EPISODE 1
5 YEARS LATER
“It’s been five years, Ate Lucianna. Hindi ka pa rin ba maka move on sa ex-husband mo?”
Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa pinsan ko na si Artemis habang umiinom sa kanyang milk tea. Nilibre ko kasi si Artemis dahil nakita ko siyang pagala-gala sa kompanya habang hinahanap si Ambrose at kanina pa umalis si Ambrose kaya sinabay ko na lang ang pinsan ko para kumain.
“I’m already moved on, Artemis,” seryoso kong sabi sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay at hindi ko mapigilan na kabahan habang nakatingin sa kanya. Kamukhang-kamukha niya kasi si Tito Damon at nakakatakot ito kapag seryoso ang mukha.
“Weh? Talaga? Bakit iyong wedding picture niyo pa rin ang homescreen mo dyan sa phone mo? Ginawa mo pang kwintas ang wedding ring ninyo noo,” sabi ni Artemis at inginuso niya ang suot kong kwintas.
Mabilis kong pinatay ang phone ko at nahawak din ako sa aking kwintas na may singsing. Napakagat ako sa aking labi at hindi na ako naka ilag pa kay Artemis dahil tama naman ang kanyang sinabi.
Malungkot akong ngumiti sa aking pinsan. It’s been five years pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang dati kong asawa—ang lalaking pinakamamahal ko.
“You know what, Ate Cianna, Kuya Gabriel is one of our professors.”
Bahagya akong nagulat sa sinabi ng aking pinsan.
“H-Huh? Really?” hindi maitago sa aking boses ang pananabik. Wala na kasi akong balita ky Gabriel dahil umiiwas na rin ako sa mga Generoso, lalo na kay Gabriel.
Five years ago, na-aksidente si Gabriel at nang dahil dito… nawala ang kanyang alaala at nasama na ako sa alaala niya doon na nawala. Masakit—sobrang sakit. Kasama ko si Gabriel simula mga bata pa kami at nangako kami sa isa’t isa na hanggang pagtanda ay kami ang magkasamang dalawa, pero ang tadhana talaga ang hindi umaayon sa aming kagustuhan. Ayoko man na iwan siya, pero kailangan ko itong gawin para bumalik siya sa dati… para makapag simula siya sa kanyang buhay na wala ako.
“A-Ate Lucianna, umiiyak kayo.”
Muli akong napatingin kay Artemis at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang aking pisngi at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko ngayon, umiiyak na pala ako habang naaalala ko si Gabriel.
I missed him so much, and I still love him.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko bago ngumiti kay Artemis para ipakita sa kanya na maayos lang ang aking kalagayan.
“I-I’m okay, Artemis. Hindi lang talaga maiwasan na maisip ko si Gabriel at ang nangyari sa amin sa nakaraan,” wika ko.
Tumango si Artemis habang malungkot pa rin na nakatingin sa akin.
“He completely forgot everything, Ate Lucianna. He didn’t know me, even though I told him about his past.”
“M-May sinabi ka ba tungkol sa akin?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
Umiling siya habang seryoso na nakatingin sa akin.
“I know you didn’t want me to tell him about you, Ate Lucianna. Kapag sinabi ko naman sa kanya ang tungkol sayo ay hindi ka naman maaalala ni Kuya Gabriel eh.”
Ouch.
Tagos hanggang puso ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
“T-Tama nga ang sinabi mo… tama lang ang ginawa mo na hindi sabihin sa kanya ang totoo,” sabi ko ko at bahagyang ngumiti sa aking pinsan.
Bakit pa ba ako aasa? Matagal nang kinalimutan ni Gabriel ang nakaraan niya at kasama na ako doon. Wala na akong babalikan kaya bakit pa ako aasa? Sasaktan ko lang nang paulit-ulit ang aking sarili.
“Kanina ka pa dyan tulala, Lucianna. Hmm, anong iniisip mo?” tanong ni Chantal sa akin.
Nandito ako sa kanilang bahay ngayon upang dalawin ang pinsan ko na kakauwi lang galing Paris. Kahit nasa kwarto niya ngayon si Chantal ay nag-eensayo pa rin siya para sa ballet show na gagawin niya sa susunod na buwan.
“Wala, Chantal. Naisip ko lang na bumalik kaya ako sa pag-aaral sa kolehiyo?”
Napatigil siya sa kanyang pagsasayaw at humarap sa akin habang nakakunot ang noo. Hinay-hinay siyang lumapit sa akin at tinignan ako ng seryoso.
“Mag-aral ulit sa kolehiyo? What the f*ck, Lucianna? Iyan pa talaga ang naisip mo na balikan? Gusto mo sumakit ulit ang ulo mo? Nahiya ka pa, bumalik ka na lang kaya sa elementary?”
Napakamot ako sa aking buhok habang nakatingin sa pinsin ko.
“Hindi kasi sa ganun….”
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang gusto kong sabihin? Nahihirapan kasi ako na ma-explain kay Chantal ang side ko.
“Hala! Wait lang—sandali! OMG!” nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip din siya sa kanyang bibig habang nakatingin pa rin sa akin.
Mukhang na-gets na niya kung bakit gusto kong bumalik sa kolehiyo.
“Diba professor na ngayon sa isang university ang ex-husband mo? Kaya mo ba gustong bumalik sa pag-aaral sa kolehiyo dahil gusto mong mapalapit ulit kay Gabriel? Oh my Gosh! Kailangan na talagang umuwi ni Alessandra, ang dami na niyang namimiss na mga kaganapan sa buhay mo, Lucianna!” sabi ni Chantal at tumili siya.
Nginitian ko na lang si Chantal dahil hindi ko pa rin alam ang aking sasabihin, pero tama siya sa kanyang sinabi kanina—kaya ko gustong bumalik sa kolehiyo dahil gusto kong mapalapit ulit kay Gabriel. Wala nang pag-asa na bumalik ang dati niyang alaala dahil ito ang sinabi ng doctor sa amin ng na-aksidente siya.
Kaya ngayon, susubukan ko na lumapit ulit kay Gabriel at pumasok sa kanyang buhay. Tama na rin naman siguro ang limang taon na napalayo ako sa kanya diba? Kahit limang taon na ang nakalipas ay mahal ko pa rin siya… hindi ko siya kayang ipagpalit.
“So, babalik ka talaga sa kolehiyo? Ano ang kukunin mong course kung sakali? Hindi mo naman magiging kaklase iyong mga pinsan mo dahil ga-graduate na ‘yun sila Artemis eh,” tanong ni Chantal sa akin.
Bago ko sinabi kay Chantal ang gusto kong gawin na makabalik sa kolehiyo, inalam ko muna kung saan siya na department nagtuturo at nalaman ko na galing pala siya sa engineering department. Naging professor lang siya ni Artemis dahil nagturo ito ng statistics sa kanila.
“I choose civil engineering as my course, Chantal,” sagot ko sa kanyang tanong.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“H-Huh? Engineering? I thought you didn’t like that course, kaya nga interior designing ang pinili mo noon diba?”
Ngumiti ako sa aking pinsan.
“Sa engineering department nagtuturo si Gabriel, Chantal. Mas malaki ang possibility na kapag engineering ang kinuha ko course ay magiging professor ko siya. Kailangan kong makalapit sa kanya kaya gagawin ko ito ngayon,” seryoso kong sabi sa aking pinsan.
Bumuntong-hininga siya at tumango habang nakatingin sa akin.
“Operation—Chasing My Professor by Lucianna Lei Montenegro Coleman!” sabi ni Chantal at pumalakpak siya.
Bahagya akong umiling habang nakangiti na nakatingin sa aking pinsan. Sana nga ay hindi pumalpak ang aking gagawin, baka kapag makita na naman ako ni Gabriel ay sasakit na naman ang kanyang ulo, wag naman sana.
TO BE CONTINUED...