Madam X✓
"Let go of the s**t that suffocate your soul."
?
Heather's POV
Pabalik na ako sa room ko nang may makasalubong akong dalawang lalaki, alam ko na mga personnel ito sa Demoirtel, mga bodyguards base sa mga suot nito.
Napahalukipkip ako nang huminto ang mga ito sa harapan ko. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Madam X sa office niya." Sabi nito.
Bigla akong kinabahan at bakit ako ipapatawag nito? Ang alam ko ay hindi basta-basta nagpapatawag si Madam X kung hindi importante o wala kang kasalanang ginawa or nag-violates sa rules.
Bakit kaya?
"Sumunod na lang po kayo sa amin." Saad pa ng isang bodyguard. Tahimik lang akong sumunod sa mga ito.
Nang makarating kami sa floor kung saan ang office ni Madam X nagpaiwan ang mga bodyguards sa labas. Dahan-dahan akong pumasok sa room. s**t talaga! Bakit kinakabahan ako?
Pagkapasok ko ay una kong napansin ang nasa loob ay halos puro kulay pula ang nandoong furnitures and designs, may mga nakasabit pa na hubo't hubad na mga larawang painting sa dingding.
Nakatalikod ang swivel chair na inuupuan nito kaya hindi ko s'ya makita.
Tumikhim ako at taas-noong lumapit sa table niya at naupo sa upuang nandoon na kaharap nito.
Tanging ang malaking table lang nito ang pumapagitna sa amin. I love the color red kaya komportable ako sa ambiance ng room.
"Oh my, my, my. What do we have here?" Narinig kong usal nito na unti-unting inikot ang swivel chair. Tila ito isang reynang nakaupo sa malaking upuan, she looks like Cleopatra. Naka-lipstick ito ng kulay black na tila katatapos lang kumain nang dagta ng pusit, 'yong itim na itim.
Idagdag pa ang hairdo nito na hindi ko malaman kung paano ginawa.
"Typical Larkin..." Iiling-iling na muling saad nito habang nakatitig sa akin. At tila ba hindi makapaniwalang nasa harapan na ako nito nakaupo, hindi ko man lang siya hinintay na sabihan akong umupo.
I don't care.
I just smirked at myself secretly. Pero napakunot ang noo ng mabanggit nito ang apelyido ko. Hindi ko pa nabanggit kahit kay France ang surname ko.
"How do you know my surname?" Kunot-noo kong tanong.
"Of course, i know. Kailangan kong kilalanin ang bawat angels na pumapasok sa poder ko. At isa ka na roon. Did you know your Dad will do everything within his power to ruin me–kapag nalaman niyang nasa poder kita?" Mariin nitong saad. Malumanay ngunit mabibigat ang mga salitang binibitawan.
Napataas ang kilay ko. Nagkatitigan kami.
"Sigurado akong hindi ka papayag na mangyari 'yon." Mataray kong sagot.
"Of course, spoiled brat! Ano pa at naging Madam X ako." Mataray din nitong saad sa akin. At mataman akong tinitigan.
"How did you know my father?" Curious kong tanong.
"Walang nakakaligtas sa akin lalo na sa larangan ng mga taong involved sa business. You're Mom was a friend of mine a long time ago. It's a long story to be told."
I chuckled and crossed my arms in front of my chest.
"I'm not interested about the story of your friendship and i have no time to listen." Walang emosyong saad ko.
Napahalakhak si Madam X.
"Isa ka talagang Larkin, hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ka. You're father is the most stubborn man i've ever known. He is so proud to himself and a pain in the ass. So prideful and wise. Nakikita ko siya sa'yo."
Bahagya itong napangiwi sa sinabi at iiling-iling.
"Don't worry, my father don't care kung saan man akong lupalop napadpad ngayon. He disowned me. Wala akong matakbuhan at maski sa paghahanap ng trabaho ay wala. So, i guess i'm stuck in here." Deretsahan kong saad dito sabay kibit ng balikat.
"So finally the heiress of Chad Stone Hotel fell down into her feet." She said mockingly.
Aba't ininsulto pa ako ng bruha! Tumaas ang isang kilay ko dahil muli itong nagsalita.
"You're so wrong dear. He cares about you. Anyway, enough of your father. This is the contract, read it first before you sign it, i know you wanted a job desperately." Saad nito ulit ng mapansing hindi ako nag-comment sa patutsada nitong pang-iinsulto.
Sabay lapag ng kontrata sa harapan ko. Akala ko ba si France ang magbibigay nito sa akin?
"May inaasikaso lang si France pero mamaya babalik din 'yon." Muling saad nito. Parang narinig ang tanong ng isipan ko.
"Okay." Kinuha ko ang contract, saka tumayo na. Na-aamused namang nakatingin sa akin si Madam X. Gusto ko na itong pandilatan ng mga mata pero napigilan ko pa naman ang sarili.
"You know what, gusto ko ang tabas ng dila mo. Kung ano ang nasa isip mo ay sinasabi mo wether it is good or bad. But i hope you know who is the boss, that's why there is a word that we called respect, right?." Litanya nito sa akin na tila ba isang ina na pinapangaralan ang anak. Napataas ang kilay ko.
Gusto ko sanang sabihin dito na 'Oh really? Sa klase ng business mo ay hindi kailangan ang word na respect, it's useless' but i choose to shut my mouth.
"Of course, Madam X." Malumanay kong sabi rito, and give her my sweetest fake smile. Napangiwi ito at pagak na napatawa.
"You can go now, Larkin," saad nito and rolled her eyes. Napaikot rin ang dalawang eyeball sa mata ko.
"Larkin," muling tawag nito sa akin na tila ba hate na hate banggitin ang pangalan ko. s**t! Hate na hate ko ring marinig ang surname ko!
"Yes, Madam X? " Sagot ko na naka-paskil pa rin ang peke kong ngiti.
"You need to practice more how to smile genuinely, masyadong halata ang smile mo." Sarkastiko nitong saad na ikinawala ng ngiti ko.
Whatever, matandang pugita! Sigaw ng isipan ko. Pero hindi naman halata sa edad nito ang hitsura. Maganda pa rin ang pangangatawan nito at makinis ang puting balat.
Pairap kong kinuha ang contract sa mesa nito at akmang tatalikod na nang muli na naman itong magsalita.
"I can see myself in you Larkin. Strong and fierce but that strong looks of yours and your bitchy personality there's a hidden stories behind of it. I'm curious." Nakangisi nitong saad.
Oh, i hate her now! Nag-iwas ako ng tingin, saka tinalikuran na ito. Humakbang na ako papunta sa pinto palabas.
"By the way Madam X, no matter how many times i fall, i still rise." Mariin kong sabi na hindi lumilingon dito.
Bago ako makalabas ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pahabol nitong sabi.
"What a spoiled brat b***h, but how i wish i had a daughter like her, how pathetic i am."
Narinig ko pang napatawa ito bago ako tuluyang nakalabas sa office. May attitude disorder yata ang Madam na ito!
Nagtungo na ako sa room ko, tinitingnan ko ang contract at pinirmahan agad. Bigla akong natigilan, napapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko. Hindi ko na sana ito babasahin ng mapaisip ako sa rules and violations.
Binasa ko ang pages isa-isa at may nakaagaw ng pansin ko, isa sa mga nakasaad dito na makukuha lang ang shares namin na binayad ng client after we fullfill the time span of the contract.
What the heck!
Tapos ito pa.
*The VIP client will give you extra insentives either money or jewelries or anything they want to give if you satisfy their pleasure desires.
Oh s**t! What if hindi ko ma-satisfy?
And what this? Akala ko ba kapag nag-bid na ang client exclusive na sila lang ang client mo hanggang matapos ang time span mo? Hindi pala. Depende sa client 'yon kung magbi-bid pa s'ya sa'yo ulit o hindi na.
Or they can also choose what they want depende sa usapan nila ni Madam X.
F–ck it!
Gusto kong punitin ang contract! Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging tanga! I'm so desperate kaya pirma agad! I need to talk to France!
Agad akong lumabas ng room at nagtungo sa lounge area husto namang nakasalubong ko si France.
Hindi maipinta ang mukha ko samantalang ito ay abot tainga ang ngiti.
"Hey babe, how are you?" Nakangisi at maarte nitong tanong. Pero nawala ang ngiti nito ng makalapit sa akin.
"Hey are you okay? Y-you look pale..." Worried na sabi nito.
Sasagot na sana ako at handa nang ibuga ang lahat ng apoy na naipon ko sa bunganga ko! Gusto ko itong tustahin!
Ngunit naging dalawa si France sa paningin ko. Hanggang sa maging tatlo. Hangagang sa umikot na ng tuluyan ang paningin ko.
At hindi ko namalayan nasa bisig na ako ni France. Unti-unting dumilim ang paningin ko. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid.
"Call the doctor now!" Huling narinig kong sigaw ni France na halata sa boses ang panic.
Pagmulat ko ng mga mata ay una kong nakita ang dextrose na nakasabit sa stand.
"My goodness Heather! Ano ba ang pumasok sa utak mo?"
Talak ni France na palakad-lakad sa gilid ng kama ko habang ang dalawang kamay ay nasa beywang.
"Ano'ng nangyari?" Maang kong tanong saka napatingin sa kaliwang kamay ko kung saan nakalagay ang suero.
"Hinimatay ka lang naman dahil sa dehydration at kulang sa kain sabi ng Doctor! At over fatigue. My God! Pinalipad mo ang kaluluwa ko. Kailan ka ba huling kumain?" Talak nito.
Napaisip ako, oo nga ano? Kailan nga ba ako huling kumain? Hindi ko matandaan.
Sa sobrang kaiisip ko ay hindi ko na napapansin ang panghihina ng katawan ko.
"Sabi ng Doctor kailangan mo ng pahinga at kumain ka! Lagyan mo naman kahit konting taba 'yang slim body mo. Hindi ka naman magmo-model sa Victoria secret! "
Pagtatalak nito na tila hindi mapakali.
"You're an asshole France. You know that, right?" Mahinahon kong saad dito saka ito inirapan.
"After kitang saluhin para hindi bumagsak sa sementadong sahig ganyan ang ibubungad mo sa akin? My goodness, Heather! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa'yo mukha ka lang bakal sa labas pero sa loob kasing lambot ng cotton candy!"
Patuloy nito sa litanya sa akin. I just rolled my eyes at him.
"Anyway, tatanggalin 'yang dextrose mo pag-ubos na, baka mamayang gabi ubos na 'yan. At may client ka na. Bukas ng gabi ang meet up ninyo. Mismong sa Penthouse ka niya pinapapunta, at exactly 9PM. So you'd better get ready."
Dere-deretso nitong sabi na halos hindi na mag-sink in sa utak ko ang sinasabi nito dahil lutang pa ako. At paanong nagka-client ako agad? Nakakunot ang noo ko. May sasabihin pa sana ako nang bigla itong magsalita ulit.
"Take a rest at may pa aakyatin ako rito mamaya para mag-asikaso sa'yo. I have to go."
Saad nito at agad na umalis. Napanganga na lang ako. Tila nagmamadali itong iwanan ako.
Damn! Sino ang client ko?
***