CHAPTER 4

2086 Words
CL POV " i bet gusto na namang makipagbalikan ng kumag na yun no? " ...wika agad ni Aya ng makita namin muli sa canteen si Kyle kasama ang grupo niya sa basketball and of course yung bago niyang girlfriend. " and he says sorry again right?"...segundang wika naman ni JM sakin, kabisado na kase nila tong Kyle sa tagal ba naman naming magka relasyon at ilang beses ng paghingi ng tawad at on and off relationship with him sino ba namang hindi makakakilala sa kanya. " kapal din naman talaga ng apog ng kumag na yan e no? Look at him!"...wika ni Aya sabay nguso at turo sa kinaroroonan ni kyle sa canteen.. " alam mo CL mabuti na lang at nagising ka na sa katotohanan grabe akala ko papauto ka na naman dyan sa taong yan e. Kapal din ng mukha, hihingi sayo ng tawad at makikipag balikan tapos makikita mo ganyan ang ginagawa dito sa public place masyadong PDA nakakasuka." ...asar na wika ni JM " let them be guys, they know were here and besides i know he was doing that to make me jealous lol, pero hindi niya alam mas lalo lang akong nagsisisi kung bakit koba sinagot dati ang mokong na yan. Akala niya siguro ako naman ang lalapit sa kanya at makikipag balikan. Hello! " " malamang ganyan nga iniisip niya, yes I admit gwapo talaga siya pero diyos ko naman no ang naman ang mapapala mo sa gandang lalaki lang at nakaasa ng nakaasa sa yaman ng pamilya mo. E mas gwapo pa dyan yung groom mo e!.."..banat na wika ni JM na siyang pinalaki ng mata ko at sabay pa kaming tumingin ni Aya kay JM.. " woahhhhhh! Wala ata akong alam dyan a, wait , wait anonl tong groom thing nato. Kayo ba may sekretong dalawa at wala kayong sinasabi sakin hmmm"...taas kilay na wika ni Aya.. Bigla tuloy akong kinabahan at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pasaway kase tong si JM kahit alam kong ako at ang lalaki lang na yun ang nakakaalam, kung bakit naman kaseparang kinabahan ako bigla sa sinabi niyang yun. " ano ka ba, nakalimutan mo na yung kuwento ko sayo kung bakit dimo kami makita ni CL that night sa party ng papa mo? Yung umuwi ako mag isa instead na mag sleepover kami sa hotel?.." wika ni JM na para bang any moment bibitayin na ako. " yes, what about it?...wika ni aya. " kase tong si CL inom ng inom di naman pala kaya yung mga alak dun, tapos ayun pumunta dun sa tumpukan sa mga lalaking kaibigan ng papa mo sa negosyo naalala mo yung mga bachelors?" Wika ni JM at tumango naman si aya. " sila lang naman ang pinuntahan ng magaling na babaeng to. At yun eksakto may game sila at dahil nag prisinta ang babaeng to ayun siya na ang kinuha." " hoy loka hindi kaya ako nag prisinta, masyado lang akong napalapit sa kanila kaya ako na tinanong nila about it kung game ako."..pagtatamang wika ko sa kuwento ni JM "Ganun na din yun no! Eto na nga may game sila, kasalkasalan. Ginu good time nila yung boss nga nila tapos ayun si groom sobrang gwapo talaga kahit alam mong laro lang yun, talagang game yung lalaki. Gwapo siya at may trabaho pa" " sino dun? Kunsabagay halos lahat ng pinakikilala that night mga walang tulak kabigin e. Ano ba name niya para ma check natin profile sa fb."..wika ni Aya, at nagkibit balikat lang ako gawa ng wala talaga akong alam kung sino siya "Grabe si CL that night ang daldal, akala mo tuloy shutgun wedding e. Dahil nagmamadali siya na matapos na yung kasal hahaha" " masakit kc ang ulo ko kase nun, saka sabi kase nila saglit lang naman kaya pumayag ako. Kaya nagmamadali nako na matapos na." " kaya pala diko kayo mahanap tapos tawag ako ng tawag sa inyo. Si CL lang nag sumagot tapos ikaw JM dika na nagreply bruha ka usapan natin sa hotel tayo mag stay ng buong gabi tapos nawala a kayo." " hinanap ko kaya kayo nun kaso diko na kayo makita at medyo hilo nako nun e, yung driver ko na lang ang naghatid sakin sa bahay ewan ko ba kung bakit ako nagpahatid sa bahay nun, alam kong naka check in tayo that night diba, hilo na din kase ako at tinawagan ko yung driver ko at diretso sa bahay hahah " " kita mo ikaw din pala nang iwan sa amin kung sakali. Ako kase tinawagan ni mommy at walang kasama yung kapatid ko sa bahay day off ng mga maids at dipa nabalik sa bahay. May emergency sa hospital kaya ayun balik si mommy sa hospital ulit. Diko na makita si CL nang bumalik ako sa lugar kung saan ko siya iniwan. Lobat na phone ko din. Kaya sabiko pag uwi ko sa bahay na lang ko kayo tatawagan. Kaso sobrang kulit ng kapatid ko kaya nawala na rin sa isip ko na tawagan kayo. " umuwi nako ng diko kayo makita sakit na ng ulo ko kaya nun kaya umuwi nako" ..wika ko ng hindi tumitingin sa mga mata nila natatakot akong malaman nila na nagsisinungaling ako, halata kase sa mata ko pag ako nagsisinungaling, at kung bakit ba naman dun pa nadako ang paningin ko kila Kyle na sakto namang nagsusubuan pa. At mukang nahalata ata nung girl na may nakatingin sa kanila kaya tumingin din sakin at ngumiti, ang weird diko alam kung yung ngiti niya na nagsasabing inggit kano or selos kano.. Napa kunot noo na lang ako sa isiping yun. At mukhang napansin ata ng dalawa kong kaibigan kung saan ako nakatingin. " yaah! Wagmong sabihing nagseselos ka? " wika ni Aya " excuse me, hindi no! Nandidiri ako kaya ako napatingin sa kanila hahaha"...at nakitawa na lang din ang dalawa kong kaibigan dahil alam nila na matagal nakong move on kay kyle. And besides i need to focus on my studies lalo na ngayon graduating na ko. Mag start na kaming mag intern next sem, buong semester pa naman ang training namin kaya kailangan ko ng makahanap ng company na puwede naming pagpilian. Sana lang hindi ko makasama yang jowa ni Kyle sa company na ma aasign sa amin. " alam mo mukhang papainggit lang yang mga yan e. Akala mo naman kainggit inggit sila grabe si Jenna no natupad na ang isang wish niya. Nang ma reject sa cheersquad ayun nagtagumpay naman kay Kyle, pero in fairness ha bagay sila mga sis isang maniac at isang nagpapa maniac hahah"...natawa nalang kami ni Aya kay JM mabuti na lang at walang masyadong students dito sa canteen today dahil alanganing oras for lunch. " hay nako ikuwento mo na lang sakin ang issue sa groom ni CL for just a night. Sayang di niyo nakuha name niya para ma check natin baka walang jowa yun." Sabay kindat na wikani aya at bigla na naman akong kinabahan mabuti na lang at di matandaan ni JM name nung stranger na yun. Alam ko na baka mamaya yung Xyriel na sinabi niya na name niya ay di pala totoo. " imposibleng walang jowa yun sis, sa tanda niya nang yun saka guwapo din siya. Pero alam niyo naman yung mas gusto ko at naatract ako diba."..wika ko sa kanila para lang malihis ang usapan sa lalaking yun. Ito naman kaseng si JM nabanggit banggit pa. " hahah kaya nga sabi ko that night naku patay hindi pa naman type ni CL mga ganung looks para siyang fil am. Napakalaki ng katawan at tangkad pa. Mataas pa kay CL e" " konti lang. Parang mga 5'9 or 6 footer siya." " talaga? Wow e di maganda kase si Kyle halos magkasing taas lang kayo diba CL? Nagtataka nga ako kung bakit naging team captain ang height na yun ni Kyle e." " oo 1 inch lang ata ang taas ko kay Kyle." Wika ko sabay kain at iniwasan ko na ang pagtingin kila Kyle dahil baka akalaing naiinggit nga ako sa kanila. " alam moba kung gaano ka comediante yang si CL that night grabe! Dimo aakalaing may pagka agressive pala tong friend natin"...wika ni JM na siyang kinasamid ko " hoy grabe ka ha! Anong aggressive ka diyan.." wika ko pero talagang kabado na din ako nun, kase baka mamaya may nakakita sa akin paglabas ng room ng lalaking yun sa hotel kung saan naka check in din kaming magkakaibigan that night. " talaga?hahaha anong nangyari ba?.." tawang wika naman ni Aya na mukhang interesado talaga sa nangyari ng araw na yun. " kase tong Si CL ng magsabi na ng you may kiss the bride, si groom ayun alanganin kung hahalikan siya or hindi tapos hinalikan siya sa noo lang tapos ang magbabarkada mukhang hindi kontento sa noo lang yung kiss kaya todo asaran sila at mukhang pinagkakaisahan talaga si groom tapos tong si CL akala ko anong gagawin kase nakahawak sa sintido niya, akala ko.sisigaw na hahaha kase knowing her ayaw ng maingay diba. Biglan ba namang nagsalita," aishhh kiss na daw o, tapos siya na mismoang humalik dun sa groom hahahaha"...wika ni JM na siyang kinagulat ko at tawa sila ng tawa, ako naman nanlaki ang mata ko at pilit kong iniisip kung nagawa koba talaga yunor sadyang ginu good time lang ako JM para mahuli ako sa totoong nangyari sakin that day. " Hoy JM a! Wag ka gumawa ng story a" "Hoy sis,kilala moko hindi ako marunong mag joke haha dahil talagang nangyari yun no! .. " wala naman akong maalalang ginawa yun e. Pasaway to" " hala! Sabi kona nga e. Makakalimutan mo yun e." "Waaaaaa.......! Hindi nga sis talagang ako gumawa ng first move!!!!.... (O O)........." " oo nga ! Ang kulit din e, ganito kasi yun....... FLASHBACK....... " ano ba magtitinginan na lang ba tayo dito , kiss na daw" ...... Sabay kawit ng dalawang kamay ni CL sa Leeg ni Xyriel .......at halik agad agad sa nabiglang lalaki...... " yun o.....pwiwittttttt........." sabay sabay hiyawan ng mga tao dun at palakpakan....Panay din ang sigawan Ng congratulations Mr. And Mrs. Montefalcon.!,........ " O pano guys let's party na celebrate natin ang pagiging mag asawa ng dalawang to....." Sigaw ni JM... " wala akong regalo sa inyo guys kasi naman biglaan ang kasal inyo, Pero I can give you an special song just for the two of you..." sabi ni JM.. " JM are you sure you can sing pa sa lagay na yan". Baka naman habang kumakanta ka Bigla ka na lang bumagsak diyan sis ha....." Pero sa totoo lang napakaganda talaga ng boses nyan ni JM yan ang talent nya sya ang pambato sa school Namin nun mag mula pa daw nang kinder siya sabi ng mommy niya kumakanta na yan......Ayaw nya lang talaga sumali sa mga singing contest libangan lang talaga at hilig Ang pag kanta............ " Good evening or morning everyone , My name is JM , I would like To dedicate this song to the newly wedded couple Mr. And Mrs. Montefalcon ......" "Congratulation sis this song is for the two of you........" It's always been a mystery to me.... How two hearts can come together .... And love can last forever... But now that I have found you I believe..... That a miracle has come.... When god sends the perfect one..... Now gone are all my questions About why?..... And I've never been so sure anything in my life....... I wonder what god was thinking..... When she created you..... I wonder if he knew everything...I would need Because he made all my dreams come true.... When god made you he must bee thinking About me....... END OF FLASHBACK.... " O ano ?naalala mona? Diba kumanta pako after niyong mag kiss tapos nagsayaw pa kaya kayo nun, kaya lalong nag asaran mga kaibigan niya e." " wow talaga? Ang sweet niyo naman sayang diko man lang na witness ang kasal mo sis, kakaasar ka hindi moko ininvite" ..wika ni Aya sabay nguso na akala mo nagtatampo talaga. " baliw" wika ko sabay tawanan na lang kami. At marahil napalakas ata ang tawanan nàmin dahil biglang lumapit ang isang professor at sinabihan kaming hinaan ang boses namin. Pagtingin nga namin sa amin nakatingin ang halos lahat ng istudyante that time. Pati na rin sila Kyle na marahil ay nag iisip ng di maganda sa pinag uusapan namin dahil naka kunot ang noo nung Jowa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD