Patulog na sana 'ko nang may mag-door bell pa mula sa labas ng pinto ng condo ko, agad akong tumungo sa pinto at sinilip sa intercom kung sinong nasa labas.
Si Harley, anong kailangan niya? Kahit na ayoko nang tumanggap ng bisita ay binuksan ko pa rin ang pinto, at bumungad sa akin ang maamo nitong mukha suot ang plain shirt at itim na pajama.
"May kailangan ka?" tanong ko sabay hikab.
Ngunit imbis na sagutin niya 'ko ay napatitig na lang siya sa bandang dibdib ko at ngayon ko lang naalalang wala nga pala akong suot na brassiere pero hindi na ako nag-abalang takpan pa ang bakat kong n*p*le. Manipis na silk dress lang kasi ang suot ko at saktong patulog na rin sana ako.
"You like what you see?" tanong kong muli sabay nag-crossed arms na 'ko para naman ma-distract na siya sa view-ng nakikita niya.
Napakamot siya sa ulo, kasabay ng pamumula ng tainga at pisngi, hindi ko napigilang hindi napahagikgik sa naging reaksyon niya.
"Sorry," hiyang-hiya paunmanhin niya.
"So, mabalik tayo, may kailangan ka ba?" tanong ko ulit na ikinatango niya.
"Hindi kasi ako sanay kumain mag-isa, p'wede mo ba 'kong sabayan?" sagot niya na may kasamang nagaalangang tanong.
"Why do you look like a baby seeking for his Mommy to feed him?" panunukso ko sabay tawa na mas lalo niyang ikinapula.
"You're teasing me babe," tugon niya sabay kamot sa ulo.
"Siguraduhin mong pagkain ang kakainin, hindi ak—" hindi ko na naituloy ang sanang ka-pilyahan ko nang putulin niya 'ko.
"I won't eat you, this is the first day we have met, I don't want to look aggressive and lack s*x," diretsuhang saad niya na ikinatawa ko at naaaliw ko siyang pinagmamasdan.
Gusto ko ang ugali ng isang 'to. Prangka, hindi rin bastos, marunong siyang mag-isip ng mararamdaman ng kausap niya.
"Bring the food here, I'll join you." Nakangiti kong saad bilang pagpayag na ikinaaliwalas ng mukha niya.
Sandali siyang umalis para kunin ang mga pagkain sa condo niya katapat lang ng condo unit ko at mayamaya lang ay agad na siyang bumalik bitbit ang mga paper bag. Tinuran ko siya sa may dining room at tulong kaming inihain ang mga pagkain sa lamesa.
"Mukang in-order mo pa 'to sa isang five star restaurant, halatang masasarap lahat, mag-isa ka lang pero para namang limang tao ata ang kakain," saad ko habang pinasadahan ng tingin ang mga nakahain.
"No one's there to cook for me, so I always order food outside," saad niya at tila may lungkot akong nahimigan sa boses niya.
"May maid kayo sa bahay, hindi ba? Imposible namang wala kayong chef or cook sa yaman niyong iyan?" panguusisa ko sabay naupo na.
Nag-umpisa na 'kong maglagay ng pagkain sa plato, inuna ko ang kanya at iniaabot sa kanya kaya bigla siyang napangiti sa simpleng gesture ko.
"Yes, they have, hindi ko naman sila kasama sa bahay. Hindi ako sa mansion nakatira, I'm illegitimate child of Charley Solevan, I used to live by myself, napunta lang ako sa mansion kapag may mga special occasions," saad niya na ikinabigla ko.
Anak siya sa labas? Kaya pala hindi siya nahagip sa data information na nakalap ni Dana.
"You're an illegitimate child?" gulat kong tanong na ikinatango niya lang.
"So, bakit hindi ka nakatira kasama nila? What's the reason?" sunud-sunod kong tanong habang pinapanuod ko siyang panaka-nakang kumakain.
"They want me to live with them, ako lang ang may ayaw dahil sa baliw naming Tatay," sagot niya kaya mas lalo akong naging interesado makinig.
"What's wrong with your father?" nananabik kong tanong habang hindi na mapuknat ang tingin ko sa kanya at naghihintay ng sagot.
"You don't have to know," sagot niya at nag-focus na lang sa pagkain na siyang ikinadismaya ko.
"Mag-ku-kwento ka lang bitin pa," reklamo ko sabay irap kaya kumain na lang din ako.
"Bakit parang interesado kang malaman? Nakita ko sa mga mata mo ang labis na interes mong malaman ang kwento ng pamilya ko," saad niya na ikinatigil ko.
Ilang segundo akong napahinto at nagiisip ng idadahilan kaya dahan-dahan ako nag-angat ng tingin sa kanya. Kailangan kong maging maingat sa bawat sasabihin ko, dahil mukang matalas at mabilis din mag-isip ang isang 'to.
"Your family is one of the well known people in the country, sinong hindi nagkaka-interes na malaman ang buhay niyo? Ikaw nga ang nakakapagtaka dahil sinasabi mo sa 'kin lahat ng tungkol sa 'yo at kung anong koneksyon na mayroon ka sa pamilya mo kahit kakakilala pa lang natin," saad ko na ikinangisi niya.
"Sa 'yo ko lang sinabi dahil choice kong sabihin, and it's up to you kung gagamitin mo ba laban sa pamilya ko ang mga nalaman mo," diretsuhan niyang saad kaya naningkit ang mga mata kong tinitigan siya.
"You have something in mind, don't you?" makahulugan kong saad sabay unti-unti ko siyang nginisihan at ganu'n din siya sa 'kin.
"My sight was only focused on you last night at the party while everyone was busy talking with other guests, and I noticed that your target is my father," walang pagaalangang pag-amin niya.
Mataman ko siyang pinakatitigang mabuti, hindi imposibleng nakita niya rin ang ginawa ko doon sa lalaking sinubukang maka-score sa akin nang gabing iyon.
"Natural lang na sa kanya ako nakatingin dahil siya ang celebrant," alibi ko ngunit pagak lang niya 'kong tinawanan.
"I know you're not just ordinary, you're planning something, hindi ako pwedeng magkamali," saad niya na may kaseryosohan na sa tinig.
"You're smart, I have nothing to say. Nahuli mo 'ko," saad ko na may pagsuko, wala nang rason para itanggi ko pa.
"I don't know what's your reason behind your planning to get near with my father, but I'm telling you, he's not a good man as you think," saad niya na may paalala. "And I know, being my father's mistress or lover is not your real goal here," seryosong dagdag niya pa.
"How did you know?" tanong ko sa seryoso kong tinig.
"You're like an open book to me, I don't know, I can easily read what people are thinking, you look wild but not as easy to get as they think," saad na niya ikinamangha ko ng tuluyan.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" tanong ko.
"It's your choice whether you trust me or not," sagot niya na ikinangiti ko.
"Well, I trust you now," desisyon ko na ikinangiti niya at tila pareho na kaming nagkakaintindihan ngayon sa tinginan pa lang.
"Nakita ko rin sa may sulok ng garden kung paano mo pinilipit ang leeg ng lalaki kagabi na isa sa bisita sa party," saad niya na ikinasamid ko kaya napainom ako ng tubig.
Expected ko nang nakita niya, pero 'yung nagawa niya pang i-detalye ang ginawa ko, nakakagulat lang marinig ko mismo.
"Kasalanan niya, gustong um-score sa 'kin, sino siya para papasukin ko sa kweba ko?" inis kong saad sabay tusok sa ng steak at kinain.
Tumawa lang ito sabay sunud-sunod na napailing habang pinagmamasdan ako.
"I'm glad you know how to defend yourself, sa ginagawa mo kakailanganin mo talaga 'yan," saad niya sabay subo rin ng steak.
"Sa pananalita mo, parang aware na aware ka talaga sa mga nangyayari sa paligid mo," puna ko.
"Kailangan naman talaga nating maging aware sa lahat ng bagay, para sa sarili natin hindi para sa ibang tao," seryosong saad niya.
Bigla kong naalala ang nakakatanda niyang kapatid na si Stefan, disappointed ako dahil parang mas panganay pa mag-isip si Harley kaysa sa Kuya niya.
"Maiba tayo, iyung kapatid mong si Stefan ang laki ng pagkakaiba niyo, napaka-insensitive at arogante niyang tao," saad ko na ikinatawa niyang muli.
"Kuya Stefan is smarter than me, tahimik lang siya at ugali niyang maki-ayon kay Dad kahit na mali na, pero ang pinagtataka ko lang, agad siyang namagitan sa inyo ni Dad nung time na magkausap kayo, madalas kasi wala siyang pakialam kahit na sino pang babae nito," paghahayag niya na hindi ko naman na ipinagtaka.
"Obvious namang type rin ako ng Kuya mo, in-offer-an niya nga 'ko ng pera lumayo lang daw ako sa paningin ng Tatay niyo," saad ko na ikinabigla niya.
"He did that?" may gulat na tanong ni Harley.
"Yes," tipid kong sagot.
"Maybe, we have the same thing in mind," saad niya habang tila nag-iisip.
"Magkaiba kayo ng iniisip, siya ang tingin niya ay pera ang habol ko sa Daddy niyo, bayarang babaeng linta ang tingin niya sa 'kin," saad ko bilang hindi pagsangayon.
"Pasensya ka na kay Kuya, ganu'n lang talaga iyun pero kapag nakilala mo siya baka naman sabihin mo, mas mabuti siyang tao kaysa sa 'kin," saad niya habang nilalaro na lang ang hawak na tinidor.
"This is the first and last time na mag-uusap tayo ng gaya nito, anak ka pa rin ni Charley, I can't fully trust you. You might possibly get in my way sooner or later," seryosong saad ko at tumayo na.
"You became serious, may nasabi ba kong hindi mo nagustuhan?" tanong niya ngunit umiling lang ako.
"I used to move quietly, ayokong may nakamata sa mga bawat kilos ko, kung ano mang nalaman mo tungkol sa 'kin it's just based on your observation, nothing came from my mouth," seryosong sagot ko.
"I respect your decision, hindi ako makikialam, but if you need my help, just knock on my door," saad niya na may matamis na ngiti sa mukha sabay tumayo na rin at tuluyan na siyang lumabas ng condo ko.