CHAPTER 01
SMHES 01
Pigil hininga ang ginawa ko dahil kamuntikan ko nang mabitawan ang dala-dala ko na tray. Ang lakas ng pintig ko dahil sa kaba na mahulog ang order ng customer.
Nagtatrabaho kasi ako sa isang kilala na restaurant dito sa Mandaluyong. Bawat galaw ay dapat maingat dahil maya-maya ang order ng mga customers na kailangan mo ay mabigyan ng tamang serbisyo. Kaunting pagkakamali ay baka kakaltasan ka ng sahod o di kaya fired sa trabaho. Kaya bago pa iyan mangyari sa akin ay kailangang alerto ako sa bawat kilos ko. Ayoko ng makarinig pa ng salitang lampa dahil hindi ginagawa ang trabaho, what more pa kaya kung taggalan ako ng trabaho na tanging kinukuhanan ng pangkabuhayan. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghapo na palakad-lakad sa kalsada para maghanap ng trabaho.
"Thank you ma’am, enjoy your meal po," nakangiti kong sabi pagkatapos kong ma-served ang order sa kanilang table, pero imbes na welcome ang matatanggap ko ay umirap lamang ang babae sa akin. Binalewala ko na lamang ito dahil nasanay na rin ako. Ngumiti pa rin ako. Ika nga, be kind pa rin at ang karma na ang bahala sa kanila.
Hindi ko na pinatulan dahil ayokong masira ang image ko o image niya. Baka, kahit magpaliwanag ako ay alam ko na talo na ako dahil sabi nila, na customer is always right, pero para sa akin ay hindi naman, depende naman kung sino ang may kasalanan pero sa tulad ko na ayaw na nang gulo ay pinapairal ko ang laging magpakumbaba. Ang bait ko naman siguro na tao.
Kasi naman, ayoko pang ma headline kinabukasan, wala akong laban sa kanila, tanging gusto ko lang mangyari sa sarili ko ay magkaroon ng trabaho na marangal at magkapera pagkatapos ng mahabang oras sa trabaho. Konting oras nalang at mahahawakan ko na mamaya ang sahod ko.
“Taray! Malapit na ang out niya oh, pagod na pero maaliwalas ang mukha dahil uwian na." hirit ni Cha-cha sa akin, isa sa kasama at naging kaibigan ko na rito sa restaurant. Schoolmate ko rin siya noong highschool at siya ang tumulong sa akin na makapasok dito sa tinatrabahuan ko noong hindi sinasadya na nagkita kami. Sa kanya ko rin nasabi ang lahat na nangyari sa buhay ko. Hindi ko naman siya sobrang close sa klase pero kami pa talaga ang binigyan ng panahon na magkita at ngayon naging kaibigan ko na rin na matalik.
Ngumiti ako sa kanya habang inilagay ang tray sa ibabaw ng counter habang naghihintay ng mga customers na matapos kumain o may bagong order. Two years ko na itong ginagawa na manilbihan at maging waitress, mabuti na lang sa awa ng Diyos ay nakasurvive din ako kahit papano. Aside sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho ay may night club pa na pagmamay-ari ang amo namin. Kung gusto mo ng shortcut na daan papunta roon ay dumadaan ang ibang bisita sa kulay black na pinto dahil nasa underground ito. Ang balita ko, mas malaki ang sahod sa bar na iyan kaysa sa restaurant na ito pero ayos lang, hindi kaya ng oras ko at isa pa hindi ko rin yata kaya na magtrabaho diyan. Amoy alak at sigarilyo at maingay na tao at music.
Hindi pa ako nakapunta sa tinutukoy minsan ni Cha-cha na nakapunta na sa bar dahil dito lang sa restaurant na ito ako nakatoka at isa pa, night club iyon at kahit anong pilit nila sa akin na pumasok para naman sumama sa kanila na mag-enjoy man lang sana ay hindi ko ginawa lalo at nagmamadali akong makauwi dahil may naghihintay sa akin sa bahay na kung saan ako umuupa.
“Oh my gosh! Ang gagwapo nila!" kamuntikan ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa tili ni Kimberly. Lalo at may kasama pang panghampas ng balikat. Out ko na sa oras na ito kaya naghihintay na lang ako ng sahod ko na ibigay. Twelve eleven ng umaga hanggang 5 o'clock ng hapon ang trabaho ko at ang ibang kasamahan ko naman ay mamaya pa ang out nila sa trabaho. Sabay sana sa kanila ang oras ko para uwian pero dahil sinabi ko ang dahilan ay mabuti nalang na pumayag ang manager at pinagbigyan ako, naiintindihan niya raw ang kalagayan ko.
“Anong nangyayari sa iyo? Nakakita ka lang ng gwapo ay ganyan ka na maka-react na para kang pinag-agawan ka.” walang preno na sabi ni Cha-cha kay Kimberly.
Umirap si Kimberly sa katabi ko at nagkibit-balikat, lumingon siya sa akin at ngumiti, alam niya kasi na hindi ako nangbabara o matino akong kausap.
“Kasi naman….ang may-ari ng restaurant nito ay hinatiran ko ng lunch sa office niya. And take note, hindi lang si boss ang nag-iisa kundi lima silang nasa loob at may meeting yata o bumibisita lang, take note mo yan Ashra ha, alam mo kasi ang makakapigil na hininga ay may gwapo pa na dalawa kabilang si boss tapos nadagdagan pa ng tatlong bagong dating na ngayon ko lang nakita at ang ga-gwapo rin talaga, oh my gosh, I'm blushing na, pwede na akong maging sugar baby nila...nakakalaglag panty ang kagwapuhan nila.” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kundi ang tumango na lang kay Kimberly at napangiwi naman ng bibig si Cha-cha sa kanya, ang hilig ni Kimberly sa mga gwapo.
Wala na akong taste sa mga gwapo ngayon, pera na lang ang nagpapakilig at nagpapaliwanag ng aking mga mata. Aanhin mo ang gwapo kung walang pera at irresponsible?
“Sige mauna na ako sa inyo at bahala na kayo sa sinasabi niyo na gwapo, sana mapansin kayo at makabingwit para mapapangasawa, goodluck mga amiga,” pang-aasar ko sa kanya kaya nakasimangot si Kimberly dahil sa sinabi ko at tawang-tawa naman si Cha-cha.
"Epek yon Kimberly, gwapo pa more..."
"Aba...kung makapagsalita to, akala mo naman hindi mahilig sa gwapo, kung makita mo lang sila, kikiligin ka rin naman ah, pustahan pa" napailing nalang ako ng ulo dahil sa mga sinasabi nila. Goodluck nalang mga girls at ako'y uuwi na.
Pag-abot ko ng sahod at nakapag-paalam na sa kanila ay agad akong naglakad palabas ng restaurant para pumara ng jeep dahil excited na akong umuwi. Kinuha ko ang cellphone sa aking itim na bag para ipaalam ko sa nagbabantay na pauwi na ako.
Alam ko na may mga kasabayan akong naglalakad palabas pero wala sa nilalakaran ko ang mga mata ko kundi sa cellphone.
“Okay, I'll send my p*****t in your bank account, dude,” narinig kong boses lalaki na sabi sa kasabayan ko. Nasa likuran ko sila, pwede silang mauna kung gusto nila pero tulad ko, parang sinasadya nilang bagalan ang paglalakad dahil marahil, nag-uusap pa ang mga ito.
"What time?"
“Later or tomorrow-"
“Send it now after this conversation or else, you know what can I do…” napapa-iling na lang ako ng ulo sa aking isipan dahil pera ang pinag-uusapan nila.
“f**k dude-"
“Just do it Montenegro-"
“f**k dude-right now? May utang bang binabayaran agad? Ayaw mo bang patulugin ko muna ang utang bago mo ako singilin? Kanina lang ako humiram sa'yo ah, wala pang 24 oras, s**t I'm broke." mura ulit na kung sino man. Mabuti pa sila dahil isang sabi lang na pera ay easy lang sa kanila at agad nasa harapan nila. Sa isang katulad ko ay sobrang hirap na hanapin at pagkasyahin ang limang daan lalo at sobrang mahal na ng bilihin ngayon.
“Ang tagal namang sumunod ng isa na iyon? Akala ko ba nasa cr dahil magbabanyo.”
"Baka may dinala sa loob ng cr at gumawa ng milagro,” mas lalo ko pang binilisan ang mga yapak ng mga paa ko para makalayo sa kanila. Wala namang masama sa mga usapan dahil mga lalaki ang mga iyan, pero pangit lang na nakakarinig ako.
Paglabas ko ng restaurant ay malalim akong napabuntong-hininga dahil sa wakas nakalayo ako sa kanila, nang lumingon ako sa gawi nila ay doon ko lang natanto na isa sa kasama sa nagsasalita sa likuran ko kanina ay ang boss namin, ang nagmamay-ari ng restaurant . Hindi ko man lang nagawa na bumati sa kanya, pero kailangan pa ba? Knowing na may kausap siya at hindi ko naman alam na siya nga, busy rin ako.
Sana kinabukasan ay hindi niya malalaman na ako ang kasabay nila ngayon at hindi ako masi-santi dahil sa walang galang ko na staff.
Naku, bakit ako nagkakaproblema ngayon?
“Ewan ko sa'yo Ashra. Bakit ba kasi ipinanganak ka na shy person?” Mahinang reklamo ko sa sarili ko.
May nakita ako na jeep na paparating sa kung saan ako naghihintay dito sa may waiting shed kaya agad ko itong pinara kahit medyo malayo pa sa kinaroroonan ko na makita ang naka-sign kung saan ito dadaan.
Pero bago pa makahinto ang jeep sa harapan ko ay may huminto na kulay itim na magara na kotse kaya ang jeep ay bigla na lang nagpaharurot paalis, baka akala ng driver na kotse ang pinapara ko. Hirap pa naman habulin iyon, hindi rin kasi ako nakahanda na iiwan din ako ng jeep.
Naku, lagot ako nito, the more nagmamadali ako, the more naman na ganito kabagal ang pag-uwi ko. Anong kamalasan na naman ito Ashra?
Gusto kong umirap ng aking mata sa maitim na kotse, kung hindi lang dahil sa kanya eh nasa jeep na ako ngayon at kakatapos ko lang magbigay ng pamasahe.
Tatalikuran ko na sana ang kotse dahil wala naman akong mapapala kung makipag-away ako pero nanlaki ang mga mata ko na makita kung sino ang tao na papalapit sa sasakyan na itim, kasunod nito ay ang amo ko at ibang businessman in suit.
Hindi ako nagkamali, siya nga iyan. Ang tindig, ang hugis ng mukha. Siya na siya.
Siya ang tinutukoy nila na hinihintay dahil nagbanyo at gumawa ng milagro? The heck.