Threat✓
"Behind every strong, independent
woman lies a broken little girl who had to learn how to get back up and to never depend to anyone"
?
Heather's POV
Malayo pa lang ako ay naririnig na ng lahat ang tunog ng 6 inches heels ko sa lobby ng building. Napanganga ang lahat kapag nakakasalubong ko at sadya pang lumilihis kapag nakaharang ang mga ito sa dinadaanan ko.
Taas-noo at walang ka ngiti-ngiting dumeretso ako sa elevator.
"The Chairman's office." Malamig kong utos sa elevator boy na nandoon. Saglit lang itong natigilan nang tumalima sa iniuutos ko
Inayos ko ang black coat na nakapatong sa balikat ko na ang haba ay lagpas hita na nababagay sa suot kong white classy dress na hindi umaabot sa tuhod ang haba kaya lantad na lantad ang flawless kong legs, madaming nagsasabi na sa tangkad na 5'8 at sa hubog ng katawan ko, idagdag pa ang sophisticated look ay mapagkakamalan na akong supermodel.
I shrug my shoulder for that thought.
I just graduated last, last year with a Bachelor Degree of Tourism at wala akong balak maging modelo.
Kadarating ko lang galing France, ang huling bansa na pinuntahan ko. My Dad give me a tour all around the World as a gift. Kaya sa loob ng isang taon ay wala akong ginawa kundi mag-travel nang mag-travel. Such a filthy rich old man! Pero hindi ko pa nalibot lahat ng bansang gusto kong puntahan.
"Ohh, i am so tired but you said you want to talk to me." Pagod akong umupo sa upuang kaharap ni Daddy pagdating ko sa office niya.
Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Busy ito sa kaka-pirma ng mga papers na nasa desk nito. Kunsabagay kailan ko ba ito nakapalagayan ng loob? In his sight i am just a speck of his eyes, a nobody, a trash–na walang ibang gawin kundi magkalat at sirain ang reputasyon niya.
"Good you're here." Malamig ang boses nitong saad saka ito nag-taas ng ulo para tingnan ako. Blanko ang expression ng mukha nito, wala man lang akong makitang emosyon.Tinaasan ko na lang ito ng kilay.
Hindi man lang ba ako nito kukumustahin? Lagi na lang pera ang pinapagana nito pagdating sa akin. Walang laman ang utak kundi pera. Gigil na asik ko sa sarili.
"So, what do you want father?" Sarkastiko kong tanong. Hindi naman ito nagkomento sa tono ng pananalita ko bagkus ay bumuntonghininga lang ito.
"You're getting married next month kaya kailangan mong mag-prepare sa kasal mo." Walang emosyong turan nito sa akin.
Nabigla ako sa sinabi nito pero hindi ko pinahalata.
"Excuse me?" Mataray kong usal.
"You heard me right Heather, you're not stupid–para hindi makuha ang sinasabi ko and i don't want to repeat myself!" Mariin nitong sabi na tila empleyado lang ang kaharap.
"You're kidding right?" Pilit kong pinapakalma ang sarili baka mabulyawan ko ito kahit papaano'y may natitira pa naman akong respeto rito–after what he did to me six years ago! He still my father.
"No, i am not joking. You're going to marry the son of my business associate for my business expansion." Saad nito na ibinalik na ang atensyon sa mga papeles na pinipirmahan.
I felt useless and insulted. Para sa business expansion nito ay handa nitong isakripisyo ang sariling anak? Kahit pa sabihing sa loob ng anim na taon ay hindi na ako nito tinuturing na parang anak at hindi na ito naging ama pa para sa akin. But this is too much!
"No. I won't get married to the man i don't know and i don't love!" Mariin kong suway sa sinabi nito. Muli itong nagtaas ng tingin at malamig ang tinging ipinukol sa akin.
"I don't ask your permission," mariin din nitong sabi. I am speechless, paano ko sasalungatin ang napaka-dominanteng ama at ang tingin sa sarili'y Diyos na sinasamba!
"At anong alam mo sa salitang pagmamahal kung ang ginagawa mo lang naman ay papalit-palit ng mga lalaki na parang damit mo lang! Do you think i don't know? Do you think i don't care Heather? Na sa tuwing nakakagawa ka ng scandal o nagwawala ka sa club na parang puta ay ako ang sumasalo! Kahihiyan at malaking halaga ang kailangan kong ilabas para lang mapagtakpan ka sa mga tao at sa mga press! You already tainted my reputation! It's time for you to settle down. Baka sakaling magtino ka!" Galit nitong singhal sa akin, tumayo pa ito at ibinagsak ang kamao sa desk.
Pero hindi ako nagpasindak dito i've been through a lot. Ngayon pa ba ako matatakot? Sinasalubong ko ang mga mata nitong puno ng galit na nakatingin sa akin.
"Don't judge me because you don't know anything! You only care about your reputation! At huwag mong ipamukha sa akin na para bang utang na loob ko pa sa'yo ang pagtatakip mo sa mga kabulastugang ginagawa ko!" Asik ko rito, napatayo na rin ako sa upuan. Taas noo akong humarap dito, pinipigilan na hindi mapaiyak sa harapan nito.
Hindi ito ang oras para umiyak! Kailan ba akong huling umiyak? Nang mamatay si Mommy. Lahat ng luha ko ay inubos ko na sa araw na 'yon.
"Whatever you say! Hindi ako magpapakasal!" pagmamatigas ko.
"You will do what i say Heather!magpapakasal ka! That's an order!" Bulyaw ni Daddy sa akin. Pagak akong napatawa.
"So sad because i am not your employee but your daughter, so you can't order me around!" Palaban kong sagot.
Matagal kaming nagkatitigan, nagsusukatan kung sinong susuko sa aming dalawa. Bawat titig namin ay nagpapahiwatig na walang gustong magpatalo.
How ironic, mukhang nakikita ko na ang sarili ko pagtanda, carbon copy talaga ako nito, pati pag-uugali ay may similarity kami, pero hindi ako magiging katulad nito na nilamon na ng salapi ang sistema ng buhay!
"Like father like daughter..." Sarkatiko kong saad dito sabay hakbang papunta sa pinto para lumabas.
"Don't turn your back at me Heather!" Nanggagalaiting tawag ni Daddy.
Nilingon ko ito, buti na lang napigilan ko pa ang sariling hindi mag-f**k you sign dito, s**t! Naging habbit ko na yata since teenager na kapag may tumawag sa akin at lumingon ako ay binibigyan ko ito ng isang malutong na f**k you sign!
"I won't marry him Dad. Don't dare me." Mariin kong sabi.
"No my dear daughter, DON'T DARE ME." Puno ng determinasyong turan ni Daddy na tila isang musika sa pandinig ko, as if he was threatening me.
Hindi ko alam kong anong tamang salita ang bibitawan dito kaya mas pinili ko na lang na lumabas na sa opisina nito.
Lumabas ako sa office nito na mabigat ang loob at gustong kumawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang hindi bumagsak. The f**k! I don't want to ruin my mascara and make up!
Anong akala nito sa sarili? Panginoon na basta-basta na lang nakukuha ang gusto? I am not his puppet!
Paglabas ko sa malaking gusali ay may nakaabang ng kotse sa akin, binuksan ng driver ang passenger's seat para makasakay na ako sa sasakyan.
"To my condominium." Utos ko sa driver. Agad naman itong tumalima sa sinabi ko, sanay na rin ito sa akin dahil matagal ko na itong personal driver.
First, i need to rest, masyado akong napagod sa biyahe at dumagdag pa ang pagkakaroon namin ng alitan ni Daddy. Kailangan kong mag-ipon ng lakas para sa binabalak ni Daddy.
Ang galit sa mga mata nito kanina ay sapat na para mangamba ako. s**t talaga! Baka hatulan ako nito ng execution at ipatapon sa kung saang lupalop na bansa para hindi na ako makapaghasik ng lagim dito. Ganoon ba talaga ako kasama para sa reputasyon nitong iniingatan?
Oh Lord... Baka hatulan ako nito ng persona non grata!
***