CHASE: 6

1168 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 6 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. NASAAN na ang tapang mo, Lucianna Lei Coleman?! Akala ko ba ay gusto mong makuha ulit ang loob ni Gabriel? Bakit parang nawala na ang lakas ng loob ko? Nakakainis! Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ng malalim. Sa tatlong linggo sa klase namin ni Gabriel ay marami na siyang pinagawa sa amin. Hindi ko naman na pwede na pabayaan ko ang subject ko kay Gabriel dahil baka ipahiya na naman niya ako at worst ay baka ibaksak niya ako sa subject. Muli ko na lang ipinagpatuloy ang aking paggawa sa project na pinapagawa ni Gabriel sa akin. Nahihirapan pa ako dahil ang daming numbers—ang sakit sa ulo! “Ate Lucianna, tulala ka na naman….” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Athena. Nandito ako ngayon sa bahay nila at nagpatulong ako kay Athena sa isa sa mga assignment ko sa subject ni Gabriel. Sa apat ko na subjects na kinuha ay sa kanya ang pinakamaraming gawain. Matagal nang nagsabi sa akin sila Artemis at Athena na strikto talaga si Gabriel sa klase. “W-Wala… may iniisip lang ako,” mahina kong sabi at nginitian ko siya. Huminga ako ng malalim at napahawak ako sa aking kamay at nilaro-laro ko ito. Akala ko ay madali lang akong makakalapit kay Gabriel, pero ang hirap pala. Kahit na ang lapit niya lang sa aking upuan habang nagkaklase siya sa aming classroom ay ang layo niya pa rin sa akin. Ang hirap niyang abutin… sobrang hirap talaga. Muli akong napatingin sa aking pinsan at nagtanong ako sa kanya. “Athena, palagi bang maagang pumapasok sa klase niyo si Gabriel? Like uhm… 30 minutes early?” tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kay Gabriel dahil sobrang aga niya sa klase namin sa umaga. 8 AM pa naman ang klase namin pero 7 AM pa lang ay nasa classroom na siya. Wala ba siyang ibang ginagawa? Like paperworks? Other classes? “Ang aga naman siguro niyang 30 minutes early, Ate Lucianna! Hindi naman ganyan si Kuya Gabriel sa amin noon eh. Bakit po? Ganiyan ba siya sa inyo ngayon?” sabi ni Athena at nagtanong din siya pabalik sa akin. Hinay-hinay naman akong napatango. “Oo eh. Kaya nga nagtataka ako. Simula noong ma late ako at pinahiya niya ako sa buong klase ay maaga na akong pumupunta sa university—kaya nga hindi na ako sumasabay sa inyo ni Artemis eh. One hour early rin ako doon sa first class ko which is ang class ni Gabriel. Pero ang aga niya talaga eh!” sabi ko sa aking pinsan at bahagya akong napanguso at nag-isip. “Nako! Baka gusto kang masilayan ng maaga, Ate Lucianna. Hmm… remember, may kasabihan na nakakalimot man ang isip, ang puso naman ay hindi. Parang ganun ‘yung nakita ko na quote sa internet kagabi, Ate. Napaka Imposible naman kung hindi siya mabighani sayo ‘no! Ang ganda mo kaya,” wika ni Athena. Bahagya akong napayuko at malungkot na napangiti nang maalala ko ang pag amin sa akin ni Gabriel noong high school pa lang kami at ang panliligaw niya sa akin. I miss him. I miss my Gabriel so much. Gusto ko nang sumuko… ang sakit pala talaga. Oo, si Gabriel nga ang Gabriel na professor ko ngayon, pero hindi siya ang Gabriel na pinakasalan ko. Para lang siyang kamukha ni Gabriel pero hindi talaga siya iyon dahil magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Muli akong nag angat ng tingin sa aking pinsan na si Athena at ngumiti sa kanya. “Hindi na ako aasa diyan, Athena. Masasaktan lang ako kapag mag assume pa ako eh. Siguro mag go with the flow na lang ako. Bahala na si batman—bahala na ako nito. Gagawin ko na lang ang lahat ng aking makakaya,” mahina kong sabi at bumuntong-hininga ako. LUNES na, klase na naman. Makikita ko na naman si Gabriel at kinakabahan ako ngayon dahil may project kaming plate sa kanya at individual ito. Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa dahil ako lang ang gumawa nito at hindi ako nagpatulong sa pamilya ko. Pwedeng-pwede naman akong magpatulong sa Daddy Luke ko dahil engineer siya, pati na rin sa aking dalawang kapatid na si Kuya Matthias at si Alaric. Pero busy silang lahat at ayaw ko naman silang istorbohin kaya nagsumikap na lang ako. Ihanda ko na lang talaga itong sarili ko sa galit ni Gabriel sa akin. “Okay, class, pass your plates in front!” Ito na… ito na talaga! Nakakakaba dahil halata na ako lang ang iba sa mga kaklase ko. Nakakahiya! Para akong maiiyak ngayon sa hiya at sa kaba. Pinasa ko na sa harapan ang project ko at nanlalamig ako ngayon sa aking kinauupuan. Nang mapunta na sa may table ni Gabriel ang mga projects namin ay nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya muna ito tinignan. Nagsimula na siya sa kanyang pagdi-discuss at dahil nasa harapan ako ngayon ay kailangan kong makinig sa kanya ng maayos dahil baka tawagin na lang niya ako bigla. Natapos ang pag di-discuss ni Gabriel sa bago naming lesson in 30 minutes. Muli na naman akong nakaramdam ng kaba dahil nagsimula na siyang tumingin sa mga plates namin. Seryoso ang kanyang ekspresyon sa mukha habang nakatitig sa mga gawa namin. May mga minention siyang mga kaklase ko at sinabihan na mali ang ginawa nila, o hindi naman ay may kulang. Jusko naman! Paano na lang kaya sa akin? Siguro ay uusok na ang ilong ni Gabriel sa galit— “Miss Lucianna Lei Coleman….” Sh-t! Ayan na! Ayan na! Napapikit ako sa aking mga mata at napakagat sa aking labi. “Miss Coleman,” muling pagtawag ni Gabriel sa akin kaya napatingin na ako sa kanya. “Y-Yes, Sir?” nauutal kong sabi dahil nakatingin na pala siya sa akin ngayon. Hawak niya ngayon ang aking plates. Nakakahiya! Iniharap niya pa ito sa buong klase ngayon at narinig ko rin ang mga bulongan ng aking mga kaklase. “Are you serious about your plates, Miss Coleman? Ito talaga ang ipapasa mo sa kain ngayon?” malamig at seryosong tanong ni Gabriel habang nakatingin pa rin siya sa akin. Ramdam ko na ang aking pamumutla ngayon at ang lamig na rin ng aking mga kamay. “S-Sir, kasi—” “Enough with your explanations, Miss Coleman. Sumama ka ngayon papunta sa office ko at doon tayo mag-usap,” sabi ni Gabriel at kinuha na niya ang kanyang mga gamit at naglakad na siya palabas sa aming room. Bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig ko siyang isinigaw ang aking pangalan kaya nagmamadali akong kunin ang aking mga gamit at sumunod sa kanya. “Hurry, Miss Coleman!” “Y-Yes, Sir!” Sh-t! Anong gagawin ni Gabriel? Ibabagsak na niya ba ako? Paparusahan? Kagaya ng… kagaya ng sinabi niya sa akin noong mga nakaraang linggo? Kinakabahan na ako. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD