Chapter 18

1288 Words
Yuki . "Wow, ang ganda talaga dito sa itaas!" bulalas ko habang nakatanaw sa ibaba ng ferris wheel, mula dito ay makikita ang buong amusement park dito. Inabot na kami sa paglilibot sa buong amusement park, pero okay na rin dahil tama lang kami sa pagsakay ng ferris wheel para sa fireworks. "Umupo ka nga dito, baka mahulog ka diyan!" inis na suway sa'kin ni Sir Mage, palihim naman akong kinilig at saka muling umupo sa tabi niya. Halos lahat ng rides ay nasubukan na namin kaya naman siguro ay nawala na ang takot ni Sir Mage sa mga matataas na lugar. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan kung bakit nag-karoon siya ng takot sa mga matataas na lugar pero alam ko na gusto niyang mawala 'yon. Malapit na kami makarating sa pinaka mataaas na bahagi ng ferris wheel. Napaligiran kaming dalawa ng katahimikan. Mula kanina ay hindi ko pang narinig na mag-kwento si Sir Mage dahil siguro hindi siya ganung tao, siya kasi 'yong tipo ng tao na tahimik lang at hindi madaldal, nakikinig lang siya at hindi nagsasalita kaya naman hindi mo sigurado kung interesado ba siya sa sinasabi mo pero okay na rin yung ganun dahil alam ko na kahit sabihin siya ng problema o sekreto ay hindi niya ipagsasabi dahil tahimik lang siya. "Alam mo ba Sir Mage, ngayon na lang uli ako nakapunta dito sa amusement park? ang huling punta ko dito ay noong buhay pa si Papa." malungkot na kwento ko sa kanya. Napayuko ako ng maalala ko noong huli naming punta dito nila mama at papa. "Noong araw na 'yon, nangako siya sa'kin na babalik kami dito para makapamasyal uli, pero hindi na nangyari 'yon dahil makalipas ang ilang araw ay nabalitaan namin ni Mama na patay siya, may pumatay daw kay Papa, noong araw na rin 'yon ay sinugod sa hospital si Mama dahil inatake siya puso, at ang lahat ng 'yon ay nangyari lang noong nakaraang buwan," my tears begin to fall down. Hindi ko gusto umiyak sa harapan ni Sir Mage pero kusag pumatak ang mga luha ko. "Kaya sobrang saya ko ngayon Sir dahil sayo ay natupad ang pangako ni Papa sa'kin sayang nga lang at wala si Mama rito." pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking mga kamay. Nagulat ako ng hilain niya ang aking kamay, napatingin ako sa kanya, his eyes is full of sadness and angry, bakit kaya? may nasabi ba akong masama? The fireworks begin to bloom in the sky and the last thing I know, his lips pressing in mine. . "Maraming salamat po Sir sa paghatid," wika ko ng buksan ni Sir Mage ang pintuan ng kanyang kotse. Pagkababa ko ay agad niya naman sinara ito. "Sigurado ka ba na okay lang na mag-isa ka dito sa bahay niyo," nag-aalalang wika ni Sir ng makarating kami sa gate ng bahay namin. "Opo Sir, saka sanay na naman po akong mag-isa sa bahay," napansin ko ang pag linga-linga niya sa paligid. "If you don't mind, I can stay to your place." agad akong umiling at pumasok sa gate. "Naku Sir wag na po, baka ano pa gawin mo sa'kin," wika ko na halos ibulong ang huling mga kataga na aking sinabi. "What?" "Wala po Sir, ingat po sa pag-dadrive, salamat po uli nag-enjoy ako bye!" sunod-sunod kong wika sabay pasok sa loob ng bahay namin. Napasandal ako sa'ming pintuan at napabuntong hininga. Muntik na 'yon. Pumunta ako sa bintana at hinawi ng kunti ang kurtina para silipin si Sir Mage kung nandon pa uli. Pag silip ko sa labas, nakatayo pa rin siya sa tapat ng gate namin at parang may kausap sa telepono, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil bahagya siyang malayo sa'kin. Nagulat ako ng bigla lumingo siya sa dereksyon ko kaya naman agad kong naisara ang kurtina at napatakbo sa taas ng bahay kung na saan ang kwarto ko. Agad akong pumasok sa'king kwarto at tinanggal ang aking sapatos saka humilata sa'king higaan. Napatingin ako sa kisame at napangiti, sobrang saya ng araw na 'to para na rin kasi kaming nag-date ni Sir Mage, I even confess my feelings to him kaso dahil sa sobrang lula ni Sir sa ride hindi niya ito narinig, okay na rin siguro 'yon dahil sigurado akong i-rereject niya lang ang confessions ko dahil I'm just his secretary and a bedmate. Napabuntong hininga na lang ako dahil this one sided love of mine is so hopeless. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-start ng makina ng sasakyan ni Sir Mage at saglit lang din ay umalis na siya. Muli akong napabuntong hininga at kinuha ang aking unan para yakapin. Ipipikit ko na sana ang akin mga mata ng biglang tumunog ang aking telepono, agad akong napabangon para kunin ito sa purse na dala-dala ko kanina. Pagkuha ko nito ay agad bumungad sa'kin ang isang unknown number. 'Sino naman 'to?' bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag. "He-hello?" nauutal kong sagot. Narinig ko ang nakakapangilabot na tawa sa kabilang linya. "Si-sino 'to?" "Nag-enjoy ka ba sa pag-punta sa amusement park, kasama ang taong pumatay sa iyong ama?" wika ng isang nakakakilabot na boses sa kabilang linya, malalim ang boses nito at kakaiba, nakakatakot pakinggan ag boses niya lalo na kapag-tumatawa siya, ganito ang mga boses ng mga killer sa mga horror movie na napapanood ko. "Anong ibig mong sabihin?" Inis na usal ko sa kanya, agad akong lumapit sa pinto upang i-lock ito, pagkatapos ay sumilip ako sa'king bintana na nasa ulunan ng aking higaan at tiningnan kong may taong nakamasid mula sa labas ng bahay. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit kayo tinutulungan ng taong 'yon? Dahil binabayaran niya kayo para sa pagpataya niya sa iyong ama," wika niya sabay tawa ng malakas, napabalik ako sa pag upo sa 'king kama ng makita ko siya na nasa kabilang kanto lang, nakatayo ito sa poste na may ilaw, nakasuot ito ng parang kapa na sinusuot ng mga kulto, nakomprima ko ito ng tumingin siya sa'kin at ngumiti. Tanging mga labi niya lang ang nakita ko at hindi ko nakita ang kanyang buong mukha. "Tinutulunga niya kami dahil---" napatigil ako sa'king pagsasalita ng marealize ko hindi ko alam kung bakit kami tinutulungan ni Sir Mage, "Hindi magagawa ni Sir Mage ang pumatay ng tao!" sigaw ko sa kanya, tumawa naman ang kausap ko sa kabilang linya na maala demonyo na nag-bigay kilabot sa'kin. "Bakit? Sa tingin mo ay kilala mo na ang taong pinagtatrabahuhan mo?" muli akong napatigil, tama nga siya hindi ko lubos na kilala si Sir Mage dahil ang alam ko lang ay pamilya niya ang nag mamay-ari ng kompanyang pinag-tatrabahuhan ko at siya ang nag-mamanage nito dahil siya ang pinaka-matanda sa kanilang mag-pipinsan at bukod pa dun ay wala ba akong info about sa kanya. "Hi-hindi niya magagawa 'yon," nanginginig na wika ko sa kanya. Nagsisimula na ring pumatak aking mga luha. "Bakit hindi ikaw mismo ang umalam? Meron siyang papeles na nakatago sa kanyang lamesa na nag sasabi na tungkol sa pagpatay niya sa'yong ama." pagkatapos niya sabihin 'yon ay bigla na lang naputol ang linya. Napatulala na lang ako sa'king kama habang umiiyak. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Pero gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi niya. Pinunahan ko ang akin mga luha at pilit na pinakalma ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka huminga ng malalim. Bigla akong napatayo at napatakbo sa may banyo ng maramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura at maduwal ako. Agad akong nag hilamos ng aking mukha at tumingin sa salamin. Lalo pang naguluhan ang aking pag-iisip dahil sa'king pagka-duwal at pag-suka. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD