Heat and Summer✓
"I don't care what you think about me, I don't think about you at all.
-Coco Chanel"
?
Heather's POV
I feel that my body is burning in ecstacy, i feel so hot, it hurts. I heard different voices talking in the background.
I'm struggling to open my eyes and move my body. I felt so weak and useless.
I fluttered my eyelashes many times to open my eyes because the hotness of my body that i feel isn't right.
I manage to open my eyes slowly.
I've read a saying before, "open your eyes and find beauty where you normally don't expect"
Can i rephrase that saying? 'open your eyes and find beast where you normally don't expect.'
Because in front of me are the beast that looks like they are ready to devour their prey.
They look like Adam created by God and tempted to eat the forbidden fruit that makes them a sinner.
"Miss, if you don't mind, puwede bang doon ka na lang banda manigarilyo?"
Bahagya akong natigilan nang may biglang magsalita sa likuran ko, napatingin ako rito na siya namang tinuturo ang kabilang bintana na katapat ng room 37.
Nawala tuloy ako sa malalim kong iniisip, maaga akong nagising kanina dahil bumabalik na naman ang nightmares ko na pilit kong nilalabanan, kung bakit kasi hindi isinama ng butihin kong ama ang mga gamot ko.
Pero ilang years na rin akong hindi umiinom ng gamot, hindi na naman nagti-trigger ang nightmares ko na paulit-ulit. Kagabi lang ito bumalik ulit.
Hindi ko pinansin ang babae at patuloy lang ako sa paninigarilyo, wala ako sa mood para makipagtarayan ngayon, hindi ako nakatulog buong magdamag at idagdag pa ang contract na iniisip kong pipirmahan ko ba o hindi, sabi ni France sa phone kanina na mamaya pa ang dating nito para mapag-usapan namin ang contract.
Pero kailangan ko talaga eh! Damn it!
Naiisip ko tuloy na wala palang pinapatunguhan ang buhay ko.
"Uhm... Excuse me..." Untag ng babae sa akin, hindi pa pala ito umalis? Ano ba at kinukulit ako nito.
"Can you close that noisy mouth of yours? Can't you see? I'm having time to relax my ass in here." Inis kong saad dito, pinandidilatan ko pa ito ng mga mata.
Napansin kong natigilan ito sa sinabi ko, napapaawang ang labi nito na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi at tono ng pananalita ko.
Sinipat ko ang kabuuan nito mula ulo hanggang paa, i like her stilleto shoes, may taste rin pala.
Maganda ang blonde na buhok nito, how i wish na magkaroon ako ng ganyang klaseng kulay na buhok, it looks natural.
At bukod sa buhok nitong agaw pansin ay wala na itong ikinaganda pa sa katawan! Napataas ang kilay ko.
I'm just kidding aside. I never feel so insecure in my life before because this woman in front of me is showcasing her gorgeous and voluptuous body just wearing a simple clothes.
F–cking s**t! Muli akong napahithit sa sigarilyong hawak ko. How i wish my body same as her. She has an amazing ass that looks so fuckable.
Parang gusto ko tuloy itong paikutin nang paulit-ulit, just like in a music box na pagbukas mo ay may umiikot na bagay sa gitna habang tumutunog ang musika.
Damn! Kung kami na lang dalawa ang matitira sa mundong ito, i'll be a killer because i might kill her.
Pinapamukha niya sa akin how miserable i am, dahil sa kanya ko nakikita ang frustrations ko sa katawang tinatangi, ninanais at pinapangarap. Should i kill her now? I rolled my eyes at the back of myself.
She has a beautiful eyes and a pretty face. If i describe her in one word, she is breathtaking.
"I feel hampaslupa sa harapan nito." Bulong ko sa sarili ko na pinagdidiinan ang salitang hampaslupa.
Bigla itong nag-cross arm sa harapan ko at nakipagtitigan din, i looked at her amused.
"Excuse me ano? Ano nga ang sinabi mo kanina?" Pagtataray nito at lakas loob na tiningala ako, hindi naman ito ganoong katangkaran, para itong tumitingala sa isang matayog na puno o lugar.
Siguro sanay itong tumitingala sa matataas na puno. Lihim akong napatawa.
Bigla akong napatawa because she's so entertaining in my sight. Nabaling dito ang atensyon ko at nabawasan ang bigat ng dibdib ko.
"Mind your own business, b***h!" Pang-aasar ko rito. She's so cute and amusing.
"Aba..." usal nito na nag-unat pa ng mga braso na para bang naghahandang makipaglaban.
Pero hindi na rito nakatuon ang pansin ko. Mataman kong tinitigan ang hawak nitong documents.
Siguro ay napansin din nito kung ano ang tinitingnan ko kaya natigilan ito.
"Tsk! Ang tapang, pareho lang pala tayo." Usal ko na muli ay bumalik na naman sa alaala ko ang contract.
Somehow it saddened my heart, tila ba ang mga babaeng nakakasalamuha ko sa lugar na ito ay may kanya-kanyang suliranin at kasama na ako, kagabi lang ay nakilala ko ang ina ng batang madaldal, what was her name again? Napaisip ako.
Oh yes, Esperanza. Magkatulad din ba kami ng sitwasyon? Wala'ng maisip na paraan kundi pumasok sa lugar na ito dahil wala ng malapitan? Hindi man lang ako nagpakilala rito kagabi, ni hindi ko sinabi ang pangalan ko.
Eh itong kaharap ko ngayon? Pera rin ba ang problema nito?
I've realized how pathetic i am wasting too much money before–na walang kahirap-hirap at hindi ko pinaghirapan, i thought money can make you happy pero ngayong napasok ako sa Demoirtel na ito at nakilala ko ang mga taong tingin ko ay hindi ko ka-level ay ang dami kong na realize sa buhay. Ngayon ko lang naramdaman na napaka-selfish ko pala.
Shit! Mukha namang hindi masaya ang mga ito, sino ba ang magiging masaya sa ganitong sitwasyon? Tulad kagabi, 'yong nanay ng batang madaldal, sigurado ako pumasok 'yon dito dahil sa pera, she has a responsibility and she needs money.
At itong babaeng kaharap ko ngayon? Kailangan din ng pera, may responsibility din ba itong kinakaharap?
At ako? Pumasok ako rito dahil kailangan ko rin ng pera, para saan? Para tapatan ang ama ko. How stupid and selfish i am!
Sumisikip ang dibdib ko. Kailangan ko yata ng pahinga. Sasabog ang utak ko sa daming iniisip. But i don't want to leave this girl in front of me without knowing her name.
"Heather." Casual kong pakilala rito. Hindi ako naglahad ng palad, i just said my name flatly.
"Summer." Saad nito na ginaya lang din ako sa kung anong paraan ko ipinakilala ang sarili. Nagkibit-balikat ako saka muli itong tiningnan mula ulo hanggang paa. F–ck! My insecurities are killing me!
Humakbang na ako papalayo rito, saka bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ko. Siguro kung nakilala ko ito nang nag-aaral pa ako ay siguradong magiging magkaibigan kami.
But right now i don't want to cross our path again. Sigaw ng bitchy attitude ko. Nilalamon pa rin ako ng frustrations ko sa katawang tinatangi, ninanais at pinapangarap.
Napapailing at napapatawa na lang ako sa sarili.
And now it's time for me to face my own battle...
***