The Mad Heiress✓
"You're a diamond dear they can't break you.
?
Heather's POV
Paano ito nagawa ni Daddy? Paano ako nito nagawang palayasin sa sarili kong Condominium unit? I am his daughter for goodness' sake!
Palatak ko sa sarili habang nasa biyahe ako papunta kay Daddy.
Tinitikis ko na naman ang emosyong pilit na kumakawala sa sarili ko, this is not the time to be emotional!
Mabilis lang ang biyahe dahil hindi naman traffic palibhasa'y 12 midnight na kaya wala nang masyadong sasakyan.
Pagkaparada ng kotse sa entrance ng malaking gusali kung saan ako nanggaling kanina ay agad na akong bumaba sa sasakyan at deretsong pumasok, hindi na ako naharang ng mga guards.
Pati ang mga ito ay nagulat sa pagdating ko pero mas nagulat ako nang harangin ako ng mga guards na naka-duty ngayong gabi. Pati mga receptionist ay nilapitan ako.
Nagtinginan ang lahat sa akin, kahit ganitong oras ay madami rin palang tao sa lobby.
"What? Are you going to drag me outside?" Asik ko sa mga ito. s**t! Napipikon na talaga ako, idagdag pa ang pagod at stress na nararamdaman ko ngayon. And to think of it, may jetlag pa ako!
"Ma'am, sumusunod lang kami sa utos ng Chairman." One of the receptionist said pleadingly.
Tinaasan ko lamang ito ng kilay.
"I just want to talk to my father!" Mariin kong sabi.
"I think nagpapahinga na po siya Ma'am." Sagot ng isang receptionist.
"You know what, just let me pass! I want to talk to him now!" Bulyaw ko sa mga ito.
Nagulat pa ako nang magdatingan ang mga head securities sa iba't ibang department ng building na ito! Alam ko na mga head of securities sila base sa uniform na suot. Lihim akong napamura.
Mahilig akong magmura pero ngayong araw na ito ay napasobra yata!
"Miss Larkin, i'm sorry to tell you but the Chairman said you're not allowed to come here anymore. Please leave, we're just following orders." One of the Head Security said politely.
But i won't back out! Ano pa at dala-dala ko ang apelyidong Larkin! Ano pa at naging anak ako nito!
"Did you know who you're talking to?" Malumanay kong saad dito pero nagbabadya ang galit na kanina pa gustong kumawala. Napalunok naman ito.
"Did you know that i am the only heiress of this building? The only daughter of the Chairman? Damn you all! Anytime ay p'wede ko kayong patalsikin sa trabaho ninyo! "
Asik ko sa kanilang lahat. Hindi ko na napigilan ang galit, sabihan na akong rude o walang manners o pangit ang pag-uugali o kaya may attitude problem. Whatever! I don't care. Wala pang bumabangga sa akin lalo na kapag galit ako!
"Miss Larkin, please we don't want to defy your father's order." Halata sa boses nito ang takot at simpatya sa akin.
Napahalakhak ako ng malakas dahilan upang mapatingin sa akin ang lahat.
"All of you are puppets! Remember this day, kayong lahat! Oh wait, give me a minute para titigan kayo isa-isa, tatandaan ko ang mga pagmumukha ninyo dahil isa-isa ko kayong tatanggalin sa trabaho! What a pathetic useless puppets!"
Nanggagalaiti kong singhal sa mga ito. Napayuko naman ang mga ito at hindi ako matingnan ng deretso.
"Bakit ka nakatingin sa akin!" Singhal ko sa ilang mga receptionist na napatitig sa akin. Kung p'wede lang akong bumuga ng apoy ay malamang kanina pa tustado ang mga ito. Agad na nagyuko ng ulo ang lahat ng empleyado. Maliban sa pinaka head ng lahat ng securities.
"I will escort you outside Miss Larkin." He said politely. Napatingin ako rito, nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot at awa. Awa? Ang pinaka-hate ko na salita! Ang ayaw ko sa lahat ay iyong kina-kaawaan ako!
"No need, ayaw kong magkautang na loob sa'yo at baka iyon pa ang gawin mong dahilan para hindi kita matanggal sa serbisyo!" Mariin kong sabi."Babalikan ko kayong lahat..." Dagdag ko pa bago humakbang papalayo sa mga ito, palabas ng building.
Walang ingay na maririnig kundi ang tunog ng 4 inches heels ko na sa bawat hakbang ko ay tila musika sa pandinig ng lahat.
I was never humilliated in my life before! Ngayon lang, mabigat ang loob at nanghihina akong nakatayo sa labas ng mataas at matayog na gusaling ito! Tumingala ako.
Kitang-kita ko ang malaking pangalan na nakalagay sa harapan ng gusali.
Chad Stone Hotel
Ito lang naman ang isa sa pinakamalaking Hotels dito sa Pilipinas. Kompleto sa amenities at kung makakapasok ka sa loob ay para ka ng pumasok sa isang palasyo dahil sa grandeng interior designs nito.
Saka matagal na itong nakatayo, minana pa ito ni Daddy sa ina nito, Chad ang name ni Daddy at Stone ang apelyido ng ina nito sa pagkadalaga. Kaya hindi maikakaila na nabibilang sa larangan ng maykaya ang ama.
At may dalawa pang ipinatayong Hotels ang kanyang ama sa isang exclusive resort, hindi ko alam kung saan kasi wala naman akong interes dito.
"Chad Stone Hotel..." Mahina kong usal. Ang hotel na laging na pi-featured sa iilang magazines na balang araw ay mamanahin ko. Pero mukhang malabo ng mangyari.
Hinawakan ko ng mariin ang cellphone. Lahat ginawa ko na para lang mabigyan ng pansin ni Daddy pero tila bakal ang puso nito hindi man lang natitinag.
Ang atensyon na hinahanap ko rito ay tinapalan nito ng mga materyal na bagay at salapi na akin namang pinakinabangan ng husto.
Hindi nito maibigay ang atensyong gusto ko kaya winawaldas ko ang mga salapi nito sa mga bagay na walang katuturan, naging pasaway akong anak, sa mga panahong kailangan ko siya ay wala ito bagkus ay dumagdag pa ito sa dinadala kong suliranin! Why he is so heartless?
Habang tumatagal ay palalim nang palalim ang sugat na iniiwan nito sa puso ko.
Tinawagan ko ito sa cellphone. Anak niya pa rin ako, alam kong hindi niya matitiis na ganito ako dahil walang ama ang hindi naaawa sa anak.
Nakailang ring pero walang sumasagot.
"Please Dad, pick up the phone." Pakiusap ko. Lumalakas na ang hangin sa labas, nagbabadya na may ulan na paparating dahil nararamdaman ko ang mahinang pagpatak ng ambon.
Nabuhayan ako ng loob nang sagutin nito ang phone.
"Dad..." Mahina kong usal, gumaralgal ang boses ko dahil sa pagpipigil na hindi mapaiyak.
Shit naman! Ngayon pa ba ako bibigay? Ngayon ko pa ba ilalabas ang emosyon ko?
"Who's this?" Malamig ang boses na sagot ni Daddy.
"Dad..." Wala akong ibang salitang masambit.
"Don't call me, wala akong anak."
"Don't say that, i am still your only daughter." Nahihirapan kong saad. Babagsak na ang namumuong luha ko sa mga mata.
"Not anymore." Mariin nitong sagot sa akin sabay off ng linya nito.
Nanghina ako bigla. I can't believe this! My own father disowned me! This is painful, kahit pa sabihing hate na hate ko ang ama ay masakit pa rin sa pakiramdam na malamang tuluyan na akong itinakwil nito!
No...
No way...
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nakatayo lang ako sa harapan ng marangya at matayog na gusaling tinitingala ng lahat.
Pigil ang emosyong nakatingala ako sa Chad Stone Hotel habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang mas malala pa sa persona non grata ang ginawa nito sakin!
Napatingin ako sa taong nagpayong sa akin. Mahigpit nitong hawak ang dulo ng payong na nakatapat lang sa akin, wala itong pakialam kahit basa na ito sa ulan.
Mariin akong tinitigan nito, nakikisimpatya ang emosyong nakikita ko sa mga mata nito, somehow i wanted to cry on his broad shoulder, but i stand still.
Habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko ay napahalakhak ako. Because i can't believe it na ang sariling ama lang pala ang katapat ko.
***