France✓
"She's a badass with a good heart, soft but strong, unapologetic and honest. "
☘️
Heather's POV
"Ma'am, ihahatid ko na kayo kung saan ninyo gustong pumunta." Nag-aalalang saad ng driver ko. Napatitig ako ng matagal sa mukha niya, matagal ko na siyang naging personal driver pero ngayon ko lang napansin na may hitsura pala ito, matangkad at may matitipunong pangangatawan. Bumabagay sa kanya ang suot na black suit at ni hindi ko man lang alam ang pangalan nito.
Humakbang ako patungo sa sasakyan. Mabilis naman itong sumunod sa akin para payungan ako. Inilabas ko ang shoulder bag at maliit kong luggage sa kotse. Nagtataka naman ito.
"Huwag mo na akong ihatid, baka matanggal ka pa sa trabaho mo kapag patuloy mo akong tinutulungan." Nanghihina kong sabi rito, nakaramdam ako ng awa sa kanya na baka ma-sesante ito dahil sa akin.
Pinapayungan niya pa rin ako kahit basang-basa na ito ng ulan, walang pakialam basta mapayungan lang ako. May kakaiba akong naramdaman dito, it warmth my heart knowing that he cared even in a simple way.
"Pero Ma'am..." he trailed off, nagdadalawang isip na sundin ang sinabi ko.
"And please don't call me Ma'am, i am not your boss anymore. Saka magpayong ka nga, basang-basa ka na. Kaya ko na ito, sa Hotel na lang muna ako mag-stay pansamantala." Kibit-balikat kong sabi.
"I'll get you a taxi then..." Saad nito. Ibinigay ang payong sa akin at nagtatakbo sa gilid ng daan kung saan may madaming dumadaang taxi, pumapara ito.
Nang makahanap na ito ng taxi ay tinulungan na akong makasakay.
"By the way, what's your name again?" Tanong ko rito ng makaupo na ako sa passengers seat ng taxi.
"Daniel." Tipid na sagot nito.
"Daniel..." Mahinang usal ko bago umandar ang taxi palayo .
Nasa reception na ako ng Hotel, sa isang 5 star Hotel muna ako mamamalagi habang inaayos ang sarili bago ako maghanap ng trabaho.
"Ma'am, i'm sorry pero naka-block po ang credit card n'yo." Sabi ng receptionist pagkatapos ma-swipe ang credit card ko para magbayad.
Inilabas ko pa ang dalawa kong credit cards at ang isang debit card. At laking dismaya ko ng malamang naka-block rin ang mga ito.
At hindi na ako nagtaka pa, of course gagawin ng ama ko ang lahat mahirapan lang ako!
Buti na lang may natira pa akong cash sa wallet, ibinayad ko iyon lahat.
Pagkarating sa room ay nahahapong napahiga ako sa kama, ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi man lang ako makaidlip kaya tumayo na lang ako at binuksan ang mini luggage, siguro naman pinadala sa akin ni Daddy ang mga jewelries ko, pwede ko 'yong maibenta.
Pero nang makita ko ang laman ng luggage ay gusto kong maiyak dahil sa inis. Dalawang pirasong white and black tshirt lang ang nandoon at isang pantalon, at iilang pirasong undies. 'Yon lang ang laman, walang labis at kulang.
F–ck! I'm gonna kill him! Frustrated kong usal sa sarili. Nasipa ko pa ang luggage. Ni wala akong suot na kwentas o hikaw man lang na pwedeng ibenta, may relo akong suot pero hindi ko ito ibebenta dahil ito na lang ang remembrance ni Mommy sa akin.
Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko hindi sana'y sinuot ko na lahat ng jewelries ko!
Ang suot kong red heels lang ang meron ako. At itong casual outfit na suot ko ngayon. It costs thousands, pero hindi ko naman p'weding ibenta ang damit ko kahit pa LV ang brand nito at Louboutin ang brand ng shoes ko.
Shit! I'm so frustrated!
Tinawagan ko ang mga kaibigan para makahingi ng tulong at makahanap ng work pero wala itong ginawa kundi tanggihan ako! Nakiusap na nga ako sa mga ito at ibinaba ko na ang pride ko. Natatakot daw ang mga ito baka madamay.
What the hell? F–ck them all!
Namalayan ko na lang ang sarili na nasa loob ng bar sa Hotel na tinutuluyan ko ngayon.
Panay ang hithit ko ng sigarilyo, nakaupo ako sa barstool, iniabot ng bartender ang s*x on the beach cocktail drink na in-order ko.
"Are you alone?" May biglang nagtanong sa likuran ko na agad ding naupo sa tabing upuan.
Bahagya ko lang itong sinulyapan at bumalik na ako ulit sa iniinom kong cocktail drink.
"Can't you see? Wala akong kasama." Mataray kong sagot dito. Guwapo ito pero mukha namang silahis, magaling akong kumilatis ng lalaki kaya nga hindi ako naloloko at nagpapaloko.
"I like you..." Nakangiting saad ng lalaki ni hindi man lang pinansin ang pagtataray ko.
"On what part of my body do you like?" Pa-sarkastiko kong tanong dito. Bigla itong napahalakhak ng tawa.
"That mouth of yours...i like it."
Sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. And then i smirked.
"Oh believe me baby you have no idea what my mouth can do..." I said flirticiously and licked my lips.
Muli itong napatawa sa tinuran ko.
"Sorry babe i'm not into girls."
"I know asshole." Pinandilatan ko ito ng mga mata saka inirapan. Tumawa lang ito tila hindi naaapektuhan sa pinapakita kong pag-uugali. Baka kailangan din nito ng makakausap.
"I'm France by the way." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Tiningnan ko lang ang kamay nito at ipinagpatuloy ang pag-inom ng cocktail drink. Napansin nitong wala akong balak na tanggapin ang inilahad nitong kamay sa akin kaya ibinaba na lang nito ang kamay.
"So rude." Komento nito, nag-order na rin ng drinks. Nagkibit-balikat lang ako.
"I'm not interested in you so bakit ako makikipagkilala?" Mataray kong sabi. Ngumit lang ito.
"Interesado ako sa'yo, you look like a supermodel. You know...a latina beauty." Casual na saad nito na ang atensyon ay nakatuon sa in-order na inumin.
Magaling din pala itong kumilala ng lahi. Yes, may lahi akong latina dahil ang aking ina ay isang latina beauty.
"May lahi akong latina." Tipid kong sabi rito.
"No wonder the way you talk, so bitchy and fiesty." Nakangiti nitong saad.
"I'm Heather." Pagpapakilala ko, napatango naman ito.
"What brings you here, Heather? You look frustrated."
I shrug my shoulder.
"Yes, i'm so frustrated because my Dad dump me and here i thought that all my friends are real but i got the fake one. I am jobless and a nobody..." Kibit-balikat kong saad dito. Epekto na siguro ito ng alak na ininom ko.
Bahagya itong tumawa.
"I can help you," he said and smirk at me.
"Are you an agent in a modelling company?"
"Maybe yes and maybe no."
Napakunot ang noo ko.
"You're an asshole, and for you to know i don't want to be a model so f–ck off!" Inis kong saad dito. Napapailing lang ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinakausap pa ako nito.
"I work in the Rampage Society, if you want i can help you na makapasok doon," wika nito.
Ito naman ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Pasadong-pasado ka sa criteria," sabi nito pagkatapos akong tingnan mula ulo hanggang paa.
Napatawa ako ng nakakaloko.
"I don't know what you're talking about. I don't even know what Rampage Society is...is that a Sorority group exclusive for girls?" Sarkastiko kong pahayag. Naglolokohan ba kami nito?
"It's an elite realm of multi-billionaire's hidden treasure." Seryoso nitong saad.
Sumeryoso rin ang mukha ko, na curious ako sa sinasabi nito. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang tinutukoy nito.
"So you're offering me a job to be a high class escort, i guess." Kibit-balikat na saad ko rito.
Umaliwalas ang mukha nito, parang nabunutan ng tinik sa sinabi ko.
"Tumpak babe! Nakuha mo ang punto ko!" Tili nito na lumitaw na ang tunay na katauhan.
"So, paano ako makakapasok d'yan? " I ask him in my most casual voice, madali lang naman akong kausap. No, desperada ka lang talaga Heather dahil walang-wala ka na! Sigaw ng inner self ko. Shut up b***h, bawi ko naman dito.
"There's a contract na kailangan mong pirmahan. I'll explain to you everything bukas pagkasundo ko sa'yo, once na tinanggap mo ang trabaho, sa Demoirtel ka na maninirahan kasama pa ang ibang angels." Excited nitong saad.
Paanong hindi mai-excite wala itong kahirap-hirap na kumbinsihin ako.
"What if i want to leave?" Tanong ko. Agad itong sumimangot.
"Hindi ka pa nga nagsisimula, leave na ang iniisip mo. My tatlong uri ang time span ng contract dear. Isang araw o kaya aabutin ng isang linggo. It's like escort for a guest. About sa 1 year contract mo na exclusive for VIP ranked angels lang ang puwede sa contract na 'yon. And lastly, unlimited contract, nakadepende sa terms ng big client mo."
Paliwanag nito sa akin. Mataman akong nakinig, mukhang nagdadalawang isip ako sa offer nito pero kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho ngayon.
"Ibibigay ko sa'yo ang contract bukas para mabasa mo rin ng maayos saka ka mag-decide." He said and smirk at me.
Napatango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pag-inom ng drinks ko, hindi ko napansin ang sigarilyo ko na nauupos na sa ash tray.
***