Naka ikot lahat ng agent na under training sa traning ground nila habang si Amara naman ay tahimik lang na nanonood sa trainor nilang si Senior Allan ang naka assign para sa kombat training habang s'ya naman ay sa pag hawak ng baril at iba-iba pang armas. Tumaas ang kilay n'ya ng mapansin ang pag pasok ng isang nilalang na hindi na sana n'ya gustong makita pa kung puwede lang kaso paano n'ya ito iiwasan kung daig pa talaga nito ang alipunga kung dumikit sa kanya.
Dahil wala naman talaga s'yang pamilya na dito sa pilipinas tanging si Tamara lang ang natirang pamilyang meron siya pero missing in action dahil wanted ito sa mga pulis. Si Zian ang laging kasama n'ya sa loob ng 4 na araw sa hospital. Hindi n'ya ito kinakausap mas pinipili n'yang matulog na lang kesa makausap pa ito. Hindi pa s'ya na hihibang para sundin ang gusto nitong mang yari kotang kota na s'ya sa heartache. Tama ng dalawang beses na s'yang naging mahina at helpless sa dalawang lalaking minahal n'ya. Well technically si Brent naman naging way lang n'ya para takbuhan at takasan si Zian yun nga lang aksidenteng na hulog din s'ya rito kahit sa simula pa lang alam naman n'ya ang lugar n'ya.
“Oh, look here. Ang macho guwapito na apo ng may-ari.” wika ni Senior Allan na dati rin agent pero dahil matanda na ito kaya naging trainor na lang para sa mga bagong papasok na agent.
“I'm sorry I'm late.” pag hingi pa ng paumanhin ni Zian ng makalapit ito at nag yuko ng ulo tanda ng pag galang bago sumaludo. Napabuga naman ang matanda na tinanggap ang saludo ng binata.
“Nakaka disappoint iba na talaga ang panahon ngayon palakasan na lang ang laban kaya nag kakaroon ng posisyon sa ahensya. Noong panahon namin bago ko narating ang puwesto ko katakot takot na hirap ang dinanas ko pero look here isang guwapong apo ng may-ari ang walang kahirap hirap na nakapasok sa ahensya.” ani Allan natawa naman si Amara ng palihim mukhang walang idea si Sen. Allan sa professional history ni Zian.
“Anong kayang gawin ng isang rescuer dito sa ahensya. CPR.” malakas na nagtawanan ang mga ito pinag masdan ng palihim ni Amara si Zian nakita n'ya ang pag ngisi nito lalo ng tawagin ito sa ginta ni Sen. Allan. Magaling sa kombat si Sen. Allan maliit ito pero malakas at mabilis pa rin naman kahit matanda. Noon kabataan nito hindi matatarawan ang galing nito sa martial arts kaya ito napiling trainor para sa kombat skills.
“Show us what you got Mr. McBright bawal dito ang puro guwapo lang.” nakangising turan ng matandang trainor napangisi naman si Amara na tumayo at namulsa habang nakatanaw sa mga ito. Never pa n'yang nakita ang skills nito noon ng maging trainor nila ito.
“Hinahamon ni Tanda Daddyow mo.” bulong ni Rodney ng lapitan s'ya nito sinamaan n'ya ito ng tingin.
“Sus mag asawa ka na nga habang umiedad ka tumataray ka ng tumataray paano ka makakapag asawa kapag ganyan.”
“Lumayas ka na nga sa tabi ko Rod. Sakit mo sa mata.”
“Prey’ pustahan tayo.” ani Daniel na agad din nakalapit sa puwesto nila.
“Kay Sir ako.” sabay na wika ng dalawa.
“Dun ka kay tanda.” ani Daniel kay Rod.
“Aba ayoko nga ikaw kay tanda. Makalawang na yan talo ako dyan.”
“Ikaw Amara pusta ka kay Tanda. Galit ka sa daddyow mo diba.”
“Nanahimik ako dito tigilan n'yo ako.” mataray na sagot n'ya sa mga ito. Tumarak pa ang mata n'ya ng makita si Diego na nakangisi habang papalapit na nakatingin rin kila sen. Allan at Zian na nasa gitna na ng ground para sa duel.
“Pustahan tayo.” bungad din ni Diego na tinawanan ng dalawa.
Sumakit lang ang tiyan ng lahat sa kakatawa dahil 'di man lang natinag si Zian sa mga legend moves ni Sen. Allan. Halata din ayaw kumilos ni Zian para wag mapahiya si Sen. Allan na halatang 'di na komportable sa mga nagtatawanan. Agad s'yang umiwas ng tingin ng magtama ang mata nila ng matandang trainor parang may kakaibang kislap sa mata nito ng bigla nito s'yang tinawag. Balak sana n'yang tumakas pero nahawakan na s'ya ni Daniel at Rodney at nahila sa gitna sa tabi ni sen. Allan.
“Let’s see kinakayakayanan mo lang ako ha dahil matanda na ako. Dapat si Diego pero baka mapahiya ka naman masyado kaya si Amara na lang para fair naman ako sa'yo.” napapikit naman si Amara na napahilot ng sintido.
“Come on Amara. Labanan mo wag mo ako ipapahiya.” anito sabay palo pa sa puwet n'ya halata naman 'di na gustuhan ni Zian ang nakita dahil sumama ang hitsura nito bigla kanina lang nakangisi pa ito. Nagkaingay ang buong crowd ng training ground dinig na agad ang mga pustahan ng mga ito. Na wari'y mga atat na atat na mag laban sila ni Zian.
“Ano Amara ilampaso mo yang si Sir. Nasayo loyalty namin.” sigaw pa Rod.
“Gago! Basta ako kay Sir Zian.” sigaw naman ni Daniel sabay ngisi. Napabuga naman ng hininga si Amara ng hubarin na n'ya ang suot na uniform at naiwan ang itim na sando na ikinaungol lalo ng buong crowd na mas na excite sa laban. Ngumisi naman si Zian sabay pa silang nag warm up muna.
“Umatras ka na dahil baka masaktan ka lang iba ako kapag nasa gitna ng training.” ani Zian.
“Really! Never pa akong umatras sa laban, bala nga 'di ko inatrasan ikaw pa kaya.”
“Hmmm… That’s more I like it. I have no mercy.”
“I know thats why I lost my baby.” Ani Amara na mabilis na lumipad ang paa n'ya para sana sipain ang gitna ni Zian pero mabilis nitong napigilan ng dalawang kamay pero ang pag lipad ng isa pa n'yang paa ang 'di nito inaasahan na tumama mismo sa ulo nito na ikinatumba ng binata. Sabay-sabay na napaungol ang lahat hinintay muna ni Amara na tumayo si Zian na dinilaan pa ang labing pumutok sabay ngisi.
“Not bad for a woman.” Sumugod ito pero dahil malaking tao si Zian at s'ya naman ay 'di katangkaran kaya mabilis s'yang nakakiwas sa mga galaw nito pero ang 'di n'ya inaasahan ang biglang pag lapat ng halik nito sa pisngi n'ya ng mahuli s'ya nito sa bewang. Sisikuhin sana n'ya ito ngunit napigilan nito at mabilis s'yang nahalikan sa pisngi.
Napasinghap ang lahat namula naman sa galit si Amara. Kaya naman sinunod-sunod n'ya ang sugod rito na sinasalag lang naman nito. Napasigaw pa ang lahat ng bigla nahugot ni Amara ang army knife n'ya at naitusok n'ya sa leeg ni Zian na napatingala. Oras na yumuko ito babaon iyon dumudugo na ang pinag tutusukan n'ya ng combat knife n'ya. Napatayo lahat ng nanonood.
“Sa susunod ibabaon ko na to sa leeg mo. Don’t mess up with me Gatchalian. I lost everything in my life kaya wala na akong dapat ingatan pa kung mapapatay kita.” Mariin na bulong ni Amara.
“Hey! Hey! Dude... relax laro lang walang personal.” ani Diego na agad na nakalapit at kinuha sa kamay ni Amara ang combat knife tatalikod na sana si Amara ng pigilan s'ya ni Zian sa braso.
“Itatama ko lahat ng ma———aghp.” napaluhod si Zian ng malakas na sikmuraan ito ni Amara.
“Wala ka ng maitatama.” ani Amara saka tumalikod at bumalik na sa puwesto n'yang iniwan kanina.
“She’s been through a lot. Losing her baby making her toughest mahihirapan ka bago ulit maibalik ang dating Amara na kilala namin.” ani Diego na tinapik sa balikat si Zian na napangibit na hawak ang sikmurang nasaktan.