Nagkatitigan sina Amara at Amethyst ng 'di inaasahan magkita-kita sila sa headquarters. Kasama nito si Brent parehas na nakatingin ang dalawa sa kanya. It’s been a year na talaga naman iniwasan talaga n'ya na magkita-kita silang tatlo. Hindi dahil galit s'ya sa mga ito kundi nahihiya s'ya sa mga kabaliwan na nagawa n'ya noon parang hindi niya kayang humarap sa mga ito kapag na iisip niya ang namagitan sa kanila ni Brent noon na pinag siksikan niya ang sarili niya kahit alam niyang mali.
She was really Amethyst fan simula pa noon 'di naman n'ya din inaakala na iibig s'ya sa lalaking mahal nito dahil lang sa mission. Sinubukan pa n'yang mang agaw ng lalaki nag mukha s'yang desperada sa paningin ng mga kaibigan nila pero sa totoo lang talaga mas pinili lang n'ya si Brent kesa kay Zian dahil alam n'ya sa sarili n'ya mas masasaktan s'ya kung si Zian ang pinili n'ya noon. Ngunit 'di na s'ya ang dating Amara na mahina at marupok. Thanks to Amethyst sa kagustuhan n'yang tularan ito mukhang nagtagumpay naman s'ya pagkalipas ng mahabang taon.
“Hi.” alanganin bati n'ya sa dalawa tumaas pa ang kilay ni Amethyst kaya nag yuko s'ya ng ulo saka bumuga ng hangin. Marahil galit pa rin ito sa nagawa n'ya noon kahit naman siguro s'ya ang nasa katayuan nito. Idagdag pa na kapatid n'ya ang dahil kung bakit lumaki ang gulo sa pagitan nila.
“Misty.” dinig ni Amara na bungad nila Diego na parang tuwang-tuwa na makita ang dating kaibigan/pinsan. Na akmang yayakapin pa si Misty pero mabilis na naharang ito ni Brent na ito pa mismo ang yumakap sa tatlong lalaking kaibigan. The always possessive Brent, napaka suwerte rito ni Amethyst nabura at nabura ang alala nito pero ito at ito pa rin ang itinitibok ng puso. Sana lang talaga lahat ng lalaki katulad ni Brent mag mahal.
“Buntis ka nanaman.” bulalas ni Diego sabay-sabay silang napatingin sa may kalakihan ng tiyan ni Amethyst at 'di talaga n'ya maiwasan matawa at mailing but at the same time mainggit. May baby na rin sana s'ya noon kung mas naging maingat at inuna n'ya ang sarili n'ya. Wala sa loob na napahawak s'ya sa manipis n'yang puson ng makaramdam bigla ng lungkot. Tatalikod na sana s'ya ng maramdaman n'yang may pumigil sa braso n'ya.
Pag lingon n'ya nakita n'ya si Misty na naka ngiti na this time at 'di na naka-angat ang kilay. 'Di n'ya alam kung paano mag rereact nag palipat-lipat ang tingin n'ya sa mga ito na nakangiti na sa kanya lahat. Nakagat tuloy n'ya ang labi ewan ba n'ya bigla pakiramdam n'ya nabawasan ang pansan-pasan n'ya sa balikat n'ya at gusto nalang n'yang maiyak kahit ayaw n'ya.
“Matino na ba takbo ng kokote mo?” tanong pa ni Misty. Umagos ang luha n'ya saka sunod-sunod na tumango.
“Pero ang guwapo pa rin ng asawa mo.” iyak tawa na biro na lang ni Amara.
“Pasalamat ka mukhang nakapamada ang buhok mo kundi 'di paknutin ko yan.” ani Misty na akmang bibiruin na sasabunutan si Amara ng bigla isang kamay ang pumigil sa kamay nito at dahil masamang nagugulat si Misty na bunot agad nito ang barili sa likuran at mabilis na itinutok sa lalaking humawak pero bago pa iyon na itutuk sa mukha ng lalaking bagong dating agad rin nito iyon nahuli at na iiwas paitaas kaya nangyari dalawang kamay n'ya ang hawak ng lalaking matangkad pa kay Brent pero 'di papahuli sa kaguwapuhan.
“Hey!” malakas na sigaw ni Brent na sinapak agad ang lalaki na nakailag naman kaya bago pa mag pang abot ang dalawang lalaki naka awat na agad ang 3 lalaking kaibigan sa dalawa.
“Teka lang! Masyado kayong maiinit kalmahan n'yo lang mga guys. Amara Hoy tong jowa mong hilaw.” baling ni Rodney kay Amara na masama lang ang tingin ang pinukol kay Zian.
“Who is he?” salubong ang kilay ni Misty na nakatingin kay Zian pero later on na alala na n'ya kung sino ito. Ito yung lalaki na nang gugulo kay Aamara noon pa na totoong ama ng batang pinag buntis nito noon. Anong ginagawa nito sa headquarters.
“The long lost heir of underground society.” anusyo ni Diego. Tumaas ang kilay ni Misty pero 'di na nag komento. Alam n'ya ang tungkol sa pag hahanap sa batang lalaking na wawala ilang dekada ng pinahahanap ng lolo at lola nito kaya nabuo ang ahensya nila na dati ay private investigation society pero ng makipag sanib puwersa ang mag asawang McBright sa gobyerno napalitan ang jurisdiction ng ahensya mas lumaki at lumawak. Biktima kasi ng hospital kidnaping ang apo ng mga ito hindi nakayanan ng anak na babae ang pagkawala ng anak sa hospital kaya nag pakamatay ito. Habang na aksidente naman ang sasakyan ng manugang dahil sa kalasingan sa pagkawala ng asawa at anak.
Kaya ang mag asawang McBright ang nag hanap sa nawawalang tagapag mana. Napakaliit lang talaga ng mundo yung kay tagal ng hinahanap hanap kung saan saan panig na ng mundo. Ayun at kusa papalang lalapit dahil si Amara lang pala ang kailangan.
“Next time na hawakan mo pa ang asawa ko unggoy ka. Ako na mismo huhukay ng pag lilibingan mo.” banta ni Brent.
“Then don’t lay a finger with my woman kung inaakala n'yong hahayaan kong saktan n'yo si Am———
“May binyag ba tong kulokoy na to?” tanong ni Misty kay Amara.
“Hindi pa nga tuli binyag pa kaya,” biro ni Amara
“Amara.” bulalas ni Zian na halatang napahiya sa sinabi ng dalaga. Bumunghalit naman ng tawa ang mga kaibigan nila dahil sa sinabi ni Amara kahit si Brent late man pero natawa na rin. Sa sobrang pag kapahiya nag walk out ang macho guwapitong admirer ni Amara.
“'Di nga 'di pa talaga tuli ang unggoy na yun? pero naka buo na kayo.”
“Bakit ano naman akala mo porket may supot 'di na pumuputok.” sagot naman ni Amara halos gumapang na sa katatawa ang apat na lalaki na naka luhod na sa semento kakatawa at hawak ang tiyan. Si Brent naman ay nag pupunas na ng luha at ayaw ng tumawa pero na hahawa sa mga kaibigan nilang nalipasan na yata ng gutom at tumawa na ng tumawa.
“Kumusta bakit naligaw ka dito? 'Di ka naman siguro babalik dito dahil buntis ka nanaman.”
“Nakapag file na ako ng resignation noon pa man don’t worry 'di kita aagawan ng Fame. 7th birthday ng 2nd baby namin kaya mamumudmod sana ako ng invitation sa loob.” ani Misty na pinakita ang invitation na dala.
“Yung totoo wala ba kayong alam sa family planning?” tanong ni Amara ng abutin ang invitation card na himasmasan naman na ang mga kaibigan nila na bahagya nalang natawa na inabutan din ng mga invitation.
“Na sasabi mo lang yan kasi bitter ka pa move on na girl. I'm sure things happen for a reason malay mo may mas magandang balak sa'yo ang langit kaya kinuha muna n'ya sayo ang munting querubin mo.” Napabuga ng hangin si Amara.
“1 mistake is enough. Tama na nagawa ko noong kabaliwan.”
“Paano malalaman kung s'ya na ba yung the right one kung 'di mo ulit susubukan na mag kamali.” Napangiwi si Amara sa payo ni Misty.
“Hindi ako ang mahal n'ya si Tamara. Hindi rin ako ang mahal ni Brent kundi ikaw. So Tingin mo ganun ba ako katanga para umulit ulit hindi na ako madadapa sa iisang puwesto at dahilan.”
“Final Answered na ba yan?”
“Precisely.”
“Pero hindi iyon ang nakikita ko sa unggoy mong ex daddy.”
“Matanda na ako Misty wag mo na akong pakiligin dahil 'di uubra. 'Dyan na kayo try ko nalang pumunta sa birthday ng anak mo kapag 'di ako busy. Bye Brent.” walang ganang sagot nalang ni Amara saka nauna ng umalis.
“She’s really change.”
“Sinabi mo pa! Kasing lamig na s'ya ng yelo mabibili mo nalang ang ngiti ng babaeng yan.” ani Daniel na nakasunod ng tingin sa kaibigan nila.
“She lost her baby. Natural baguhin s'ya ng trahedya na yun ng buhay n'ya. Not to mention dalawang lalaki na ang dumurog sa puso n'yang umasa na maging masaya.” ani Diego napalingon naman si Misty sa asawa na bumuga ng hangin.
“Marami akong kilalang matinong lalaki gusto n'yo ipa blind date natin si Amara.” suggestions ni Brent.
“Magandang idea yan baka mag menopausal nalang ang babaeng yun ng 'di nadidiligan.” ngisi ni Rodney.
“Kayong 3 wala ba kayong balak patusin si Amara.” sabay-sabay ang iling ng tatlo.
“Titigasan kami pero tingin mo maipapasok namin ang mga taguro namin ng 'di kumakalat ang utak namin sa kama.” tatawa tawa komento ni Daniel.
“Makataguro ka naman 'di nga? bakit may lahi ka ba parang maging taguro ka.” biro ni Misty.
“pre’ pasok muna ako sa loob madami papala akong gagawin report.” pag iwas bigla ni Daniel na nag mamadaling pumasok.
“Ako din may pinag-aaralan nga pala akong data base na kailangan i hack.” tugon rin ni Rodney na nag manadaling tulamikod.
“Ikaw taguro ka din?” baling ni Brent na natatawa kay Diego na napasunod ng tingin sa mga kaibigan.
“Hindi eh! Pero Si Goku to nag susuper science to kapag nakakakita ng pokemon.” ngisi ni Diego sabay tawa natawa nalang din ang mag asawa na sumabay na kay Diego pag pasok sa headquarters na napapailing na lang sa mga kaibigan nila.