EPISODE 3
LUCIANNA’S POINT OF VIEW.
“Wow! We’re delighted to know that you are coming back to college, Ate Lucianna. May pagtatanungan na talaga kami ni Artemis sa mga activities namin!” nakangiti na sabi ng pinsan ko na si Athena. Siniko siya ng kanyang kapatid na si Artemis at napasimangot naman si Athena sa ginawa nito.
“Athena, ano ka ba! Nakakahiya kay Ate Lucianna,” saway nito sa kapatid.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Nandito na kami ngayon sa loob ng campus kung saan nag-aaral itong mga pinsan ko at kung saan din nagtuturo si Gabriel. Mag e-enroll na ako ngayon sa kursong civil engineering at handa na rin akong harapin ang bagong kapalaran ng aking buhay ngayon.
“Maraming salamat sa inyo dahil sinamahan niyo ako ngayon na mag enroll, Athena at Artemis,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Sabay silang ngumiti pabalik sa akin.
“You are always welcome to us, Ate Lucianna!” wika ni Artemis.
“You are our favorite ate kaya syempre tutulungan ka namin,” sabi rin ni Athena at kinindatan ako.
Sinamahan na nila akong dalawa para makapunta sa admission office upang makapag enroll na at pati na rin sa process para tuluyan na talaga akong maging estudyante sa unibersidad na ito. Hindi ko maiwasan na kabahan habang pinagmamasdan ang ibang mga estudyante na nakasabayan ko ngayon sa pag eenroll. Ako lang ata ang pinakamatanda rito ngayon at para na rin nila akong guro—pero hindi… estudyante rin ako—estudyante na naghahabol sa kanyang dating asawa na professor na ngayon sa unibersidad na ito.
“Oh my Gosh! It’s Kuya Gabriel!”
Atomatiko akong napatingin sa itinuro ngayon ni Athena at nakita ko si Gabriel ngayon na naglalakad papunta sa Student’s Accounting Office at lahat ng mga estudyante na nakasalubong niya ay binabati siya. Habang pinagmamasdan ko ngayon si Gabriel ay hindi ko maiwasan na malungkot dahil ibang-iba na siya sa dati kong asawa—hindi na siya ang Gabriel na kilala ko.
Habang pinagmamasdan ko ngayon si Gabriel ay hindi ko maiwasan na manibago sa bagong siya… ibang iba na talaga siya. Hindi na siya ang palangiti na Gabriel na kilala ko at parang kapag may ginawa kong hindi niya ikakatuwa ay pagalitan ka na lang niya bigla. Para siyang strict professor na handa kang ibagsak at hindi marunong mag bigay ng second chance.
“Grabe, kahit nasa malayo si Kuya Gabriel ay ramdam na ramdam ko pa rin ang awra niya,” rinig ko na sabi ni Artemis na ikinapagtaka ko.
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.
“What do you mean, Artemis?” tanong ko.
Napalunok siya sa kanyang laway at nagkatinginan silang dalawa ng kanyang kapatid na si Athena. Si Athena ang sumagot sa aking tanong kaya nakinig ako.
“He’s not the Gabriel Nathan Generoso that you have known, Ate Lucianna. Kuya Gabriel changed a lot when he lost his memories. Isa siya sa kinatatakutan sa engineering department dahil wala siyang awa sa mga estudyante niya. Gwapo nga si Kuya Gabriel, pero pangit naman ang ugali niya. Buti nga hindi kami binagsak ni Artemis noong naging professor namin siya sa isang general subject,” pagkukwento ni Athena sa akin.
Napaisip ako sa sinabi ni Athena at muli akong napatingin kay Gabriel kung nasaan ko siyang huli na nakita. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita ngayon, may isang estudyante ang nagmamakaawa sa kanyang harapan ngayon at umiiyak ito. Marami ng nakatingin sa kanila at ang ekspresyon sa mukha ni Gabriel ngayon ay diretso lang—walang pakialam sa estudyante na nagmamakaawa sa kanya ngayon.
“S-Sir, maawa po kayo sa akin. Hindi po ako pwedeng bumagsak ngayon na semester. Hindi po ako pwedeng mag retake ng subject, Sir! Baka mawalan po ako ng scholarship, Sir. Iyon lang po ang dahilan kung bakit ako nakapag-aral ngayon sa kolehiyo. Sir, maawa po kayo sa akin… gagawin ko po lahat ang gusto niyo!” umiiyak na pagmamakaawa ng babaeng estudyante sa harapan ni Gabriel ngayon.
Hindi ako makagalaw at hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon.
Akmang hahawakan ng estudyante ang kamay ni Gabriel ng umatras palayo si Gabriel at tinaasan niya ng kilay ang estudyante.
“Miss Verano, right? You have low scores in your exams. You didn’t even participate in my class and you have many absences. Hindi ako nagbabagsak ng estudyante ng basta-basta, Miss Verano. You? You didn’t even make efforts in my class at ngayon ay nagmamakaawa ka na hilain ko ang grades mo pataas para hindi ka malaglag sa scholarship? It’s not my problem anymore, kid. Retake my subject, that’s the only solution.”
Umalis na si Gabriel at iniwan niya ang estudyante na nagmamakaawa sa kanya na luhaan at nanghihina.
“Told you, Ate Lucianna! He changed!” sabi ni Athena at sumasang-ayon din si Artemis.
“Yeah. I miss old Kuya Gabriel. Masyado na siyang harsh ngayon,” sabi ni Artemis habang nakasimangot.
Napakurap ako sa aking mga mata at bumuntong-hininga. Ngayon ko lang ulit nakita si Gabriel matapos kong pirmahan ang papeles na nagpawalang bisa sa kasal naming dalawa.
Hindi na ulit kami nagkita dahil pinagbawalan na ako ni Tita Gabriella—Gabriel’s mom, hindi na nila ako pinayagan na makita si Gabriel dahil kapag nakikita ako nito ay sumasakit ang kanyang ulo at nahihimatay siya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako kapag magkaharap na kaming dalawa.
Sasakit pa rin kaya ang ulo niya? Mahihimatay pa rin kaya siya kapag nakita niya ako?
It’s been five years and I don’t know what would have happened in his life without me.
Tumayo ako at nakita ko na napatingin sa akin ang aking dalawa na pinsan. Humarap ako sa kanila at ngumiti.
“Mag C-Cr lang muna ako. Hintayin niyo muna ako rito,” sabi ko sa kanila at umalis na.
Nang makalayo na ako ay ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nga pala alam kung nasaan ang restroom dito za university nila. Napakamot ako sa aking ulo at hinanap ang restroom upang makaihi na.
Habang naglalakad ako rito sa may hallway, unti-unti akong napatigil sa aking paglalakad ng makita ko si Gabriel na papalapit sa aking pwesto. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Hindi ko mapigilan na kabahan sa naging reaksyon niya. Kilala niya ba ako? Sumasakit ba ang kanyang ulo.
Tumigil siya sa paglalakad ng nasa harapan ko na siya. Ang lakas ng kabog ng aking puso ngayon at hindi ko rin alam ang aking gagawin o sasabihin.
“Who are you?”
Napaawang ang aking bibig ng itanong iyon ni Gabriel sa akin.
Hindi niya nga ako kilala—hindi niya pa rin ako naaalala.
“A-Ah, ako si—”
“You’re not one of the professors or instructors in this university, right? You are a student. Ipinagbabawal sa isang estudyante ang gumala sa parteng ito sa campus, hindi mo alam ‘yun? This place is not for you. If you’re still new in this university, this serves as your warning. Umalis ka na bago pa kita ikaladkad paalis dito.”
Natulala ako sa sinabi ni Gabriel sa akin at hindi ko maiwasan na masaktan. Hindi niya kayang magsalita ng ganun sa akin—ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako.
“Ano pang hinihintay mo? Get out, Miss!”
Bahagya akong napatalon sa gulat at nagmamadali akong umalis.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha at agad ko naman itong pinunasan.
He’s not my Gabriel anymore.
TO BE CONTINUED...