CL POV
Natatakot akong malaman ni Aya kung ano talaga yung nangyari ng gabing yun, alam kong mga bestfriend ko sila at alam kong kaya nilang isekreto ang bagay na yun sa family ko. Its just that para lang akong nahihiya na diko mawari , ewan ko ba, basta gusto ko lang siya sarilinin kase may mga bagay din talaga na dapat lihim lang kahit sa friends mo. Sakin kase parang sobrang private nun, and besides gusto ko na siyang kalimutan. Naiinis ako sa sarili ko, para kaseng once na malaman nila ay iba na yung iisipin nila para bang nakakababa ng krebilidad ba once na malaman nila na kaya ko palang maging ganun, alam mo yun. Isang bagay na di ko kayang ibigay sa boyfriend mo pero kaya mong ibigay sa isang estranghero sa loob lang ng ilang oras niyong pagkikita.
Kung bakit sumama pa ako ng araw na yun e.
Saka kasi Baka kilala ni Aya yung mga taong yun Dahil mga ka business associate yun ng daddy nya. And knowing Aya, ayaw nun na naaargabyado ako kaya malamang pipilitin niya ang daddy niya tanungin about dun sa guy at who knows baka puntahan pa nito. At ang mangyayari malalaman na ni daddy ang lahat aishhhh...
Ayoko nang isipin pa ang bagay na yun talaga. As much as possible ayoko na sanang magkasalubong pa ang landas namin.
Siguradong malabo na din naman talaga kami magkita dahil balita ko sa abroad ang base ng business nun. Nabanggit sakin ni Aya na halos lahat ng bachelors na bisita ay taga ibang bansa.
" siya nga pala sis mamaya na yung audition para sa new comer ng cheering squad ha..Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo naalala mo yung girl na naka tapon sayo ng coffee Sa Starbucks last week! Girl, dito rin pala enrolled yung girl na yun, at transferee pala sya sophomore marketing Student.... At balita ko isa sya sa magaling na cheering squad sa university nila, and take note sa Scotland Sya galing at dami agad suitors ha one month pa lang sikat na agad ha.....
" oo pala. tinawagan nga pala ako ni Mrs. Ayuki about that nawala lang sa isip kong sabihin sayo .....Ano nga pala name nun? ok lang kung magaling sya pero need pa rin nya dumaan sa audition Para fair sa lahat. Kahit gano pa siya magaling, basta huwag lang siyang maging sakit sa ulo ko kung sakali".
Nawala sa isip ko na ngayon nga pala ang audition at bilang leader ng cheering squad nasa akin ang pinaka desisyon kung sino sino ang makakapasok sa grupo. Kaya kadalasan napaka rami kong bashers dito sa school dahil diyan. Mabuti na lang last natong taon na to at ayoko na talagang maging leader.
At mukhang may papalit na sa akin talaga kung magaling siya sa bansa nila. pero mukhang ngayon pa lang ata ay sasakit na ang ulo ko sa mga baguhan lalo pat mukhang gumagawa na ng eksena ang bagong transferee.
Ang sakit talaga ng ulo kahapon pa. Siguro dahil wala pa ķong menstruation. Ang hirap kase kapag ganitong di normal ang menstrual cycle ko kaasar. Dagdagan pa ng mga bagong recruit sa cheer squad. Bahala na nga muna si Aya sa kanila at si Mrs. Ayuki kailangan kong pumunta sa office para ma check kung saang company ako maa assign....
..........................................................................
AYA's POV
Buti naman naka uwi ng maayos tong dalawang to nag alala ako sa kanila ng araw na yun e. Nalasing din ako gawa ng sibrang tapang pala ng alak na sinerve sa kanila. Kata pala ilang beses akong sinabihan ni papa na huwag na huwag kaming iinom ng alak na sineserve ng mga waiters ay yung nasa table lang ang kuhanin namin.
pinakilala pa kasi ako ni papa sa mga Kaibigan nya kaya naiwan ko yung dalawa dun sa mesa. Diko na tuloy na samahan yung dalawa pag balik ko si JM na lang nagsasayaw dun at mukhang lasing na lasing na ang bruha... Di rin daw nya alam kung san na napunta Si CL, bigla daw nawala na lang at ang gulo ka sama daw ang asawa nya...loka loka talaga tong Babae nato....
Yun pala ang story na sinasabi niya ng tawagan ko sila kinabukasan nawala na din sa isip ko kasi kausapin sila tungkol sa bagay na yun nun. Nagpunta kase ng province si CL the following day nag stay in siya dun ng two weeks wala pang signal dun kaya diko na natawagan.
Si JM naman naging busy sa pagbabantay ng store nila sa greenhills. May shop kase sila dun puro medical equipments at dahil nga doktor ang both parents niya kaya pati negosyo nila related na rin sa job nila.
Si CL naman halos the same sa amin parehas business man ang father namin. Magkaiba nga lang. May hotel at condotel na pag aari ang pamilya ni CL pati sa ibang bansa meron na din sila at nag mommy naman niya sa may restaurant kaya napaka sarap ng pagkain nila lagi. Personal kase na nagluluto ang mommy ni CL pag kumpleto sila sa bahay.
Masarap magluto ang mommy ni CL kaya ilang branch na din ang pag aari ng mommy niya. Nag start sila sa province lang nun hanggang sa nagkaroon na din ng ilang brances sa ibat ibang lugar sa manila at provinces.
Natatawa lang ako sa mga kuwento ni JM about kay CL ng gabing yun. Pero tama sila kahit bachelors pa ang mga lalaking nakilala namin ng gabing yun, sabi nga ni papa hindi nababakante ang bawat gabi ng mga yun dahil may mga jowa yun, at bukod pa sa jowa madaming babae ang mga umaaligid aligid sa kanila.
Pero kakatuwa din sila kase napaka game nila during that night.
Mabuti naman at maagang pumasok tong babaeng to umuwi kase sa kanila kahapon at dina bumalik sa dorm, tawag ako ng tawag hindi man lang nag rereply
Pasaway na nilalang to talaga.
naramdaman kong parang nagsisinungaling tong babaeng to e...sa tagal na naming Magkakaibigan alam ko na kung nag sasabhin to ng totoo o hindi e......I know there's something bothering her..."....and knowing CL Never pa tong nagsinungaling sa amin. Pero pinabayaan ko na lang siya dahil mas gusto ko yung kusa siyang magsasabi sa amin, bilang respeto na din sa kanya. Baka mamaya family problem pala hayaan ko na lang muna siya baka masyado ngang personal.
" siya nga pala naalala mo yung girl na bastos na walang ka manners manners sa katawan Ay school mate pala natin at sophomore marketing students"!!!!!!!!!!!! ( + +)...wika ni JM pagkarating na pagkadating pa lang
"Siya si Kesha alona Marie Schuck....19 years old halos kasing age mo lang pala ang babaeng yun CL. sophomore students, classmate niya yung kapatid ni Kyle."
Naalala ko na ang babaeng yun Keisha pala name niya so siya nga yung pinag uusapan ng mga classmate ko sa PE class namin. simula palang ng nakita namin sa Starbucks, iba na ang dating lalo na kung makatingin Parang ang laki ng inggit sa amin at parang kilalang kilala na kami nung babaeng yun. Lalo na ka CL, pansin agad namin yung pagtingin at pag subaybay niya sa bawat galaw ni CL.
Kaya ng pag daan nya sa Amin kunwari na patid sya at natapunan yung damit Ni CL , buti na lng hindi na gano ng mainit yung kape kung hindi Naku nakatikim na sya Amin, masyado lng mabait tong si CL e sa lahat e. At dahil new comer siya dito sa school pinabayan lang siya ni CL tutal di naman daw sadya. Nagpalit na lang ng damit si CL. Kung sakin lang yun malamang kalbo na siya agad. Wala kasing pakialam tong si CL kung sino ang inggit at asar sa kanya. Ang panuntunan kase niya sa buhay wala siyang pakialam sa mga taong yun wala lang daw magawa ang mga taong yun. Ano daw ba ang ikaiinggitan sa kanya, wala naman daw mga wala lang daw magawa yung mga yun.
Pero wag ka kapag nagalit at naubos ang pasensiya niyan patay ka hanggat nakikita ka niya hindi ka tatantanan ng bunganga niyan. And worst gaganti at gaganto sayo yan ng pasimple. Sabi nga nila mas matindi magalit ang taong mabait.
And knowing her sa umpisa lang nagtitimpi at pagbibigyan ka niyan pero pa umulit ka ng kasalanan sa kanya patay ka..Ika nga nila one is enough two is much...kaya magtago ka na dahil kung anong Katarantaduhan ang ginawa mo sa kanya ibabalik nya sayo ng twice....HAHAHAHA...."... (* - *)...
" so siya yung girl na nakatapon sa damit ko?"
" yes! siya nga, kaya alam kong sinadya niya yun talaga. Sigurado akong nag research na yun about us. Knowing na sikat pala siya sa campus niya before and isa siyang cheersquad dun, malamang she wants your position sis"
" ngek, kanya na lang, as if naman ginusto ko maging leader talaga, sabi ko nga nun si Aya na lang sana e. Hirap kaya maging leader halos wala nakong time sa academics ko lalo na kapag malapit na ang school Olympics. Grabe talagang puyatan tapos pasaway pa mga ka grupo mo daming mga dahilan kesyo may exam kesyo may sakit. Diyos ko sila lang ba nag aaral? At nagkakasakit? Ako nga nilalagnat nako pumapasok pa din ako dahil malapit na ang laban. Sila kaya ayun makikita mo nakikipag chikahan at date sa boyfriend nila"..
" korek ka diyan sis, tapos ngayon magkakarin na naman tayo ng bagong recruits para sa mga batch na gagagraduate na. Mas matindi pa training ngayon gawa ng kailangan nating pumili ng bagong leader, though magkakaroon ng botohan pero kailangan pa din nating itrain sila lahat para fair ang laban sa lahat."
" ay naku mabuti na lang at diko pinangarap ang sumali sa squad niyo. Tong taba kong to malamang ako magiging puno na gagawing tapakan ng mga babaeng yan.."
" hahaha ano ka ba natural lang yun gawa ng siyempre we need a sturdy foundation para sa pag akyat ng leader sa finale moments ng squad."
" o siya siya halika na girls at kailangan na nating pumunta sa gym malamang gigil na gigil na naman si Mrs. Ayuki."
....................
Xyriel POV
Salamat naayos ko na rin yung di pagkaka unawaan ng dalawang company.....mahigit isang buwan din bago ko nakumbinsi ang Dilan company about the mess that my employee did. Kahit kailan talaga hindi makaintindi ang mga empleyado ko na maging mahinahon at kapag hindi na nila kaya saka sila tumawag sa mas mataas sa kanila para sila ang humarap sa tao.
back to work ulit ako pinas. At kailangan ko ng bumalik dun sa laling madaling panahon dahil may mga papers na nakabinbin din na kailangan kong basahin muna at pirmahan.
sakit ng ulo ko....Dagdag pa sa iniisip ko tong sina mama' t papa masyado akong pine pressure Sa pag aasawa, bakit Kaya hindi na lang si ate Nadine ang pursigihin nila mas matanda Kaya sakin yun... I black mail ba naman ako itong tanda ko nang to....
FLASHBACK.....
" hoy bata ka hindi ka na bumabata Baka akala mo! Sayang ang kaguwapuhan mo kung di man lang dadami...!Kung hindi ka pa mag aasawa within 3 months time, ay ipakakasal kita sa anak ng kumpadre ko!...Aba! Aba! Baka akala mo humihina na rin kami gusto na namin makita at makalaro Pa ang aming mga apo bago kami mamatay......"
"Pa bakit hindi si ate Nadine ang pilitin mong mag asawa na hindi yung puro pag mo model at kung sino sino ng guy
Ang ka sama nya....saka isa pa mas matanda siya sakin no....."
" anak.....ang ate mo kapag nag asawa at nagka anak hindi apelyido niya Ang ginagamit kundi apelyido nung asawa nya gets mo ba....kung sayo siyempre Dadami at ha haba pa ang lahi natin.....
" pa ganun din yun, saka surname lang pala pinoproblema niyo. De wag ipagamit ang surname ng magiging asawa ni ate, gamitin na lang yung apelyido mo"..
" sira ulo ka ding bata ka e. Pipilosopohin mopa ako. Basta ill give you 3 months to settle down with your girlfriend! Im sure naman handa na yang girlfriend mo na magpakasal sayo, its been 2 years already since the last time na I turn down ang pag alok mo ng kasal sa kanya
" dad, hayaan niyo na si Hanna and besides wala na kaming kontak sa ngayon ni hindi na siya nagtetext or reply sa mga messages ko. And besides dad sobrang busy din ako hindi ko maaasikaso yan ngayon lalo pat may bago akong branch na kakaopen lang i need to focus on that first."
" hindi ka na bumabata anak at kami ng mama mo may nararamdaman na din, gusto muna naming makita ang magiging apo namin sa inyo magkapatid."
" dont worry dad, when Hanna comes and she accept my offer ipapaalam ko agad sa inyo..."
END OF FLASHBACK......
Ang parents ko talaga masyado akong pinupush sa pag aasawa. Im only 35 yung iba nga diyan 42 na wala pang asawa. Since na tinurn down ni Hanna ang proposal ko hindi ko na siya mulìng kinulit about it. Im only 26 or 28 ata nun ng yayain ko siyang magpakasal na bago siya lumipad patungong Australia.
Hanna was a commercial model ng makilala ko, isa siya sa mga model ng company ko ng makilala ko siya. I was only 22 ng ipahawak na sakin ni daddy ang company. Dahil matanda na daw siya and he needs to give attention to my mom whose a cancer patient survivor.
After id graduate ako na humawak ng company at isa si Hanna sa model ng company she was 24 that time a two year older than me. She was so simple kaya siya ang napili ng mga advertiser employee ko. And besides maganda talaga ang feedback niya sa tao. She came from poor family kaya naintindihan ko yung pangarap niya for her family bago mag settle down. Napahanga niya ko sa sinabi niyang ayaw niyang umasa sakin lang ang siya nag bread winner ng family niya at maraming opportunity so far kaya need niyang grab yun, dahil ang tagal niyang nag antay sa moment na yun.
Id give her space and yearly nauwi naman siya at sà loob ng bakasyon niya for 3 weeks sa condo ko siya umuuwi. Para na din kaming mag asawa dahil masyadong open kay Hanna ang lahat. Kasal na lang talaga ang kulang sa amin. And lately nga nitong huli niyanģ pag uwi. Hindi na siya tumatawag or text man lang.
Its been 2 years already since the last time we met and text to me. The last time id call her nagmamadali pa siya and she said she will try to call back later dahil nasa pageant siya, and after that nga wala nakong balita sa kanya, naging busy na din ako dahil gumanda ang takbo mg business ko at naka focus na din ako. Unlike nung nandito siya madalas akong di pumapasok sa opisina dahil mas priority ko siya kaya nagtataka akong ni text hindi niya magawa man lang kung talagang na mimiss niya ako.
Huling balita ko nasa Germany siya with a new guy, kilala ang lalaki ding yun sa bansang germany. May kakilala akong nakakita sa kanya at nakapanood sa isang fashion nila sa Taiwan before. And he took photo of her with that boy. She looks happy and contented. Sabi rin naman ng family niya ng tumawag ako hindi rin daw natawag yung ate nila sa kanila pero regular naman daw ang suporta sa kanila nito. Which is im thankful dahil
At least hindi niya nakakalimutan yung obligasyon niya with her family.
Kung saan siya masaya doon ako, support na lang ako sa gusto niya.
"Jenny, May appointment meeting ba ko ng 2:00?....
"Ahmmmm! Sir meron po yung friend nyo yung Judge po nag pa schedule sya sakin At urgent daw po kailangan nya kayong maka usap, ASAP !!!!!!..."
"Ok sige salamat, tatawagan ko na lang siya."
"O pare mabuti naman naka uwi ka na pasensya ka na pare unahan na kita Sorry! Sorry talaga pare...."
" Bakit ano bang ginawa mo at nagsosorry ka! Grabe ka pare kinakabahan tuloy ako sayo e....."
" Pare wag' kang mabibigla ha, pare yung kasal mo yung kasal mo dun sa party naalala mopa ?....Pare totoo e......"
" Ayusin mo nga yang pinagsasabi mo anong totoo?
" Pare hindi ko namn sinasadya nawala din sa isip ko na iremind sa secretary ko yung marriage contract niyo. pare di daw niya alam na nasama pala dun sa mga papers na papadala niya sa census para sa registration. At naisama nya dun sa folder yung marriage contract niyo.
Naiparehistro na sa PSA pare..at ayun nga pare na registered yung kasal mo! (+_+)........
" WHATTTTTTT!!!????????????