CHASING MY PROFESSOR
EPISODE 4
LUCIANNA’S POINT OF VIEW.
Ang sama na ng ugali niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ‘yun, pero ibang-iba na talaga siya sa Gabriel na nakilala ko.
“Ate, okay ka lang?”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin sa akin kapatid na si Alaric ng magsalita ito. Nag space-out pala ako bigla at may sinasabi ngayon si Ric pero hindi ko siya napakinggan.
Huminga ako ng malalim at humarap ako kay Ric at nginitian siya.
“H-Huh? Okay naman ako, Ric. Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo?” bahagya akong napakamot sa aking ulo.
Hindi ko maiwasan na kabahan bigla sa uri ng pagtingin sa akin ng kapatid ko ngayon. Para niyang binabasa ang buo kong kaluluwa. Sa aming tatlo ni Kuya Matthias at Alaric, si Ric ang pinaka mysterious guy at wala kaming kaalam-alam sa mga pinanggagawa niya maliban lang sa kanyang trabaho sa kumpanya.
“Tinatanong lang kita kung okay lang ba ang pagbabalik mo sa kolehiyo?” seryosong sabi ni Ric.
Alam ng buo kong pamilya ang ginagawa ko… kung bakit gusto kong bumalik sa kolehiyo. Simula pa noon ay wala na akong ibang minahal kundi si Gabriel lang. Siya lang ang lalaking pinag-alayan ko ng buong ako. At ngayon ay nagbabakasakali ako na magkabalikan kaming dalawa—na may pagkakataon pa kaming magkabalikan kahit na hindi na niya ako maalala.
“O-Okay lang naman, Ric. Next week pa ang klase namin,” sagot ko sa kanyang tanong.
Napatango naman siya. “Si Kuya Gabriel, nagkita na ba ulit kayo?”
Bahagya akong natulala sa muling tanong sa akin ng aking kapatid. Naalala ko tuloy nung nakasalubong kami ni Gabriel sa may hallway at pinagalitan niya ako—sinigawan niya ako! Hindi lang iyon, hindi siya naawal sa isa niyang estudyante na nagmamakaawa sa kanya na ‘wag siyang ibagsak. Wala siyang konsiderasyon at wala siyang konting awa man lang na nararamdaman pa sa kanyang estudyante na umiiyak para lang ‘wag mawalan n scholarship.
“Uhm… oo nagkita na kaming dalawa,” mahina kong sabi.
Nakita ko ang bahagyang pagkunot sa noo ni Ric.
“Then? Nagpakilala ka ba? Nakilala ka ba niya?” sunod-sunod niyang tanong.
Sa dalawa ko na kapatid na lalaki, si Ric ang sobrang close noon kay Gabriel. Kaya noong na aksidente si Gabriel at nalaman namin na nawalan ito ng ala-ala, nasaktan din ang aking kapatid dahil nawalan din siya ng kapatid dahil kapatid na ang turing niya sa dati kong asawa.
Malungkot akong ngumiti sa aking kapatid at bumuntong-hininga bago magsalita ulit.
“Ric, alam mo naman na hindi na talaga babalik ang ala-ala ni Gabriel, diba? Hindi, Ric, hindi niya ako naalala,” mahina kong sabi.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon. Lumapit siya sa akin at umupo siya sa aking tabi. Nagkatinginan kaming dalawa at sumandal ako sa kanyang balikat at muli akong napa buntong-hininga.
“Ngayon ay muli na naman akong nagbabakasakali na baka may second chance sa relasyon naming dalawa… kahit hindi na niya ako naaalala.”
NGAYON na ang simula ng klase ko. Kumpleto na ang aking mga gamit sa bag na dadalhin ko sa campus. Kinakabahan ako ngayon at halo-halo ang emosyon ang aking nararamdaman. Paano kung pagalitan na naman ako ni Gabriel? Kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi pa rin ako sanay na pagtaasan niya ako ng boses at magalit siya ng ganun sa akin.
Siguro ay kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko dahil hindi na siya ang dating Gabriel na kilala ko… hindi na siya ang Gabriel Nathan Generoso na pinakasalan ko noon at mahal na mahal ko.
Siya na ang kilala ng lahat na strict professor Gabriel Nathan Generoso.
“Lucianna, mag ingat ka doon sa paaralan niyo, ah? Umuwi ka kaagad! Sumama ka sa mga pinsan mo,” sabi ni Mommy habang naglalakad kami ngayon palabas sa bahay.
Para tuloy akong teenager na pinagsasabihan ng kanyang ina. Humarap ako kay Mommy at nakita ko siyang mangiyak-ngiyak ngayon habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatawa at nilapitan ko kaagad si Mom at niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi.
“Hey, why are you crying? Hindi ka naman ganyan sa akin dati noong first day ko sa college, ah?” natatawa kong tanong habang nakatingin kay Mommy.
Humikbi siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
“Ewan ko ba… pero iba kasi ngayon eh. Basta! Mag-ingat ka, ah? Susuportahan kita dyan sa plano mo na mapalapit ulit kay Gabriel, pero ayokong maging desperada ka na, Lucianna. Alam mo kung ano ang tama at ang mali. Kung hindi na talaga pwede, ‘wag nang pilitin, okay?”
Tumango ako at sumang-ayon sa sinabi ni Mommy at muli ko siyang niyakap.
“Tita Isabelle! Hello po! Hello rin, Ate Lucianna!”
Nakita naming papalapit ang mga pinsan ko na si Athena at si Artemis. Sinundo nila ako rito sa bahay dahil isasabay nila ako papunta sa university.
“Artemis! Athena! Nandito na pala kayo. Ang ganda talaga nitong mga pamangkin ko,” nakangiting sabi ni Mommy at niyakap niya ang dalawa.
Nginitian ko rin ang aking mga pinsan at binati ko rin sila.
“Thank you, Tita! Alam mo namang nagmana kami sayo,” nakangiting sabi ni Athena at kinindatan niya si Mommy.
“Totoo ‘yan, Tita Isabelle!” pagsang-ayon naman ni Artemis.
Humagikhik si Mommy at napahawak siya sa magkabila niyang pisngi.
“Ano ba! Pag ‘yan narinig ng mommy niyo, magtatampo ‘yun sa inyo!” sabi ni Mommy.
“Wala naman dito si Mommy, Tita Isabelle, kaya safe tayo!” nakangiti na sabi ni Athena.
Natatawa na lang din ako sa kakulitan ng aking mga pinsan. Nagawa pa talaga nilang bolahin si Mommy at tuwang-tuwa naman si Mom. Pero totoo rin naman ang sinabi ng aking mga pinsan, ang ganda pa rin ni Mommy. Para nga lang kaming magkapatid kung magkatabi kaming dalawa. She still looks young at her age. Para siyang si Alice Dixson.
“Bye, Mom!” nagpaalam na ako kay Mom at umalis na kami ng aking mga pinsan papunta sa university.
Habang nasa loob kami ng sasakyan ngayon ay hindi ko mapigilan na kabahan at ang lakas din ng t***k ng aking puso.
“Ate Lucianna, pinagpapawisan ka,” sabi ni Athena at hinawakan niya ang aking noo.
Kinuha ko naman ang aking panyo at pinunasan ang pawis ko sa noo at huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa aking mga pinsan at nakita ko na seryosong nakatingin sa akin ngayon si Athena at si Artemis.
“O-Okay lang ako!” sabi ko sa kanila at ngumiti.
Umiling-iling si Artemis habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
“Kinakabahan ka dahil magkikita na naman kayo ni Kuya Gabriel. At magiging professor mo siya sa isang subject!” sabi ni Artemis.
Napasandal ako sa aking kinauupuan at napa buntong-hininga ako.
“Obvious naman, Artemis, diba? Ikaw kaya makita mo ulit ex-husband mo tapos magiging professor mo pa!” sabi naman ni Athena.
“Ang nakakasad lang ay hindi na siya maalala ni Kuya Gabriel,” narinig ko na sabi ni Artemis na ikinatigil ko.
“Artemis! ‘Yang bibig mo… ang sarap lagyan ng scotch tape. Kailangan pa talagang sabihin ‘yun?” saway ni Athena.
“S-Sorry… sorry, Ate Lucianna,” mahinang sabi ni Artemis.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin sa kanila ulit at ngumiti.
“Okay lang sa akin. Hindi naman ako galit,” sabi ko sa kanila at tinignan ko si Artemis at muli ko siyang nginitian.
Hindi pala sumabay sa amin si Apollo dahil may sarili na itong sasakyan at mamaya pang hapon ang kanyang klase kaya nauna ngayon si Artemis at si Athena dahil pareho silang morning session. Makalipas ang isang oras ay nakarating na rin kami sa aming university. Ang dami na kaagad na mga estudyante sa paligid dahil unang araw ito ngayon sa klase.
“Nasa sayo na ba ang schedule mo, Ate Lucianna? Alam mo na ba kung saan ang mga room ninyo sa mga subjects?” tanong sa akin ni Athena.
Tumango naman ako at kinuha sa aking bag ang aking form 1 at pinakita sa aking mga pinsan.
“Kaya mo na ba ang sarili mo na pumunta sa room mo, Ate Lucianna? Gusto mo ba na samahan ka muna namin ni Athena papunta sa first class mo?” seryosong tanong ni Artemis.
Mabilis naman akong napailing at ngumiti.
“Nako! ‘Wag na… kaya ko na ang sarili ko, Artemis, Athena. Pumunta na kayo sa mga klase niyo, kaya ko na ang aking sarili,” sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan si Artemis at si Athena bago tumango at magpaalam na sa akin. Nang makaalis na ang aking dalawang pinsan, bumuntong-hininga ako bago ko tinignan ulit ang aking form 1 kung saan nakalagay ang aking mga scheds at ang room number ng bawat subjects ko ngayon.
Ang unang subject ko ay ang CEE 101 o ang Physics 1 for Engineers. Napatingin ako sa aking relo at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko na malapit ng mag 8 AM. Oh my Gosh! Mala-late na ako! Hindi ko pa alam kung saan na room itong una kong subject—room 250 pala! Saan ‘yun? F-ck! Sana ay nagpasama na lang ako sa mga pinsan ko, pero nakakahiya naman… sila pa ang ma late sa pagsama sa akin.
Kailangan ko ng hanapin ang room ko ngayon!
Dahil wala akong kaalam-alam kung saan itong room ko, nagtatanong na lang ako sa mga estudyante na nakasalubong ko. Ang laki naman kasi nitong university at hindi naman pwede na isa-isahin ko na puntahan ang mga buildings.
Nang alam ko na kung saan ang building ng engineering department at pati na rin ang room ko, patakbo na akong pumunta dito at pumasok sa loob. Muli akong napatingin sa aking relo at nakita ko na 15 minutes na akong late.
Oh my God! Sana naman ay wala pa kaming professor ngayon. First day pa naman sa school kaya sigurado ako na wala pang pumasok na professor sa amin.
Nang makarating na ako sa room namin which is ang room 250, tumigil na muna ako sa harapan ng pintuan at huminga ng malalim dahil hinihingal ako sa aking pagtakbo. Pinunasan ko muna ang aking mga pawis sa mukha at inayos ang aking sarili bago ako pumasok sa loob.
Nabuksan ko palang ang pinto at hindi pa ako nakakapasok sa loob ay nanlaki na ang mga mata ko sa gulat ng makita ko kung sino ang nasa may harapan.
Natigil siya sa kanyang pagsasalita at napatingin sa akin. Napatingin din ang mga kaklase ko na nasa loob ng room sa akin.
Para akong tinakasan ng aking kaluluwa ngayon at namumutla ako.
“Are you one of my students in this class?” malamig niyang tanong habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at naglakas loob na sagutin ang kanyang tanong sa akin.
“Y-Yes, Sir,” nauutal kong sabi.
Para akong matutunaw ngayon sa aking kinatatayuan sa uri ng pagtitig niya sa akin.
Nakita ko siyang nagsimulang humakbang palapit sa akin kaya mas lalo akong kinabahan at rinig na rinig ko na ang malakas na kabog ng aking puso ngayon sa kaba.
“What’s your name, Miss?” tanong niya.
Shit! Bakit naiiyak ako? Nakakatakot siya….
“L-Lucianna Lei Coleman, Sir,” mahina kong sabi.
Tumigil siya sa paghakbang ng nasa aking harapan ko na siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at sunod-sunod na tumango.
“Lucianna Lei Coleman…” pag-uulit niya sa aking pangalan habang nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon ng muli kong marinig ang boses ni Gabriel na binabanggit ang aking pangalan. Napakagat ako sa aking labi at umiwas ako ng tingin sa kanya.
“You’re late, Miss Coleman. Are you aware of the time of my class in your form 1?” malamig na tanong ni Gabriel sa akin.
Huminga ako ng malalim at unti-unting tumango habang hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
“S-Sorry po, Sir—”
“I don’t want latecomers in my class, Miss Coleman!”
Bahagya akong napatalon sa gulat at nanlaki rin ang aking mga mata ng biglang sumigaw si Gabriel. Matalim na siyang nakatingin sa akin ngayon at nakahawak siya sa kanyang bewang.
“First day na first day sa class ay late ka? Wala akong pakialam kung isa kang Coleman, Miss latecomer. Do that again and I will fail you in my class! Pumasok ka na dito sa loob!”
Napayuko ako at nagmadaling pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng upuan. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha at agad ko naman itong pinunasan.
Ang sakit… ang sakit masigawan ni Gabriel.
First day na first day ay ito ang bubungad sa akin. Paano kaya ako mapapalapit sa kanya kung unang araw ng klase ay napagalitan na niya ako? Pangalawang beses na ito… kailangan kong galingan ang performance ko rito sa kanyang subject upang hindi na niya ako mapagalitan.
TO BE CONTINUED...