CHAPTER TWO

1565 Words
"Mukang maganda 'to, let me see it," saad ko sa saleslady ng isang kilalang jewelry shop at agad naman ako nitong in-assist. "It's a Ruby Diamond Necklace Ma'am." Maingat nitong inilahad sa harap ko ang expensive diamond. "Do you like it?" Agad akong napalingon nang may biglang nagsalita sa likuran ko, si Charley kasama ang anak niyang si Stefan na ang sama pa rin kung makatingin sa 'kin. Hindi na ako nakapagsalita nang senyasan niya ang saleslady na siya na ang willing na magbayad ng Ruby Diamond Necklace na nagkakahalaga ng 450,000 pesos. Halos mapanganga ang saleslady at nagpalit-lipat ang tingin nito sa amin. "No, I'm the one who will pay, Mr. Solevan, it's a very huge amount, it's not a joke," tanggi ko ngunit nagpumilit pa rin ito. "I'm the owner of this jewelry shop, ako ang masusunod, so take it as my gift," giit nito sa akin kaya wala na akong nagawa at lihim na lang na napangisi. "Dad, guest mo lang siya sa party kagabi and now you are giving her free expensive jewelry, are you kidding me?" Hindi rin makapaniwala saad ni Stefan sa ama ngunit winasiwas lang ni Charley ang kamay upang iparating na wala siyang pakialam. "A beautiful lady like her deserves everything she wants in this world," matamis na saad ni Charley habang hindi mapalis ang tingin sa akin sabay kuha ng kamay ko at hinalikan ang ibabaw nito. Napahalimos naman si Stefan gamit ang sariling palad dahil sa ikinikilos ni Charley na tila ba parang nagagayuma ko ang kanyang ama. Kahit ang mga staff sa shop ay hindi makapaniwala sa nasasaksihan nila. "You, woman. Let's talk," utos sa akin ni Stefan at ngumiti ako kay Charley at tumango lang ito saka ako sumunod sa binata palabas ng shop. "What are you? A leech? Mas grabe ka pa sa inaasahan ko!" galit na sigaw nito nang tuluyan na kaming nasa labas. "Don't shout at me," saad ko sa kalmado kong boses. "Paanong hindi kita sisigawan? I know, you have something in mind woman, at h'wag mo nang ituloy kung ano man iyan dahil masisira lang ang buhay mo, kung pera lang ang gusto mo, kahit magkano bibigyan kita but make sure, hindi ka na lalapit kay Dad," saad ni Stefan at kita ang sinseridad sa kanya. "I'm here not because of your father; I didn't know that you owned this place. I'm here to buy jewellery for my Mom's birthday next week, so what are you saying that I'm a leech? And why are you badmouthing me?" angil ko na may paliwanag na ikinabigla niya at kita ko ang pagkapahiya niya. "I-I... I didn't know," nauutal na saad niya na para bang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya. "Exactly, you didn't know but here you are, nagsasalita ng hindi nag-iisip, allergic ka ba sa mga magagandang babaeng kagaya ko? Kung bakit ba naman hindi tayo magkakilala pero grabe mo 'ko pagsalitaan?" maanghang kong tanong na nakapagpatigil sa kanya. "I'm sorry," hinging paunmanhin niya ngunit inirapan ko lang siya sabay hinga ko ng malalim. "Stay out of my way," saad ko at agad naman siyang tumabi kaya diretso na akong naglakad papuntang parking lot. Pasakay na sana ako ng driver's seat nang may humawak sa braso ko at paglingon ko si Stefan na naman, ano ba ang kailangan sa 'kin ng lalaking 'to?? Panira siya ng plano! Kainis! "Ano na naman??" Sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan magsungit dahil sa kanya ay napupurnada ang diskarte ko. "You forgot the jewelry that Dad's bought for you," paalala nito sabay lahad niya sa akin ng maliit na paper bag. Balak ko sanang hindi tanggapin pero may bigla akong naisip kaya automatiko ko nang kinuha ito mula sa kamay niya. Halata naman sa muka niya ang gulat, marahil inaasahan niyang tatanggihan ko, pero sa halip tinanggap ko. "Hindi ako tumatanggi sa grasya," saad ko sabay ngisi na mas lalo niyang ikinabigla. Base sa itsura niya, parang pinagsisisihan niyang hinabol niya pa ako rito sa parking lot para lang ibigay ang Ruby necklace na 'to. Hindi totoong para kay Mama ito, para talaga 'to sa 'kin, at hindi rin totoong hindi ko alam na sila ang may-ari ng jewelry shop, kailangan ko lang talagang gumawa ng dahilan kanina para mapahiya ang lalaking 'to sa mga pinagsasabi niya sa 'kin. "Paki-sabi sa Daddy mo, thanks," saad ko sabay kindat sa kanya at sumakay na ako sa driver's seat at agad na binuhay ang makina sabay pinasibat. Habol tingin ko si Stefan mula sa side mirror at saka ako bumalinghawit ng tawa, anong binatbat sa 'kin ng mga ilegal na scammer? Ganda ko lang sapat na! "Mukang, hit two birds with one stone ang mangyayari," saad ko kaya mas lalo akong natawa sa isiping iyon. "Boys are always boys." Naiiling ko pang saad sa sarili habang patuloy lang ako sa pagmamaneho. Tahimik ang naging biyahe ko nang may tumatawag sa phone ko, pahapyaw kong tiningnan kung sino at napangiti ako kaya agad kong sinagot ang tawag suot ang ear phone. "Balita?" tanong ni Dana mula kabilang linya. "Number two mission, accomplished," proud kong sagot habang tinatapik-tapik ang sarili kong balikat. "Are you sure about this, Ruby? Hindi ka ba mapapahamak sa pinaggagawa mong 'to?" nangangamba niyang tanong muli sa 'kin. "Ano ka ba, relax. I'm Ruby Red, I can handle everything basta according lang dapat lahat sa plano," paninigurado ko. "Eh, paano kapag dumating sa puntong hindi umayon? What are you going to do?" tanong niya na may pangamba pa rin. "Sandali nga, before I went to the party last night maayos natin napagkasunduan lahat ng gagawin, pero bakit ngayon, nag-iba ata ihip ng hangin?" taka kong tanong. "I'm just worried about you," sagot nito sa malamyang tinig. "I know, nag-iingat naman ako, alam mong hindi para sa akin ang ginagawa kong 'to, para ito sa pamilya natin, para 'to sa paghihiganting matagal na nating pinaka-aasam-asam, at kung kinakailangan kong maging asawa ng matandang iyon, at magpagamit sa kanya, handa ako. Maisagawa ko lang ang planong nais nating lahat," buo ang loob kong saad sa kanya. "Ruby..." tawag niya sa pangalan ko at tanging mga mahihinang hikbi na lang niya ang sunod kong narinig na may panaka-nakang pagsinghap. Wala sa loob kong napangiti ng mapait, at pilit kong pinipigilan na h'wag magpadala pagiging emosyonal ng nakakatanda kong kapatid. "Ang iyakin mo talaga, kaya ayokong tawagin kang ate, you're too soft. H'wag ka na umiyak, alam mong ayoko nakakarinig ng humihikbi nanlalambot ako," pangaalo ko sa kanya. "Sige na, baka nakakaabala na 'ko," paalam na nito. "Nasa biyahe na ako pauwi sa condo ko, mamaya tawag ako ulit once I got home," paalam ko na rin sabay baba ko ng linya. Huminga ako ng malalim at pilit ko iwinasto ang nahihirapan kong kalooban, lahat ng ito may dahilan, si Charley Solevan, malaki ang naging atraso niya sa pamilya ko. Matagal kong pinaghandaan ang paglapit ko sa kanya, hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko, namin. Pagkarating ko sa tapat ng condominium building kaagad ko nang pinark ang kotse ko at bumaba na. Pagkapasok ko sa entrance ay agad akong tumungo sa elevator habang ang atensyon ko ay nasa hawak kong phone. "Hi," bati sa 'kin ng panlalaking boses. Sa sobrang tutok ko sa phone hindi ko na napansing may kasabay pala ako sa elevator kaya napa-angat ako ng tingin, muka naman itong disente, makisig rin naman at mukang mabango. "Hello, bagong lipat ka? Ngayon lang kasi kita nakita rito," bati ko rin sa kanya na may kasamang panguusisa. "Ah, oo, hehe. Pinaaakyat ko pa ang iba kong mga gamit, ngayong araw lang ako lumipat," sagot niya na ikinatango ko. "By the way, I'm Ruby Red, and you are?" pagpapakilala ko sabay abot ng kamay ko para makipag-shake hands at agad naman nitong tinanggap. "I'm Harley, Harley Solevan," pakilala niya na ikinatigil ko. Solevan? Hindi kaya... "Kung familiar ka kay Harvey Solevan, na may-ari ng mga minahan at kilalang jewelry shops owner, I'm his youngest son," dagdag pa niya na ikinaawang ng bibig ko. "I-I thought... ang nag-iisang anak lang ni Mr. Charley ay si—" hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang putulin niya 'ko. "Kuya Stefan? No, he has a brother and that's me," saad pa nito. Mas lalo akong nagulat sa nalaman pero sa kabilang banda, isa itong magandang balita, dagdag impormasyon. Bakit hindi agad namin 'to nalaman? "Ibig sabihin, dalawa kayong anak ni Mr. Charley," mangha kong bulalas na ikinatango nito. "I saw you last night at my Dad's birthday party, I saw he approached you, with Kuya and I think those two monkeys, really admired your charismatic beauty," saad nito sabay napangisi. Hindi na ako nagtataka kung bakit alam niya, malamang kasi anak pala siya ni Charley. I'm impressed, because he is very observant. "I think, ikaw ang nagmana sa Daddy mo, bolero," biro ko at hindi pinansin ang sinabi niya tungkol sa dalawa. "You have the beauty na nakakabaliw, and it's kinda poisonous," seryosong sabi niya na tila may ibig ipakahulugan. "Even me, you caught my attention that night, I can't stop thinking of you since I saw you... it's kinda frustrating," walang pagkukuli nitong pag-amin. Unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa aking mga mapupulang labi, ngiting umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari... Idagdag pa itong isang 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD