Outcast✓
"You can't go back and change the beginning but you can start where you are and change the ending." - C.S Lewis.
Heather's POV
Kanina pa ako nakalubog sa bathtub, lumalamig na rin ang tubig pero hindi pa rin ako gumagalaw, nakatitig lang sa kawalan habang panay ang hithit ng sigarilyo.
Ganito ako kapag na stress o kaya kapag may malalim na iniisip. Tila wala sa sarili at tanging sigarilyo lang ang pinaghuhugutan ng lakas.
May mga bagay na bumabalik sa alaala ko pero pilit kong iwinawaksi sa isipan. Its better not to think about it. My past will never ruined me again. Not now, not anymore! Mariin kong pinagdidiinan sa isip at sarili.
Bumuntonghininga ako, i need a distractions! Buti na lang tinawagan ako ng mga friends ko na pumunta raw kami sa isa sa sikat na Bar mamaya.
Naka-bihis at nakapag-ayos na ako, naisip kong mag-shopping muna, malapit lang naman ang Mall dito sa condo ko, pa-gabi na pero okay lang. Around 9PM pa naman ang usapan naming magkakaibigan.
"Aalis po kayo Ma'am?" Tanong ng driver ko nang bigla na lang akong sumulpot sa parking lot.
"Yes and i will drive." Walang emosyong turan ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay nagiging manhid ako.
Iniabot ng driver ang susi ng kotse sa akin at agad ko itong kinuha. Pumasok ako sa kotse, binuhay ang engine saka pinaharurot nang takbo.
Shit! Na-traffic pa ako. Habang nililibang ang sarili ay napatingin ako sa labas ng window shield ng sasakyan, nasa left lane ako kaya nakikita ko ang mga taong naglalakad sa eskinita ng kalsada.
Finally! Umusad na rin. Bakit ba kasi grabe ang traffic ngayon! Nakasimangot kong tanong sa sarili.
And then traffic na naman sa may dulo, napabuga ako ng hangin. Bigla na naman akong napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko, napakunot ang noo ko.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang isang babaeng nakaupo sa sementadong upuan at sa gilid nito'y may katabing bag. May kasama pa itong bata.
Tingin ko sa babae ay problemadong-problemado, halata naman sa mukha nito at ang batang kasama nito ay parang walang kaalam-alam sa mundo. Tingin ko'y hindi naman ito pulubi, baka taga-probinsya na bagong salta rito sa Maynila.
Napapailing na lang ako. Pakialam ko ba sa kanila? Muli kong ibinaling ang atensyon sa iba pero napapatingin pa rin ako sa deriksyon ng babae at bata. I rolled my eyes.
Muling umusad ang daloy ng traffic, nang makahanap ako ng space sa tabi ng daan ay ipinark ko ang sasakyan sabay abot ng maliit na paper bag sa passengers seat, may laman itong mga chocolates galing France.
Shit! Bakit sinasayang ko pa ang oras ko sa kakaisip sa babae at batang 'yon? Nasaan ba ang mga magulang ng mga 'yon at pinapabayaan ang mga ito!
Nagtatalak ako sa isipan ko pero agad ding lumabas ng sasakyan at binaybay ang daan kung saan ko nakita ang babae at bata, magkapatid siguro ang mga ito. Bitbit ko ang paper bag na may maraming laman na chocolates at biscuits, dapat ay ibibigay ko ito sa cleaner ko sa condo pero hindi bale na...
"Nasaan na ang mga ito?" tanging naiusal ko sa sarili nang makarating sa puwesto kung saan ko nakita ang mga ito. Grabe, 10 minutes lang ang lumipas ay agad ng nawala ang dalawa.
"Damn! I'm just wasting my time!" inis kong usal sa sarili. Bakit ba kasi pinapairal ko na naman ang kalambutan ng puso ko? Naawa lang ako sa bata, gabi na at baka mapaano pa ito.
Pabalik na ako sa sasakyan ng may mabangga ako, correction! Ako pala ang binangga. Kung minamalas ka nga naman!
Hindi ko na pinansin ang babaeng nakabangga sa akin kahit pa humingi na ito ng paumanhin, mukha kasi itong nagmamadali.
Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa kotse. Nang makarating sa Mall ay wala akong sinayang na oras, naglibot ako at tumitingin sa mga iilang boutique na nandoon.
Nang magsawa ay naisipan ko na ring umuwi sa Condo. Late na ako sa usapan namin ng mga kaibigan ko dahil na rin sa traffic.
Nang mai-park ko ang kotse sa parking lot ng Condominium ay may napansin akong isang maliit na luggage sa gilid ng elevator. Of course, i'm curious because that luggage is mine!
"Ma'am Heather..." Untag sa akin ng driver ko na agad sumalubong sa akin. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.
"What is the meaning of this? Bakit nasa labas ang mini luggage ko! Sino ang nakialam sa mga gamit ko?" Asik ko sa driver na maski ito ay hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Ma'am, galing po ang Daddy ninyo rito at s'ya mismo ang nag-utos sa amin na huwag na kayong pabalikin pa rito sa Condo at siya na rin ang nag-ayos ng mga gamit ninyo sa luggage." Saad nito. I was shocked.
"What? What the hell! This is my unit under my name!" Oh s**t! It can't be, nagiging hysterical na ako ngayon. Akma akong papasok sa elevator nang pigilan ako ng driver ko.
"Ma'am, i'm sorry pero bawal na po talaga kayong pumasok sa unit ninyo."
"Bawal? I don't care! And don't you dare stop me! " Bulyaw ko rito sabay pasok sa elevator, hindi na ito nakapagsalita pa.
Pagkarating ko sa unit ng condo ko ay naka-lock ito at kahit anong bukas ko ay hindi mabuksan. Bumaba na ako sa reception area at doon ibinuhos ang galit.
"He has no right sa unit ko! How can you be so stupid? All of you are so stupid! Nakapangalan sa akin ang condo unit ko at fully paid ito!" Galit na galit na turan ko sa mga ito.
"Ma'am, please calm down. According to the contract ang Daddy mo ang nagbayad–" Pagpapaliwanag ng isa sa mga staff ng Condo pero pinutol ko ang sasabihin nito.
"Damn the contract! I don't care! " Singhal ko sa receptionist. Nakikita ko ang takot sa mga mata nito.
"I want to talk to the owner of this Condominium Building now! At ngayon din ipapatanggal ko kayo sa trabaho!" Nanggagalaiti kong bulyaw sa mga ito.
Pero wala pa ring ginawa ang mga ito instead ay tumawag ng mga guards at pinadampot ako palabas sa gusali.
Oh s**t! Wala pang gumawa sa akin ng ganito! Talagang ipapasunog ko ang gusaling ito! Asik ko sa sarili.
"Let me go!" Pagpupumiglas ko sa mga guards na nakahawak sa akin para ilabas ako, tila biglang sumikip ang dibdib ko nang may biglang mag flashback na pangyayari from the past!
Napaupo ako sa labas ng bitawan ako ng mga guards, hawak-hawak ang dibdib at pilit kinakalma ang sarili.
This is so humiliating! Ngayon ko lang naranasan ang ganito at pinagtitinginan ako ng lahat.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng driver ko na kadarating lang galing parking lot, agad akong nilapitan nito at akmang itatayo pero itinaas ko ang isang kamay, senyales na ayaw kong magpatulong dito.
Tumayo ako at tiningnan ito.
"You're asking me if i'm okay?" sarkastiko kong balik tanong dito."Do i look okay to you? Can't you see? Ipinatapon ako ng ama ko sa labas! That bastard old man!" Muling asik ko.
Napayuko ang driver ko, hindi makatingin ng deretso sa akin. Tumunog ang cellphone nito at nang sagutin ay agad na iniabot sa akin ang phone.
"Ang Daddy po ninyo, Ma'am"
Pabalang kong hinablot ang cellphone mula rito.
"What is wrong with you! " Agad kong asik kay Daddy. Nababaliw na ba ang ama ko?
"This is the way for you to learn a lesson for defying me." Mahinahong sabi ni Daddy sa akin. Lesson for defying him? What the f–ck!
"Ngayon mo pa yata napagtuunan ng pansin ang word na defying my father dear," i said mockingly."Na simula't sapol lahat ng sinasabi mo o pinapagawa sa akin ay hindi ko sinusunod!"
"You're still too proud to yourself my dear daughter. Umpisa pa lang ito ng pagiging outcast mo." Mahinahon pa rin nitong saad, nakikinita ko sa imahinasyon ang ngiting tagumpay nito. No way! I won't give him a satisfaction of being a winner.
"So, i am an outcast now?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
I know he is joking, he's just playing a game with me. Ang sinasabi ng utak ko dahil ayaw kong tanggapin na handa akong itakwil nito kapag hindi ako pumayag sa gusto nitong mangyari.
"Exactly my dear. Goodbye." Huling sabi ni Daddy na tumatak sa isipan ko. Parang nakakaloko pa ang boses nito.
He wants war? I give him war!
Nanggagalaiti kong saad sa sarili.
"Bring me to my father now."
Determinado kong utos sa driver ko na agad namang napatango.
***