"What's your order Ma'am?" tanong sa 'kin ng waiter nang tuluyan akong makaupo sa pang table for two.
"Your best Italian Pasta, please, and strong black coffee," saad ko na ikinatango nito.
"Is there anything else Ma'am?" Umiling ako.
"That's all," tipid kong sagot saka ito umalis.
Tumanaw ako sa labas, umaga pa lang pero tirik na tirik na ang araw. I love the ambiance of the morning time, it's a sign that everyday is a new phase.
Habang abala ako sa pagmumunimuni ko, napadako ang tingin ko sa tapat ko nang walang pasabing may naupo roon.
"Ang sarap sa mata kapag ganito ka-ganda ang nakikita ko," saad ni Raven, ang lalaking matagal na panahon na 'kong pinopormahan.
Hindi ako nagsalita at sa halip nginitian ko lang siya at saktong dating naman ng waiter bitbit ang pagkaing in-order ko at maingat na inilagay sa harap ko at agad din umalis.
"I told you so many times that I'm not the woman for you," saad ko at nag-umpisa na 'kong paikutin ang pasta gamit ang tinidor.
"I don't know, every time na sinasabi mo iyan mas lalo akong nag-aasam mukuha ka kahit isang gabi lang," seryosong sambit niya na mas ikinalawak ng ngisi ko.
"Those lips are making me crazy over you," dagdag niya pa habang nakatingin sa mga labi ko, kitang-kita sa kanya ang labis na pagnanasa niya sa 'kin.
"Umagang-umaga ka naman Raven, why don't you throw your d*ck with some random girls?Nagaaksaya ka lang ng panahon." Nagtataka rin ako kung bakit ba nandito ang lalaking 'to, siguro baka nagkataon lang nakita niya 'ko.
"Ikaw iyung babaeng papangarapin ng sino mang lalaki," saad niya na ikinatawa ko lang ng pagak.
"I know right," pagmamalaki kong tugon.
"Wearing vivid red lipstick in the morning?" Sabay kaming napalingon sa pamilyar na boses ng lalaking nagsalita.
It's him, Stefan.
Nagpalit-lipat ang tingin niya sa 'kin at kay Raven, may kung anong nababasa ako sa mga mata niya ngunit hindi ko matukoy kung ano.
"Is he your boyfriend?" tanong pa niya.
"Y—" agad kong pinutol ang itutugon sana ni Raven.
"A friend," sagot ko na ikinatango niya ngunit tila hindi siya kumbinsido.
"I see," saad ni Stefan kasabay ng pag-kislap ng kanyang mga mata.
Hindi ko alam pero naaaliw ako sa reaksyon niya, it looks like he has secretly something in his mind.
"Ruby?" tawag ni Charley sa 'kin na kapapasok lang mula sa likod ni Stefan, may himig din ito ng gulat nang makita niya 'ko.
"Mr. Charley! Good morning," matamis na bati ko sa kanya sabay lumapit ako at bumeso rito.
Ramdam ko naman ang matalim na tingin sa 'kin ng dalawang lalaking nasa likuran ko, kaya mas lalo ko pa silang inasar nang ipulupot ko ang braso ko kay Charley na ikinabigla rin nito.
"I didn't expect to see you here," saad ni Charley habang pinapasadahan ako ng tingin ganu'n din ang dalawang lalaking sina Stefan at Raven.
Sino ba naman hindi makakapansin ng suot kong black dress na labas ang cleavage, plus backless pa. Ngayon lang nila 'ko na-view nang tumayo ako.
"Me too, I didn't expect to see you both," saad ko at nagpa-lipat-lipat ang tingin ko sa kanilang mag-ama.
"Hindi ka ba magkaka-pulmon niyan sa suot mo?" puna ni Stefan sa paraan ng pananamit ko.
Ano bang issue sa 'kin ng lalaking 'to? Una, lipstick ko sunod naman, pati suot ko. He's weird, dapat nga pleasant ang reaction niya dahil pare-parehas lang naman silang mga lalaking kapag nakakita ng magagandang babae tumatayo ang sandata.
"Stefan, let her be. It's her choice to wear whatever she wants, by the way have you eaten, Ruby?" saad ni Charley sa anak sabay tingin sa gawi ko.
"I'm eating when your son came to approach me," sagot ko na ikinatango nito.
"Join us, mukang bago ka pa lang naman nag-uumpisang kumain, sabayan mo na kami ni Stefan," alok ni Charley na ikinangisi ko ng malawak.
Sabay-sabay naman kaming napalingon nang biglang tumikhim si Raven mula sa likuran namin, nandito pa pala 'to?
"Ruby, I'll go ahead," paalam na nito sa 'kin na ikinatango ko at binigyan siya ng apologetic na ngiti.
Tuluyan na itong lumabas ng restaurant na bagsak ang balikat, mukang alam niya na wala talaga siyang pag-asa sa 'kin, mas mabuti na iyon nang hindi na siya umasa pa.
"Who's that boy?" tanong ni Charley nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si Raven.
"He's my suitor, matagal na siyang may gusto sa 'kin, but sad to say he is not my type," amin ko na ikinatikhim ni Stefan ngunit hindi ko na siya pinansin at sa halip mas itinuon ko ang atensyon ko sa ama niya.
"It's a relief," saad ni Charley na ikinahagikgik ko.
"May iba kasi akong gusto... " malaman kong saad sabay pasimple kong hinaplos ng daliri ang collar ng suot niyang black polo shirt na kunwari ay inayos ko.
Sunud-sunod naman ang naging pagtikhim muli ni Stefan mula sa gilid namin kaya nakangisi ko siyang binalingan.
"You're naughty, huh?" bulalas ni Charley.
Umayos na 'ko ng tayo at hindi ko iniaalis ang ngiti sa mukha ko habang nagpa-lipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. This is it.
"Let's go?" anyaya na ni Charley sabay iginaya niya 'ko sa reserved table nilang mag-ama.
Sumenyas ako sa waiter na ilipat ang pagkain ko sa lamesa nila at agad naman ako nitong sinunod.
Nang makaupo na kami ay pasimple kong sinulyapan si Stefan na matalim ang mga tinging ibinibigay sa 'kin, mukang ang dami niyang gusto sabihin, ngunit hindi niya lang masabi dahil siguro sa naging pag-uusap namin kahapon.
"This is the third day we met, it looks like the destiny became consistent," makahulugang saad ni Charley kaya muling tumuon ang atensyon ko sa kanya.
"Yes, it's according to destiny," malaman ding saad ko sabay ngiti pa ng ubod ng tamis.
"Talaga bang nagkakataon lang?" pasaring na tanong ni Stefan habang hinahalo niya ang veggies salad gamit ang tinidor.
"Of course hijo, she didn't know that we also own this restaurant, she has no idea and all of these are just coincidence," saad ni Charley na ikinangisi ko ng mapakla.
Nakaramdaman ako ng inis para kay Stefan, mukang ang lalaking 'to ang isa sa magiging mahigpit na balakid sa plano ko, kung kaya't hindi ito magiging madali.
Sana kagaya na lang din siya ni Harley na walang pakialam at binibigyan pa ako ng tip tungkol sa pamilya niya. Ibang-iba talaga si Stefan. Namumukod tangi.
"What are you thinking? Are you day dreaming that we are f*c*ing each other?" walang habas nitong tanong sa 'kin nang mahuli niya kong nakatingin sa kanya na ikinabigla naman ni Charley.
"Stefan! Bibig mo!" saway ni Charley sa anak at gaya nung una, hindi siya nito pinansin at patuloy lang na nakatingin sa gawi ko.
"It's okay Mr. Charley, naiintindihan ko ang ugali ng mga lalaking gaya ng sa anak niyo," saad ko at binigyan ko lang sila ngiting ibig sabihin ay wala akong pakialam kung ano man tingin nila sa 'kin.
"I'm really sorry for his behavior," sincere na hinging paunmanhin ni Charley sa 'kin dahil sa inaasal ng anak niya.
"I told you, it's okay," saad ko kasabay ng magiliw na pagtaas-baba ng dalawa kong kilay upang iparating na ayos lang talaga.
Matagal ko nang inihanda ang sarili ko sa mga ganitong klaseng senaryo, kaya wala nang epekto pa sa 'kin kung ano man ang ibatong salita sa 'kin.
Muli kong tinapunan ng tingin si Stefan na ngayon ay naniningkit ang mga mata niyang tila sinusuri ako.
"And you... sa tingin ko gusto mong ikaw ang pag-tuunan ko ng atensyon kaya siguro panay ang papansinin mo sa 'kin?" panunudyo ko na ikinasalubong ng kilay niya.
"What did you say?" pagpapaulit niya.
"Sabi ko, gusto mo nasa iyo ang atensyon ko, kaya panay ang banat mo ng usap sa 'kin na hindi maganda," saad ko at kita kong malapit na namang umusok ang ilong niya dahil sa pagka-pikon.
"Okay, that's enough. Nasa harapan tayo ng pagkain," awat ni Charley sa 'min ni Stefan kaya umayos na 'ko ng upo at hindi na ito pinansin pa.
"This is ridiculous," bulong ni Stefan na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko, sabay sunud-sunod na napailing.
"Why you are not wearing the Ruby Necklace that I gave to you yesterday?" tanong ni Charley habang nakatingin sa leeg ko.
"It's not suitable for an ordinary day, it's so SPECIAL, so I'm not going to wear it," sagot ko ngunit ang totoo gusto kong masuka kaharap siya.
"Nakakatuwa naman dahil special para sa 'yo ang regalong ibinigay ko," galak na saad nito.
"Of course, you spent almost half million for that necklace, that's why it's very special for me," saad ko na ikinatango-tango niya.
"Money matters," pasaring muli ni Stefan ngunit ang atensyon ay nasa pagkain habang nakikinig sa usapan.
"Yes, money matters. I'm a practical woman, if you don't have money, you don't deserve me," matigas kong sambit na ikinaigting ng panga niya.
"Lumabas din ang totoo, Dad, see? I told you she's a gold digger," bulalas ni Stefan sa ama ngunit tinawanan lang siya nito.
"Nasa modern world tayo, son. And as I said, a woman like her deserves everything in this world, you think sa ganda niyang iyan, she will settle for less? I don't think so," kibit balikat na tugon ni Charley kaya naikuyom ni Stefan ang kanyang kamao.
Naaaliw akong pinapanuod sila at nagpa-lipat-lipat ng tingin sa kanilang mag-ama. Ang sarap lang sa pakiramdam na nagtatalo sila nang dahil sa 'kin... Idagdag pa ang kakaibang mind set ni Charley na parang sanay na siyang huthutnan at tila balewala na lang sa kanya.