Demoirtel✓
"Maybe life isn't about avoiding the bruises. Maybe it's about collecting the scars to prove we showed up for it.- TerriWillingham"
?
Heather's POV
Heto na nga ako nakatayo sa isang napakalaking gusali na tinatawag nilang Demoirtel.
Nasa apat na palapag lamang ito dahil ang disenyo ng building ay malapad. Puro puti ang kulay at napapalibutan ng mga ilaw ang bawat palapag.
Kanina habang nasa biyahe kami ni France papunta sa Demortiel ay na-explain na nito sa akin ang tungkol sa Rampage Society.
Nasabi nito sa akin na ang kontratang pipirmahan ko raw ay good for one year kasi ito ay exclusive lang for all VIP clients–which means magiging high rank escort ako, an elite hookers!
May pagpipilian naman sa kontrata pero mas mabuti na siguro 'yong isang taon na kontrata at least exclusive ka lang sa iisang client. F–ck s**t talaga! Ano ba napasok ko? Pina-sosyal lang pero pokpok pa rin!
Malandi ako at papalit-palit ng mga lalaki noon pero naglalagay ako ng limitasyon sa sarili! I am a b***h but i am not a slut–gaya ng tingin ng lahat sa akin!
Pinakalma ko ang sarili. Hindi nga ba kailangan na kailangan mo ng pera para matapatan ang ama mo? So, go for it! Kausap ko sa sarili ko.
"Let's go inside girl." Masayang turan ni France na ngayon ay mahahalata na ang pagkasilahis nito kahit pa nakasuot ito ng panlalaking kasuotan at naka-clean cut ang buhok, kung titingnan ito ay hindi mo mapagkakamalang bakla.
Nang makalapit na kami ay napansin ko ang gitnang bahagi ay isang malapad na glass door at kitang-kita ang nasa loob, nakikita sa loob ang hagdan paakyat sa taas at sa tabi nito ay ang elevator.
Naroon din ang front desk kung saan ang receptionist ay isang magandang babae. Agad kaming binuksan ng guard para tuluyang makapasok sa loob. Taas-noo akong pumasok.
"Welcome to Demoirtel Apartment, dito lahat namamalagi ang mga empleyado ng Rampage Society." Nakangiting saad ni France, tinaasan ko lang ito ng kilay. Sa totoo lang ay bigla akong kinabahan.
Paano pagma-trigger ang anxiety ko dahilan ng trabahong ito? Napapaisip ako. Pero diba nga good for one year lang naman ang contract at exclusive lang iyon sa isang VIP clients?
Ibig sabihin ba noon ay kung sino ang maka-bid sa akin ay 'yon na ang magiging client ko good for one year?
Nahintakutan ako sa naisip. Biglang sumikip ang dibdib ko at bahagyang namutla. F–cking s**t! What the heck? Paano kapag ang naka-bid sa akin ay isang Drug Lord na sadista? O kaya isang matabang lalaki na malaki ang tiyan at matanda.
"Hey, are you okay? Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot." Untag ni France sa akin.
"I zoned out, what did you say again?" Kunot-noo kong tanong. He rolled his eyes.
Bakla talaga!
"What i said is may exclusive restaurant dito sa loob para lamang sa mga employees ng Rampage."
"Okay, i get it. Can you show me my room? Gusto ko munang magpahinga." Tanging naiusal ko, nanghihina kasi ang mga tuhod ko baka hindi kayanin ng heels ko at bumigay ang katawan ko.
"Oh okay, let's go to the front desk, sila ang magbibigay ng room mo. " Saad nito. Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi nito. Basta sumunod na lang ako rito.
Madaming sinasabi ang receptionist pero wala akong pakialam ang gusto ko lang makapasok na sa room baka makapag-isip ako ng maayos. Room 34 ako, sinabi ni France na mamaya na lang daw kami mag-usap sa lounge area, iniwan na rin ako nito kasi may pupuntahan daw. Pinasamahan na lang ako nito sa nag-ngangalang Antonio. Personnel yata ito ng Demoirtel.
"Ma'am ako na po ang magdala niyang luggage n'yo." Parang naiilang nitong saad nang makasakay na kami sa elevator.
"No. I can manage." Malamig kong turan dito. Hindi ko man lang ito tinapunan ng tingin pero alam ko sinusuri ako ng tingin nito.
"Grabe talaga itong si France..." Napapailing na bulong ni Antonio sa sarili. Napatingin ako rito. Bahagya itong ngumiti.
"Ah eh kasi Ma'am para ka kasing 'yong idol ko na supermodel, ang ganda at sexy n'yo po kasi saka ang tangkad ninyo, napaka fierce look n'yo po. Kahit hindi ka ngumingiti ay mas lalo iyong nakadagdag sa s*x appeal ninyo."
Madaldal nitong sabi, hindi man lang nahiya na i-describe ang sarili ko. Siguro sanay na rin ito.
"Mukha kayong mayaman Ma'am ah. Ano't napunta kayo rito? Karamihan kasing pumapasok dito sa Rampage ay financial lagi ang problema, pero kayo mukha namang hindi pera ang problema ninyo. "
Napalunok ako, hindi ba maintindihan ng lalaking ito ang pananahimik ko? Na ayaw kong makausap ito! Hindi ko na lang ito sinagot dahil wala naman akong maisagot.
"Pero huwag kayong mag-alala Ma'am, alagang-alaga ni Madame X ang mga employee ng Rampage." Nakangiti nitong saad.
Tinanguan ko lang ito, at nang makarating kami sa third floor ay agad na kaming lumabas sa elevator, hindi na ako namangha pa sa ganda ng Apartment na ito. Sanay na ako sa mga magagarang desinyo na parang natural na lang sa akin.
"Dito na po ang room 34 Ma'am, kapag nagutom ka ay tumawag ka lang po." Nakangiting turan nito.
"Okay." Tipid kong sagot dito.
"Marunong palang magsalita eh." Narinig kong bulong nito bago umalis.
Pabukas na ako sa room ko nang may biglang lumabas sa kabilang room na batang babae, tingin ko ay 5 years old ito, napakunot ang noo ko hindi dahil sa pamilyar sa akin ang mukha nito kundi ay–what the hell? Bakit may bata dito sa tirahan ng mga elite hookers!
"Hey, where's your Mom?" Tanong ko rito pero hindi ito umimik, nakatitig lang ito sa akin, ang cute naman ng batang ito.
Oh my goodness! Hindi kaya nagbebenta din ng mga bata ang Rampage Society?
Oh s**t! Tatawagan ko si France mamaya. Hindi ko alam kong anong gagawin kapag nagkataon na totoo ang nasa isip ko.
"Bakit nakasimangot ka?" Mahina nitong tanong.
"Wala kang pakialam, pumasok ka na sa room ninyo ayaw kong maging komplikado ang buhay ko. Saka don't talk to strangers diba? Hindi ka ba naturuan ng Mommy mo?" Stress kong saad dito. She pouted her lips, ang cute.
"Tinuruan ako ni Mamu s'yempre, para ka kasing si Malifecent, sungay na lang ang kulang." Pa-inosente nitong sabi.
Aba ang batang ito! Baka ako pa ang unang magbenta nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata at lumapit dito.
"Kung ako sa'yo pumasok ka na sa room ninyo kung ayaw mong ilabas ko ang mga sungay ko. Masunurin ka naman diba?" Nakataas kilay na saad ko rito.
"Ayaw ko nga, hinihintay ko si Mamu eh saka gusto kong makita ang sungay mo, ilabas muna."
Naningkit ang mga mata ko. Bigla yatang nawala ang panghihina ng katawan ko dahil sa madaldal na batang 'to. Na aaliw akong kausapin ito. Bukod sa makulit ay nakakatuwa.
"Pumasok ka na sa room mo." Nilakihan ko ito ng mga mata para pumasok, hindi ako papasok hangga't hindi ito nakakapasok.
"Takot ka bang ipakita ang sungay mo?"
Tila nang-aasar pa ito. Hindi ako umimik. Hindi man lang natakot sa akin.
"Bakit ka matatakot na ipakita ang sungay mo? Hindi naman porke't may sungay bad na diba? Minsan kasi panakot lang nila ang sungay para walang makalapit sa kanila kasi ayaw nilang masaktan."
Natigilan ako sa sinabi nito, napatitig na lang ako rito. Alam kong nagbabase lang ito sa napapanood na cartoons pero ang sinabi nito ay may laman! She is too smart para makapagsalita ng ganoon.
Napa-buntonghininga ako. Magsasalita pa sana ako ng may biglang dumating na babae.
"Reece, bakit nasa labas ka?" Nag-aalalang sabi ng babae na agad kinarga ang batang madaldal. Ate niya siguro ito.
Napatitig ako sa magandang mukha ng babae, she has a seductive innocent look.
Parang gusto ko itong bihisan at ayusan nang paulit-ulit, ito ang tipo ng babaeng hindi ka magsasawang bihisan, ayusan at pagandahin. Parang barbie doll lang.
Pero sa ayos nito ngayon ay para itong patapong barbie doll na kahit patapon na ay madami pa ring nahuhumaling.
"Pasensya ka na sa anak ko baka na-istorbo ka." Nakangiting saad nito pero mahahalata sa boses ang pagkailang, she looks familiar–wait, anak? Anak n'ya ang batang madaldal at makulit? Hindi ako makapaniwala, hindi halata na may anak na ito.
"Hindi naman s'ya nakaka-istorbo, nakakaubos lang ng pasensya." Walang emosyon kong sagot dito.
"Pasensya na may pagka-makulit talaga ang anak ko. Bago ka rin ba rito? Ako nga pala si Esperanza." Pagpapakilala nito.
So, nagtatrabaho din pala ito sa Demoirtel na ito, malamang sa hitsura pa lang nito ay talagang limpak-limpak na salapi ang kikitain ng Rampage Society! At hindi sila nagbebenta ng bata, anak n'ya ito, litanya ko sa sarili.
Tinanguan ko lang ito, hindi ako nagpunta rito para makipagkilala at makipag-kaibigan. Agad na akong pumasok sa room, narinig ko pa ang pasigaw na sabi ng batang madaldal.
"Bye Malifecent!!"
***