SMHES 02
Hindi ako nagkakamali, siya nga… siya nga…anong ginagawa niya rito? Kaibigan ba siya ng boss namin? How come? Isa ba siya sa tinutukoy ni Kimberly kanina na nasa loob ng office ni boss? Kailan pa? Anong ginagawa niya, hinahanap ako I mean? Matagal na ba siyang pabalik-balik sa office ni boss?
Bumalik ako sa upuan ng waiting area at tinakpan ang mukha ko sa maliit na poste na nakatayo doon para magtago, kahit alam ko na may posibilidad na tumingin siya sa gawi ko at makita niya ako ay hindi niya ako masyadong mamukhaan dahil tinabunan ko ng buhok ang kalahating mukha ko habang nakatingin ako sa banda nila.
Ang lakas ng dagundong ng puso ko. Ang tagal nang lumipas pero ngayon na nakita ko siya ay parang kailan lang. Akala ko hindi na s'ya magpaparamdam, bakit ganito pa ang nangyari? Sa dami-rami, bakit siya pa?
Ang mas lalong nanlalambot ang mga tuhod ko na may lumabas na sexy na babae sa maitom na kotse, hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa banda ko at nang makaharap na sila ay hinalikan siya nito sa labi. Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi mapasinghap sa nakikita ko lalo at may kasamahan ako sa waiting area at baka magtataka kung ano ang nangyayari sa akin na bigla nalang humahagulgol ng iyak.
Napailing ako. Hindi ko na pwedeng iyakan ang nakaraan. Tapos na iyon, tapos na at wala na akong babalikan pa kahit sa kanya. Tinapos ko na ang lahat ng ugnayan naming dalawa dahil lang sa hindi magandang nangyari. Matagal na iyon at sa tingin ko wala na rin sa kanya ang tungkol sa aming dalawa, may nahanap na nga siya ng iba, di ba? Sino ang niloloko ko, kitang-kita na nang mga mata ko ang babae na humalik sa kanya.
Pait akong ngumiti, hindi ko man masyadong naaninag ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito bago ako tumalikod na sa kanila, for sure asawa niya iyon. Ilang taon na ba at sa tingin ko nakakamove-on na siya sa akin. Mabuti pa siya, samantalang ako....
Mabuti na lang at may huminto na jeep sa tapat ko kaya agad akong sumakay na hindi na inalam kung sakayan ba ito patungo sa amin. At hindi ako sigurado kung nariyan pa ba sila sa tapat ng restaurant o umalis na ang kotse.
Pagkaupo ko sa jeep at pag-andar ay saka ko palang binalingan ang direksyon kung saan ko sila nakita kanina ngunit laking gulat ko na makita ang sasakyan nila na nakasunod sa mismong jeep, agad kong tinakpan ang mukha ko ng bag at nasa harap na ng driver ako nakatingin.
Hindi ko alam kung ilang mura na ang binanggit ko sa isip ko dahil sa kamalasan na nangyari ngayong araw. Hindi naman niya ako nakikita di ba? Dahil nasa backseat siya panigurado nakaupo at kasama niya ang babae, baka nakipagharutan o lampungan silang dalawa, alangan naman na nasa front seat siya o siya naging driver?
Shit!
No…no…kahit anong mangyari Ashra, huwag na huwag kang lumingon sa direction nila, either sila ba ‘yang nakasunod sa jeep o magkapareho lang ng sasakyan, ang mahalaga huwag kang lumingon kung ayaw mong tama ang unang hula mo.
Huminto ang jeep dahil may bababa saka palang ako kunwari umurong sa kabilang side pero ang isang paningin ko ay mabilis na lumingon sa labas ng jeep at nang makita ko na ibang sasakyan na ang nakasunod sa amin ay sobrang na panatag ako. Ano ba ito, naging praning tuloy ako.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Kailangan ko bang magtago? Baka kasi babalik pa siya sa restaurant at doon kakain kung hindi bukas ay sa mga susunod na bukas pa? Ngayon ko lang siya nakita pagkatapos sa nangyari. Pero wala na kami di ba? Bakit ako mangangamba? Kung lalayo ako, saan naman ako pupunta? Wala na akong mapupuntahan at pagod na rin akong magtago pa, matagal na naman, marahil naka move-on na kami sa isa't-isa, lalo siya, kaya meron na siyang iba at ako….really Ashra? Iniisip mo pa ang mga bagay na iyan?
Siguro…oo.
Nakamove-on na ako sa dati kong ex.
Pagkarating sa inuupahan ko na apartment ay pumasok ako sa loob at nagtungo muna sa landlady para maabot ang advance p*****t ko sa upa para hindi na ako magkaka-problema at mahirap na kung papalayasin ako dahil sa hindi nagbabayad. May listahan naman ako kung sakali na maningil siya na tapos na akong magbayad sa kanya.
“Kumusta na po siya Manang? Hindi ba siya malikot?” Tanong ko sa kanya pagkatapos naming magpermahan.
“Nasa loob, kalaro ng anak ko kanina at sa pagod parehong nakatulog at hindi naman sinusumpong ang bata.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Manang Sidra.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay niya na kung saan pwede kong iwan sa kanya ang anak ko, for five years ay wala naman kaming naging problema. Maraming nangyari pero sa tulong ng mga tao tulad ni Cha-cha at ni Manang sidra ay kahit papano ay naging madali sa akin ang lahat.
Pagpasok ko sa sala ay nakita ko itong mahimbing na natutulog sa sofa kasama ang anak ni Manang. Mabuti nalang at magkasundo silang dalawa kahit na may autism ang anak ko.
Yes, bilang ina, hindi ko akalain na mangyayari ito sa aking anak, pero kahit ganyan siya ay sobrang minahal ko siya at walang salapi na katumbas ang pagmamahal ko sa kanya kahit....ganoon ang nangyari.
Pagtungtong niya ng 3 years old ay doon ko lang talaga nakitaan ang sintomas na may ganyan nga ang anak ko. Marami na akong pinagdaanan sa buhay para makasurvive kaya lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya lamang.
Dahan-dahan kong binuhat ang anak ko para hindi siya ma bigla na ginising ko siya at marahil sa sobrang pagod sa paglalaro kanina ay hindi siya nagising at mas lalong mahimbing ang tulog.
“Salamat Manang, sobrang salamat po talaga." Pasasalamat ko sa landlady.
"Wala iyon, mabait naman ang anak mo kaya napamahal na rin namin.” Aniya kaya napangiti ako. Ang inabot ko na bayad ay may kasama na doon ang pagbabantay sa anak ko. Wala akong ibang pinagsabihan about sa anak ko kundi si Cha-cha lang ang may alam sa lahat, kahit si Kimberly at Manang Sidra ay tama na maiksing bagay na nalaman nila.
Ang himbing mo namang matulog baby, napagod ka sa paglalaro ano?"
Hindi ko na kasi siya pwedeng dalhin sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho lalo at naglalakad na siya. Dati nadadala ko pa pero ngayon ay natatakot na ako. Baka sa sobrang busy ko sa restaurant ay hindi ko namamalayan na nawawala na pala ang anak ko, at iyan ang bagay na ayokong mangyari. Lalo at marunong naman siyang maglakad. Hindi ko s'ya laging mababantayan, sinubukan kong kumuha ng Yaya niya pero hindi kaya, kaya umalis nalang. Mabuti nalang at nag-ooffer si Manang kaya tinataasan ko ang bigay sa kanya. At marunong siyang magbantay ng bata lalo na sa condition ng anak ko, ang mga umuupa sa kanyang apartment ay tanging pamumuhay niya kasama ang kanyang asawa.
May mahabang bakod naman sila at may cctv para kung sakali ay makita nila kung sino ang labas pasok sa apartment nila.
Si Ian na lang ang meron ako, itinakwil man ako ng lahat pero siya lang ang tumanggap sa akin ng buong puso.
Hinalikan ko sa noo ang anak ko pagkatapos siyang bihisan na ngayon ay mahimbing pa lalo na natutulog, na alimpungatan siya kanina pero sa antok pa kaya hindi rin siya gaanong nagising kaya nilinisan ko na lang. Kumain naman daw ito ng marami kanina bago sila natulog ng anak ni Manang Sidra.
Napabuntong hininga ako.
Kahit anong gawin ko ay magkamukha sila ng kanyang ama, pero hindi ko na lang siya ipakilala sa kanyang ama kung hindi naman siya naghahanap, natatakot ako na baka hindi niya tanggap ang anak niya lalo kung malaman niyang may autism siya at sa iba pang kadahilanan.
Mas gustuhin ko pang ako ang lalaitin niya, saktan niya kaysa makita kong sasaktan niya ang puso ng anak ko. Hinding- hindi ako papayag.
Noong nalaman ng magulang ko na may anak ako ay agad nila akong tinakwil at hindi man lang nakinig sa paliwanag ko. Sinira ko ang tiwala nila na imbes na magtrabaho raw ako para mabayaran ko ang pinapaaral nila sa akin ay nangyari sa akin ito, ang maagang nabuntis, iyan ang akala nila. Pareho silang ofw ng mga magulang ko at dahil ako lang ang nakatira sa inuupa naming bahay dahil wala akong ibang kapatid umuwi sila para surpresahin ako noong birthday ko ngunit sa isang iglap sila ang na surpresa na makita nila ang bata sa kwarto ko at dahil sa nangyari, galit na galit sila sa akin at pinalayas ako sa bahay na bitbit si Ian. Wala kaming communication ng mga magulang ko, pinutol nila ang ugnayan naming tatlo, nakatanggap ako ng maaanghang na salita pero iyon tinanggap ko kesa ipamigay sa iba ang anak ko. Naging sarado ang mga tenga nila para pakinggan ako. Maraming nakarinig na kapitbahay kaya marami din akong naririnig na hindi maganda sa kanila.
At ang lalaking minahal ko noon. Ang lalaking handa ko na sanang samahan hanggang sa pagtanda kung sakali ay kailangan ko na ring pakawalan.
Kagustuhan ko na pakawalan siya dahil kung hindi…. napapailing na lang ako ng ulo ko, hindi ko na dapat balikan pa dahil masaya na ngayon ang tao. May bago na siya, baka nga, asawa niya na iyon, marahil may anak na rin sila. Masaya ako sa kanila, masaya ako kahit nasasaktan ko ng triple ang sarili ko.
Sana darating ang araw na tanggap ko na ang lahat na nangyari sa buhay ko.
“Love you ma-ma,” hindi ko na mapigilan ang paghikbi dahil sa sinabi ng anak ko kahit tulog na ito.
Hinalikan ko s'ya muli sa kanyang noo at nakatitig sa kanya.
"Mahal na mahal ka rin ni mommy anak ko…mahal na mahal, and always remember na tanggap ka ni mommy kahit anong mangyari at kahit sino ka man. I love you too.” malambing na wika ko at tumabi sa kanya para matulog.
Kung pumayag ako sa plano niya baka wala si Ian sa aking tabi.