CHASE: FLASHBACK

1178 Words
CHASING MY PROFESSOR FLASHBACK LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Crush ka nga kasi ni Gabriel, Lucianna!” Pinanlakihan ko ng aking mga mata ang aking pinsan na si Aiden dahil masyadong malakas ang boses niya ng sabihin niya iyon sa akin. Nakatingin na kasi ang ibang mga estudyante sa amin at nakakahiya. “Aiden, ano ba! Ang lakas ng boses mo,” saway ko sa kanya. Ngumisi siya at muling nagsalita. “Bakit? Totoo naman kasi! May crush sayo ang Generoso na iyon, Lucianna,” muli niyang sabi. Napakagat naman ako sa aking labi at umiwas ng tingin sa kanya ng maramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi ngayon. Si Gabriel Nathan Generoso? May crush sa akin? Parang… parang ang imposible naman nun. Kaklase ko si Gabriel at siya ang pinaka tahimik at misteryoso sa aming magkaklase. Galing siya sa ibang bansa at nagtransfer lang siya rito ng gumaling ang kanyang mommy sa sakit na cancer. Doon ata siya nag elementarya hanggang junior high school. Ngayon ay lumipat na siya dito sa Pilipinas at lahat ng mga babae dito sa campus namin at sa mga kaklase namin ay may gusto sa kanya. Kahit na tahimik si Gabriel at misteryoso, mabait naman siya at hindi niya ini-isnob ang mga nagkakagusto sa kanya at pinapansin niya itong lahat, pero hindi naman siya playboy. Ina-appreciate niya lang ang mga nagkakagusto sa kanya at sa una pa lang ay sinabi na niya sa mga ito na hindi pa siya handang mag girlfriend at ayaw niya pang mag girlfriend sa high school. Kaya paano ako maniniwala dito sa pinsan ko na si Gideon Aiden na gusto ako ni Gabriel kung ganun naman ang narinig ko na balita galing sa karamihan? Siguro ay pinag pustahan na naman ako nila Aiden, Caden at ni Alessandro eh. Hindi kasi nila mabiro si Alessandra dahil baka masuntok lang sila nun at ang isa ko pa na pinsan na babae na si Chantal naman ay masyadong busy sa kanyang pag ballerina kaya hindi siya nakakasama sa amin palagi na magpipinsan kapag may kamustahan. “Itigil mo nga iyan, Gideon Aiden Coleman! Wala akong panahon na makipagbiruan sayo,” seryoso kong sabi sa kanya. Ngumuso naman siya habang nakatingin sa akin. “Hmm, bahala ka… diba crush mo rin ‘yun?” Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “A-Aiden!” “What? Totoo ‘no? Nako, Lucianna! ‘Wag mo nang itago iyang nararamdaman sa Generoso na iyan. Sige na! Para dalawa na tayo na nagmamahal ng Generoso. Mas mapapatibang ang relasyon ng mga Coleman at Generoso kung ang makakatuluyan natin na mga Coleman ay mga Generoso. Sigurado ako na matutuwa si Grandma Rachel kapag malaman niya ang ginagawa natin,” nakangisi na sabi ni Aiden at kinindatan niya ako. Napailing na lang ako sa sinabi ng aking pinsan at nag walkout na lang para tumigil na siya sa pagsasalita ng kung anu-ano. The Generoso family is one of the closest friends and allies of the Coleman family. Marami ng mga projects ang Generoso at Coleman at isa sa mga Generoso na si Tita Sabrina ay best friend ng Tito ko at Dad ni Aiden na si Tito Trevor. Matagal ko nang kilala si Gabriel pero hindi ko pa siya nakakausap at hindi kami close dalawa kahit na magka edad lang kami. “Lucianna, sabi ni Ma’am ay si Gabriel daw ang partner mo sa project natin sa history class.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng isa kong kaklase ng makapasok ako sa aming room. May meeting kasi ako sa SSG kaya hindi ako nakapasok sa history subject namin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napalunok sa aking laway bago magsalita. “H-Huh? Anong project iyan, Aljen?” tanong ko sa aking kaklase. “Sa partner mo na lang na si Gabriel itanong kung ano ang project natin sa class ni Ma’am, Lucianna. May gagawin pa kasi kami eh. Sorry!” Wala akong magawa kundi ang tumango at nagpasalamat sa aking kaklase. Napatingin naman ako sa upuan ni Gabriel at nakita ko siya doon na nakaupo habang… habang nakatingin sa akin ng seryoso. Hawak niya ang kanyang ballpen habang pinaglalaruan niya ito sa kanyang kamay. Naramdaman ko ang malakas na pag kabog ng aking puso. Bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito dati at… at hindi ko rin siya crush! Ang sabi ng aking pinsan na si Aiden ay si Gabriel ang may crush sa akin kaya dapat si Gabriel ang makaramdam ng hiya at hindi ako. Huminga ako ng malalim at naglakad loob ako na maglakad palapit sa kanya. Nang makalapit na ako kay Gabriel ay huminga na muna ulit ako ng malalim bago magsalita. Nakatingin pa rin siya sa akin at hinintay niya ako magsalita. Bakit ba siya nakatitig sa akin? Nakakailang! Masyadong… masyadong malagkit ang kanyang tingin sa akin. “Gabriel, sabi ni Aljen ay partner daw tayo sa project ni Ma’am Farrah sa history class? Ano ang gagawin natin?” seryoso kong tanong sa kanya. Napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata at itinigil niya ang paglaro ng kanyang ballpen sa kanyang kamay at umupo siya ng maayos sa kanyang chair at nagsalita. “Sa akin ka na ba?” Napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi at bahagyang natigilan. “H-Huh? A-anong ibig mong—” “I mean payag ka na partner tayong dalawa?” muli niyang sabi. Napalunok ako sa aking laway at hinay-hinay na tumango. “S-Si Ma’am naman ang nagpili sa by pair sa project diba?” tanong ko sa kanya. Umiling naman si Gabriel. Kumunot ang aking noo at nagtaka. “Huh? Hindi si Ma’am ang nagpili sa mga by partners sa project? Kung hindi si Ma’am—” “Ako, Lucianna,” pinutol ni Gabriel ang aking pagsasalita at sinabi niya iyon sa akin. Natigilan naman ako at nanlaki ang aking mga mata. Ngumiti siya sa akin at tumayo siya galing sa kanyang pagkakaupo at humarap siya sa akin. “Ako ang pumili. Ikaw ang gusto kong makapartner sa project natin sa history class. Gusto mong malaman kung bakit ikaw ang gusto ko na makapartner?” Sandali lang! Parang ang bilis naman… hindi pa ako handa! Ang lakas na ng t***k ng aking puso ngayon at para na akong aatakihin. “G-Gabriel….” “Lucianna, I like you. From now on, I will court you.” Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway at nagulat ako sa sinabi ni Gabriel. Simula nang sabihin niya iyon sa akin… nagsimula na talaga siya sa panliligaw niya sa akin. Dahil sa project na kami ang magkapartner ay naging mas close kami sa isa’t isa at nakilala ko ang totoong Gabriel Nathan Generoso at kung ano at sino talaga siya. At sa mga araw na lumipas ay may nararamdaman na akong kakaiba para sa kanya. Parang… parang gusto ko na siya. Mahal ko na si Gabriel at dahil mahal ko na siya ay sinagot ko na siya at mag jowa na kaming dalawa. Boyfriend ko na si Gabriel Nathan Generoso. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD