CHASING MY PROFESSOR
EPISODE 5
LUCIANNA’S POINT OF VIEW.
“He’s mean! Pinahiya niya ako—sinigawan niya ako! Pangalawang beses na niyang ginawa sa akin ‘to. Hindi porket nawalan siya ng ala-ala ay dapat din ay mawala ang manners niya! Gustong-gusto ko na siyang awayin, pero baka totohanin niya ang sinabi niyang ibabagsak niya ako.”
Umiiyak ako ngayon sa harapan ng dalawa kong pinsan na si Athena at si Artemis. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman kong inis at galit kay Gabriel. Noong unang beses na sinigawan niya ako ay hindi ko na ito kinuwento kay Athena at Artemis, pero ang nangyari kanina? Para na akong sasabog sa inis at magsalita ng mga masasamang words!
“Ate Lucianna, tahan na po,” sabi ni Artemis habang hinahagod niya ang aking likod at si Athena naman ay sinusuklayan ang aking buhok.
Hindi na muna ako umuwi sa bahay dahil ayaw ko na makita ako ni Mom na mugto ang mga mata sa kaiiyak. Kaya sumama ako kay Athena at Artemis papunta dito sa kanilang bahay at agad naman akong pinapasok ni Tita Lara kasi magkapatid sila ni Mommy. Ngayon ay nandito ako sa kwarto nilang dalawa at pinapatahan nila ako. Kahit na mas bata sila sa akin ng ilang taon, magaan ang loob ko sa mga pinsan ko dito sa side ni Mommy. Well, close ko rin naman ang dalawa kong pinsan na babae sa side ni Dad, pero busy sila sa kanilang mga trabaho. Chantal is in Paris right now pursuing her ballerina career, while Alessandra is a secret agent and currently in Germany for a secret mission.
Ako? Ito at hinahabol ang dati kong asawa na sinigawan ako kanina at pinahiya sa buong klase.
“Siguro ay may problema lang si Kuya Gabriel, ate Lucianna. Mabait naman si Kuya Gabriel… uhm… minsan po,” mahinang sabi ni Athena at napakagat siya sa kanyang labi.
Humihikbi pa rin ako ngayon habang nakatingin sa kanilang dalawa. May narinig kaming katok sa pintuan kaya tumayo si Athena at siya ang nagbukas ng pinto. Nakita naman namin si Tita Lara habang may dala na tray na may laman na mga pagkain. Agad naman na kinuha ito ni Athena at siya na ang nagdala papasok. Napatingin sa akin si Tita Lara at nanlaki ang kanyang mga mata.
“Lucianna, bakit ka umiiyak?” alala niyang tanong at agad siyang lumapit sa akin at umupo siya sa gilid ng kama habang nakaharap sa amin.
Humihikbi pa rin ako ngayon at pinunasan ko na ang aking luha. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko muna ang aking sarili upang hindi ako maiyak ulit.
“Artemis, Athena, pinaiyak niyo ba ang ate Lucianna niyo?!” muling tanong ni Tita Lara.
Bahagya naman akong nagulat sa sinabi ni Tita Lara. Napatingin ako sa dalawa kong pinsan at sabay silang napailing.
“Mommy, bakit naman namin aawayin si ate Lucianna eh love namin ‘yan?” nakangusong sabi ni Athena.
“Pinapatahan nga namin si Ate Lucianna, Mommy eh!” sabi rin ni Artemis.
Bumuntong-hininga si Tita Lara at muli siyang tumingin sa akin gamit ang kanyang seryosong ekspresyon sa mukha.
“Nagkita kami ng Mommy Isabelle mo kanina at nagkachikahan kaming dalawa hanggang sa napunta sayo ang usapan, Lucianna. You’re determined to win Gabriel again?” seryosong sabi ni Tita Lara habang nakatingin sa akin.
Napakagat ako sa aking labi at unti-unting tumango.
“I-I still love him, Tita Lara. Alam ko na limang taon na ang nakalipas at matagal na kaming hindi mag-asawa, pero ang unfair kasi eh… nagsisimula pa lang ang buhay namin noon. Ang dami naming mga pangarap sa buhay, ang dami naming gustong gawin na magkasama. Mahal na mahal ko pa rin talaga siya, Tita,” muli akong napaiyak hanggang sa humagulgol na ako.
Lumapit pa lalo si Tita Lara sa akin at niyakap niya ako. Naramdaman ko naman ang muling paghagod ni Artemis sa aking likuran at natahimik muna sila at hinayaan nila ako na umiyak at ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon sa pamamagitan ng aking pag-iyak.
Makalipas ang ilang minuto na pag-iyak ay tumahan na rin ako. Binigyan ako ng tubig ni Athena at agad ko naman itong ininom.
“Magiging okay rin ang lahat, Lucianna. ‘Wag mo lang kalimutan na huminga at magpahinga,” nakangiting sabi ni Tita Lara.
Umuwi na rin ako pagkatapos kong makipag usap kay Tita Lara at sa aking mga pinsan. Nakita ko rin ang iba kong pinsan sa may living room ng bahay nila at si Tito Adler. Hinatid ako ng pinsan ko na si Apollo pauwi sa bahay dahil wala akong dala na sasakyan. Hindi na rin ako tinanong ni Mom pag uwi ko dahil tumawag si Tita Lara kay Mom kanina at pinaalam na nandoon ako sa kanilang bahay.
SA sumunod na araw ay inagahan ko na ang aking paggising. Hindi na rin ako nakisabay sa aking mga pinsan dahil mas maaga ang schedule ko kaysa sa kanila. Ginamit ko ang aking sarili na sasakyan papunta sa university at ng makarating ako ay wala pang masyadong estudyante sa campus.
Napatingin ako sa aking relo at nakita kong 6 AM pa lang. Bahagya akong napangisi at lumabas na sa aking sasakyan. I’m two hours early sa class ni Gabriel. Tingnan lang natin kung mapagsabihan niya pa ako mamaya. Nag study rin ako kagabi kahit na muli na naman akong umiyak ng naalala ko ang ginawa ni Gabriel sa akin.
Nang makapasok ako sa loob ng room namin ay wala pang katao-tao at ako pa lang talaga ang mag isa. Wala namang seating arrangement sa klase ni Gabriel kaya ang ginawa ko ay umupo ako sa pinakaharapan—kung saan ay kitang-kita ako ni Gabriel at hindi niya ako pwedeng iwasan.
Nakaramdam ako ng boredom habang nandito ako sa loob ng classroom namin. Ang ginawa ko na lang ay nag advance study sa mga topics na ma di-discuss ni Gabriel sa klase. Hindi ko na namalayan ang oras at nagulat na lang ako ng marinig ko ang pagbubukas ng pinto sa aming classroom at nang mapaangat ako sa aking tingin ay nakita ko si Gabriel na pumasok habang may dala na laptop at nakasuot din siya ng eyeglasses.
Pareho kaming natigilan at nagkatinginan kaming dalawa. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatingin ako sa aking relo.
7:15 AM pa lang! Ang aga niya naman siguro? Hindi ko pa na tanong sa mga pinsan ko kung ano si Gabriel sa klase. Itatanong ko na lang mamaya kung normal lang ba na ganito siya palagi… iyong masyado siyang early para sa klase niya.
“G-Good morning, Sir!” bati ko sa kanya at umayos din kaagad ako sa aking pag-upo.
Tumango siya at naglalakad na siya ngayon papunta sa harapan at nilapag niya sa may table ang dala niyang laptop at umupo rin siya sa chair na nasa harapan. Bahagya pa akong napatalon sa gulat ng muli siyang tumingin sa akin.
“Ikaw ‘yung na late kahapon sa klase ko, diba?”
Bahagya akong napapikit sa aking mga mata ng sabihin niya iyon. Sa lahat ng maalala niya sa akin ay iyon pa talaga? Nakakainis naman!
Muli akong nag angat ng tingin kay Gabriel at bahagya akong ngumiti at tumango.
“Yes, Sir, pero kita niyo naman ngayon… hindi na ako late,” nakangiti kong sabi na may halong pagyayabang.
Bahagya siyang ngumuso at umiwas ng tingin sa akin.
Hindi ko mapigilan na matigilan habang nakatingin kay Gabriel ngayon.
Ganyan na ganyan siya kapag kinikilig noon! Oh my Gosh! Kinikilig siya?
“Miss Coleman? Are you listening to me?”
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at muling napatingin kay Gabriel. Natulala na pala ako habang nakatingin sa kanyang mukha. s**t! Nakakahiya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang yumuko upang itago ang aking hiya.
“S-Sorry, Sir,” mahina kong sabi.
“Next time ay ‘wag ka nang ma late. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ma late sa classes ko. Do you understand me, Miss Coleman?” seryoso niyang sabi.
Matapang naman akong humarap sa kanya at nagsalita.
“Yes, Sir Gabriel.”
Tumango siya at ibinaling ang tingin sa kanyang laptop.
“Buti naman at nagkakaintindihan tayo,” aniya.
May naisip naman akong katanungan kay Gabriel at hindi pwede na ito ko ito matanong sa kanya ngayon.
“Kung ang ayaw mo sa klase ay latecomers, ano naman ang gusto mo, Sir?” matapang ko na tanong sa kanya.
Nakita ko naman na natigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin siya sa akin. Matagal siyang hindi nakasagot sa tanong ko… tumayo siya.
Nakaramdam kaagad ako ng sobrang kaba habang nakatingin kay Gabriel. Nawala bigla ang tapang ko kanina. s**t! Bakit ko pa kasi natanong ‘yun sa kanya.
“Do you want to know the answer to your question, Miss Coleman?” malamig at seryoso niyang sabi habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at unti-unting tumango.
Tumigil siya sa paglalakad sa aking harapan at bahagya siyang yumuko upang magpantay ang aming mga mukha.
Napatingin ako sa kamay ni Gabriel ng umangat ito at hinawakan niya ang hibla ng aking buhok habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.
“I like students who know to behave and to follow my orders. Ayoko sa mga pasaway. Kaya kung pasaway ka… paparusahan kita,” seryoso niyang sabi bago niya bitawan ang aking buhok at umayos na siya sa kanyang pagtayo. Nakahinga na rin ako ng maayos pero nanlalamig pa rin ang aking mga kamay ngayon.
“Hindi ako kagaya ng ibang mga professors at instructors na may awa sa mga estudyante. Kaya galingan mo ang performance mo sa klase ko kung ayaw mong bumagsak,” muling sabi ni Gabriel bago siya bumalik sa harapan.
Hindi na rin ulit ako makapagsalita dahil nag sidatingan na ang aking mga kaklase.
Gabriel is so intimidating.
TO BE CONTINUED...