SMHES 05
“Come Ian, let's eat our favorite food." Magiliw na wika sa anak ko. Pero kahit anong usap ko sa kanya ay wala akong response na maririnig. Nasa nilalaro niya na toy car siya naka-focus. “Baby-" doon palang siya lumingon sa akin na inabutan ko ng isang kutsarang pagkain, ang kagandahan din ay magana siyang kumain higit sa lahat mabuti na lang at mahilig siya sa gulay.
“Mama…”
"Hmmm-”
"Pay…paay….eee...eee” Play ang ibig niyang sabihin, ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Broom….broom…ito na ang food ni baby Ian ko. Love na love yan ni mama. Broom....open your mouth baby” masayang wika ko sa kanya kaya tumatawa siya sa ginagawa ko, sabi ng doctor niya na dapat maging kalmado kalang kapag nakikipag-usap sa anak ko na may disorder, hindi madali lalo kapag nagsasalita ako na hindi niya maiintindihan na sa edad niya ngayon ayon sa ibang mga magulang na dapat ay may salita na silang nabubuo na hindi napuputol, pero sa condition ng anak ko ay hindi pa.
Kapag kinakausap ko siya ay nasa ibang direction ang tingin niya at paulit-ulit ang binabanggit na salita at kapag tinatawag ay kailangan ko pang tumingin sa kanyang mga mata.
“Ayan….good boy, marami mong nakain anak….yeheey.” masayang sambit ko at tuwang-tuwa naman siyang pumapalakpak.
“Gooo...boy….”
"Yes good boy ang baby ko, yeehey,” hindi niya na ako narinig dahil bumalik na naman ang attention niya sa kanyang laruan.
Dahil busy na s'ya sa paglalaro ay tumayo na ako para iligpit ang mga pinagkainan namin.
Linggo ngayon at nasa bahay lang ako. Nakafocus lang ako para bantayan ang anak ko at paglilinis ng bahay na inuupahan namin.
“Ma...ma-”
"Yes baby -” tawag ko sa kanya.
"Lo...ve.... you-” napahinto ako sa paghuhugas ng mga pinggan dahil sa narinig na galing mismo sa bibig ng anak ko. Agad akong napangiti ng malapad at timing naman tapos na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nilapitan ko siya na busy parin sa pag-assemble ng kanyang laruan na nasira. Umupo ako sa gray na carpet namin na nasa sala para magpantay ako sa kanya. Hindi naman kalakihan ang nakuha ko na apartment at tama lang sa aming dalawa ni Ian.
"Mahal din kita baby…mahal na mahal ka ni mama. At lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mama loves you so much. Ikaw ang mundo niya, ipaglalaban kita kahit gaano man kapagod at mapanakit ang mundo para sa ating dalawa. Basta tandaan mo...anak kita at walang sino man ang huhusga sa pagkatao mo, ipagtanggol kita,” wika ko habang unti-unting nanunubig ang mga mata ko.
Nakita ko kung paano siya tumigil sa paglalaro at tumayo ng matuwid para puntahan ako. Itinaas niya ang kanyang kanang maliit na kamay at dahan-dahang pinupunasan ang aking magkabilaang pisngi na lumuluha na pala.
“Baby-"
“Cry mama? No…no…." tumigil ako sa pagluha dahil sa sinabi niya at baka biglang umiyak ng malakas ang anak ko. Baka akala niya inaaway ko s'ya kaya ako umiiyak.
We hugged each other para kumuha ng suporta sa isa't-isa. Alam kong bata pa siya at hindi niya pa maintindihan ang mapaglarong mundo. Pero hanggang nasa tabi ko siya ay walang sino man ang aapak sa kanya, hindi ko hahayaan na aapakan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya kahit ang kanyang ama na hindi siya tanggap.
Walang sino man para mag-utos sa akin para na itapon o ilayo ang bata, pinagtanggol ko siya noon, ganyan pa rin ang gagawin ko hanggang sa magtanda ako.
Kahit dumating man ang araw na magkikita sila ng kanyang ama, hindi ako papayag na marinig ng anak ko ang pagka dis-gusto ng kanyang ama sa kanya kung sakali.
Kinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa restaurant, ayoko pa naman sa lahat na sobrang late na ako sa trabaho, nakakainis kasi ang tagal kong makahanap ng jeep at tricycle para sana mas maaga pa ako ngayon, iniwan ko ulit si Ian sa landlady namin na ngayon ay masayang nakikipaglaro sa anak niya. Mabuti nalang at nagkaroon ako ng kapitbahay at kaibigan na mabait at nakakaintindi lalo na sa condition ng anak ko.
Pagbaba ko nang jeep ay mabilis ang mga hakbang ko para makarating na agad sa restaurant.
Pagpasok ko sa loob ay laking pasasalamat ko na may twenty minutes pang natitira bago ang oras ko sa pagtatrabaho.
“Ashra…dali…dali tingnan mo ito,” tawag ni Kimberly sa akin habang nakangiti itong nakatingin sa cellphone niya. Break time kasi kaya nasa girls locker room kami. Kinuha ko muna ang pantali ko ng buhok dahil kakatapos ko lang magpalit ng uniform bago magserve ng pagkain mamaya.
“Ano ba iyan at abot tenga ang ngiti mo?" tanong ko habang papalapit sa kanya.
“Ito oh, na picturan ko sila-"
“Huh? Sino naman ‘yan? Ikaw ha, ang hilig hilig mo sa ganyan at baka mamaya makasuhan ka dahil bigla–” ngunit napatigil ang pagsasalita ko at mundo ko na makita ko kung sino ang nasa picture ng phone ni Kimberly.
“Tingnan mo…tingnan mo…sa buong buhay ko, akala ko si sir lang ang gwapo sa lahat…jusmiyo…may lalamang sa kagwapuhan nila, ayan kita mo yan sila, habang kumakain sila rito ay kinuhaan ko sila ng picture na walang pahintulot para ipakita sa inyo ni Cha-Cha na isa yan sila sa nakita ko na Adonis noong isang araw. Hoy! Saan ka pupunta?” tawag nito sa akin pero hindi ako nakinig sa kanya para huminto at bitbit ang cellphone niya ay mabilis akong nagtungo sa loob ng restaurant at tinitingnan ang bawat table.
“Ikaw ha, hindi ko alam na ganyan ka pala ka excited na makita rin sila sa personal ha," bigla akong natauhan sa sinabi ni Kimberly at nahiyang binalik sa kanya ang cellphone.
Pilit akong ngumiti sa kanya, hindi dahil sa disappointed na hindi ko siya nakita or dahil bakit ganito ako umasta ngayon. Sabik ba akong makita siya o dahil ayokong makita siya kaya kailangan kong manigurado na wala na siya para kung nariyan pa ay makapagtago ako sa kanya?
Hindi ako nagkamali, siya nga ang isa sa tao na tinutukoy ni Kimberly, marami ngang nagbago sa kanya kaysa last ko siya nakita noon.
Nakita ko siya ilang araw lang sa labas ng restaurant na ito tapos ngayon, may chance na magkikita rin kami dahil magkakilala sila ng boss ko.
Damn! Anong gagawin ko? Magreresign ba ako dahil lang sa rason na ito?
“Syempre, first time kong makakita ng mga gwapo kaya lang late na naman ako makita sila sa personal-” malungkot kunwari ko na sabi para hindi siya makahalata.
“Ayos lang iyan, regular customers naman natin sila.” nagitla ako sa sinabi ng kaibigan.
"Totoo?" oh no.
"Some of them, yeah, kaya regular ka rin na makakita sa kanila, bakit? Saan ba sa mga pinakita ko ang mas bet mong makita, hmm?”
"Huh? Wala!” deny ko dahil wala naman talaga.
"Kalerkey ka, anong wala, ahhh…alam ko na, baka sabi mo na wala kang bet dahil sila lahat bet mo, oy magtira ka sa akin, gusto ko ang isa sa kanila. Ito…ito ang bet na bet ko dahil mukhang bad boy pero yummy.” Pinakita pa ulit ni Kimberly sa akin ang phone niya at tinuro ang isa sa lalaki na naroon at tumaas ang kilay ko na tinuro niya ang ex boyfriend ko.
"Siya? Pangit naman iyan, Hindi iyan yummy! Hindi siya masarap. Malaki pero hindi masarap. Hindi talaga...” walang filter ko na sabi sa kanya kaya napanganga si Kimberly na napatingin sa akin.
“Hala! Grabe siya, super judgemental mo o sira na yata ang dalawang beautiful eyes mo, ang gwapo niya kaya, tingnan mo ang panga na umiigting kahit nakangiti lang yan, ang hot, tingnan mo ang muscle kahit nakalong sleeve, ang gwapo at gentlehard sa kama at for sure malaki ang kargada-”
"Kimberly -”
"Ladies- oras na para magserve ng pagkain, next please. Thank you.”
“Yes madam.”
Tawag ng manager sa amin. Naputol tuloy ang usapan namin ni Kimberly.
"Basta sa akin siya." bulong niya pa sabay kindat bago unang umalis sa akin. Napailing nalang ako ng ulo dahil sa kaibigan kong maharot minsan.
Matagal na akong naninilbihan dito at ito lang na restaurant ang hindi ako masyadong nahihirapan at naiintindihan ang sitwasyon ang kalagayan ko bilang empleyado at ina sa anak ko na si Ian. Kung nang dahil lang sa kanya na ex ko magreresign ako agad-agad ay hindi ko na alam kung saan ulit ako makakahanap ng ibang trabaho na ako ang masusunod sa oras.
Paano ang maintenance ng anak ko at bayad sa inuupahan ko na bahay? Sa pang -araw araw na gastos.
Hindi ko na alam ngayon palang kaya dapat maging matatag ako.
Lulubayan ko na lang siya kung sakaling magtagpo muli ang landas namin, marahil hindi niya na ako kilala dahil matagal na rin iyon. Baka nga, iyong babae na sumundo sa kanya sa tapat ng restaurant ay girlfriend o baka asawa na talaga at ngayon ay may mga anak na rin.
Tama…iyan na lang ang gagawin ko o di kaya magsuot ako ng face mask para hindi niya ako makilala kung timing na dito sila kakain sa oras ng trabaho ko at kung ako ang makaka-serve ng pagkain sa kanila.
Shit! Bakit ba siya laman ng isip ko ngayon kung paano ako makakaiwas, baka kung ano na naman ng mali-maling magagawa ko sa ibang customers kung patanga-tanga ako ngayon at lutang magserve ng pagkain. Come on, Ashra.
Mabuti na lang at naging okay naman at matiwasay ang trabaho ko kahit maraming iniisip. Mga iilan nalang ang kumakain sa mga table at may ibang kasamahan naman kami para magserve.
Nagpaalam na muna ako na pupunta lang ng restroom.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko para makibalita kung kumusta na si Ian. Hindi na ako nakatiis at tatawagan ko na lang ang landlady na si Manang Sidra.
Habang hinahanap ko sa phone book ang name ni Manang Sidra ay-
“s**t! I'm sorry po." wala sa sarili akong nabunggo sa katawan ng tao pagliko ko ng pasilyo patungo sa cr. “Sorry po…sorry po-” hingi ko ulit ng sorry dahil bigla yata siyang na estatwa sa kinatatayuan niya, mabuti at nakabawi naman ako.
Kaya dahan-dahan kong inangat ang aking mukha dahil matangkad siya kaysa sa akin na hanggang kili-kili niya lang yata ako. Pero napaatras ako na mamukhaan ko ang nakabunggoan ko. Pareho kaming nakatitig sa isa't-isa ngunit agad akong natauhan at nagmamadaling umalis sa harapan niya at nagtungo sa restroom para magtago.
Kakaisip ko lang ng mga plano ko kanina, bakit agad naman kaming pinakita ng tadhana sa ganitong sitwasyon?
Why naman na nagtatrabaho pa ako? Bakit ngayon pa.
"Siya talaga?" nauutal kong tanong sa sarili ko.