CHASE: 2

1378 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 2 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Lucianna, what did you say? Babalik ka sa kolehiyo? Why? Hindi mo ba gusto ang trabaho mo ngayon? Bakit kailangan ka pang bumalik sa pag-aaral mo?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Mom ng sabihin ko sa kanya ang desisyon ko na babalik ako sa aking pag-aaral. Nandito kami ngayon sa hapagkainan at tapos na rin kami kumain kaya sinabi ko na sa aking pamilya ang desisyon ko sa buhay. Kompleto kami ngayon dito—nandito si Kuya Matthias at pati na rin ang bunso namin na si Alaric. Tinignan ko ang reaksyon sa aking mga kapatid at nakita kong nakakunot ang noo ni Kuya Matthias habang nakatingin sa akin habang si Alaric naman ay parang walang pakialam sa aking sinabi dahil tuloy-tuloy ang kanyang pag kain ngayon. Napatingin ako kay Daddy at nakita ko siyang nakatingin sa akin ng seryoso pero tahimik lang siya. “Lucianna! Are you okay, anak? Anong problema? Pwede mong sabihin sa amin ng Daddy mo ang problema, anak,” alalang sabi ni Mom at hinawakan niya ang aking kamay. Bumuntong-hininga ako at nag salita. “Mom, wala po akong problema, okay? Gusto ko lang po talaga mag-aral ulit. I want to explore more—explore in different courses. I want to enroll in civil engineering,” sabi ko at ngumiti sa kanila. “Civil engineering? Are you serious in your decision in life, Lucianna?” tanong ni Kuya Matthias at nag-angat na siya ng tingin sa akin. Alam ko na kanina pa siya gustong magsalita pero pinipigilan niya lang ito. Ang bunso ko rin na kapatid na si Alaric ay napatigil na rin sa kanyang pagkain at tumingin siya sa akin, pati siya ay gusto rin malaman kung ano ang desisyon ko sa buhay. “I-I want to be an engineer—just like Dad, and you and Alaric! Ngayon ko lang napagtanto na gusto ko rin pala na maging engineer,” sabi ko at ngumiti sa kanila upang maniwala sila sa aking sinabi. Tumingin ako kay Mommy at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Si Dad naman ay seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha habang nakatingin sa akin. “Gusto mo lang na makita at makasama ulit ang dati mong asawa.” Mabilis akong napatingin kay Alaric ng sabihin niya iyon sa akin. “Alaric Archer! ‘Wag kang magsalita ng ganyan,” saway ni Mommy. Natulala ako at hindi nakasagot. “It’s true, Mommy. Bakit kailangan niya pa na magsinungaling sa atin? It’s obvious that Ate Lucianna is still in love with Gabriel Generoso.” Matalim kong tinignan si Alaric at siya naman ay ngumiti lang sa akin at muling ipinagpatuloy ang kanyang pagkain na para bang wala siyang sinabi ngayon sa akin. “Lucianna, it’s been five years, anak. Si Gabriel pa rin ba ang mahal mo? Hindi ka na niya naaalala…” Napatayo ako at huminga ng malalim bago ko tingnan ang aking pamilya. Nakatingin na sila sa akin at alam ko na nag-aalala na rin sila sa akin ngayon “H-Hindi niyo alam ang nararamdaman ko ngayon. Sabihin na lang natin na matagal na panahon na ang lumipas, pero hindi pa rin siya nawawala sa puso ko—hindi madali ang makalimot. Kaya wala kayong karapatan na husgahan ang desisyon ko.” Tumalikod na ako at umalis na sa dining area. “Lucianna!” Narinig ko pa ang boses ni Mom na tinawag ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Umakyat ako sa may hagdan at dumiretso na ako sa aking kwarto. Agad kong ni locked ang pinto at pumunta sa aking kama at humiga. Kinuha ko ang aking unan at niyakap ko ito. Kasabay ng pagpikit sa aking mga mata ay ang pagtulo ng aking luha. Oo, matagal na nga na panahon ang nakalipas pero si Gabriel pa rin ang mahal ko—siya lang ang lalaking minamahal ko. “Lucianna, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko.” Napangiti ako sa kanyang sinabi at hinawakan ang kanyang kamay. “Talaga, Gabriel? Mahal na mahal kita… kahit mawalan ka pa ng alaala.” Iminulat ko ang aking mga mata at napatulala. Narinig ko na may kumatok sa pintuan ng aking kwarto kaya napatingin ako dito. “Lucianna, pwede ba akong pumasok?” Narinig ko na si Dad ang nagsalita sa labas at ang kumatok. Umupo ako dito sa aking kama at napasandal sa headboard at pinunasan ko rin ang aking luha. “You can come in, Dad,” sabi ko. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ang pinto at nakita ko na pumasok si Dad sa aking kwarto. Ngumiti siya sa akin at pagkatapos niyang isirado ang pinto ay naglakad na siya palapit sa akin at umupo siya sa gilid ng aking kama. Hinawakan ni Dad ang aking kamay at bahagya niya itong hinaplos bago siya muling tumingin sa akin. “Pagpasensyahan mo na ang Mom at mga kapatid mo, Lucianna,” wika ni Dad. Ngumiti ako kay Dad at lumapit sa kanya upang yumakap kay Daddy. Mas close ako kay Dad dahil mas naintindihan niya ako kaysa kay Mom—pero pareho ko silang mahal, mas close nga lang kami ni Dad. Naramdaman ko ang pagyakap pabalik sa akin ni Dad at hinagod niya rin ang aking likuran. Napapikit ako sa aking mga mata at hinayaan ko muna na ipalabas ang aking nararamdaman ngayon sa pamamagitan ng pag-iyak at pinagbigyan din ako ni Dad kasi hindi siya muling nagsalita. “Dad, mahal ko pa rin siya.” Kumalas ako sa yakapan ngayon namin ni Dad at pinunasan ko ang aking luha at humarap sa kanya. Nakatingin lang sa akin ngayon si Dad at tumango siya. “I know you have a hard time because of your separation from your ex-husband, Lucianna. Hindi rin madali ito kay Gabriel dahil hindi ka na niya maalala at alam ko na mahal ka rin niya. Pero ilang taon na ang nakalipas, anak… hindi pa rin bumabalik ang alaala niya. May bago ng buhay ngayon si Gabriel bilang isang professor sa isang unibersidad.” Tumango ako sa sinabi ni Dad at muling nagsalita. “I know that, Daddy. Pero hindi naman masama ang umasa, diba? Nakakalimot ang isipan, pero ang puso? Hindi nakakalimot ang puso, Daddy. Nakalimutan man ako ni Gabriel, mahal niya pa rin ako,” sabi ko kay Dad. Bahagya siyang ngumiti at bahagya niyang ginulo ang aking buhok at hinaplos niya ito. “Are you sure to go back to college, Lucianna? Alam ko na ayaw mo sa engineering, kaya naiba ka sa mga kapatid mo noon,” tanong ni Dad sa akin. Bumuntong-hininga ako at tumango. “I have no choice, Dad. Gabriel is in the engineering department. Kailangan ko po na mas mapalapit sa kanya kaya kahit ayoko sa kurso na ito, ito ang aking kukunin. I still have hope, Dad, that we will be together again. Kung hindi na niya talaga ako maaalala… gagawa kami ng bagong memorya—na magkasama kaming dalawa,” sabi ko kay Dad at muli akong naiyak. Lumapit sa akin si Dad at isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. “You’re just like me, Lucianna. My love for your mother is also unconditional. Even though she has left me many times, I still love her and have always waited for her.” Nag-angat ako ng tingin kay Dad at tinignan siya ng seryoso. “Hindi ka ba nakaramdam ng pagod, Dad? Have you ever crossed your mind to give up? Mom left you many times,” I asked him. Tumingin sa akin si Dad at ngumiti bago sinagot ang aking tanong. “I never get tired of loving your mom, Lucianna. Now, if you see an opportunity to be with Gabriel again, I will support you. But if it’s too much, know how to stop.” Ngumiti ako sa sinabi ni Dad at muli ko siyang niyakap. “Thank you, Daddy. You’re the best.” “I’m rooting for your happiness, My princess.” Napapikit ako sa aking mga mata at tumango bago muling niyakap si Daddy. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD