharap sa likuran ni Zian. Hanggang sa mapatapat na sila sa hi Ace na van. Binasag muna nila ang mga salamin noon para masigurado na walang ibang inosente kasama ang dalawa na halatang natataranta na kung paano sila tatakasan. Mula sa itim na tactical Vest ni Zian kinuha ni Amara ang dalawang granada na inalisan n'ya ng pin at inihagis sa loob ng van. “Jesus christ Amara. Isa lang dapat.” bulalas ni Zian na biglang itinodo ang pihit sa silinyador para makalayo sa Van. “Baka mabuhay pa kapag isa lang.” balewalang sagot n'ya sa lakas ng naging pag sabog ng van hindi kinaya ng motor ni Zian ang impact gumewang iyon hanggang sa tumumba na sila. Naunang sumadsad ni Zian sa pababang kalsada na hagip pa ni Zian ang Paa ni Amara at nahila s'ya payakap nito habang sumasadsad sila hanggang sa nag pagulong-gulong na sila sa gilid ng kalsada. Bago pa dumating ang mga pulis agad na naka pulas ang grupo nila. Hindi sila ang mga agent na humaharap sa mga pulis kaya walang nakakakilala sa kanilang bilang top agent ang society meron mga naka talagang mga agent na puwedeng humarap sa mga pulis para sa kanila. Nakalihim ang ilang sa mga agent ang personalidad nila lalo na ang buong team nila. Mission accomplished wala naman nasaktan sa kanila maliban sa kanila ni Zian na maraming galos sa katawan dahil sa pag kaka crash nila sa motor. Mga minor na galos lang naman buti nalang kakapal ang tactical uniform nila kung hindi napudpod ang balat nila ni Zian sa pag sadsad nila sa kalsada lalo na siguro si Zian dahil niyakap pa talaga s'ya nito para mabawasan ang injured kaya ito ang medyo na puruhan pero kahit ganun wala s'yang pakialam sino may sabi na protektahan s'ya nito. Hindi nito iyon ikakaguwapo sa paningin n'ya akala ata nito mag mumukha itong superhero sa kanya porket ginamit nito ang sariling katawan para hindi siya mapuruhan. Kung inaakala nitong lalambot siya rito nag kakamali ito hindi-hindi siya mag papauto rito, hanapin nito si Tamara at dun ito magpaka hero dahil hindi niya kailangan ng hero dahil kaya niya ang sarili niya ilang bala na ba ang tumagos sa katawan niya buhay pa rin naman siya. Baka nga ito pa ang makapatay sa kanya kaya na stroke siya sa inis rito dahil sa pangungulit nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD