SMHES 04
“Oh, I'm sorry -" aniya.
“No, hindi po ma’am, ako po ang may kasalanan. Sorry po talaga, sorry po," Hingi ko ng pasensya sa kanya dahil sa ginawa ko. Kilala siyang modelo sa Pilipinas kaya ngayon palang ay takot na takot na ako dahil baka ma headline ako nito kinabukasan.
"I thought it was my fault-" mahinhin niya na sabi.
"No ma'am, ako po...ako po ang may kasalanan."
"Ashra- anong nangyari rito?” Tanong ni Cha-Cha sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko kung paano siya nag-alala sa akin. "Ay...hala ka...napano?"
“Ano kasi…. pagtalikod ko ay bigla akong na out of balance at hindi ko namalayan na nariyan pala si ma’am,” sumbong ko sa kaibigan habang kumukuha ng tissue para tulungan ang babae na natapunan ng sauce.
Tumingin ako kung nasaan na siya pero umalis na ito at sa tingin ko patungo ito sa restroom para tanggalin ang sauce sa damit niya. Kinabahan ako at baka magsumbong sa manager ng restaurant na may waitress na tulad ko na lampa.
“Wait lang Cha-Cha, pwede… alam ko na mali pero kailangan ko munang mag-sorry sa kanya. Hindi kasi ako mapakali eh na hindi ako makahingi ng tawad sa kanya sa ginawa ko, model iyon, di ba? Baka ma headline ako kinabukasan. At saka takot akong mawalan ng trabaho, you know naman.” Kinakabahan kong sabi sa kaibigan.
Agad naman niyang nilapag sa lamesa ang tray na dala niya.
"Sige…sige ako na muna riyan, kahit walang camera na nakatutok pero may cctv tayo ay kahit hindi mo naman kasalanan pero mas mabuti na yong makahingi ka ng sorry sa kanya. Go na, ako na rito. Basta huwag ka lang lumuhod sa kanya dahil hindi siya Diyos para sambahin kung ayaw niyang tanggapin ang sorry mo, ok? Bahala siya basta sorry is enough, clear? Go!" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya ngunit natawa ako sa huli.
Kahit naman ako, ayokong lumuhod. It was an accident kaya bakit ako luluhod.
Agad akong tumayo at pumunta ng restroom kung saan ang babaeng modelo pumunta at iniwan muna kay Cha-Cha ang nahulog ko na bagay at nasa sahig pa ang iba, nakakahiya sa mga kumakain na malapit sa pinangyarihan. Mabuti at wala naman akong narinig nang masama kundi sabay-sabay lang kaming napasinghap.
“No…no…don't worry babe, I'm doing okay. Just a small sauce lang naman na dumikit sa dress ko na white kaya ngayon pinupunasan ko, but don't worry, I'm fine." narinig kong may nagsasalita sa loob ng restroom. "No na…don't do that, fired talaga, hindi naman kailangan no-” napalingon ang modelo sa gawi ko dahil pagbukas ko ng banyo nang tuluyan kahit naririnig ko na may kausap siya sa phone ay pumasok ako. Hindi pa rin nawala ang kaba ko.
Nasa sink ito at pinupunasan ang sauce na napunta sa damit n'ya habang may kausap. Nasa pinakaibaba naman ito ng kanyang white dress pero visible parin ang kulay orange niya na alam ko talagang natapunan.
“Excuse me, ma'am…”
“Yes?" aniya sa malumanay na boses.
Nasa tenga pa rin ang cellphone nito at sa tingin ko ay nariyan pa ang kausap niya at ayon sa narinig ko bago pumasok ay nagsumbong lang naman siya ay hindi naman ako sinisiraan at narinig ko na fired ay sana kung ako man iyan ay huwag naman sana.
"I apologize for what happened kanina po sa loob. I'm sorry…sorry po talaga ma’am. Hindi ko po sinasadya ang nangyari” Sambit ko sa mahinang boses at ilang ulit sa kanya na humingi ng sorry.
Napangiti ito sa akin, mukhang mabait naman siya, "pumunta ka talaga rito para humingi ulit ng tawad sa akin? Sabi ko sa'yo na it's okay, pero yes, I already forgive you, don't worry. It's okay. Wala naman akong event na pupuntahan ngayon.” Nakahinga na naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Ngumiti pa ito sa akin bago binalik ang cellphone sa tenga niya.
“Ah, si ate…. pinuntahan niya ako sa banyo kung saan ko pinupunasan ang damit na natapunan ng sauce para humingi ng sorry, yes babe, huh? Why? No need na nga, duh, I'm okay na. Hay naku… okay sige sige para matahimik kana. Kakainis ka rin pasalamat ka at mahal kita,” aniya sa kausap na may kasamang irap marahil nakukulitan sa kausap, lumingon ito sa akin. “sorry pero gusto kang kausapin ng boyfriend ko-" mas lalo akong namutla sa sinabi niya.
Boyfriend? Akala ko makakaalis na ako bakit kailangan pa akong makausap?
“Pero…”
"Don't worry, hindi yan magagalit, may itatanong lang siya sa iyo. Here…just answer his call para matapos na iyan at hindi na mag-ingay,” aniya habang nakangiting inabot sa akin ang cellphone niya at tama nga siya, para matapos na agad ang problema ko ay mas mainam na sagutin ko na lang ang boyfriend niya na nasa kabilang linya.
Baka....gusto niya rin nang sorry. Ang swerte naman ng model na kaharap ko sa boyfriend niya, handang ipagtanggol at kung hindi ako makipag-usap ay baka kinabukasan wala na akong trabaho. Mahirap na at ayokong mangyari ang mga bagay na 'yan.
Sa nanginginig na nga kamay ay kinuha ko ang cellphone na hawak niya at dinala sa tenga ko para sagutin ko kung sino man ang boyfriend ng model na nasa harapan ko.
“He-hello po…” agad na sagot ko sa kabilang linya, "Hello po-" bigay pugay ko pero wala akong naririnig na nagsasalita sa kabilang linya para pagalitan ako. “Wala ma’am-" tao pa ba itong kausap ko sa cellphone at baka isa na pala itong multo.
“Huh? Really, may I see…." Inabot ko sa kanya ang phone niya at sinilip niya ito kung nariyan pa ba ang kausap niya kanina. At kalaunan ay nagkibit-balikat lamang ito. “Ang loko na iyon, binaba na ang tawag, siguro nagsisimula na ang meeting niya kaya niya pinatay ang phone niya. Di bale, hayaan mo na siya, huwag mo ng intindihin dahil hindi naman niya alam ang totoong nangyari. Okay? Come and introduce to me the best and delicious food that this restaurant could offer, balita ko masarap ang mga menu na hinahanda rito," aniya kaya napangiti akong iginiya siya sa loob pabalik ng restaurant ngunit bigla akong napatigil na maisip na baka ang pipiliin niya na menu ay ang pinakamahal at ako ang magbabayad.
Holy cow. Kasya lang ang pera ko at naka budget na iyon sa araw na ito. Tapos kakaltasan lang dahil pambayad sa ginawa kong kamalasan kanina. Oh my goodness. Kung bakit ba ako minamalas ngayon.ay magagawa pa ba ako kung mag-iiskadalo pa ako.
Sinabi ko sa kanya ang the best menu namin at tama nga ako na iyon ang kinuha niya, ang pinakamahal. Habang kumakain siya ay maya-maya ang silip ko para magmakaawa sa kanya na kung pwede ay hatiin na lang namin ang bayad total konti lang naman ang sauce na natapon sa kanya kanina at mas marami sa akin. Ngayon ay parang dungis ko ngang tingnan lalo at white pa naman ang t-shirt ko.
Hanggang sa nabunutan ako ng tinik na makita ko siyang nag-abot ng card para magbayad kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Ang bait niya pala talaga sa personal.
Sana lahat ng customers ay mababait dahil hindi naman namin sinasadya na magkamali kaming mga staff tulad nalang sa nangyari kanina. Minsan sa scenario na ganito ay minsan ka lang makatagpo ng tao na mapagkumbaba katulad ni ma'am. Mabait siya at marunong magpatawad.
Minabuti ko na ang trabaho ko para hindi na ako magkamali at baka magkasalungat na tao ang mae-encounter ko sa next na scenario ay kabaliktaran sa ginawa ng model kanina, ang saklap kapag ganyan ang nangyari. Baka kung hindi ako magbabayad ay ipakukulong nila ako.
Mahal ko ang trabaho ko kaya ayokong masesanti agad lalo at ang lahat nang ito ay para lamang sa anak ko na si Ian, lahat ng sacrifice ko ay para lang sa kanya kaya mas lalo ko pang pagsisikapan, gagalingan sa trabaho para wala silang masabi na hindi maganda sa akin.
Kaya pa....kakayanin para sa taong mahalaga sa akin at walang iba kundi si Ian.